Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore ARALING PANLIPUNAN 3 Part 1

ARALING PANLIPUNAN 3 Part 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-12 04:28:15

Description: 3ARPA1-3

Search

Read the Text Version

Peking ang mga gamit ng apoy. At ang pagkain ng berry sapagkat natagpuan din sanaging tahanan nila ang mga buto nito. Homo Sapiens ang tawag sa hinihinuhang taong nag-iisip. Pinaka-advance marahilang Homo Sapiens sa lahat ng unang tao dahil higit na malaki ang utak nito. Mgahalimbawa nito ang Taong Neanderthal at Taong Cro-Magnon. Ang mga labí ng TaongNeanderthal ay nadiskubre sa mga lambak ng Ilog Neander sa Alemanya noong 1856.Maaaring nabuhay sila sa pagitan ng 70,000 BC hanggang 50 000 BC. Pandak ito, malakiang pangangatawan, malalaki ang tila mabigat na panga, makapal ang noo at malaki angilong. Ang Taong Cro-Magnon naman ay hinihinalang maaaring nabuhay noong 40,000BC pagakaraang mawala ang mga Taong Neanderthal. Nakita ang mga labí nito saPransya na lubhang napakalamig noon kaysa kasalukuyan. Nagyeyelo noon sa PolongHilaga at nagpatuloy sa timog Europa. Palatandaang malamig ang panahon nakinaroroonan ng Taong Cro-Magnon dahil napaliligiran ito ng mga labí ng mga hayop athalamang nabuhay sa malalamig na lugar noon nang matagpuan ang labí nito. Upang mas maunawaan mo ang pinagdaanang lahi ng mga sinaunang tao, pag-aralan mo ang sususnod na matrix ng antas ng tao. Mga katangian at mga katibayangnatuklasan.Antas ng Tao Mga Katangian Mga Labíng Natuklasan na Nagsilbing1. Hominid Katibayan  Nabuhay noong 14,000,000-  Batang Taung – unang labíng 13,000,000 BC Australopithecus Aprikanus na  Naglalakad nang tuwid natuklasan. Natagpuan ni Raymond A.  Mas maliit ang utak kaysa Dart sa Taung, Timog Aprika noong modernong tao 1974  Malaki ang pagkakahawig sa  Kromdraai (dating Parathropus katangiang pisikal ng robustus) – unang a. robustus na modernong tao natuklasan. Natagpuan sa Kromdraai,  May taas na apat na Timog Aprika ni Robert Broom noong talampakan 1938  Ang sukat ng utak ay kalahati  OH 5 o Zinj- unang Australopithecus na 10

ng utak ng modernong tao natagpuan sa Silangang Aprika.  May limang uri batay sa laki Natuklasan ni Mary O. Leaky sa Olduvai ng panga, bagang at utak: Gorge, Tanzania noong 1959. a. Anamensis - nabuhay sa  Lucy-pinakakumpletong kalansay ng Aprika may apat na Australopithecus na natuklasan. milyong taon na ang Natagpuan ni Donald Johanson sa nakararaan Hadar, Ethiopia noong 1974. b. Afarensis - nabuhay may  Bakas ng paa sa Laetoli-natagpuan sa 3.7 milyong taon na ang Laetoli, Tanzania noong 1978 malapit sa nakararaan; kasinlaki ng lawa ng Eyasi. Pinatunayan ng mga utak ng chimpanzee ang bakas na ito na nakatatayo nang tuwid utak nito ang mga Australopithecus. c. Aprikanus - mas malaki  Anamensi-pinakamatandang labí ng ang bungo, higit na malaki Australopithecus na nabuhay. ang utak kaysa Afarensis Natuklasan ito sa Kanapoi, Kenya ni d. Boisei at Robustus- mas Peter Nzube Mutiwa noong 1994. malaki ang bagang at panga; kasinliit ng Aprikanus ang utak; nawala sa pagitan ng 1.5- isang milyong taon na ang nakararaan.2. Homo  Itinuturing ng mga  Taong Olduvai - unang nahukay na labí Habilis antropologo na ng Homo habilis. Natagpuan ang pinakamatandang uri ng tao bungo sa Olduvai Gorge, Tanganyika nina Jonathon Leaky at asawa nito  Nabuhay sa Aprika may 2 noong 1960. Nagpatunay ito na milyong taon na ang nabuhay ang sinaunang tao mahigit nakararaan tatlong milyong taon na ang nakararaan  Hango sa salitang Latin na homo na nangangahulugang 11

3. Homo tao at habilis na ang ibig  ER-1470 - pinakamatandang bungo ng Erectus sabihin ay sanay o bihasa. Homo habilis na nahukay noong 1972.  Mas malaki ang utak at mas natuklasan ito sa Lawa ng Turkana ni maliit ang bagang kaysa Richard F. Leaky. Australopithecus  Sukat ng utak-kalahati ng  Taong Java (dating Pithecathropus utak ng modernong tao. Erectus) - kaunaunahang labí ng Homo  Pinaniniwalaang gumawa ng Erectus na natuklasan. Natuklasan ni unang kagamitan na gawa Eugene Dubois, isang Olandes, sa sa bato bilang panghiwa, buhanginan sa gitnang Java, Indonesia pangkayod at pantadtad. noong 1891. maliit ang mga taong ito  Pinaniniwalaang kumain ng ngunit nakatatayo at nakalalakad ng karne, prutas, insekto at mga tuwid.gumamit ng mga tinapyas na halaman bato bilang sandata at kagamitan.  Nakalalakad nang tuwid  Taong Tabon - natagpuan sa mga ] yungib sa Tabon, Quezon sa Palawan ni Robert Fox noong 1962. Sinasabing  Taong nakatatayo nang kauna-unahang tao sa Pilipinas. tuwid  Taong Peking - Pinakamalaking  Tinatayang may taas na kalansay ng Homo Erectus na limang talampakan, makapal ang bungo, maliit ang ulo at malaki ang panga  Mas maliit ang bagang at mukha at hindi gaanong nakausli ang mukha tulad ng Homo habilis  Sukat ng utak-halos kasinlaki ng sa modernong tao  Unang natotong gumamit ng apoy at damit mula sa balat ng hayop. 12

 Nakagawa ng palakol mula natuklasan. Natagpuan ni Davidson sa bato. Black ang mga buto sa isang kweba sa Choukoutien noong 1919-1937 sa Peking, China. Ayon sa pagsusuri, natutong gumawa ng apoy ang taong ito minsang tumama ang kidlat sa isang puno.  East Turkana Homo Erectus - labí ng Homo erna tinatayang nabuhay sa Aprika mga 1 800 000 taon na ang nakalilipas. Natuklasan ni Richard F. Leaky sa Lawa ng Turkana noong 1975.  Batang Nariokotome - labí ng isang batang lalaki. Ito ang pangunahing nahukay na kalansay ng Homo Erectus. Natuklasan ni Kamoya Kimeo sa lawa ng Turkana, Kenya noong 1984.4. Homo  Taong nakapag-iisip at  Labí ng Kabwe (dating Taong Sapiens nakapangangatwiran Rhodesian) - natagpuan sa Kabwe, Zambia ni Arthur S. Woodward noong  Higit na malaki ang utak sa 1921. lahat ng unang tao at hindi nalalayo sa laki ng utak ng  Bungo ng Dali - natagpuan sa modernong tao. lalawigan ng Shanxi sa China ni Wu Xinzhi noong 1978.  Nabuhay may 300 000-400 000 taon na ang nakararaan  Taong Neanderthal - unang nahukay na labí ng kinikilalang prehistorikong  Unang prehistorikong tao na tao. Natagpuan ito ni Johann Fuhlrott nanirahan sa Europe sa isang kweba ng Neander, Germany 13

noong 11856. mababa at matipono, pahilig ang noo nito at usli ang panga, malaki ang ilongat walang baba. Mabangis ang anyo nito ngunit matalino. Nakatira sa mga kweba at nagsusuot ng balat ng hayop. Kaiba sa mga sinaunang tao. Inililibing nila ang kanilang mga patay. Ipinalalagay na naglaho dahil sa matinding lamig noong Panahon ng Pagyeyelo. Noong 1908, natuklasan nina Ameedi at Jean Bouysonnie ang pinakakumpletong kalansay ng Taong Neanderthal sa La- Chapelleaux-Saints sa France. Kalansay ng Skhul - labí ng unang modernong tao na tinatayang nabuhay mga 100,000 taon na ang nakaraan. Natuklasan nina Theodore McCown at Hallam L. Movius sa Mt. Carmel, Israel noong 1931-1932. Kalansay ng Qafzeh – labí ng unang Homo sapiens na tinatayang nabuhay 100 000 taon na ang nakalilipas. Nahukay nina Rene Neuville at Bernard Vandermeersch sa kweba ng Qafzeh malapit sa Dagat ng Galilee sa Israel mula 1933-1935. Taong Cro-Magnon - tinatayang nabuhay noong 40 000 BC Nakita ang labí nito sa isang kweba sa France ni Louis Lartet noong 1868. Tinatayang 14

nagmula sa Asya o Aprika ang Taong Cro-Magnon. Ipinapalagay na higit na may kakayahang mabuhay dahil higit itong matalino at nakagagawa ng maayos na armas. Nag-iwan ang mga ito ng maraming guhit sa mga yungib.Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Subukan mo kung iyong matatandaan ang mga teorya na pinagmulan ng tao at angkanilang Distribusyon sa Daigdig. Pagtapat-tapatin ang mga katawagan at paliwanag sa pamamagitan ng paglalagayng guhit sa magkatugmang bilang at titik sa Hanay A at Hanay B. Hanay A Hanay B_____ 1. Homo Sapien A. Taong naglalakad ng tuwid._____ 2. Carolus Linnalus B. Taong nag-iisip._____ 3. Charles Darwin K. Tinawag na Pithecanthropus Erectus._____ 4. Taong Zambia D. Nakita ang mga labí nito sa France._____ 5. Conte de George Buffon E. Nilalang ng Diyos ang tao, ayon sa_____ 6. Homo Erectus_____ 7. Teorya ng Paglalang teoryang ito._____ 8. Taon Neanderthal G. Proseso ng pagpili ng pook na titirhan._____ 9. Taong Cro-Magnon H. Konseptong maaaring may nag-iisang_____ 10. Taong Java pinagmulan ang mga buhay na organismo. I. Nagkakaiba-iba ang nilalang dahil iba-iba ang kanilang kapaligiran. L. Nadiskubre ang mga labí nito sa Germany. M. Kauri ng Taong Java. 15

