ARALIN 6IBA PANG KAHARIAN SA APRIKA Mula noong 300-1500 AD, marami pang kaharian ang umusbong sa Sub-saharan Africa. Ilan dito ay ang Ghana, Mali at Songhaina naitayo sa mga Savanna sarehiyon ng kanlurang Aprika. Dahilan sa kanilang pakikipag-ugnayan hilagang Aprika atsa gitnang Silangan, silang lahat ay naimpluwensyahan ng Islam. Lahat din sila ayyumaman dahil kontrolado nila ang mga mahahalagang daanan ng kalakalan mulahilagang aprika hanggang kanlurang Aprika. Dahil nakapagitna sila sa kalakalang ito.Kinilala sila bilang mga Gitnang Kaharian. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maipapaliwanag kung bakit tinawag na Gitnang Kaharian ang Ghana, Mali at Songhai; 2. Mailalarawan kung paano naimpluwensyahan ng Islam ang pag-unlad ng sibilisasyon ng Africa; at 3. Masusuri ang mga kaganapan na nagbigay daan sa paglago at pagyaman ng mga lunsod-estado sa Silangang Aprika.Gawain 1: Pag-isipan Mo!Masdan ang mapa ng Aprika. Hanapin dito ang mga lugar na ito:-Ghana -Nigeria -Morocco-Mali -Senegal - Timbuktu 28
Ghana Ang Ghana ang pinakauna sa tatlong kaharian. Ito ay naitatag noong 300 AD. Ito aynasa pagitan ng ilog ng Niger at Senegal. Ang mga sinaunang Ghanarian ay mgamagsasaka, mangingisda, gumagawa ng metal at mga tela. Di nagtagal, nangalakal narin sila dahilan sa, ang timog ng kaharian ay mayaman sa ginto. Nagbenta ang mganegosyanteng Ghanarian ng mga mamahaling metal sa dulo ng Sahara kung saan silaay sinasalubong ng mga negosyanteng Arabo na nagbuhat pa sa Hilagang Aprika.Ipinapalit nila ang kanilang mga ginto na asin, pinatuyong mga prutas at iba pang mgakagamitan. 29
a. Mga Hari Ang pangalan ng Ghana ay nagbuhat sa katawagan nila sa kanilang hari opinuno, ang Ghana.Lalaki lamang ang maaaring maging Hari. Maipapamana din angtrono ng namatay na hari sa anak na lalaki ang kanyang pinakamatandang kapatid nababae. Bago nila tinanggap ang Islam, sila ay naniniwala na sila ay banal. Ang mga haridin ay ganap na makapangyarihan. Napakayaman ng kahariang ito. Pinangangalagaan ng husto ng mga hari angkayamanan ng kaharian. Binubuwisan nila ang kalakalan ng ginto at asin. Lahat ngginto na makikitya sa kaharian ay kanila din inaari. Upang mapanatili ang mataas napresyo ng ginto. Unti-unti lamang nila itong ibinibenta sa mga pamilihan. Lubos naipinagmamalaki ng mga Hari ang kanilang yaman. Araw-araw ay may mgamagagarbong pagdiriwang kung saan malaya ang mga tao/mamamayang na dumalo.b. Pagbagsak ng Imperyo Narating ng Ghana ang tugatog ng kanyang kaharian noong AD 800 hanggang900, ang imperyo ay lumawak na at nakaabot sa Karagatan Atlantiko at ilog Niger.Naging napakalakas ng impluwensya ng mga Arabo kung kaya’t inakap na nila angIsalam. Sa kauna-unahang pagkakataon nagkaroondin sila ng pakikipag-ugnayan samga kristyano. Ilang mga Europeano ang bumili ng ginto upang gawing barya angsinalubong ng nga mabuti ng mga kinatawang Ghanarian. Ngunit hindi naging sapat ang mga ginto upang sagipin ang humihinang Imperyo.Noong CE 1000, isang pangkat ng mga tao mula sa Hilagang Aprika, ang mga Berber,ang lumusob sa Ghana na nagpahina sa kanilang ekonomiya. Naging suliranin din angkawalan ng tag-ulan na nakaapekto ng lubos sa produksyon ng pagkain. Nagingdahilan ito ng paglikas sa ibang lugar ng maraming Ghanarian. Pagsapit ng AD 1200,ang dating pinakamakapangyarihang kaharian ay tuluyan ng nawala at naging mgamaliliit na malayang estado 30
Mali Isa sa maliit na estado ay pinamunuan ng mga Mandingo. Matapos nilangtalunin ang kanilang mga kalaban noong CE, nilusob at inangkin nila ang mga teritoryosa kanilang paligid. Matapos nila iton gawin ang estado nila ang naging pinakamalakassa kanlurang Aprika at kinilala nila itong Mali o kung saan nakatira ang hari, Angkanilang teritoryo ay umabot mula karagatang Atlantiko hanggang sa lupain na Nigeriana ngayon. Nagkaroon ng kapayapaan at kapayapaan at kasaganaan sa Mali hanggang AD1300. Naging malawakan ang kalakalan ng ginto, bakal, palay, yam mga iba’t ibangbutil, mga inukit ng pigurin sa kahoy mga tela at iba. Yumaman ang namumuno dahilbinuhusan nila lahat ng mga kalakal na lalabas at papasok sa kanilang teritoryo. Sa lahat ng namumuno dito sa Mansa Musa ang kinilala maging sa Africa. Asyaat Europa dahilan sa kanyang kayamanan. Sa panahon niya (AD 1327-1337) nagingkabisera ang Timbuktu at ginawa itong sentro ng sining at pag-aaral ng mga muslim.Nagsagawa si Mansa Musa ng banal na paglalakbay sa Mecca noong AD 1324. Ayonsa mga tula, isinama niya sa kanyang paglalakbay ang 12000 alipin at 80 kamelyo namay mga dalang bareta ng ginto. Matapos ang 50 taon, natapos mamatay si Musa humina ang Mali. Ang pag-atake ng mga Berbers at ang panloob na tunggalian ay labis na nagpahina sa Mali. Dinagtagal humiwalay ang Mali sa pamahalaang sentral at naging isang malayangestado.Songhai Isa sa mga probinsya ay ang Songhai na nasa lambak sa may ilog Nigerkanluran ng Timbuktu. Ang mga tao dito ay mahuhusay na mangangalakal at yumamanng husto sa pakikipagkalakalan sa Arabo sa Hilagang Aprika at mga itim na Aprikano sakanluran na nakatira sa baybayin ng Atlantiko. Noong CE 1400 ang Songhai aypinamumunuan ni Sunni Ali na nagpalawak ang teritoryo sa pamamagitan ngpakikidigma. Maging ang rehiyon ng Savanna ay nakuha niya. Itanatag niya ang 31
pamahalaang sentral sa Gao at naging pinakamakapangyarihan kaharian ang Songhaisa kanlurang Aprika Narating ng Songhai ang kanyang tugatog noong CE 1400 sa pamumuno niMuhammad Askia. Ang mga bagong lupainna kanyang nasakop ay nagdulot ngkaragdagang mapagkukunan ng ginto at asin para sa kanyang kaharian nanagpayaman lalo dito. Ang mga buwis na pinataw sa mga produktong ito ay nagingdagdag sa kaban yaman ng kanilang pamahalaan. Ginamit ni Askia ang yamang itoupang suportahan at ibalik ang ningning ng Timbuktu. Sinuportahan din niya ang Islamsa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga moske at binatay niya sa Koran lahat ng mgabatas sa imperyo. Noong CE 1528 siya ay pinatalsik sa puwesto ng mga taong di nasisiyahan sakanyang pamamalakad. Ang pagkakagulo ay nagpahina ng husto sa imperyo. Dinagtagal nilusob din ang Songhai ng pinuno ng Morocco at gamit ang kanyon atmakabagong armas, madali silang nagapi nito. Nagpatuloy ang kaguluhan sa kahariankaya pagsapit ng AD 1600 tuluyan na itong nabagsak.Silangan at Timog Aprika Noong AD 900 may nagsimulang bagong pandarayuhan sa Aprika. Sapagkakataong ito, sa silangan naman ay may mga Arabo at Persyanongmangangalakal ang nagtayo ng pamayanan sa baybayinng karagatang Indian. Sila aynakipagkalakalan sa mga taong taga looban ng Aprika ng mga ginto, bakal at iba pangprodukto na ipinadala naman nila sa Arabia, India at sa Malayong Silangan. Bilangkapalit umangkat naman sila ng porcelana, mga palayok at seda sa mga bansang ito. Pagsapit ng AD 1200, ang maliit ng pamayanan sa silangang Aprika ng mgaArabo at Persiano ay ganap ng isang lunsod-estado. Ang Kilwa ay isa dito. Dahilan sanaririto ang daungan ng kalakalan ng ginto, naging mayaman ang lugar na ito. Ang mgakinita sa kalakalan ay ginamit pagpapatayo ng mga moske at tirahan ng mgamangangalakal Maraming Aprikano ang yumakap sa relihiyong Islam. Marami rin mgakababaihang Aprikano ang nakapangasawa ng mga Arabong mangangalakal. Mula ditoay umusbong ang isang bagong sibilisasyon na pinagsanib na kulturang Islam at 32