Tandaan Mo! Maraming teorya ang nagpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng tao. Ilan dito ang teoryang atheistic materialism, ebolusyong theistic, espesyal na paglalang, at ebolusyon ng mga species.Amg modernong tao ay hinihinuhang nanggalings sa iba’t ibang lahi sa iba’t ibangpanahon. Ang mga ito ay mga Proconsul, Australopithecus, Hominid, Homo Habilis,Homo Erectus, at Homo Sapiens. Ang mga labí ng iba’t ibang antas ng tao aynatagpuan sa iba’t ibang panig ng mundo kayat may iba’t ibang katawagan gaya ngTaong Java, Taong Zambia, Taong Peking, Taong Neanderthal at Taong Cro-Magnon. Gawain 3 Paglalapat Batay sa napag-aralan mo tungkol sa ebolusyon gumawa ng family tree na tumutukoy sa iyong sariling pinagmulan. 16

ARALIN 2MGA YUGTO NG PAG-UNLAD NG KULTURA NG MGA SINAUNANG TAO Nakakuha ang mga antropolohista ng mga impormasyon tungkol sa pamumuhayng mga unang tao sa pamamagitan ng kanilang mga labí tulad ng bungo, buto, at mgakasangkapang nahukay sa iba’t ibang panig ng mundo. Buhat sa mga iyan nalaman angkanilang mga gawain at pamamaraan ng pamumuhay sa siyang bumubuo ng kanilangkultura. Sa paglipas ng panahon, natutuhan ng mga unang tao na paghusayin ang kanilangmga kagamitan upang lalong maging epektibo ang mga ito sa araw-araw napakikipagsapalaran. Dahil diyan, umunlad din ang kanilang kabihasnan at kulturahanggang sa malinang ang kasalukuyang kabihasnan sa iba’t ibang kapuluan ng daigdig. Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod mong kasanayan: 1. Masusuri kung anong panahon nabuhay ang mga sinaunang tao sa daigdig; 2. Maibibigay ang mga yugto ng panahon ng mga unang tao ayon sa mga kagamitan; at 3. Mailalarawan ang mga pangunahing lahi ng tao sa daigdig. Gawain I Pag-isipan Mo! Maaari mo bang i-drowing kung saang lahi nabibilang ang Pilipino? Ano anganyo at katangian ng ating mga ninuno? 17

Panahon ng Bato Sa mahabang panahong nagdaan, nakalinang ng sibilisasyon ang mga sinaunangtao. Sila ay namuhay bilang grupo ng sampu hanggang 30 katao. Pawang pangangaso atpangingisda ang kanilang ikinabubuhay at karamihan ay mga yungib ang kanilang silungano panahanan. Panahong Paleolitiko. Tinatayang nagtagal ang Panahong Paleolitiko mula noong500,000 BC hanggang 8,000 BC Sa panahong ito nabuhay ang mga Proconsul,Australophitecus, Homo Habilis, Homo Erectus tulad ng Taong Java, Taong Peking, atHomo Sapiens tulad ng Taong Neanderthal at Taong Cro-Magnon. 18

Sa panahong ito, nakatira ang unang tao sa yungib upang pangalagaan ang sarili samalamig na panahon. Katatapos pa lamang ng panahon ng pagyeyelo at maaringkasalukuyan pang nagyeyelo sa ibang bahagi ng daigdig) at walang permanenteng tirahanang mga tao sa panahong ito. Pagala-gala sila sa paghahanap ng pagkain. Namimitas silang mga bungangkahoy, nanghuhuli ng mga hayop sa lupa at mga isda sa tubig sapamamagitan ng mga kamay lamang. Kung minsan naman, gumagamit sila ng batongpanghampas o pambato at sanga ng kahoy upang maging madali ang panhuli. Sapanahong din ito natuklasan ang gamit ng apoy. Maaring sa hindi sinasadyangpagkakataon, tinamaan ng kidlat ang isang puno. Nasunog ito at nagbigay ng init sapaligid. Maganda ang epekto ng init sa panahon ng taglamig. Panahong Mesolitiko. “Gitna” ang ibig sabihin ng salitang meso sa Griyego. Kayatito ang Gitnang Panahon ng Bato. Dito nagsama-sama ang mga gawain sa panahongpaleolitiko habang unti-unting pumapasok ang tao sa Panahon ng Neolitiko. 19

Tinatayang nagsimula noong 10,000 BC hanggang 7,000 BC ang PanahongMesolitiko. Ipinanukala ni Sir John Marshall, isang antropolohista, ang teorya ng“paghamon at pagtugon” upang matugunan ang mabilis na pagbabagong naganap sakapaligiran (hamon) ng mga tao na natugunan nila sa pamamagitan ng pagbabago ng mgakaugalian at mga gawaing kilos (tugon). Nakahandang tumanggap ang ibang pangkat ngpagbabago samantalang namuhay sa kasukalan ang ibang nanatili sa lumang kaalaman. Tumagal lamang ng 3000 taon sa Mesopotemia at kaunting panahon lamang saEuropa ang Panahon ng Mesolitiko. Pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong itoang panustos na pagkain. Pinakasolusyon dito ang pagiging prodyuser ng tao kaysaumasa sa likas na yaman. Subalit sa nagbabagong klima, mahirap na hamon ito. Rebolusyong Neolitiko. Nahubog ang Panahong Neolitiko sa pamamagitan ngpag-aalaga ng hayop na kinakain at ng pagtuklas sa pagtatanim. Ang pagtatanim opagsasaka ang pinakamahalagang kontribusyon ng panahong ito. Natuklasan marahil ngtao ang pagtatanim nang minsan, sa paghahanap ng tao ng bungangkahoy na noon aypaunti na nang paunti, nakakita siya ng isang uri ng bunga na may maraming buto. Nagsimula rin sa panahong ito ang pagpapalayok. Natutunan ng taong gumawa ngmga bagay na yari sa putik tulad ng laryo (bricks) na pinatitigas sa init ng araw gaya ng saIndia, o kaya ay pinatitigas sa pugon, gaya ng sa Mesopotamia. Ginagamit ang laryo sapaggawa ng bahay. Sa Panahong Neolitiko, malaki ang naging pagbabago sa kasangkapan ng tao.Pinakinis ang dating magagaspang na bato at ginawang iba’t ibang hugis at laki ayon sakanilang gamit: pamutol ng kahoy, gamit sa pagsasaka, panghiwa, pang-ahit, pamutol ngbuhok, pamatay ng hayop, armas, at marami pang iba. Lalo pang pinag-ibayo sa panahong ito ang pag-aalaga ng hayop na nasimulannoong Panahong Mesolitiko. Sa kalaunan, ginamit na nila itong sasakyan o tagahila ngbehikulo katulad ng paragos at karwahe. Kabayo, baka at aso ang mga hayop naginagamit para rito. Nabago rin ang mga tirahan sa panahong ito. Bagamat nagsimula ang pagkakaroonng permanenteng tirahan noong Panahong Mesolitiko, higit pa itong nalinang noongPanahong Neolitiko. Dahil ito sa pag-unlad ng pagsasaka, at pag-imbento ng asarol at ibapang gamit sa bukid. Kailangang tumira ang tao sa isang lugar habang hinihintay niyang 20

tumubo at maani ang kanyang pananim. Habang wala pa ang tag-ani, gumagawa namansiya ng mga palayok at iba pang gamit na yari sa putik. Natuto siyang maghabi ng banig,basket at tela dahil mahirap umasa sa mga balat ng hayop upang gawing damit. Noong una, para lamang sa pansariling konsumo at sa mga kaanak angproduksyon. Hindi nagtagal, nakapag-iimbak ng maraming bagay ang tao sa sariling gamit.Dito nagsimula ang pagpapalitan ng produkto o ang sistemang barter. Dinadala angsobrang produkto sa lugar ng palitan. Kung may kailangan ang tao, pumupunta lamangsiya rito upang makipagpalit ng produkto. Nagsimula rito ang konsepto ng palengke. Hindinagtagal, naging mahirap na ang pakikipagpalitan ng produkto kaya umisip ng paraan angtao upang maging maayos ang sistema ng palitan. Dito naimbento ang sistema ng palitangaya ng sa Mesopotamia kung saan buto ng cacao ang unang ginamit na papalit produkto. Panahon ng Metal. Ginto ang kauna-unahang natuklasang uri ng metal. Nakukuhalamang ito sa gilid ng ilog Tigris at sinasala dahil nakahalo sa buhangin. Subalit hindinagkaroon ng panahon ng ginto dahil hindi naman kapakipakinabang ito sa tao. Malambotang ginto at hindi maaaring gawing kasangkapan o armas. Tanso (copper) ang sumunodna natuklasan ng tao. Matigas ito kaysa ginto at nahuhulma ito sa iba’t ibang hugis na naisng tao. Panahon ng Tanso. Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso. Subalitpatuloy pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato. Nagsimulang gamitin ang tansonoong 4000 BC sa mga lugar sa Asia at 2000BC sa Europe at 1500 BC naman sa Egypt.Tinawag na Panahon ng Tanso ang mga nabanggit na taon. Nalinang nang mabuti angpaggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso. Panahon ng Bronse. Naging malawakan na noon ang paggamit ng bronse nangmatukalasan ang panibagong paraan ng pagpapatigas dito. Natutuhan ng tao na paghaluinang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na bagay. Tinawag angkombinasyong ito na bronse o pulang tanso. Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawamula sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat.Lumaganap ang paggamit ng bronse noong 2000 BC Sa panahong ito natutongmakipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-pook. Ang pag-unlad ng palengke atkalakalan ang nagbigay daan sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod. Nagkaroon din ngmga ekspertong artisano na may kani-kanilang kaalaman. Nagtayo ng kani-kaniyang 21