Aprikano. Nagkaroon din ito ng sariling wika ang Swahili na halos katulad ng Bantungunit nahaluan ng mga Arabo at Persiano. Narating ng Islam East Africa ang kanyangtugatog noong 1300 AD. Pagkalipas ng 200 taon nagdatingan sa rehiyon ng karagatangIndian ang mga Europeano na naging sanhi ng paghina ng Islamic East Africa.Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Magsaliksik tungkol sa Timbuktu. Samahan ito ng mga Larawan. Maghanda na bahagi ito sa Klase. Tandaan Mo! Ang Ghana, Mali at Songhai ay kabilang sa Gitnang kaharian. Ang Ghana ang pinaka-unang kaharian na naitatag sa gitnangkaharian, narating nito ang tugatog noong AD 800.Ang paglusob ng mga Berbers at ang madalang na tag-ulan ang ilan sa mgadahilan ng pagbagsak ng kahariang Ghana.Sa panahon ni Mansa Musa narating ng Mali ang tugatog ng kanilang kaunlaran.Samantala narating naman ng Songhai ang tugatog ng kanilang kaunlaran sapanahon ni Muhammad Askia.Ang paglusob ng Hari ng Morocco ang naging dahilan ng pagbagsak ngSonghai. Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ang namumuno sa mga kahariang Ghana, Mali at Songhai, ano ang iyong gagawin upang maiwasan ang pagbagsak ngkaharian? __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 33
____________________________________________________________________________________________________________________ MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITONgayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagangkaalaman na dapat mong tandaan? Ang Aprika ang ikalawa sa pinakamalaking kotinente sa mundo. Ang mga Savanna ay malalawak na damuhan na may nagkalat na mga puno at palumpong. May 3 malalaking disyerto sa Aprika, ang Sahara sa Hilaga at ang Namib at Kalahari sa Timog. Ang mga rehiyon sa timog ng Sahara ay tinatawag na Sub-Saharan Africa. Ang malaking bahagi ng Aprika ay Tag-init buong Taon. Noong 5000 BC ang Sahara ay isang madamong lupain. Pagdating ng 4000 BC naging mainit na ang klima sa Aprika. Pagsapit ng 2000 BC maraming lupa na sa Aprika ang naging disyerto kasama na ang Sahara. Ang pag-unlad ng pagsasaka ay nagbigay daan sa pagkakaroon ng mga pamayanan. Ang kulturang Nok ay isa sa mga pinakaunang kultura na sumibol sa madamong lugar ng Aprika at ngayon ay bahagi ng Gitnang Aprika. Ang mga Bantu ay pangkat ng mga taong nagmula sa kanlurang Aprika at nandarayuhan sa Sub-Saharan Africa. Nang matapos ang pandarayuhan pagkalipas ng 1000 taon, ang mga Bantu ay naging pangunahing pangkat ng tao sa Sub-Saharan Africa. Nagkaroon ng natatanging sistema ng pamumuhay ang mga Bantu May sariling sistema ng pagsamba ang mga Bantu. Naitatag ng mga Nubian ang kahariang Kush sa rehiyon ng Nubia noong 1600 BC. 34
Mula sa mga Assyrians natutong gumawa at gumamit ng mga sandatang yari sa bakal ang Kushite. Noong 200 BC narating ng kush ang tugatog ng pangkabuhayan at pampulitikal na kaunlaran. Malaki ang naging impluwensya ng kultura ng Ehipto sa Kultura ng mga Kushite. Pagsapit ng 350 AD nanghina at tuluyan ng bumagsak ang kahariang Kush ng ito ay talunin ng estado ng Aksum. Ang Ghana, Mali at Songhai ay kabilang sa Gitnang kaharian. Ang Ghana ang pinaka-unang kaharian na naitatag sa gitnang kaharian, narating nito ang tugatog noong AD 800. Ang paglusob ng mga Berbers at ang madalang na tag-ulan ang ilan sa mga dahilan ng pagbagsak ng kahariang Ghana. Sa panahon ni Mansa Musa narating ng Mali ang tugatog ng kanilang kaunlaran. Samantala narating naman ng Songhai ang tugatog ng kanilang kaunlaran sa panahon ni Muhammad Askia. Ang paglusob ng Hari ng Morocco ang naging dahilan ng pagbagsak ng Songhai. 35
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: Isulat kung tama o mali.__________ 1. Ang Oasis ay isang malawak at madamong lupain sa Aprika.__________ 2. Sa Nubia unang nagtayo ng pamayanan ang mga kushite.__________ 3. Sa Meroe inilipat ng mga Kushite ang kabisera ng kanilang kaharian.__________ 4. May malaking produksyon ng bakal sa Meroe kung kaya’t isa itong magandang lugar na gawing kabisera.__________ 5. Sa Saudi Arabia matatagpuan ang sinaunang Kaharian ng Aksum.__________ 6. Ang paggawa ng mga barko ang pangunahing pinagmulan ng yaman ng kaharian ng Ghana.__________ 7. Sa panahon ni Mansa Musa narating ng Mali ang tugatog ng Kaunlaran.__________ 8. Naging tanyag ang Timbuktu dahil sa mga magagandang moske at palasyo na matatagpuan dito.__________ 9. Ang Ghana ay nangangahulugan ng hari o pinuno.__________ 10. Ang Mali ay imperyong sa kahabaan ng Atlantiko at Ilog Niger.__________ 11. Ang Berber ay pangkat mula sa hilagang Aprika na siyang nagpabagsak sa kaharian ng Ghana.__________ 12. Sa panahon ni Muhammad Askia narating ng Songhai ang tugatog nito.__________ 13. Nilusob ng bansang Turkey ang Songhai na naging dahilan ng pagbagsak ng kaharian nito.__________ 14. Ang Kilwa ay lunsod-estado ng mga Arabo at Persiano.__________ 15. Ang mga Bantu ay nagmula sa lupain na ngayon ay sakop na ng Nigeria.__________ 16. Ang Bantu ay nagmula sa kanluran patungong silangan at timog ng Aprika.__________ 17. Ang Ehipto ang kauna-unahang at pinakamaimpluwensyang sibilisasyon na naganap sa Aprika.__________ 18. Malaki ang naging impluwensya ng Ehipto sa sibilisasyon ng mga Kushite. 36
__________ 19. Ang Songhai ang pinaka-una sa tatlong gitnang kaharian ng Aprika.__________ 20. Ang Swanlili ay isang uri ng wika na may impluwensya ng wikang Arabo at Persiano. 37
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN III MODYUL 7KABIHASNANG KLASIKAL SA AMERIKA AT PACIFICO BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
MODYUL 7 KABIHASNANG KLASIKAL SA AMERIKA AT PACIFICO Ang modyul na ito ay tungkol sa pagkabuo ng kabihasnang Amerika, ang kaganapan sa mga Pulo sa Pasipiko at ang kontribusyon nila sa sandaigdigan. Tatlong uri ng kabihasnan ang sumibol sa Timog Amerika. Ito ay ang Inca, Maya at Aztec. Sa Hilagang Amerika naman ay walang kabihasnan na kahalintulad ng sa Timog Amerika ang umusbong. Sa mga Pulo sa Pasipiko naman, dahil sa dami ng mga maliliit na pulo ditto, ang mga ito ay pinagsama-sama at nabuo ang Tatlong grupo na ngayon ay kilala bilang: Micronesia, Melanesia at Polynesia. Mahabang paglalakbay ang gagawin natin sa modyul na tio kaya kailangan ay magsanay tayo sa paggamit ng mapa. May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Kabihasnan ng mga Sinaunang Tao sa Amerika Aralin 2: Kabishasnang nabuo sa Meso-America at Timog America Aralin 3: Mga Pulo sa Pasipiko Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matatalakay mo amg pagkabuo ng kabihasnang Amerika; 2. Maisasaarawan mo ang mga kaganapan sa Pasipiko; 3. Matutukoy ang mga lugar sa Amerika at Pasipiko sa map; at 4. Mapahalagahan ang kontribusyon ng Amerika at Pasipiko sa sandaigdigan. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo.
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Biluga ang titik ng tamang sagot.1. Ang pinaniniwalaang mga unang tao na naninirahan sa Amerika ay mga:a. Australyano c. Asyanob. Aprikano d. Europeo2. Sa panahon ng pagtuklas na kung saan ang mga Europeong bansa ay nag-unahan sapagtuklas ng mga teritoryo ang unang nakarating sa Amerika ay sia. Magellan c. Columbusb. Cortez d. Vasco de Gama3. Pinakamahalagang tanim para sa mga Maya Cacaoa. Palay c. Niyogb. Mais d. Trigo4. Ang mga Eskimo ay nabubuhay sa pangingisda dahil sa a. Ang kinalalagyang lugar ay nagyeyelong lupain b. Bulubundukin ang lugar nila c. Malawak ang ilog sa lugar nila d. Maraming disyerto sa lugar nila5. inawag na Indian ang mga unang nanirahan sa Amerika dahil sa a. Galing sila sa India b. Mula sila sa lahi sa India c. Napagkamalan sila ni Columbus dahil sa akala niya na nakarating siya sa India d. Tinanggap nla ang sibilisasyong India.
6. Alin sa sumusunod na grupong ito ang hindi nagsasakripisyo ng buhay bilang alay samga Diyos?a. Eskimo c. Mayab. Aztec d. Inca7. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na pagsasalarawan sa lungsod estado? a. May patubig sa pananim b. Maraming pataniman c. Nandoon ang mahalagang istraktura tulad ng piramide, templo at pamilihan d. May mga sari-saring palaro at pananampalataya8. Ano ang kahulugan ng Polynesia? c. Pulo ng maiitim na tao a. Maraming pulo d. Maliliit na pulo b. Malalaking pulo9. Saang grupo ng mga pulo nabibilang ang Hawaii?a. Polynesia c. Sental Asiab. Micronesia d. Melanesia10. Ang “blackbirders” ay tumutukoy sa mga taong a. Nanghuhuli ng ibon b. Nagdadamit ibon c. Nangingidnap ng ginagawang alipin d. Nagliligtas sa mga alipin
ARALIN 1KABIHASNAN NG MGA SINAUNANG TAO SA AMERIKA Madalas tayong nakakapanuod ng pelikula tungkol sa mga Indian ng Amerikakung saan ang madalas na kaaway nila ay ang mga “cowboy”. Saan kaya nagmula angmga Indian na ito? Saaan sila matatagpuan sa malalawak na kontinente ng Amerika atano ang uri ng kanilang pamumuhay? Ang kasagutan dito ay matatagpuan natin sa aralin na ito. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:1. Maisasalarawan ang uri ng buhay ng sinaunang taong nanirahan sa Amerika; at2. Malalaman kung saan nagmula ang mga sinaunang tao sa Amerika.Gawain 1: Pag-isipan Mo! Alam kong pamilyar sa inyo si Columbus. Magbigay ng ilang kaalamantungkol sa buhay niya sa Amerika. Bakit napakahalaga sa mga Amerikano si Columbus. ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________Christopher Columbus
Kabihasnan ng mga Sinaunang Tao sa Amerika Noong naglakbay si Columbus noong ika 15 siglo, gusto niyang patunayan naang mundo ay bilog at sa paniniwalang ito inasahan niyang makakarating siya sa mgapulo malapit sa India na ang daan ay sa kanluran mula Espanya. Nakarating nga siya sa grupo ng mga pulo at inakala niya na ito ay bandangIndia kaya ang mga taong dinatnan doon ay tinawag niyang “Indian”. Hindi akalain niColumbus na siya ay nakatuklas ng “Bagong Daigdig” dahil ang mga pulo na dinaunganniya ay ang pulo Carribean sa Amerika.Sinaunang Amerika Ang mga unang Amerikanong Indian ay pinaniniwalaang nagsimulang manirahansa Amerika mga 30 libong taon na ang nakalipas. Ang mga unang tao ay nagmula pasa Asya na tumawid sa Kipot Bering patungong Hilagang Amerika. May mga ebidensiyang nagpapatunay na may sariling kultura ang mga Indianbago pa man dumating ang taga Europa. Gumamit na ang sinaunang tao ng apoy, maymga kasangkapang bato, balat na damit at nag-aalaga ng aso. Noong 7,000 B.C.marunong ng magtanim ang mga Indian. Mais ang pinakamahalagang pananim at ito aynagawa nilang palaguin sa Sentral Amerika noong 3,000 B.C. Natuto na rin silangmagtatag ng pamayanan, humabi ng damit at gumawa ng palayok. Ang mga Eskimo o Inuit ang grupo na naninirahan sa mga nagyeyelong lupainsa pinakadulong hilaga ng kontinente. Nakalinang ng pamumuhay na angkop sa klimang Artiko ang mga Eskimo. Sila ay nabuhay sa pangingisda at pangangalap.Nanghuhuli sila ng balyena, seal, maliliit na isda, walrus at iba pa. Ang buto ngmalalaking isda at hayop ang ginawa nilang karayom at panghiwa. Balat ng hayop angginawa nilang damit at tolda. Bumuo sila ng maliliit na grupo ng pamilya at hindi silanangangailangan ng sentralisadong pamahalaan. Ang ginamit nilang panglakbay ay
“sleds” at kayak (isang uri ng bangka). Mula sa isda ay nakakuha sila ng langis naginamit sa kanilang ilawan. Sa magubat na pook ng hilagang silangan nanirahan ang lumang tribo ng mgaIndian. Ito ay ang mga Seneca, Cayuga, Onondaga, Oneida, at Mohawk. Nagtatag silang isang kompederasyon na tinatawag na Liga ng mga Iroquis o ang limang nasyon.Noong mga taong 1700, kontrolado ng mga Liga ang mga lupain mula lawa ngMichigan hanggang Atlantic at mula ilog St. Lawrence hanggang ilog Tennessee. Sa magubat na pook mula timog Alaska hanggang sa kasalukuyang estado ngWashington nanirahan ang mga Indian ng Hilagang baybaying Pasipiko. Sila aynabubuhay sa pangingisda at pangangalap ng mga prutas sa kagubatan. Sila aybumuo ng maliliit na pamayanan. Ang bahay nila ay yari sa tabla o kahoy, at sa harapng bawat bahay ay may mga nakatayong haligi na tintawag na “totem pole”. Itong haligiay inukitan ng pigura ng isang hayop na ang espiritu ay itinuturing na mahalaga sapamilya. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng pamilya. Ang grupo ng mga Indian sa hilagang Pasipiko ay nahahati sa tatlong antas:maharlka; karaniwang tao at mga alipin. Ang maharlika ay may katangi-tangingipinagdiriwang at ito ay tinatawag na “potlack” kung saan ang may handa ay namimigayng mga mahahalagang bagay. Bago sumapit ang 1600, marami sa mga Indian na nanirahan sa kapatagan nggitnang bahagi ng Hilagang Amerika. Sila ay nabuhay sa pangangaso at pagsasaka.Ang kanilang mga bahay ay hugis itlog na kung tawagin ay “wigwam” Ang grupong Indian Pueblo ang isa sa pinakamatanda at kumplekadong kulturasa Amerika. Ang mga ito ay nanirahan sa timog kanluran na ngayon ay Estados Unidos.Sila ay nagtatag ng organisadong pamahalaan na ang mga tao mismo ang namimili ngpinuno. Ito ang grupo na gumamit na ng adobe sa pagtatayo ng bahay na may maramingpalapag na kilala ngayon sa tawag na “apartment”. Mahusay na magsasaka ang mga Indiang Pueblo. Gumamit na sila ng sistemangpatubig. Mais din ang pangunahin nilang pananim. Kabilang sa Indiang Pueblo ang mgaHopi at Zuni.