samahan ang mga ito batay sa produkto na kanilang ginagawa tulad ng mga gumagawa ngsandalyas. Ang mga samahang ito ang nagsilbing tagasuri sa kalidad ng mga produktongnalilikha ng bawat kasapi. Panahon ng Bakal. Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa Gitnang Silangan noong 1500 BC. Natutuhan nilang magtunaw atmagpanday ng bakal. Noong hindi pa sila gaanong marunong magmina ng bakal, lubhangmahalaga para sa kanila ito ng limang beses kaysa ginto at walong ulit kaysa pilak.Matagal nilang pinanatiling lihim ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal. Dahil dito,umunlad ang kabihasnan ng mga Hittite at madalas silang manalo sa mga digmaan.Subalit sa katagalan, natuklasan din ang kanilang lihim at lumaganap na ang paggamit ngbakal sa iba pang kaharian. Ito marahil ang dahilan kung bakit humina ang kaharian ngHittite.Mga Pangunahing Lahi ng Tao Tignan naman natin ang mga pagbabago sa pagkakaroon ng iba’t ibang lahi ng tao. Nagkaroon ang daigdig ng tatlong pangunahing lahi ng tao – ang Mongoloid o Dilaw,ang Negroid o Itim, at ang Caucasoid o Puti. Bagamat di na inuuri ang mga tao ngayonayon sa kulay, makakatulong sa pag-aaral ng pinagmulan ng tao ang ganitongklasipikasyon. Mga Mongoloid. Mayroon ding sangang lahi ang lahing Mongoloid o dilaw nakayumanggi: mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat. Hugis almondo singkit ang mga talukap ng mga mata ng mga lahing Mongoloid. Halos bilog ang hugis ngkanilang ulo, maitim at tuwid ang kanilang buhok at hindi gaanong mabalahibo angkanilang balat. Manipis ang mga labí nila at hindi matangos ang ilong. Laganap ang lahingMongoloid sa Asya tulad ng mga Pilipino, Tsino, Hapones, Koreano, Vietnamese, Thai,Tibetan, taga-Myanmar, Mongol, Malaysian, Indonesian, Singaporean, taga-Hong Kong atkaratig-pook. Ang mga Amerikanong Indian na nabibilang sa lahing Mongoloid ay nasa 22

kapatagang sentral ng Estados Unidos, mga Eskimo ng Hilagang Amerikanong Arktiko atmga Indian sa Central at Timog Amerika ay nabibilang din sa lahing ito. Mga Negroid. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang kanilangbuhok. Matataas at malalaki ang kanilang pangangatawan. Matatagpuan ang mga purongNegroid sa kanlurang Sudan at Guinea. Pahaba ang hugis ng kanilang ulo, malalapad angkanilang ilong at makakapal ang mga labí. Maitim hanggang matingkad na kulay kape angkanilang balat. Sa Silangang Sudan naman matatagpuan ang mga Nilote, mga Bantu nabinubuo ng mga Masai, Kikuyu, Zulu, Swahili at Swazi. Hindi gaanong maitim ang mganabanggit. Manipis ang kanilang mga labí at ilong. Kulay tsokolate naman at hindi maitimang balat ng mga Negroid at Papuan sa New Guinea at ilang pulo ng Indonesia atMelanesia sa mga pulo ng Pacific. Mga Caucasoid. Mapuputing tao ang mga Caucasoid. Napapangkat sila sa Nordic,Silangang Baltic, Alpine at Mediterranean. Matatangkad sila, pahaba ang hugis ng kanilangulo, maputi o blonde ang buhok at bughaw o berde ang kulay ng mga mata. Pandak angmga Alpine, malalaki ang katawan at malalapad ang ulo. Ang mga Mediterranean namanay hindi gaanong mapuputi, may kaitiman ang kulay ng balat at mata, maitim din atmahabang kulot ang kanilang buhok. Kasama rito ang mga lahi na naninirahan sa rehiyonng Dagat Mediterranean kasama na ang mga Arabo. Matatagpuan ang iba sa hilaga atgitnang India. Mga ninuno ng Hammites subalit nalahian ng Negroid ang mga nakatira saEgypt, Ethiopia, Somalia at sa kanlurang Sahara. Matatagpuan din sa Europa angkaramihan sa mga lahing Caucasoid. Naninirahan ang mga Nordic sa Scandinavia,Ingglatera at Alemanya. Ang mga Baltic naman ay paninirahan sa silangang Europa tuladng mga Alpine na Kinabibilangan ng mga Slav. Kasama rin sa lahing Caucasoid ang mgaPolynesian na nasa Islang Pasifico at New Zealand at ang mga Ainu ng Japan at Veddahng timog India. 23

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Subukin mong alalahanin ang iyong binasang aralin.A. Isulat sa patlang ang mga pangunahing lahi ng iba’t ibang bansa ______ 1. Arabya ______ 2. Tsina ______ 3. New Guinea ______ 4. Singapore ______ 5. PilipinasB. Isulat sa patlang ang yugto ng panahon ng mga unang tao sa Daigdig ayon sa kagamitan ______ 1. Pangangaso at pangingisda ______ 2. Ginto ang kauna-unahang natuklasan ______ 3. Nalinang mabuti ang paggawa at pagpapanday ______ 4. Paghaluin ang tanso at lata ______ 5. Dito naimbento ang sistema ng palitan sa Mesopotamia kung saan buto ng Cacao ang unang gamit na produkto. Tandaan Mo! Mai-uugat ang yugto ng pag-unlad ng mga unang tao mula sa Panahon ng Bato (Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko), (Panahon ng Tanso, Panahon ng Bronse, at Panahon ng Bakal). Bawat yugto ay may kani-kaniyang katangian at pagkakakilanlan na naghatid sa tao sa kabihasnan patungo sa modernong kapanahunan. 24

Ang pangunahing lahi ng tao sa daigdig ay ang Mongoloid o Dilaw na nahahati sa kayumanggi, mala-kape at mapulang balat, ang Caucasoid na kulay puti at ang Negroid na Maitim. Hindi naging madali sa mga sinaunang tao ang mabuhay ng maayos. Ang masukal na kagubatan at ang papalit-palit na panahon ang isang malaking hamon sa kanilang tinugon. Nakuha nilang umangkop sa likas na kapaligiran. Sa pagdaan ng panahon, ang kanilang karanasan ang nagtulak sa kanila upang mag-isip ng mga paraang tutugon sa kanilang pangangailangan mula sa pagiging pagala-gala, natutuhan nilang tumigil at manirahan sa isang permanenteng lugar. Unti-unting napaunlad ng tao ang kanilang pamumuhay kasabay ng pagbabago ng kaanyuang pisikal ang pag-unlad ng kakayahang mental. Gawain 3: Paglalapat Ang dalawang teorya tungkol sa pinagmulan ng tao ay ang teorya ng ebolusyon (maka-agham) at teorya ng espesyal na paglalang (maka relihiyon). Alin sa iyong opinyon ang iyong paniniwalaan? Sumulat ngdalawang talatang magpapaliwanag ng iyong dahilan. ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 25

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Mga Dapat tandaan sa Modyul na ito  Ang dalawang pangunahing teorya tungkol sa pinagmulan ng tao ay ang teorya ng ebolusyon (na tinatawag ding ebolusyong atheistic, ebolusyong materialismo, o ebolusyong theistic) at ang teorya ng paglalang o panrelihiyon.  Naniniwala ang mga ebolusyonistang atheistic na nagmula ang isang tao sa isang simpleng selula na dumaan sa prosesong mutasyon bago naging tao. Ang mga ebolusyonistang theistic naman ay naniniwala na ang simpleng selulang tinutukoy ng mga ebolusyonistang atheistic ay ginawa ng Diyos.  Mga ninuno ng tao ang Procunsol, Australopithecine, Homo Habilis, Homo Erectus at Homo Sapien.  Ang yugto ng pag-unlad ng mga unang tao ay nagsimula sa Daigdig sa Panahon ng Paleolitiko, at dumaloy sa Panahong Mesolitiko, Neolitiko, at Panahon ng Bato, Metal, Tanso, Bronse at Bakal ayon sa mga kagamitan ng tao.  May tatlong pangunahing lahi ng tao ayon sa iba’t ibang teorya – Mongoloid o Dilaw, Negroid o Itim at ang Caucasoid o Puti. 26