Itong Hopi at Zuni ay maituturing na matahimik na tribo. Nakipaglaban lang silakung nakataya na ang kanilang buhay at kabahayan. Kapag sila ay umuuwi mula sadigmaan, sila ay nagsasagawa ng ritwal upang mahugasan ang kanilang kasalanan.Itinuturo ng kanilang relihiyon ang pakikiisa sa kalikasan, pagpapahalaga sa kalikasanat tradisyon. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Tingnan mong mabuti ang larawan tungkol sa mga Eskimo. Pansininmo ang kanilang bahay. Sa isang pirasong papel, isulat ang iyong sagot sa mga sumusunod nakatanungan: 1. Bakit iba ang hugis ng kanilang bahay? 2. Ano ang mga materyales ng kanilang bahay? 3. Bakit ganito ang uri ng kanilang Bahay?
Tandaan Mo! Ang mga sinaunang tao sa Amerika ay pinaniniwalaang galing sa Asya na dumaan sa kipot Bering. Sa kasalukuyan sila ay kilala sa tawag na”Indian” dahil sa napagkamalan sila ni Columbus na mga tao sa Indies dahil sa akala ni Columbus ang mga pulo na kanyang narating ay Indies.ARALIN 2KABIHASNANG NABUO SA MESOAMERIKA AT TIMOG AMERIKA Sa MesoAmerika at timog Amerika sumilang ang tatlong dakilang sibilisasyon;ang Maya, Inca at Aztec. Natagpuan ang labi ng kabihasnang Maya at Yukatan saMexico; ang Aztec naman sa sentral at Timog Mexico at ang Inca sa bundok Andes. Mataas ang antas ng sibilisasyon ng mga grupong tio at marami ang naiambagnila sa sandaigdigan. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Matutukoy mo ang mga lugar ng kabihasnang Maya, Aztec at Inca; 2. Maisasalarawan ang katangian ng kanilang kultura; at 3. Mapahahalagahan ang kontribusyon ng mga ito sa sandaigdigan.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!Pagmasadan mabuti ang mapa. Tingnang mabuti ang mapa at itala ang limang bansa na nabibilang saMesoAmerika at limang bansa rin sa Timog Amerika. MesoAmerika Timog America1. ____________________________ 1. ____________________________2. ____________________________ 2. ____________________________3. ____________________________ 3. ____________________________4. ____________________________ 4. ____________________________5. ____________________________ 5. ____________________________
Kabihasnan ng MesoAmerika at Timog Amerika Tatlong sibilisasyon ang nalinang sa rehiyon ng MesoAmerika at TimogAmerika. Ito ay ang Maya, Aztec at Inca. Ang Maya ay ginawang sentro angTeotihuacan sa lambak ng Mexico, samantalang ang humalili sa kanila sakapangyarihan sa MesoAmerika ay ang Aztec kung saan ang ginawa nilangsentro ay Tenochtitlan at ang mga Inca naman ay namayani sa Bundok Andeskung saan Cusco naman ang ginawang sentro.Sibilisasyon ng Maya Ang kabihasnang Maya ay nahukay sa kagubatan ng Guatemala, Honduras atKatimugang Mexico. Ang kulturang Maya ay may mataas na antas.. Mula 500 B.C. sila ay maymaraming naiambag sa atin. Nakabuo sila ng sistema ng pagsulat, sistema ng numeroat kalendaryo. Nakapagtatag na rin sila ng maraming siyudad at napaghusay angkanilang kaalaman sa sining, agham, at pag-aaral. Taong 800 A.D. sinimulang lisanin ng mga Maya ang lugar na matagal dingpanahon na pinagyaman nila. Hindi lubusang matukoy kung bakit nilisan nila ang lugar
na iyon. May mga nagsasabing naparami ang populasyon at hindi makasapat angpagkain; maaari rin daw na nagkaroon ng epidemya at digmaang kumitil ng maramingbuhay. Ang mga Maya ay lumipat pahilaga at nagtatag ng mga bagong siyudad sahilagang dulo ng Yucatan. Dito umusbong ang mga lungsod estado. Sinasabing angpamahalaan ng Maya ay isang teokrasya sapagkat ang buhay ng mga Maya aydomiado ng mga pari. Sa lunsod estado matatagpuan ang mga templong simbahan, malalakingpiramide, obserbatoryo at monumento. Sumasamba ang mga Maya sa araw at marami pa silang kinikilalang diyos.Kinikilala nila ang pari bilang lider-espiritwal at pinuno ng lunsod. Ang paring pinuno aynakatira sa lunsod. Sinakop ng mga mandirigmang Toltec ang mga Maya sa Yucatan noong ika-11siglo A.D. at namalagi sila ng may 200 taon. Sa loob ng panahon ng pamamalagi ngmga Toltec sa lugar na iyon, sinasabing sila ang nagpabagsak sa mga Maya.
Sibilisasyon ng Aztec Panahong ika 13 siglo, ng isang tribong Indian na pawang mga mandirigma anglumikas sa Sentral Mexico, buhat sa hilagang kanluran. Sinakop ng mga Aztec ang mgaToltec at iba pang mga kalapit na tribo. Tinawag nila ang kanilang sarili na mga tagaMexico. Sa loob ng lungsod ng mga Aztec ay makikita ang mga templo at piramide. Satabi ng templo ay nakatayo ang malaki at nababakurang palaruan kung saan idinaraosang larong bola na may kaugnayan sa relihiyon. Mayroon ding mga pamilihan na kungsaan ang mga tinda ay nakahanay ayon sa uri; halimbawa ay ang tela, prutas at iba pa. Sumasampalataya ang mga Aztec sa maraming diyos. Ang pinakamataas nilangdiyos ay si Huitlopochtli; diyos ng araw at digmaan. Naniniwala ang mga Aztec na apatna beses nang nilikha at ginunaw ng diyos ang mundo. Itong paniniwalang ito ang nagdala sa kanila ng malas dahil nang dumating angmananakop na Kastila na si Hernando Cortez noong 1519, inakala ni Montezuma,
pinuno ng mga Aztec na ang mga ito ay mensahero ng diyos dahil sa naiiba ang mga mukha. Tinanggap nilang maayos ang mga Kastila at niregaluhan pa ng ginto at mga gamit na yari sa mamahaling balahibo ng hayop. Inakala ni Montezuma na nasisiyahan ang mga dayuhan sa regaling ibinigay nila ngunit naging lalong interesado si Cortes na malaman kung saan makikita ang pinanggalingan ng ginto. Kasabwat ang mga tribong galit kay Montezuma, sinalakay nila ang kuta nito ngunit natalo sila. Sa kung anong dahilan namatay di naglaon si Montezuma at lubusang nasakop ni Cortes noong 1521 ang teritoryo niya.Sibilisasyon ng Inca Sa kabundukan ng Andes naman nanirahan ang mga Inca at sa ibayong rehiyon ng Timog America. Mga taong 100 – 400 A.D., nakalinang sila ng kulturang tinawag na Tiahuanaco. Walang masyadong kaalaman na nakalap tungkol sa kulturang ito maliban sa sila ay mga bihasang manggagawa ng gusali. Biglang naglaho ang kulturang Tiahuanaco bandang 900 A.D. Noong ika – 11 siglo may sumulpot muling grupo na amg tawag sa pinuno nila ay Inca. Ang tawag na iyon ang siyang ginamit na pangalan mismo ng grupo.