Binabati kita at natapos mo ang modyul na ito. Ngayon ay maari mo nang subukinkung natutuhan mo ang mahahalagang konseptong tinalakay dito. Handa ka na ba sapanghulng pagsususlit?PANGHULING PAGSUSULITPanuto: Suriin at ibigay ang tamang kasagutan. Bilugan ang titik.1. Matagal na proseso ng pagbabago. c. Creationist a. Ebolusyon d. Genesis b. Teorya2. Sang-ayon sa kanya, nagkakaiba-iba ang nilalang na tao dahil iba-iba angkapaligiran. Umaangkop sa kanyang kapaligiran ang tao.a. Darwin c. Linnaeusb. Lamarck d. Buffon3. Sang-ayon sa kanya, sumailalim ang hayop sa malaking pagbabago sa kapaligiran,namamana ito ng mga anak.a. Darwin c. Buffonb. Lamarck d. Linnaeus4. Nagsimula sa kanya ang konsepto na may isang pinagmulan ang mga organismo.a. Linnaeus c. Lamarckb. Darwin d. Buffon 27

5. Alin sa mga batas ng kalikasan ang higit na hindi naaayon ang teorya ng ebolusyon? a. Teorya ng DNA b. Batas ng Entropy c. Batas ng Thermodynamics d. Reproduksyon ng katulad ng modernong tao6. Sa mga Homo Erectus, alin ang katulad ng modernong tao?a. Taong Java c. Taong Neanderthalb. Taong Peking d. Taong Cro-Magnon7. Tinawag na rebolusyon ang huling bahagi ng Panahong Neolitiko dahil sapagkakaimbento nga. apoy c. hasaanb. busog at pana d. pagtatanim8. Alin sa mga panahon ng pagsulong ang higit na nakatulong sa pag-unlad nakabihasnan?a. Panahon ng Metal c. Panahon ng Bakalb. Panahon ng Bato d. Panahon ng Tanso9. Isa sa mga labíng natagpuan sa Alemanya na tumutugma sa Homo Erectusa. Taong Neanderthal c. Taong Heidelbergb. Taong Tabon d. Zinjanthyus10. ng American Indian ay nabibilang sa lahing c. Caucasoid a. Mongoloid d. Alpine b. Negroid 28

GABAY SA PAGWAWASTOPangunahing Pagsusulit 1. B 2. A 3. A 4. C 5. D 6. C 7. D 8. A 9. A 10. AGawain 2 1. B 2. H 3. G 4. M 5. I 29

6. A 7. E 8. L 9. D 10. KPanghuling Pagsusulit 1. A 2. D 3. B 4. A 5. A 6. D 7. A 8. D 9. A 10. CAralin 2Gawain 2A 1.C 2.M 3. N 4. M 5. MB. 1.Panahon ng Paleolitiko 30

2. Panahon ng Metal3. Panahon ng Tanso4. Panahon ng Bronse5. Panahon ng Neolitiko 31

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN III MODYUL 3 Ang Mga Unang KabihasnanBUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1

MODYUL 3 ANG MGA UNANG KABIHASNAN Sa naunang modyul, natuklasan mo kung paanong ang heograpiyang pisikal aynaging bahagi ng paglinang ng tao ng sinaunang kabihasnan. Sa sinaunang panahondin natuklasan ng tao ang gamit ng apoy, paggamit ng bato at metal, pagtatanim,pangangaso, pagbasa, at pagsulat. Sa modyul na ito, pagtutuunan mo ng pag-aaral kung paano nabuo ang mgaunang pamilya, pamayanan, bayan, lungsod, kaharian o imperyo, at relihiyon. Ito angmga bumubuo ng mga unang kabihasnan. May apat na araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Mga Unang Kabihasnan sa Mesopotamia Aralin 2: Kabihasnan sa Sinaunang Ehipto Aralin 3: Kabihasnan sa Sinaunang India Aralin 4: Kabihasnan sa Sinaunang Tsina Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang malilinang saiyo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Matatalakay ang heograpiyang pisikal sa pagyabong ng mga unang kabihasnan; 2. Maipaliliwanag ang pagsulong ng mga unang kabihasnan sa Asya (Sumer, Mesopotamia, India, Tsina, at Aprica); at 3. Mapahahalagahan ang kontribusyon sa daigdig ng mga unang kabihasnan. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 2

PANIMULANG PAGSUSULIT:I. Panuto: Suriin at ibigay ang tamang kasagutan. Bilugan ang titik.1. Mahalaga ito sa buhay ng sinaunang tao: C. bag A. ilog D. sapatos B. damit2. Ang lunday ng sibilisasyon na hugis arko o kalahating buwan:A. Tsina C. Ilog NileB. Fertile Crescent D. India3. Ang dala ng baha na nagsisilbing pataba sa mga tanim:A. dumi ng hayop C. banlikB. lupa D. puno4. Ang sistema ng panulat ng mga Sumerian: C. Minos A. Hammurabi D. Cuneiform B. Calligraphy5. Ang nagtataglay ng 232 batas at parusa sa mga lumalabag: A. Kodigo ni Kalantiaw B. Kodigo ni Hammurabi C. Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa Malolos6. Ang pinakamahalagang ambag ng mga Assyrian sa kabihasnan ng daigdig:A. Aklatan C. PamahalaanB. Pomalan D. Tao7. Ang pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Asya:A. Caste B. Barter 3

C. Veda D. Luwad8. Ang uri ng pagsulat ng mga Tsino na ginagamitan ng mga pictogram:A. Cuneiform C. ArgonB. Hammurabi D. Calligraphy9. Ang ibinibigay na eksamin sa mga naglilingkod sa pamahalaan:A. Calligraphy C. CuneiformB. Hiroglipiko D. Civil Service10. Ang libingan ng hari sa Ehipto: C. Memorial Park A. Hanging Garden D. Pyramide (Pyramid) B. Dome11. Ang mabagsik ngunit mahusay na hari ng Babylonia:A. Hammurabi C. MinosB. Buddha D. Phoenician12. Ang nagpatayo ng unang aklatan na may tabletang luwad:A. Tsina C. NebuchadnezzarB. Ashurbanipal D. Khufu13. Ang nagpagawa sa Hanging Garden of Babylon:A. Ashurbanipal C. NebuchadnezzarB. Charaka D. Buddha14. Karamihan sa mga sinaunang sibilisasyon ay isinilang sa mga:A. Lambak-ilog C. Tabing-dagatB. Kabundukan D. Tabing-ilog15. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa pangkat? 4

A. Ehipto-Nile C. Tsina-Yangtze-Huang HoB. India-Indus D. Ganges-Aztec Indies16. Ang pagtakas ng mga Hebreo sa Ehipto ay tinaguriang:A. Exodus C. PaglikasB. Hegira D. Pagtakas17. Susi ng kasaysayan ng Ehipto ang bato ng Rosetta. Sa Mesopotamia naman ayang:A. Behistan Rock C. NihonjiB. Book of History D. Old Testament18. Nakatuklas ang mga Hittite ng bakal dahil sa paghahanap ng matigas na metalupang gawing ______.A. armor C. kagamitanB. araro D. kasangkapan19. Ang pinakamahalagang ambag ng mga Phoenician sa kabihasnan ay ang:A. alpabeto C. kalakalB. marex D. kasangkapan20. Ang grupo ng taong pinaniniwalaang unang nanirahan sa India at nagtatag ngMohenjo-Daro at Harappa:A. Dravidian C. ShiiteB. Aryan D. Hittite 5

ARALIN 1MGA UNANG KABIHASNAN SA MESOPOTAMIA Maglalakbay tayo sa nakaraan tatahakin natin ang landas ng mga sinaunangtao sa tinatawag na Fertile Crescent at Mesopotamia tulad ng mga Sumerian,Babylonian, Hittite, Hebreo, Phoenician, Assyrian, at Chaldean. Mamamangha ka samga piramide na itinayo ng mga paraon sa Ehipto. Matutuklasan mo ang unangkabihasnan ng Mohenjo-Daro at Harappa sa India. Matututuhan mo ang paraan ng mgasinaunang Tsino sa Tsina at matutuklasan mo ang mga lihim ng iba pang sibilisasyongitinatag sa Aprica. Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang mo ang mga sumusunod nakasanayan: 1. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng heograpiya sa kasaysayan; 2. Maiuugnay ang heograpiyang pisikal sa paglinang ng mga unang kabihasnan; 3. Matatalakay ang pagsulong ng kabihasnang Mesopotamia mula sa mga unang sentro ng kabihasnan; at 4. Masusuri ang kontribusyon ng mga unang kabihasnan sa kultura ng daigdig. Gawain 1: Pag-isipan Mo! A. Kapag narinig mo ang salitang Mesopotamia, ano ang pumapasok sa iyong isipan? B. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong natatandaan tungkol sa mga unang kabihasnan? Subukan mong isulat sa mga patlang ang mga naiisip mo. 6