Nanirahan ang Inca sa Lambak ng Andes at di naglaon, nanakop sila ng mgateritoryo. Bandang 1500, ang imperyo ng Inca ay may populasyon na 12 milyon nanagsasalita ng 20 iba’t ibang wika at nahahati sa 100 na iba’t ibang grupong etniko. Ang Inca ay nakatatag ng oeganisadomng sistema ng pamahalaan; sistema ngtrasportasyon at komunikasyon. Nakagawa sila ng daan sa gilid ng mga bundok at mganakabiting tulay sa ibabaw ng mga bangin at ilog. Ang pinakamataas na pinuno ng mga Inca ay Emperador na pinaniniwalaanginapo ng diyos na araw at habang nabubuhay, siya ay sinasamba ng mga tao saimperyo. Ang kapangyarihan niya ay lubos kaya nang humarap si Pizarro, angKastilang “conguestador” kay Emperador Atahualpa sinabi niya sa “congestador” – “ Saaking kaharian walang ibang makakalipad at walang dahong malalaglag kung di konanaisin” Ang lahat ng bagay sa imperyo maging ito ay lupain, produksyon at distribusyonng kalakal ay kontrolado ng pamahalaan. May listahan ang pamahalaan ng bilang ngtaong nasasakop niya at lahat ng lalaki ay obligadong manilbihan sa sandatahang lakasat mag-ukol ng panahon sa mga gawaing pambayan. Halimbawa nito ay ang isang binata na nasa tamang gulang, sapilitan siyangpapipiliin ng mapapangasawa. Karamihan sa mga Inca ay magsasaka, nag-aalaga rin sila ng hayop atnangingisda. Ang ilan ay naghahabi. Mayroon ding iba na mahuhusay namagpapalayok, mga minero ng ginto, pilak at tanso. Tulad ng mga Inca, ay nag-aalay din ng tao sa mga itinuturing na diyos. Ang pagsasaka ng Imperyong Inca ay naganap ng dumating ang conquistador.Binihag nila si Emperador Atahualpa at pinangakuan ng kalayaan kung mabigyan silang isang silid na puno ng ginto. Naibigay naman ang hiniling nila ngunit hindi tumupadsi Pizarro at ang ginawa ay binitay nila sa Atahualpa. Nag-away away ang mga Kastilasa partihan ng ginto at maging si Pizarro ay pinatay.
Mga ugaling pagkakilanlan ng mga Indian: 1. Kaugaliang pangrelihiyon Napakahalaga sa mg Indian ang kanilang relihiyon. Ang pari ay itinuturing na makapangyarihan. Karamihan sa Amerikanong Indian ay sumasampalataya sa araw. Ang ibang tribo ay sumasamba sa iba’t-ibang diyos na kumakatawan sa mga bagay sa pangaraw-araw na buhay gaya ng agrikultura o isang bagay sa kalikasan. Ang pag-aalay ng tao ay isang katangian ng kanilang relihiyon. May paniniwala silang kailangang ang iaalay sa diyos ay isang napakahalagang bagay - at ito ay buhay ng tao. 2. Sama-samang pamumuhay Ang buhay ng Indian ay umiinog sa tribo o angkan. Ang tribo ang nagmamay- ari ng lahat ng lupain kaya walang indibidwal ang nagmamay-ari ng lupa.Kontribusyon ng mga Indian sa Sandaigdigan Ang mga Indian ay may sistema ng pagsulat. Ang lahat ng tribo ay may literature. Ito ay pinagsalinsalin sa isang henerasyon hanggang sa susunod. Ang karaniwang panitikan ay tula at ang karaniwang tema ay relihiyon o ang tradisyon ng tribo. Ang mga alamat naman ay tungkol sa hayop at digmaan. Sa pagpapalayok, paghahabi, pagbuburda, paggawa ng metal, pagpipinta, istraktura at arkitektura naman ay magaling sila. Ito ay makikita sa magagandang istraktura nila at ang mga magagandang dekorasyon nito. Hindi maipagkaila na marami sa salitang Indian ang bahagi na wikang English katulad ng chocolate, tomato, chile. Maraming imbensyon ng Indian ang ginagamit pa hanggang ngayon katulad ng canoe at snowshoe.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Sabihin ang gamit ng sumusunod: 1. Kayak - _________________________________________________________ ________________________________________________________________ 2. Totem pole - _____________________________________________________ ________________________________________________________________ 3. Wigwam - _______________________________________________________ ________________________________________________________________ 4. Canoe - _________________________________________________________ ________________________________________________________________B. I-drawing ang anyo ng apat na bagay na nakatala sa #1.
Tandaan Mo! Ang mga Indian sa Mesoamerica at Timog Amerika ang may pinakamayamang kabihasnan. Marami silang naiambag sa sandaigdigan katulad ng patubig.ARALIN 3MGA PULO SA PASIPIKO Ang mga pulo sa Pasipiko ay nahahati sa tatlong pangkat batay sapagkakatuklas ng kanilang katangian. Ang Melanesia ay binubuo ng mga taong maiitimang balat; Micronesia ay ang mga maliliit na pulo; at Polynesia ay may maraming pulo. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Matutukoy mo ang pagkakaiba ng mga pinangkat-pangkat na mga pulo sa Pasipiko ayon sa kanilang katangiang pisikal; 2. Malalaman ang pinagmulan ng mga taong nanirahan sa mga pulong ito; at 3. Matutukoy ang naging ugnayan ng mga Europeo sa mga pulong ito. Gawain 1: Pag-isipan Mo! May mga pulo sa Pasipiko na alam kong pamilyar na sa iyo. Subukan mongisalarawan ang mga pulo batay sa mga naging kaalaman mo dito. 1. Hawaii 2. Guam Isulat sa isang pirasong papel ang iyong nalalaman.