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Mga Unang Kabihasnan sa Mesopotamia May walong kabihasnan na unang nagtayo ng panahanan sa Mesopotamia. Angmga ito ay Sumeria, Babylonia, Hittite, Assyria, Hebreo, Phoenicia, Persia, at Chaldea.Pawang may pamana sa kabihasnan ang bawat isa sa mga pangkat na ito. Sa talahanayang sumusunod ay ipinakikita ang buod ng mga ambag sakabihasnan at ang mga sanhi ng pag-unlad at pagbagsak ng mga Sumerian,Babylonian, Hittite, Assyrian, at Chaldean. Pag-aralan mo ang bawat isa. KABIHASNANG SUMERIANMga Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak Mga Imbensyon: Pag-unlad:1. Cuneiform – unang nabuong  Malaki ang naitulong ng maramingsistema ng panulat. Isa itong uri ng imbensyon sa pagtatag at pag-pictograph na naglalarawan ng mga unlad ng kabihasnang Sumer. Angbagay na ginagamitan ng may 600 mga imbensyong ito ay nagpaunladpananda sa pagbubuo ng mga sa pagsasaka, kalakalan, at ibasalita o ideya pang mga industriya na nagpaunlad2. Gulong – sa pagkakatuklas din sa lipunang Sumerian sanito, nagawa nila ang unang pangkalahatan.karwahe  Naitatag ang mga lungsod-estado3. Cacao – ginamit bilang na lubos na nakatulong sa pagtatagunang pamalit ng kalakal ng pamahalaan at pagpapalakas sa4. Algebra – sa prinsipyong ito mga Sumerian bilang isangng matematika, ginamit ang sistema pangkat.ng pagbilang na nakabatay sa 60,  Nakatulong nang malaki angpaghahati o fraction, gayundin ang edukasyon sa pagiging bihasa ngsquare root mga mamamayan sa halos lahat ng5. Kalendaryong lunar na may aspeto ng pamumuhay, mula12 buwan kalakalan hanggang astrolohiya.6. Dome, vault, rampa, at Pagbagsak:ziggurat – mga disenyong pang-  Panguanahing dahilan ng paghinaarkitektura at pang-inhinyera na ng mga Sumerian ay ang madalas 7

ginamit sa mga palasyo at templo na labanan at kawalan ng sa Sumer pagkakaisa ng mga lungsod- 7. Luwad – ginamit sa paggawa estado nito. Madalas na ng laryo na nagsilbing talaan ng pinagtatalunan ang patubig at mga Sumerian hangganan ng mga lupain. 8. Prinsipyo ng calculator Iba pang mga ambag sa kabihasnan: 1. Mga Sumerian din ang unang gumamit ng sistema ng panukat ng timbang at haba. 2. Unang nagtatag ng organisadong puwersa sa pagtatayo ng mga dike. 3. Mga Sumerian din ang nakatuklas sa agham ng pag- oopera. 4. Unang gumamit ng hayop sa pag-aararo ng mga bukid. KABIHASNANG BABYLONIANAmbag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak Kodigo ni Hammurabi – Pag-unlad:binubuo ng 282 batas na  Maayos ang pagpapalakad ngnagsisilbing pamantayan ng pamahalaan, lalo na sakabihasnang Babylonian. panahon ni Hammurabi.  Nagdulot ng katiwasayan saSakop ng Kodigong ito ang mgaitinuturing na paglabag sa lipunan ang pakikipagtulungankarapatan ng mga mamamayan ng mga mababang opisyal ngat mga ari-arian nito; usapin sa pamahalaan, sundalo, at huweskalakal, lupa, butaw, serbisyong sa hari.propesyunal; at pamilya.  Nagpatatag sa lipunan atNakatala rin ditto ang mga pamahalaan ang Kodigo niparusang dapat na ipataw sa Hammurabi. Nakatulong ito samga nagkasala tulad ng pag-unlad ng halos lahat ngkamatayan, mutilasyon, at iba aspeto ng buhay ng mgapa na itinuturing na malupit sa Babylonian.kasalukuyang panahon. Pagbagsak:Naglalarawan ang mga batas  Paglusob ng mga Kassite,na ito ng isang organisadong isang tribong Indo-Europeo.lipunan. Sinundan ito ng mga Hittite na may higit na mahusay na armas na gawa sa bakal. 8

KABIHASNANG HITTITEAmbag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-Unlad at Pagbagsak Pagkakatuklas ng bakal. Pag-unlad:Nanatiling lihim sa loob ng 200  Pangunahing dahilan ng kanilangtaon ang kaalaman ng mga Hittite pag-unlad bilang isang pangkat aysa paggawa ng mga sandata mula ang pagkakatuklas nila ng bakal.sa bakal. Natuklasan lamang ito Superior na mga sandata angng ibang pangkat sa rehiyon nang kanilang nagawa mula sa bakal namasakop at tuluyang bumagsak naging dahilan ng mabilis nilang ang mga Hittite noong 1200 B.C. pananakop sa ibang mga lupain. Pagkilala at paggalang sa iba’t  Nakatulong nang malaki sa ibang wika kanilang pag-unlad ang kanilang Pagkakaroon ng titulo ng lupa at sistema ng pagbabatas. Hindi ito mga talaan nito kasing-lupit ng mga batas ni Pag-imbentaryo ng mga lupain at Hammurabi subalit naging maayospananim na naging batayan ng ang pagpapatakbo ng imperyo napagbubuwis ng ari-ariang kaugnay nagbigay-daan sa pag-unlad ngsa lupa kalakalan nito. Pagtatayo ng mga istruktura na Pagbagsak:ginagamit bilang sandigan at  Maraming pribilehiyo ang mga tanggulan kamag-anak ng hari na kadalasang Paglililok ng mga diyos, diyosa, at naaabuso. mga halimaw na may pakpak  Pakikipag-alyansa ng mga Hittite sa mga Egyptian na naging dahilan ng paghihimagsik ng mga kaalyado nito sa silangan at kanlurang bahagi ng imperyo. Salik din dito ang paglawak ng kapangyarihan ng mga Griyego na nagbunsod sa pagdating ng mga tribo mula sa palibot ng Dagat Aegean sa hilagang bahagi ng Imperyong Hittite. Isa sa mga tribong ito, ang mga Mitas ng Phyrrgia, ay lumusob at sinunog ang Hattusas noong 1200 B.C.  Nanatiling nakatayo ang ilang mga lungsod-estado ng mga Hittite nang 500 taon. Naitatag ang Carchemish bilang kabisera sa silangan. Ngunit nasakop ito noong 717 B.C. ni Sargon II ng Assyria. Ito ang naging hudyat ng 9

pagwawakas ng pamahalaang Hittite sa Mesopotamia. KABIHASNANG ASSYRIAN Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pagbagsak Ang mga Assyrian ang kauna-  Ang patuloy na pag-aalsa ng mgaunahang pangkat na nakabuo ng lungsod tulad ng Media atepektibong sistema ng pamumuno Babylonia na nasakop ng Assyriasa imperyo. Kinopya ng ibang ay nakapagbawas nang malaki sapangkat sa Malapit na Silangan ang yaman ng Assyria at nagpahina sa pamamalakad ng Imperyong hukbo nito.  Nagkaisa ang mga Chaldeans, Assyrian. Kauna-unahang aklatan na may Medes, at Persiano noong 612 B.C.200,000 tabletang luwad na itinayo upang pagtulungang salakayin angni Ashurbanipal. Assyria. KABIHASNANG CHALDEAN Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak Ang Hanging Gardens of Babylon Pag-unlad: ang isa sa pinakanakakahangang  Ang pamumuno ni Haring tanawin sa sinaunang panahon. Nebuchadnezzar ang nagdala sa Ang mga Chaldeans ang luminang mga Chaldean sa rurok ngng konsepto ng zodiac at tagumpay. Pumili siya nghoroscope. matatalinong kabataan mula sa mga sinakop na lupain upang maging katulong niya sa pamumuno. Pagbagsak:  Tanging si Nebuchadnezzar II lamang ang naging malakas na hari ng mga Chaldean. Sa kanyang pagkamatay, mahihinang hari na ang namuno sa Chaldean. Sa karangyaan, kasaganaan, at kasayahan lamang sila nakatuon. Hindi nila napatatag ang ekonomiya, pulitika, at sandatahan. Nang lumusob ang mga Persiano noong 529 B.C. mabilis na nagapi ang mga Chaldean na naging simula ng pagbagsak ng imperyo nito. 10

Katangiang Pisikal ng mga Unang Kabihasnan Sa mga nabasa mo tungkol sa mga sinaunang kabihasnan, mapapansin monghalos sabay-sabay na umunlad ang mga sibilisasyong iyon sa kapatagan ng mga IlogTigris-Euphrates, Indus, Yangtze, at Nile. Ang mga ilog ang nagsilbing daanan ng mgakalakal at mga tao noong sinaunang panahon.Ang Fertile Crescent at ang Kambal na Ilog Fertile Crescent, isang pambihirang pangalan ng pook. Saan nagmula angpangalang ito at sadyang kakaiba kaysa mga pangalan ng pook na nakasanayan nanating marinig? Kung papansinin natin ang mapa, mapupuna ang makitid na istrip nahugis-arko. Nagsisimula ito sa Isthmus ng Suez, tuloy-tuloy pahilaga at bumabaybay sadulong silangan ng Dagat Mediterranean habang bumubuo ito ng hugis-arko patungosa mataas na bahagi ng mga lupain sa Asya Minor at Armenia. Unti-unti itongkumukurba patimog-silangan habang bumabagtas sa mga Ilog Tigris at Euphrateshanggang sa Golpo ng Persia. Ang matabang mga ilog-lambak na ito na hugiskalahating buwan ang tinawag na Fertile Crescent. Kakaiba ang galaw ng kasaysayan sa Fertile Crescent. Habang pinanirahan ngmga tao ang ibang lupain mula pa sa kanilang ninuno na nanatili roon kahit na sakupinng ibang grupo ng tao, pinanahanan ang Fertile Crescent ng mga tribong hulingnanakop nito. Habang malakas ang pamahalaan ng mga taong pansamantalangnakatira roon, nakasisiguro ang mga mamamayan na mananatili sila Fertile Crescent.Subalit kapag nanghina na sila, mayroon namang tribong sasalakay hanggangmapaalis o gawing alipin ang mga dating nakatira roon. Pinagyaman at nilinang ang lupain ng Fertile Crescent ng ilang malalaking ilog,kasama na rito ang Tigris at Euphrates na tinaguriang Kambal na Ilog. Nagsimulang dumaloy ang mga ilog Tigris-Euphrates mula sa mga kagubatan ngArmenia. Ang Ilog Tigris na nasa silangang bahagi ay umaagos nang 1771 km.patungong Golpo ng Persia samantalang ang Euphrates na nasa kanlurang bahagi ay 11