Mga Pulo sa Pasipiko Ang mga pulo sa Pasipiko ay mayaman sa likas na yaman. Dahil dito,tinawag na mga eksplorador na Europeo ang mga pulo na paraiso ng hardin ng Eden.Sa kasalukuyan, ang pinakamahalagang industriya sa karamihan ng mga pulo ayturismo, tulad ng Hawaii, Tahiti, Guam, Samoa at Palau. Nahahati sa tatlong pangkat ang mga pulo ayon sa pagkakatulad ng kanilangkatangiang pisikal: Melanesia na hango sa salitang melanin na ang kahulugan aymadilim o maitim; Micronesia na ang ibig sabihin ay ‘maliliit na pulo”; at Polynesia,maraming tao. Ang mga teritoryang bumubuo sa bawat pangkat ay ang sumusunod: A. Melanesia: New Guinea; Salomon, Fiji, New Celedona, Irian Joya. B. Micronesia: Federated States of Micronesia; Marshall Island; Guam; ---,---,--- C. Polynesia: Hawai; American Samoa;--------Kasaysayan noong Sinaunang Panahon Pinaniniwalaan na ang mga unang tao sa mga pulo ng Pasipiko ay nagmula saTimog Silangang Asya noong panahong ang New Guinea at Australya aymagkadugtong pa. Nomad o pagalagala ang mga unang nanirahan dito kaya ang mga unang grupoay nagmula sa Australya. Ito ay ang mga bumubuo ng Melanesia. Mula sa Timog Silangang Asya naman nagmula ang mga nanirahan saMicronesia, at ang mga nanirahan sa Polynesia ay pinapaniwalaang mula sa Asya atnaglakbay sa pamamagitan ng lupang tulay na nagdurugtong sa mga pulo. Nang matutong gumawa at gumawa ng bangka at iba pang sasakyang dagat,narating ng manlalakbay ang iba pang pulo. Ang pagkakaiba ng mga tao sa mga pulo sa Pasipiko ay nagpapahiwatig na silaay nanggaling sa iba’t-ibang pook. May ilang teorya na nagbigay liwanag sa pinagmulanng mga tao sa Pasipiko. Pinatunayan ni Thor hegerdahl, isang eksplorer mula Norway
ang teoryang ito ng migrasyon kung saan sinabi niya na ang migrasyon ay mula sasilangan. Sa kabilang dako naman, ilang siyentipiko ang naniniwala na angpandarayuhan ay mula sa timog silangang sya noong magkadikit pa ang Australia atNew Guinea. Ang mga taong ito ay pagala-gala sa paghanap ng pagkain. Nangmatunaw ang mga yelo ay dumating naman ang mga taong marunong ng magtanim.Pagdating ng mga Europeo Mga bandang 1500 ng makarating sa mga pulo sa Pasipiko ang mga Europeo.Si Antonio d’ Abreu ay bumisita sa New Guinea noong 1511. Siya ay galing saPotuguese East Indies. Natuklasan na rin ng mga Kastila ang maraming pulo ng sila aymaglakbay kung saan nakarating sila sa Pilipinas. Napadaan na si Magellan saSolomon at Torres Strait subalit hindi nila ginalugad at ipinabatid sa iba. Kahit silaTasnian at Roggerreen ay hindi man ipinabatid ang pagtuklas ng Easter Island noong1722. Ang mga Euroeo na nakatuklas ng mga pulo na ito sa Timog Pasipiko ay hindikaagad-agad na sinakop ang mga hiwa-hiwalay na mga pulong ito. Nang ika-19 siglo,ang mga pulong ito ay nalantad sa mga “whale hunters”, “sandal wood cutters” at “blackbirders”. Ang blackbirders ay yaong nangingidnap ng mga taga pulo para gamitingna magtatrabaho sa Queensland, Mexico or Peru. Dahil sa pangyayaring ito, nawalanng tiwala ang mga tagapulo sa mga dayuhang puti kaya ng may misyonerongkristiyanong nagpunta sa ilang pook pinatay nila ang marami dito. Ganoon pa mannagpatuloy pa rin ang mga misyonero sa paghimok sa mga taga pulo sa kristiyanismoat para putulin na ang “cannibalism” o pangangain ng tao. Maraming pagbabago ang naganap sa Europa sa larangan ng transportasyon.Maraming riles ang nagamit sa paglalakbay. Noong 1898, sinakop ng Estados Unidosang Hawaii sa bias ng kasunduang Paris nang matalo ng Estados Unidos sa digmaanang España. Kinuha naman ng France ang Tahiti noong 1880 samantalang ang Chileay sinakop rin ang pulong Easter noong 1888. Binili naman ng Germany ang pulong
Caroline at Marshall sa España. Ang Britain naman, ay di kalaunan ay sumakop din ngpulo para maprotektahan ang New Zeland na naging kolonya niya. Sa ngayon ang karamihan sa mga pulo sa Pasipiko ay mga Estado na may sariling pamahalaan. Ang Hawaii ay naging bahagi ng Estados Unidos bilang ika-50 estado.Ang iba ay nasa pangangalaga (trust territory o protectorate) ng mga kanluraningbansa. Iyong iba naman ay nasa “mandate” ng United Nations. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumawa ng tala hanayan ng mga sumusunod na teritoryo. Sundan mo ang pormat sa ibaba..Teritoryo Pangkat na Kanluraning Kasalukuyang Samoa kinabibilangan bansa na “Political Status” sumakopFyiTuvaloHawaiiGuamNew GuineaTongaSaipan
Tahiti Federated States of Micronesia Tandaan Mo! Napakarami ng mga pulo sa Pasipiko. Kahit maliliit mayayaman din sa likas na yaman. Itinuturing nga ang mga ito na paraiso sa hardin ng Eden magaganda ang mga teritoryo kaya ang pangunahing industriya ay turismo. MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano angmahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Ang mga sinaunang tao sa Amerika ay pinaniniwalaang galing sa Asya na dumaan sa kipot Bering. Sa kasalukuyan sila ay kilala sa tawag na”Indian” dahil sa napagkamalan sila ni Columbus na mga tao sa Indies dahil sa akala ni Columbus ang mga pulo na kanyang narating ay Indies. Ang mga Indian sa Mesoamerica at Timog Amerika ang may pinakamayamang kabihasnan. Marami silang naiambag sa sandaigdigan katulad ng patubig. Napakarami ng mga pulo sa Pasipiko. Kahit maliliit mayayaman din sa likas na yaman. Itinuturing nga ang mga ito na paraiso sa hardin ng Eden magaganda ang mga teritoryo kaya ang pangunahing industriya ay turismo.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:Panuto: Bilugan ang Titik ng Tamang sagot.1. Ang Micronesia ay nangangahulugan na ito ay:b. malaking pulo d. maraming puloc. pulo ng maiitim na tao e. maliliit na pulo2. Alin sa mga sumusunod ang pulo na nabibilang sa Polynesia?a. Tonga c. Tuvalob. Hawaii d. Fyi3. Ang Inding Pueblo ay matatagpuan sa kasalukuyanga. Mexico c. Estados Unidosb. Canada d. Hundras4. Tinatawag nila ang mga sarili na “anak ng araw”.a. Aztec c. Incab. Maya d. Indiang Pueblo5. Ang wika na ginagamit ng karamihan sa Latin Amerika aya. Italian c. Frenchb. Spanish d. English6. Ang grupo ng tao na naninirahan sa mga nagyeyelong lupain sa hilaga ngkontinenteng Amerika.a. Inca c. Mayab. Eskimo d. Aztec
7. Ang tinutukoy na Latin Amerika ay tumutukoy sa sumusunod maliban sa:a. Mexico c. Estados Unidosb. Kanlurang Indies d. Sentral Amerika8. Ang pinuno ng mga Aztec na nag-akalang mga sugo ng diyos ang mgadayuhang dumating sa pamumuno ni Cortes.a. Montezuma c. Pizarrob. Hiutzilopochtli d. Atahualipa9. Ang grupo ng mga Indian na ang pangalan ay hango sa tawag nila sakanilang pinuno.a. Aztec c. Incab. Maya d. Mexico10. Ang “blackbirders” ay tumutukoy sa mga taong a. Nanghuhuli ng ibon b. Nagdadamit ibon c. Nangingidnap ng ginagawang alipin d. Nagliligtas sa mga alipin
GABAY SA PAGWAWASTO:
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN MODYUL 8Ang Simbahang katoliko: Isang Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang PanahonBUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 8 ANG SIMBAHANG KATOLIKO: ISANG MAKAPANGYARIHANG INSTITUSYON SA GITNANG PANAHON Sa modyul na ito ay malalaman ntin ang paglakas ng Simbahang katolikobilang isang makapangyarihang intitusyon sa Gitnang panahon. Dito rin malalman angtungkol sa naganap na krusada. Natitiyak ko na may nalalaman ka sa mhga pag-uusapan natin dito dahil sa karamihan sa atin dito sa Pilipinas ay kristiyano. Handa kana ba na balikan natin ang nakaraan at alamin ang tungkol sa makapangyarihangsimbahang ito? May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang simula ng Pagplaganap ng Kristyanismo Aralin 2: Ang Kapapahan Aralin 3: Ang Krusada Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod: 1. Matatalakay mo ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Isang Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon; 2. Maipaliliwanag mo ang Yungkol sa Kapapahan; at 3. Maisasalarawan mo ang naganap na krusada sa Gitnang Panahon. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 2