bumabagtas sa 2737 km. bago umabot sa Golpo ng Persia. May mga pook kung saanmagkakalapit ng halos 32.2 km. ang pagitan ng mga Ilog Tigris at Euphrates.Pagkatapos, unti-unti itong aagos nang papalayo sa isa’t isa.Mesopotamia: Lupain sa Pagitan ng Dalawang Ilog Nagmula sa mga Griyego ang pangalang Mesopotamia na ang ibig sabihin ay“lupain sa pagitan ng mga ilog”. Mataba ang lupa sa Mesopotamia. Naghatid ng maraming biyaya at kayamanansa mga tao roon ang mga tabing-ilog, matapos nilang matutunang patuyuin atpagyamanin ang mga ito. Noong 5000 B.C., sari-saring pagkain ang naani ng mga taorito tulad ng trigo, barley, mga bungang-kahoy, peach, dates, nuts, at maraming uri nggulay. Masagana rin ang Mesopotamia sa mga luntiang damuhan kung kaya nag-aalaga ang mga tao rito ng mga baka, tupa, kambing, at baboy. Kulang ang Mesopotamia sa bato at mga puno para gawing torso upangmagamit sa pagtatayo ng mga bahay at gusali. Bilang pamalit sa troso at bato, ginamitng mga tao ang putik upang gawing laryo para sa mga tahanan at gusali. Pinunuannaman ng mga balat ng tupa at iba pang hayop upang gawing damit ang kawalan nghibla upang gawing tela. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Subukan mo kung natatandaan mo ang kasagutan sa mga sumusunod na tanong. 1. Anong lugar ang nakikita mo sa gawing hillaga ng Golpo ng Persia? Ano ang hugis nito? 2. Ano ang dalawang kambal na ilog na matatagpuan sa lupain ng Mesopotamia? Bakit tinawag ang mga itong kambal na ilog? Saan umaagos ang mga nasabing ilog? 12

Tandaan Mo! Ang magandang heograpiya ay may malaking ambag sa pag-unlad ng kasaysayan at kabihasnan ng bansa. Ang mga ilog Indus, Yangtze, Nile, at kambal na ilog na Tigris at Euphrates, ang hugiskalahating buwan o Fertile Crescent sa tabi ng mga ilog, at matatabang lupain angtumulong upang mapagyabong ang mga unang kabihasnan.Walo ang kabihasnang unang nagtayo ng panahanan sa Mesopotamia atnakinabang sa magandang katangian ng heograpiya nito: Sumerian, Babylonian,Assyrian, Hittite, Hebreo, Phoenician, Persian, at Chaldean.Gawain 3: Paglalapat Subukang tandaan ang mga dahilan ng pag-unlad at pagbagsak ng bawat kabihasnan sa Mesopotamia. Isulat sa ikalawang puwang ng gulong ang dahilan ng pag-unlad at sa panghuling puwang ang dahilan ng pagbagsak ng mga kabihasnang tinalakay sa aralin. Hittite SumerianAssyrian Babylonian Chaldean 13

ARALIN 2KABIHASNAN SA SINAUNANG EHIPTO Sa araling ito, tutuklasin naman natin ang naging kontribusyon ngsinaunang Ehipto sa kabihasnan ng daigdig. Anu-ano ang sumasagi sa iyong isipankapag narinig mo ang Ehipto? Alamin mo kung bakit naging maunlad ang sinaunangEhipto. Matapos ang Araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Masusuri ang kahalagahan ng Ilog Nile sa sinaunang Egypt; 2. Maipaliliwanag ang pinakamahalagang pamana ng bansang Ehipto sa daigdig; at 3. Matatalakay ang mga naiambag at mahalagang nagawa ng mga pinunong naghari sa bansang Ehipto. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Noong panahon ng mga Kastila, naging mahalaga ang Ilog Pasig sapagyaman ng Maynila. Ano ang kahalagahan ng mga ilog sa kabihasnan? Pagkatapos mo itong sagutin, pag-isipan mo rin kung ano angkahalagahan ng Ilog Nile sa Ehipto.Kabihasnan sa Sinaunang Ehipto Nakalatag ang Ehipto sa mainit na lupain ng Aprica at halos binubuo ng disyertomaliban sa mga oasis. Dahil sa Ilog Nile, nagkaroon ng pag-asa ang mga taga-Ehiptona ang kanilang lupain ay magbibigay-buhay. Isa pang mahalagang aspeto ng Ilog Nile 14

ay ang hanging umiihip ditto na tinatawag na Hanging Extensian. Ito ang hangin nananggagaling sa Dagat Mediterranean at umiihip patimog at pasalungat sa agos ng ilog.Ito ang nagpapalamig sa kabuuan ng lupain. Dahil sa magandang klima at matabanglupa, umunlad ang sinaunang sibilisasyon ng Ehipto. Basahin mo at unawain ang buod ng kasaysayan ng Ehipto at ng iba’t ibangaspeto ng kabihasnan nito: pamahalaan, lipunan at kultura, ekonomiya, at mga ambagsa kabihasnan ng daigdig.Pamahalaan:Lumang Kaharian (2686 B.C. – 2181 B.C.)  Tinawag itong panahon ng piramide. Sa panahong ito nagsimula ang pagtatayo ng mga piramide sa Ehipto na nagsilbing libingan ng mga paraon.  Hindi malinaw kung ilan at sinu-sino ang mga namuno. Gayunpaman, ang ilan sa mga tanyag na paraon noong panahong iyon ay ang sumusunod. 1. Zoser (2750 B.C.) – sa panahon niya itinayo ang kauna-unahang piramide sa Ehipto, ang step pyramid na may anim na patung-patong na mastaba noong 2780. Idinesenyo ni Imhotep, ang punong tagapayo ni Zoser at isang magaling na arkitekto. 2. Khufu o Cheops (2650) – sa kanyang panahon itinayo ang Great Pyramid sa Giza na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Sa sukat na 70 metro kwadrado ang base at 147 talampakan ang taas, ito ang pinakamalaking istruktura na itinayo ng tao. 3. Unis – sa piramide niya natagpuan ang Pyramid Texts o ang kalipunan ng Hieroglyphics na naglalarawan ng mga tradisyon ng paglilibing sa paraon at ang kanyang kahahantungan sa kabilang buhay.Gitnang Kaharian (1991 B.C. – 1786 B.C.)  Pinamunuan ng 14 na paraon na ang mga pinakamahalaga ay ang sumusunod: 1. Amenemhet I (1991-1962 B.C.) – Binuo niyang muli ang Ehipto mula sa kaguluhan na namayani pagbagsak ng Lumang Kaharian. Binuhay niya ang pakikipagkalakalan sa Palestina at Syria. 15

2. Amenemhet III (1842-1797 B.C.) – Siya ang nagpagawa ng sistema ng irigasyon sa Faiyum na ginagamit pa hanggang ngayon.Bagong Kaharian (1570-1090 B.C.)  Itinuturing na Panahon ng Imperyo dahil ditto nagsimula ang pananakop ng mga sinaunang Ehipsyano. Pinamunuan ng 33 paraon na ang mga may mahalagang ambag ay ang sumusunod. 1. Ahmose – itinaboy ang mga Hyksos palabas ng Ehipto at sinimulan ang Bagong Kaharian. Itinatag niya ang kauna-unahang magaling na hukbong pandigma gamit ang natutuhan mula sa mga Kyksos. 2. Thutmose II (1512 B.C.) – idinagdag sa imperyo ang Nubia, Syria, at Palestina. 3. Hatshepsut – asawa ni Thutmose II; unang babaing namuno sa daigdig; nagpatayo siya ng mga templo at nagpaigting ng masiglang kalakalan kaysa pananakop ng lupain. 4. Thutmose III – itinuturing na magaling na mandirigma; napalawak ang imperyo hanggang sa mga baybayin ng Euphrates. Nagpatayo siya ng magagarang templo sa panahong ito. Ang pinakamagara ay ang mga templo sa Kamak at ang apat na Obelisk na kinauukitan ng mga tagumpay niya. 5. Amenhotep IV o Ikhnaton (1300 – 1358 B.C.) – nagpasimula ng monoteismo o pagsamba sa iisang diyos, Aton, na itinuturing niyang pinakamataas at pinakamagaling. 6. Tutankhamen (1358 – 1353 B.C.) – ang kanyang piramide ang itinuturing na pinakamahalagang labi ng sinaunang kabihasnan ng Ehipto dahil kumpleto ang laman nito nang matuklasan. Ibinalik niya ang polyteismo o paniniwala sa maraming diyos sa panahon niya. 7. Rameses II (1304 -1237 B.C.) – Ipinagtanggol niya ang imperyo laban sa mga sumasalakay na Hittite mula sa Gitnang Asya. Nag-iwan siya ng maraming sariling monumento. 16

Lipunan at Kultura:  Sumasamba sa mga diyos at diyosa tulad nina Amn Re, diyos ng araw; Osiris, diyos ng Nile; Isis, asawa nito; at iba pa.  May apat na uri ng tao sa lipunan: ang mga maharlika, pari, at pantas; mga sundalo; mga karaniwang mamamayan; at mga alipin.  Naniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan na pinagmulan ng dalawa sa dakilang pamana nila sa kabihasnan, ang pag-eembalsamo at ang piramide.  Umusbong ang gitnang uri ng tao sa lipunan sa panahon ng Gitnang Kaharian.Ekonomiya:  Dalubhasa sa mga gawang-kamay ang mga sinaunang Ehipsyano. Sila ay mga platero, manggagawa ng palayok, manghahabi, at karpintero.  Pagsasaka at pagpapastol ang mga pangunahing hanapbuhay. Nagtanim sila ng barley, trigo, at mga gulay. Nagmina rin sila ng tanso at ginto.  Nagkaroon ng palitan ng kahoy na cedar mula sa Phoenician at olive oil mula sa Crete para sa flax, papyrus, inasnang isdang alabaster at ginto ng Ehipto. Ang kalakalang ito ay nagdala ng karangyaan sa mga mangangalakal.  Nagkaroon ng bugso ng pagtatayo ng mga kanal at daan.  Mga ani at paglilingkod ang uri ng buwis na kinokolekta mula sa mga mamamayan.Sanhi ng Pagbagsak:Lumang Kaharian:  Pag-aalsa ng mga mamamayan laban sa mataas na buwis.  Mahina at walang kakayahan sa pamumuno ang mga sumunod na hari.Gitnang Kaharian:  Pag-aalsa ng mga maharlikang galit sa mga pribilehiyo ng mga bagong-yaman na gitnang uri.  Pagsalakay ng mga Hyksos mula sa Arabia at Syria noong 1700 B.C. 17