PANIMULANG PAGSUSULIT:I. Panuto: Bilugan ang titik ng Tamang Sagot.1. Isang banal na digmaan na inilunsad ng Simbahang Kristiyano laban sa mgaTurkong Muslim na sumakop sa Jerusalem.A. Kabalyerismo C. PiyudalismoB. Krusada D. manoryalismo.2. Ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko ay ang:A. Obispo C. PapaB. Hari D. Arsobispo.3. Si Jesus ay kinikilala ng mga kristiyano na: C. Messiah A. Propeta D. Apostole. B. Hari ng Hudyo4. Ang Papa na naghimok sa mga kabalyero na maging krusador ay si:A. Papa Leo I C. Papa Innocent IB. Papa Urban II D. Papa Gregory VII5. Ang Krusada ay masasabing bigo ngunit ang magandang naidulot nito sa kristiyanismo ay: A. ang paglakas ng kapangyariahn ng Simbahan B. ang pag-unlad ng kultura ng Simbahan C. ang pagsama ng mga Hari sa Europa sa krusada D. ang pagkilala sa Kristiyanismo sa buong mundo6. Ang kristiyanismo ay nagmula sa relihiyong: C. Hudaismo A. Hudaismo D. Budahismo B. Zoroasterianismo 3
7. Ang Kristiyanismo at Islam ay may parehong paniniwala tungkol sa: A. Pagkadiyos ni Jesus B. Pagkapropeta ni Jesus C. Pinagmulang lahi ni Abraham D. Bagong testamento.8. Ang estadong pinamamahalaan ng Papa ay: C. Venice A. Roma D. Florence B. Vatican9. Ang lupaing sinakop ng mga Turkong Muslim ay:A. Roma C. JerusalemB. Byzatine D. Egypt10. Kung Roma ang nagging sentro ng kristiyanismo sa kanlurang Europa, anonaman ang sentro ng kristiyanismo sa silangan?A. Roma C. EgyptB. Jerusalem D. Byzatine. 4
ARALIN 1ANG SIMULA NG PAGPLAGANAP NG KRISTYANISMO Karamihan sa mga Pilipino ay kristiyano. Sa totoo lang ang Pilipinas ang nag-iisang bansa sa Asya na maituturing na kristyanismong bansa. Ikaw ba ay nabibilang samga kristiyano ditto sa ating bansa? Kung ganoon, may kaalaman ka sa simula atpaglaganap ng kristyanismo Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Matutukoy ang pinagmulan ng kristyanismo; 2. Maisasalaysay ang buhay ni Jesus; at 3. Maipaliliwanag ang pagpapalaganap ng kristyanismo. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ang Pasko at Semana Santa o Mahal na Araw ay dalawang pagdiriwang na napakahalaga sa mga kristyano. Gawin ang sumusunod: 1. Magbigay ng pakahulugan mo sa: a. Pasko - ____________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 5
b. Semana Santa - _____________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________2. Magtala ng tatlong bagay na ginagawa ng kristyano sa mga pagdiriwang na ito. Pasko Semana Santa1. __________________________ 1. __________________________2. __________________________ 2. __________________________3. __________________________ 3. __________________________4. __________________________ 4. __________________________5. __________________________ 5. __________________________Ang Simula at Paglalakbay ng Kristyanismo Ang Simbahang Katoliko bilang institusyong panrelihiyon ay nagging matatag samga huling taon ng kasikatan ng Emperyong Roma.Ang pagsimula ng relihiyong ito ay sa Palestine na ngayon ay kilala bilang bansangIsrael. Napalaganap ito sa Emperyong Roma at sa panahon ni Emperador Constantine(313 AD) ito ay kinilalang relihiyon ng buong emperyo. Nang bumagsak ang Emperyong Roma sa kanluran (5th century AD) angsimbahan ang nagsilbing institusyon sa pagbangon at pagtuloy ng sibilisasyon. 6
Ang Pinagmulan ng Kristyanismo Ang kristyanismo ay sumibol bilang isang sekta sa mga Hudyo. Ang mga disipuloo mga tagasunod ni Jesus ay naniwala na Siya ang hinhintay nilang Tagapagligtas oMesiah. Si Jesus mismo ay isang Hudyo kaya ang mga turo ni Jesus ay ayon din samga itinuturo ng mga Hudaismo katulad ng sumusunod: ang paniniwala sa iisangmakapangyarihang Diyos; ang paniniwala sa “Creation” kung saan ang kinikilalangunang tao ay si Adan at Eba; ang pagsunod sa sampung utos ng Diyos; at angpaniniwala sa pagdating ng Tagapagligats o Messiah. Ang banal na aklat ng mgaHudyo ay siyang itinuturing na “Old Testament” ng mga kristiyano. Sa aklat natio aymababasa ang kasaysayan ni Abraham, ang itinuturing na “Ama ng mga Hudyo”. Angkaganapan tungkol sa pagsibol ng Huaismo ay nagsimula kay Abraham na mula sasemitikong Tribo sa Mesopotamia. Naparami ang tribon ni Abraham sa panahon ng apo niya na si Jacob, ngunitnakaranas sila ng tagutom sa Palestine at napilitan silang pumunta sa Eghipto kung sahaba ng panahon nila doon ay naparami sila at ginawang alipin ng Paraoh hanggangnatalaga si Moses ng kinikilala nilang diyos na si Jehovah o Yahweh na ibalik silangmga Hudyo sa Palestina. Kay Moises ibinigay ng Diyos ang Sampung Utos. Sa pagbalik ng mga Hudyo saPalestine pinangalanan nila ang lugar na Israel. Ang mga Hudyo ay ilang beses napalaban sa sari-saring mananakop, tulad ngPersia at Babylonia subalit nanatili silang matatag bilang mga Hudyo na may sarilingkultura kahit sila ay nasakop o napadpad sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Sa gabay ngkanilang Propeta, sila ay naniwala na sila ay dindaan sa pagsubok ni Yahweh. Ang mgakaranasang ito ang napatibay sa kanila ng paniniwala na iisa lamang angmakapangyarihang Diyos. Dito nagsimula ang monoteyismo na siyang nagging pamanang lahing Hudyo sa sanlibutan.Ang Buhay at Turo ni Jesus Si Jesus ay ipinanganak na Hudyo dahil sa ang kanyang ina na si Maria at angkinikilalang ama na si Jose ay kapwa Hudyo. Si Maria ay pinagpala ng Diyos na siyang 7
nagsilang sa Tagapagligtas. Namulat si Jesus at lumaki sa turong Hudyo. Dahil sa Siyaang pinaniwalaang Tagapagligtas, nangaral siya kung papaano mailigtas ng tao angsarili. Ang turo ni Jesus ay napapaloob sa apat na “gospel” nina Mateo, Marcos, Lucasat Juan. Itong mga turo ay napaploob sa “New Testament”. Sa paliwanag ni Jesus, dalawa lamang ang utos ng Diyos: mahalian ang Diyoshigit sa lahat at mahalin ang kapwa tulad sa sarili. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay binigyang diin ni Jesus sa kanyang“Sermon on the Mount”. Dahil sa maraming naakit sa turo ni Jesus, siya aypinagbintangan ng mga Hudyo na impostor na nagpapanggap na anak ng Diyos nasiyang Tagapagligtas. Dahil dito, siya ay ipinagkanulo nila hanggang siya aymaparusahan ng pagpako sa Krus. Namatay siya sa Krus, inilibing ngunit pagkataposng tatlong araw siya ay nabuhay muli. Ang pagsilang ni Jesus ay siya nating pinagdiriwang na Pasko at ang kanyangpaghihirap at pagkapako sa Krus kung saan siya ay namatay ay ginugunita natin saMahal na Araw o Seman santa.Ang Paglaganap ng Kristiyanismo Sa pagkabuhay (Resurrection) ni Jesus muli Siyang nakasama ng kanyang mgaapostoles o tagasunod at dito niya ipinaliwanag ang maging gawain nila kung Siya aybabalik na sa Ama. Nag Siya ay umakyat sa langit (Ascension) ipinangako niya sakanyang mga Apostoles na sila ay gagabayan ng Espiritu Santo. Ang gamit ng salitang Kristiyano ay nagsimula sa Antioch (Syria) at tumutukoy samga disipulo ni Jesus. Ang mga unang Kristiyano sa Antioch ay mga Gentiles (mgalahing hindi Hudyo). Sa pamamagitan ni Barnabas si Paul ay nagging masugid nadisipulo ni Jesus at siyang naghikayat sa mga Gentiles na maging Kristiyano. SiBarnabas at Paul ang nagpalaganap ng Kristiyanismo bilang isang pandaigdigangrelihiyon mula sa pagiging sekta lamang ng Hudyo. 8
Mabilis ang paglaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga misyonero nanaglakbay sa bawat bansa sa Mediterranean. Laong nagging matibay ito sa panahon niEmperor Constantine ng gawin niyang relihiyon ng Estadong Roma ang Kristiyanismo.Ang Roma ang nagging sentro ng Kristiyanismo sa kanluran at malakas din ito saByzantine. Lumaganap ito sa Britanya at Irelang sa pamamagitan ni San Agustine. Malaking tulong din ang ginawa ng mga monghe lalo na sina San Basiliuo at SanBenedicto kung saan ang mga moansteryo ang nagsilbing sentro ng panalangin,edukasyon, sining at “enlightenment” Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Alam mo ba ang kwento ni Jesus sa Gospel tungkol sa “MabutingSamaritano”? Sa isang pirasong papel, ibigay ang buod ng kwento at isulat ang turo nabinigyan ng diin ni Jesus dito. Tandaan Mo! Ang Kristiyanismo ay nag-ugat sa Hudaismo. Si Jesus ang pinadalang Tagapagligtas o Messiah ng Diyos Ama ngunit hindi Siya tinanggap ng mga Hudyo. Siya ay pinako sa Krus ngunit nabuhay muli at ang kanyang turo ay pinalaganap ng kanyang mga apostoles, disipulo at tagasunod. 9
ARALIN 2ANG KAPAPAHAN Kilala mo ba si Papa Juan Pablo XXIII? Bakit bukam-bibig ang pangalan niya sa buong daigdig? Anong gulang ka ng huling pumunta siya ditto at paano siya tinanggap ng mga tao? Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Matutukoy ang pinagmulan ng kapapahan; 2. Maipapaliwanag ang mga salik sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa; at 3. Mauunawaan ang tungkuling ginagampanan ng mga namumuno ng simbahan. Gawain 1: Pag-isipan Mo! A. Sa organisasyon sa simbahan, paano ang pagbabanghay mo sa mga sumusunod na opisyales? a. Pari b. Arsobispo c. Papa d. Obispo B. Punuan ang mga pangalan ng mga opisyales sa iyong probinsya o syudad. a. Pari - _________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ b. Arsobispo - ____________________________________________________ ______________________________________________________________ 10
______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ c. Papa - ________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ d. Obispo - ______________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________Ang Kapapahan Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng panunungkulan atkapangyarihang pangrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng estado ng Vatican. Ang salitang “Pope” ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latinna “Papa”. Noong unang panahon itinuturing ng mga kristyano ang “Papa” bilang amang mga kristyano, na siya pa ring tawag sa kanya sa kasalukuyang panahon.San Pedro: Unang Obispo ng Roma at Unang Papa Bago umakyat sa langit si Jesus tatlumpong araw mula sa kanyang pagkbuhay(Resurrection) inihabilin niya kay Apostol Simeon ang pagtatag ng simbahan ng sabihinniya “Ikaw si Pedro at sa batong ito Ako magtatatag ng simbahan”. Ang salitang Pedroay hango sa salitang Latin na “Petrus” na ang ibig sabihin ay bato. Si Simeon aynagging si Pedro at sa kanya naatang ang pagtatatag ng Simbahan ni Jesus. 11
Si Pedro ay napunta sa Roma kung saan pinalaganap niya ang Kristyanismo atnagging unang Obispo ng Roma. Naranasan niya at ng iba pang nagging Kristyano angpagmamalupit ng pamahalaang Romano hanggang siya ay mabitay. Magmula noongunang daang taon, ang mga sumunod na Obispo ng Roma ay itinuring na pinuno ngSimbahang Kristyano. Ang pagbibigay halaga sa kapangyarihan ng Obispo ng Roma aykilala lahat ng miyembro ng Simbahang Kristyano. Bilang pinuno ng SimbahangKristyano siya ay tinawag na Papa.Mga Salik sa Paglakas ng Kapangyarihan ng Papa Ang unang salik sa pagkilala sa lakas ng kapangyarihan ng Papa ay sa panahonng pagbagsak ng Emperyong Roma. Mga barbaro mula sa Germany ang lumusob saRoma at sinira nila ang naitayong sibilisasyong Roma. Ang pagkasira ng sibilisasyongito ay itinuring na “madilim na Panahon” (Dark Age). Sa “kadilimang” ito bumangon angSimbahang Kristyano at nahikayat ang mga barbaro na tanggapin ang relihiyong ito.Ang Simbahan ang nangalaga sa material na pangangailangan ng tao. Pangalawang salik ay ang matatag at mabisang organisasyon ng Simbahan. AngPapa ang kataastaasang pinuno ng Simbahang Krisyano. Sumunod sa kanya angarsobispo na may kapangyarihang panrelihiyon sa mga Obispo. Sumunod nito ay angObispo na namumuno sa bawa’t Diyosesis. Ang Diyosesis ay binubuo ng mga bayan atang mga bayan ay pinamumunuan ng mga pari na kilala sa taguring “Kura Paroko”. Ang matatag na organisasyon ng Simbahan ay nakapagpatibay ng impluwensiyang Simbahan sa mga tao at pinuno. Ang ikatlong salik ay ang paglilingkod ng mga monghe. Ang mga monghe aymadaling nakahikayat ng mga barbaro sa Kristyanismo. Sila rin ang nagliwanag ngkaisipan ng taol sa pamamagitan ng pagtatag ng paaralan. Sila ay nagtayo nga mgaospital at tinulungan ang mga may sakit. Pinaunlad din nila ang sakahan. Sa ginawanilang ito, pinahanga nila ang mga tao at naakit sila sa Kristyanismo. Pang-apat na salik ay ang magandang uri ng pamumuno ng simbahan.Maraming Papa ang nagpakita ng kagalingan at katatagan ng paninindigan bilang 12
pinuno. Si Papa Leo the Great ang nagbigay diin sa Petrini Doctrini na ang Obispo ngRoma ang tunay na pinuno ng Kristyanismo; Si Papa Gregory I ang nakahikayat samga tribong barbaro na sumampalataya kay Jesukristo at siya rin ang nagpalaganap ngKristyanismo sa malalayong lugar ng kanlurang Europa; Si Papa Gregory VII angnagbawi sa mga hari ng karapatang magkaloob ng kapangyarihan sa mga tauhan ngsimbahan; at si Papa Innocent III ang nagpuwersa kay Haring John ng England namaging sakop ng England. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumawa ng maikling talambuhay ni Papa John Paul XXIII, ang kasalukuyangPapa. Batay sa iyong nabasa tungkol sa kanya, ano ang katangian niya nahinahangaan mo? Isulat ito sa huling bahagi ng isinulat mong talambuhay. Tandaan Mo! Ang Papa ang pinuno ng Simbahang Katoliko. Ang unang kinilalang pinuno ay ang unang Obispo sa Roma na si Peter. Ang Obispo ng Roma ang siyang kinilalang pinuno rin ng Simbahang Katoliko at siya ay tinawag na Papa na ang kahulugan ay ama ng mga Kristyano. Ang Papa ay napakamakapangyarihan noong gitnang panahon. 13
ARALIN 3ANG KRUSADA Napanood mo ba ang pelikulang Robin Hood, Ivanhoe o Richard the Lion Heart? Ito ay mga pelikula na nagsasalarawan ng buhay ng mga magigiting na krusador. Bukod tangi ang pelikulang Richard the Lion Heart dahil si Richard ay hari ng England na nanguna sa ikatlong Krusada para mabawi ang Banal na Lupa sa mga Turkong Muslim. Sana itong mga uri ng pelikula ang makahiligan mo dahil sa liban sa punong-puno ng aksyon, ito ay batay pa sa tunay na pangyayari sa buhay ng mga Kristyano na may pagmamalasakit sa simbahan at relihiyon. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Malalaman ang layunin ng mga krusadang nailunsad; 2. Matatalakay ang resulta ng bawat nailunsad na krusada; at 3. Matutukoy ang mabuti at hindi mabuting naidulot ng krusada. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Iguhit ang apat na gamit na maaaring mapagkilanlan na ang mandirigma noong panahong medyibal ay isang krusador. 14
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420