Bagong Kaharian:  Pagpapabaya sa ekonomiya ng kaharian.  Pagsalakay ng mga Hittite sa mga kolonya ng Ehipto na nagdulot ng pagkawala ng mga buwis ni kinukolekta mula rito.  Pag-aalsa sa loob ng kaharian.  Pagsakop ng mga Assyrian noong 570 B.C., ng mga Persiano noong 525 B.C., at ni Alexander the Great ng Macedonia noong 332 B.C.Ambag sa Kabihasnan:  Ang kalendaryo na may 365 araw sa isang taon na hinati sa 12 buwan ay mula sa mga sinaunang Ehipsyanong astronomo noong 424 B.C. Ginawa nila ito upang masubaybayan ang paghaba ng Nile.  Nabuo ang sistemang panulat ng mga sinaunang Ehipsyano na tinawag na hieroglyphics o hiroglipiko noong 3000 B.C. Ito ay binubuo ng mga salitang hiero, isang salitang Griyego na nangangahulugang sagrado o banal, at glype na ang ibig sabihin ay paglililok. Unang ginamit ng mga pari sa mga ritwal ang hiroglipiko. Binubuo ito ng mga ideogramo at ponogramo. Mayroon itong 24 simbolo at ang bawat isa ay may tig-isang titik ng katinig. Bukod sa 24 simbolo, mayroon pang 80 simbolo na may tig-dalawang katinig.  Ang mga piramide ang kauna-unahang monumentong bato na nananatili pa hanggang sa kasalukuyan. Ang pinakamalaking piramide ay ang piramide ni Khufu o Cheops na nasa Giza.  Ang pagkakaimbento ng papel mula sa dahon ng halamang papyrus ay nagmula rin sa mga sinaunang Ehipsyano.  Ang mummification o proseso ng pag-eembalsamo ay nagsimula noong 2600 B.C. sa ilalim din ng pamumuno ni Khufu. Natagpuan ang pinakalumang mummy sa Medum ni Sir Flinders Petrie na tinatayang inembalsamo noong panahong iyon.  Ang mastaba ay mga naunang bersyon ng piramide. Una itong itinayo sa panahon ni Haring Djer noong 2900 B.C.  Naimbento rin ang araro sa panahong ito. 18

 Pagtatayo ng malaking imbakan ng tubig na tinawag na faiyum na nagtustos ng tubig sa panahon ng tagtuyot. Ginagamit pa rin hanggang ngayon ang sistemang ito ng irigasyon. Amarna art noong panahon ni Ikhnaton na nagpapahalaga sa pagiging makatotohanan ng mga bagay na inilalarawan. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Punan ang sumusunod na talahanayang nagpapakita ng mga nagingpinuno ng bawat kaharian at ang nagawa ng bawat isa. Sino para sa iyo ang maypinakamalaking nagawa para umunlad ang kabihasnang Ehipsyano? Bakit? Kaharian Pinuno Mga Nagawa1. Lumang Kaharian2. Gitnang Kaharian3. Bagong Kaharian 19

Tandaan Mo! Ang Ehipto ay umunlad bilang isang lupain sa tulong ng Ilog Nile. Sinabi ni Herodotus na lahat ng Ehipto ay handog ng Nile. Walang Ehipto kung walang Nile.Ang mga natatanging pamana ng Ehipto sa kabihasnan ng mundo ay ang hiroglipikoo paraan ng pagsusulat, pag-eembalsamo ng mga pumanaw, paniniwala sakabilang-buhay, at ang kahanga-hangang piramide.Ang mga paraon sa iba’t ibang kaharian ng sibilisasyong Ehipsyano ay maramingnaiambag sa makabagong panahon sa larangan ng pulitika, ekonomiya, arkitektura,at relihiyon. Gawain 3: Paglalapat 1. Ano ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng mga kaharian sa kabihasnang Ehipsyano? Isulat sa loob ng unang kahon.2. Alin para sa iyo ang pinakamalaking pamana ng Ehipto sa kabihasnan? Isulat angsagot sa ikalawang kahon. 1 2 ___________________ ___________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________ 20

ARALIN 3KABIHASNAN SA SINAUNANG INDIA Ang India ay isa sa pinakamalaking bansa sa daigdig dahil sa lawak ng lupain atyaman ng kultura. Sa araling ito, aalamin mo ang pinagdaanang kasaysayan ng mga sinaunangkabihasnan sa India at ang mga katangian at kontribusyon ng kabihasnang Indian sadaigdig. Pagkatapos ng paksang araling ito, inaasahang malilinang ang mga sumusunodmong kasanayan: 1. Masusuri ang mga katangian ng kabihasnan ng sinaunang India; 2. Makapagbibigay ng mga kontribusyon sa daigdig ng sinaunang sibilisasyon sa India; 3. Mapaghahambing at mabibigyang-halaga ang mga kabihasnang Aryan at Mohenjo-Daro at Harappa. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Kung bibigyan ka ng pagkakataong bumalik sa sinaunang kasaysayan, aling kabihasnan ang pipiliin mo? Bakit? ________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ __________________ . 21

Pagkatapos mong basahin ang sumusunod na nilalaman ng aralin, iyan pa rin baang pipiliin mo? Una’y suriin mong isa-isa ang mga sinaunang kabihasnan sa India.Kabihasnan sa Sinaunang India Hindi maipagkakailang nakalunday sa Asya ang mga sinaunang kabihasnan.Tulad ng iba pang sinaunang kabihasnan, iniluwal ang kabihasnang ito sa mga ilog atlambak ng Indus na nasa hilagang kanlurang bahagi ng India. Umunlad angkabihasnang ito at tinawag na mga lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa. Madalas na tawaging subkontinente ang India dahil sa laki nito. Halos lahat nganyong-tubig at lupa ay makikita rito tulad ng disyerto, matabang lambak, mgakapatagan, matataas na talampas, mababang baybayin, mga naglalakihang ilog, atmga kabundukan. Basahin mo ang buod ng kasaysayan ng sinaunang India. Pansinin mo ang iba’tibang larangang pampulitika, pang-ekonomiya, lipunan, at kultura. Anu-ano ang mganaiambag ng sinaunang kabihasnang Indian sa pamumuhay natin ngayon? Bakitbumagsak at nahaluan ng ibang kultura ang sinaunang India? Alamin natin. Kabihasnang Mohenjo-Daro at Harappa (2500-1500 B.C.)Lipunan at Kultura  May malalaking kalsada, alkantarilya, at sistema ng patubig na tumutustos sa pangangailangan ng mga tahanan maging noong unang panahon.  Gumamit ang mga tao ng laryong putik na pinatutuyo sa pugon sa paggawa ng bahay. Gumamit sila ng mga hulmahan upang magkakapareho ang mga laryo.  Maganda ang kanilang mga iskultura at simple ang istilo ng arkitektura.  Naniniwala at sumasamba sa mga kaluluwa na naninirahan sa kalikasan at maging sa tao.Ekonomiya  Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao. May matabang lupa na 22

dulot ng malimit na pag-apaw ng mga ilog na pinagtaniman ng palay, mais, kape, bulak, niyog, at iba pa.  May mga nahukay na relikyang nagpapatunay na nakipagkalakalan ang sinaunang India sa Mesopotamia tulad ng mga inukit na batong seal na ginamit sa pagtatak ng mga kalakal.Sanhi ng Pagbagsak  Pagdating ng mga mananakop na Aryan mula sa Gitnang Asya noong 1500 B.C.Ambag sa Kabihasnan  Parisukat na seal carving na yari sa Soapstone, isang uri ng pulbos na pinatigas at kadalasang ginagawang dekorasyon at selyo.  Mga piguring bronse at terracotta ng mga bagay at diyos na sinasamba ng tao.  Mga alahas na yari sag into, metal, at iba pang mamahaling bato tulad ng jade at lapis lazuli. Kabihasnang Aryan (1500-530 B.C.)Pamahalaan  Nahahati sa mga pamayanan na may kanya-kanyang pamahalaan. Pinamumunuan ito ng rajh na nagmamana ng katungkulan at may katulong na lupon ng tagapayo na binubuo ng mga pinuno ng tahanan.Lipunan at Kultura  Tinawag na Panahong Vedic dahil ditto isinulat ang mga Veda o ang apat na aklat ng karunungan. Ito ay kalipunan ng mga himnong pandigmaan, mga ritwal na panrelihiyon, at mga kwento. Ang Rig Veda, ang pinakamatanda sa apat, ay tungkol sa kalikasan; ang Sama Veda naman ay tingkol sa mga ritwal; habang ang Veda ay naglalaman ng mga sinaunang seremonya. Ang Athava Veda ay tungkol naman sa kultura at mga tradisyon ng mga Aryan. Ang Upanishad naman ay nagsasaad ng mga pangunahing paniniwala ng Hinduismo tulad ng reinkarnasyon.  Sa ilalim ng sistemang caste, inuri ang mga Brahman na binubuo ng mga pari na nagsisilbing guro; ang mga Kshatriya o ang mga maharlika at mandirigma; ang 23

mga Vaisya o mga karaniwang mamamayan, mga artisano, mangangalakal, magpapastol, at magsasaka; at ang mga Sudra na mga manggagawa at alipin. Sa labas ng sistema matatagpuan ang mga untouchable o pariah, mga mamamayang hindi Aryan na karaniwang mahihirap at gumaganap ng mababang uri ng trabaho.  Sumasamba sa maraming diyos sa kalikasan tulad nina Indra, ang diyos ng bagyo at Agni, ang diyos ng apoy. Sa pagsambang ito nagmula ang relihiyong Hinduismo, ang pangunahing relihiyon sa India ngayon at isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ang Budismo, na pinasimulan ni Gautama Buddha noong 600 B.C., ay isa ring mahalagang relihiyon sa India na kumalat sa iba pang lupain sa Asya.  Walang kalayaan ang babaing Indian sa panahong ito, ngunit mayroon silang karapatang magmay-ari ng negosyo at kasangkapan tulad ng alahas na maaaring ipamana sa kanilang mga anak. Ang mga biyuda ay hindi na maaari pang mag-asawa at dapat mamauhay nang simple hanggang sa kanyang kamatayan. Ang iba ay nagpapakamatay at sumasama sa libing ng asawa na tinatawag na suttee.  Ang mga anak ng mayayamang pamilya ay nakapag-aaral. Ipinapakabisa sa mga mag-aaral ang mga Veda.  Ang krimen noong panahong iyon ay maaaring maparusahan ng kamatayan.  Mahilig sa kasayahan ang mga Aryan. Sila ay madalas manood at makilahok sa karera ng mga karwahe, pagsasayaw, at pagsusugal.Ekonomiya  Pagpapastol at pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Aryan. Nagtanim sila ng barley at trigo.  Magaling din sa mga gawang-kamay ang mga Aryan. Ang pangunahing hanapbuhay noon ay pagkakarpintero, paghahabi, pagkukulti ng balat ng hayop, at paggawa ng mga kasangkapan sa bahay gaya ng araro at asarol.Sanhi ng Pagbagsak  Sinalakay at napailalim sa mga Persiano sa pamumuno ni Cyrus the Great noong 530 B.C. 24

Ambag sa Kabihasnan  Relihiyong Hinduismo at Budismo  Sistemang caste  Konsepto ng reinkarnasyon o muling pagkabuhay at ang karma na nagsasabing ang ginawa ng tao sa kasalukuyang buhay ay maparurusahan o magagantimpalaan sa susunod nilang buhay.  Sa panitikan, ang mga Veda at ang UpanishadImperyo sa Sinaunang India Imperyong Maurya 320-185 B.C. Nagtatag: Chandragupta Maurya (324-300 B.C.)Pamahalaan  May maayos na pamahalaan na nakasentro sa hari. Ang imperyo ay hinati sa mga distrito na pinamunuan ng mga kasapi ng pamilya ng hari. Malaki rin ang bahaging ginampanan ng mga tagapayo ng hari, tulad ni Kautilya sa panahon ni Chandragupta Maurya.  Sa ilalim ni Bandusara (297 B.C.), anak ni Chandragupta, nasakop ng imperyo ang talampas ng Deccan (273-232 B.C.)  Nagpalabas si Asoka, ang pinakamagaling na pinuno ng imperyo, ng maraming batas na tinawag na Rock Edicts. Ito ay nakaukit sa mga bato, dingding ng mga kweba, at sa mga pampublikong lugar. Ang mga batas na ito ay naglalaman ng mga konsepto ng kawalan ng karahasan, paggalang sa lahat ng relihiyon at opinyon, pagsunod sa magulang, at pagiging makatao sa mga naninilbihan.  Pinalaganap ang Budismo sa panahon ni Asoka. Nagpasagawa siya ng mga daan, mga balon, at mga bahay-pahingahan. Ipinagbawal din ang pagsasakripisyo sa mga hayop at nagpatayo ng mga sentrong pangkalusugan para sa lahat ng mamamayan.Lipunan at Kultura  Ang lipunan ay nahahati sa pitong uri – mga pilosopo, magsasaka, kawal, pastol, 25

artisano, mahistrado, at konsehal. Pinakamalaking grupo ang mga magsasaka. Hindi maaaring mag-asawa ng hindi kauri ang mga Hindu.Ekonomiya  Nakipaglaban sa mga Persiano na pinamunuan ni Seleucus, ang mga Seleucid, noong 3000 B.C.  Pagsasaka at pagpapastol ang pangunahing hanapbuhay, nagtanim ng millet, trigo, at bulak.  Nangulekta ng buwis mula sa mga mangangalakal ng bulak at may-ari ng lupa.Sanhi ng Pag-unlad at PagbagsakPag-unlad  Ang maayos na sistema ng pamahalaan at ang mga buwis ang siyang tumustos sa mga gastusin ng imperyo.Pagbagsak  Umusbong ang mga nagsasariling estado sa timog ng kahariang Sunga at Kalinga.  Napabayaan ang hukbong military sa panahon ni Asoka dahil itinuon niya ang pansin sa pagpapalaganap ng Budismo. Hindi nito nakayang ipagtanggol ang imperyo mula sa mga nag-alsang Hindu na ayaw ng Budismo.  Hindi nakaagapay ang pamahalaan sa mga gastusin ng imperyo.Ambag sa Kabihasnan  Encyclopedia sa medisina na isinulat ni Charaka.  Aklat sa pulitika ni Kautilya, ang Arthasastra (The Science of Material Gain) na tungkol sa pagpapalawak at paggamit ng kapangyarihan. Imperyong Gupta 320-500 A.D. Nagtatag: Chandragupta (320-335 A.D.)Pamahalaan  Sa ilalim ng pamumuno ni Samudragupta (335-375 A.D.), anak ni Chandragupta I, lalong napalawak ang imperyo hanggang Talampas ng Deccan. Ang 26

pagpapalawak na ito ay nagdala ng yaman sa imperyo sa pamamagitan ng mga buwis na sinisingil ng imperyo sa mga nasakop na lupain.Lipunan at Kultura  Itinuring na Gintong Panahon ng India. Ang mga ambag ng Imperyong Gupta sa kabihasnan ay nagpapahayag ng kasaganaan na dulot ng mga yaman mula sa mga nasakop at kapayapaang tinamasa nito sa panahon ni Asoka. Sa panahong ito umunlad ang pagkamalikhain ng mga tao at nalinang ang sining at kultura sa India.Ekonomiya  Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Gupta. Nagtanim sila ng bigas, trigo, at tubo, gayundin ng mga prutas tulad ng mangga, melon, apricot, peach, peras, at iba pa.  May mga minahan ng mineral at asin, mga pabrika ng sandata, at pagawaan ng ornamenting ginto at pilak.  Nakipagkalakalan sa Ehipto, Gresya, Roma, at Ceylon (ngayon ay Sri Lanka). Ang ilan sa mga produkto nila ay bulak,mga telang chintz, calico at cashmere, garing, at elepante na ipinagpalit nila sa musk, seda, at amber.Sanhi ng Pag-unlad at PagbagsakPag-unlad  Mahusay na pamamahala ng mga naunang pinuno.Pagbagsak  Pagsalakay ng mga Hun mula sa Gitnang Asya noong 415 A.D.Ambag sa Sibilisasyon  Dinar – gintong barya na inuukitan ng tula at iba pang disenyo  Sakuntala – dula ni Kalidasa at mga pabula na may aral tungkol sa moralidad at pulitika  Sa arkitektura, ang Iron Pillar sa Delhi ay isang magandang halimbawa ng teknolohiya noong panahong iyon.  Mga epikong Ramayana at Mahabharata at ang pagtulong sa kanila ni Krishna sa pagbawi sa trono mula sa kanyang magandang asawang si Sita na kinuha ng 27

isang demonyo mula sa Persia.  Simbolong zero at bilang na 1 hanggang 9.  Pi na katumbas ng 3.14 at 365.3568 na bilang ng araw sa isang taon  Sistemang decimal  Ang University of Nalanda, ang unang unibersidad sa daigdig, na nag-alok ng mga kurso sa relihiyon, pilosopiya, at sining.  Nagbigay sa mundo ng mga telang cashmere, calico, at chintz na hanggang ngayon ay ginagawang damit at sapin sa bahay.  Mga fresco painting (pinta sa pader na plaster) sa kweba ng Ajanta sa Maharashtra. Imperyong Mogul 1526-1793 A.D. Nagtatag: Babur (1526-1530)Pamahalaan  Sa ilalim ng pamamahala ni Akbar the Great noong 1556-1605 A.D., apo ni Babur, nagpatayo ng mga monumento at palasyo sa India.  Naabot ng imperyo ang katanyagan sa panahon ng pamamahala nina Akbar Jahangir na namuno noong 1605-1627 at Shah Jahan noong 1628-1658.Lipunan at Kultura  Magkahalong tradisyong Hindu at kaugaliang Muslim ang umiral sa lipunan noong panahon ni Akbar at sumunod na namuno.  Ipinagbawal ang pang-aalipin ng mga babae at batang bihag sa digmaan.  Inalis din ang suttee o ang pagsunog ng mga biyuda kasama ng bangkay ng kanilang asawa. Ang kaugaliang ito ay nagsimula noong 1 A.D., dala ng mga Raiputs, mga mandirigmang Kushan na naniniwala sa monogamya o pag- aasawa ng isa lamang.  Nagkaroon ng direktang komunikasyon ang emperador at mga mamamayan sa pamamagitan ng mga korte ng hustisya na pinamunuan ng emperador. 28


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook