FILIPINO IV PART 2
Modyul 12 Pagsusuri sa Akda Batay sa Iba’t ibang Pananaw Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Heto na naman ako para batiin ka dahil maluwalhati mong natapos ang unangmodyul ng El Filibusterismo at tiyak ko, nakilala mo nang lubusan ang karamihan sa mgatauhang nilikha ni Dr. Jose Rizal pati na ang ilan sa kanyang mga paniniwala. Ngayon, isa na namang modyul ng El Filibusterismo ang pag-aaralan mo.Makikilala mo rito ang iba pang mga tauhan nito, at ang paghahasik ng galit ng atingpambansang bayani laban sa mga mapaniil na kastila. Malalaman mo rin dito ang iba pangkanser o sakit ng lipunan na siyang nais ipabatid sa atin ni Dr. Jose Rizal. Kung paano itonagawa ay malalaman mo kung uunawain mo ang mga kabanatang nakapaloob sa modyul na itotulad ng Kabanata XI – Los Baños , Kabanata XII – Placido Penitente, Kabanata XIII – Angklase sa Pisika na binigyan ko ng pamagat na “Mga Sakit ng Kalooban”. Nandito rin angKabanata XIV – Sa Bahay ng mga Estudyante, Kabanata XV – Si Ginoong Pasta at KabanataXVI – Ang Mga Kapighatian ng Isang Intsik na binigyan ko naman ng pamagat na ‘Kahilingan.Dito mo rin mababasa ang buod ng Kabanata XVII- Ang Perya sa Quiapo, Kabanata XVIII –Mga Kadayaan, Kabanata XIX – Ang Mitsa at Kabanata XX – Ang Nagpapalagay na binigyanko ng pamagat na ‘ Mga Palaisipan’. Syempre, may mga gawaing sadyang ginawa ko para sa iyo, mga gawaingtutulungan kang malinang ang pagsusuring panglingwistika, pagsusuring pangnilalaman atpagsusuring pampanitikan. Sa bagay na ito, maaari mong maiugnay ang mga dati mo nang alam,pati ang iyong karanasan sa bagong kaalamang makukuha mo rito. Huwag kang mag-alala. Madali lamang ang mga gawain sa mdyul na ito.. Maniwala ka, kayang-kaya mo. Handa ka na ba? Kung gayon, simulan mo na. Ano ang Matututunan mo? Nailalapat at napahahalagahan ang mga batayang kaalaman at pamantayan sapagsasagawa ng isang masining na pagsusuri. 1
Paano Mo Sasagutin Ang Modyul na ito? Muli kong sasabihin sa iyo, malaki ang tulong na maibibigay sa iyo ng modyulna ito tulad ng nakaraang modyul, sundin mo ang mga panuto nito at tiyak magiging maayosang iyong pag-aaral 1. May panimulang pagsusulat sa bahaging “Ano Ba Ang Alam mo? Susukatin nito ang kaalaman mo kaya sagutan ito nang maayos. 2. Pagkatapos ng pagsusulit, kunin mo sa inyong guro ang susi sa pagwawasto. 3. Basahin mo at unawaing mabuti ang mga buod sa bawat aralin. 4. May mga gawaing inihanda para sa iyo, sagutan mo ang mga ito. 5. Sagutin mo rin ang pangwakas na gawain, ang bahaging “Subukin Mo” at “Gaano ka na kahusay?” 6. Huwag mong sulatan ang modyul na ito kaya sa ibang papel ka sumagot. 7. Muli mong kunin sa iyong guro ang susi na pagwawasto. Ano Ba Ang Alam Mo? Ang susunod na gawain ay susukat sa kaalaman mo sa araling ito. Ito ay panimulangpagsusulit lamang.Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. 1. “ Ang mga Indiyo ay di dapat matuto ng Kastila at pag natuto, makikipagtalo sa mga Kastila”. Ang kaisipan ng pahayag ay nangangahulugang ___________. a. Ang mga Pilipino, kailanma’y di matututong magsalita ng Kastila. b. Kapag natutong magsalita ng Kastila ang Pilipino, makapangangatwiran na sila sa dayuhan. c. Ayaw ng Kastilang matutong mangastila ang Pilipino sapagkat takot silang lumaban ang mga ito. d. Tanging mga Kastila lamang ang dapat magsalita ng wikang Kastila.2. Si Juanito Pelaez ay totoong bulastog, mapagbiro at umaasa lamang sa iba. Angsalitang bulastog ay ___________.a. palatawa c. mapagmataasb. palabati d. mayabang3. Kapansin-pansin na ang mga estudyante ay parang ponograpo kung tumugon.Ang parang ponograpo ay nangangahulugang ____________.a. paulit-ulit magsalita c. sumasagot nang totohananb. nagsasalita nang di naiintindihan d. sagot nang sagot 2
4. Ipinalalagay ni ____________ na ang mga tulisan ay siyang lalong may karangalan sa lupaing ito. a. Kapitan Heneral c. Basilio b. Simoun d. Isagani5. Kinagigiliwan ng mga propesor si ___________. a. Isagani c. Juanito Pelaez b. Basilio d. Placido Penitente6. Ipinaalam na ni ___________ na gusto na niyang tumigil sa pag-aaral. a. Juanito Pelaez c. Tadeo b. Placido Penitente d. Basilio7. Alin kaya ang dapat na ginawa ni Placido Penitente sa panlalait ng kanyang propesor? a. mangatwiran c. magdabog na lamang b. magsawalang-kibo d. umalis nang walang paalam8. Hindi dapat lumagda ang sinuman sa anumang bagay na hindi niya nauunawaan. Ang pahayag ay __________. a. isang katotohanan c. madaliang konklusyon b. sariling palagay d. patnubay sa buhay9-10. Alin-alin ang mga kahalagahan ng pagiging huwarang mag-aaral? a. pupurihin ng mga tao b. mabibigyan ng parangal c. magtatagumpay sa kinabukasan d. makatutulong sa guro e. magiging halimbawa ng ibaV. Aralin I. Mga Sakit ng Kalooban A. Anu-ano Ang Mga Tiyak na Matutunan Mo? Matapos mong mabasa ang mga kabanata XI hanggang Kabanata XIII ng ElFilibusterismo, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan.: 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga piling pariralang nabanggit sa akda 2. Naiisa-isa ang katangian ng mga tauhan batay sa papel na ginagampanan nila. 3. Nasusuri ang uri ng tunggalian sa akda sa tulong ng teoryang eksisitensyal 3
4. Naisusulat ang talatang nagpapaliwanag ng kaugnayan ng tauhan sa mga pangyayari sa lipunan. 5. Nasasabi ang kahalagahan ng pag-aaral nang mabuti. B. Mga Gawain Sa Pagkatuto 1. Alamin mo… Panuto: Isulat mo sa loob ng kahon ang mga salitang kaugnay ng mga salitang nasa loob ng bilog. Mga Sakit ng Kalooban Hingin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto, kung ito ay malapit sa wastong sagot,ito ay katanggap-tanggap. Pagkatapos nito, tingnan mo kung ano ang kaugnayan ng mga salitang inilagay mo saloob ng kahon sa aralin o akdang babasahin mo. Handa ka na ba? 4
2. Basahin mo… Mga Sakit ng Kalooban Ang Kapitan Heneral, kasama ang isang banda ng musiko ay nangaso saBusubuso ngunit walang nahuli kahit ano, kaya iniutos ito na magbalik na lamang sa Los Baños.Dito, kasama sina Padre Irene, Padre Sibyla at Padre Camorra at naglaro sila ng tresilyo. Hindialam ni Padre Camorra na galit na galit ang dalawang pare ay nagpapatalo lamang upangmabigyang kasiyahan ang kapitan Heneral. Nais na ilapit ni Padre Irene, ang tagapagsalita ngmga estudyante ang tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila. Nagkaroon din ng parunggitan ang mga prayle at si Simoun. Ayon sa mag-aalahas”Ang mga tulisan ay siyang lalong may karangalan sa lupaing ito, sila ang tanging nabubuhay samabuting paraan,” sapagkat nang siya ay hinirang ng mga ito, mga baril lamang ang kinuha sakanya. Kung ang mga prayle raw ang nangharang sa kanya, tiyak, kalahati ng mga hiyas angkukunin ng mga ito. Pinigil ng Kapitan Heneral ang parunggitan at marami pa ang napag-usapan angtungkol sa gurong tinuturing nilang pilibustero at ang tungkol sa bahay-paaralan na hinihiling ngmg estudyante. Iminungkahi ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan. Tungkol namansa Akademya ng Wikang Kastila, nararamdaman ni Padre Irene na wala itong pag-asa dahil satutol dito si Simoun. Bukod dito, sinabi ni Padre Camorra, “Ang Indiyo ay di dapat matuto ngkastila at pag natuto, makikipagtalo sila sa mga Kastila. Samantala, malungkot si Placido Penitente habang patungo sa Unibersidad ng SantoTomas. Dalawang ulit na niyang sinulatan ang kanyang ina upang ipaalam dito ang pagnanaisniyang tumigil na sa pag-aaral ngunit ang bagay na ito ay labis na pinagtataka ng kanyang mgakababayan. Alam nilang si Placido ang pinakamatalino sa klase ni Padre Valerio noon. Sakanyang paglalakad, nakita siya ni Juanito Pelaez, ang mapanlangis at kinagigiliwan ng mgapropesor. Siya ay bulastog, totoong mapagbiro at umaasa sa katalinuhan ni Placido Penitente.Ikinuwento nito na nagbakasyon sila ni Padre Camorra sa bayan ng Tiani at doon ayipinagmalaki niya ang ginawang panghaharana sa maraming magagandang dalaga roon. Magingang katipan ni Basilio na si Huli ay nakilala din niya. Di umano napakasungit nito ngunit gaya ngiba, may mangyayari rin daw dito. Naiba ang pag-uusap nila nang itanong ni Juanito ang tungkolsa kanilang aralin na may kinalaman sa salamin. At nag-aya siyang mag-dia pichido na lamangsila. Ang dia pichido sa Maynila ay ang araw na naiipit sa dalawang araw ng pista at karaniwangkinatatamaran nang ipasok ng mga estudyante. ngunit bago mangyari ito, biglang naalala niJuanito na siya ay naatasang mangilak ng ambagan para sa bantayog ni Padre Baltazar, kayahinimok niya ang binata na mag-ambag upang masabing galante at tiyak hindi masasayang angkanyang abuloy. 5
Nang malapit na sila sa unibersidad, naroon si Isagani na nakikipagtalo tungkol sakanilang aralin nang dumating si Paulita Gomez, at kasama ang tiyahing si Donya Victorina.Naroon din si Tadeo, na pumapasok araw-araw upang itanong kung may pasok. Nagpatuloy sapaglalakad si Placido nang may nagpalagda sa kanya ngunit hindi niya ito pinirmahan sapagkatayon sa kanya, hindi siya lumalagda sa anumang hindi niya naiintindihan at nagmamadali nasiyang umalis patungo sa kanyang klase. Sa pagpasok ni Placido sa klase, nakita siya ng kanyangpropesor at parang sinabi na “Walang galang, magbabayad ka rin sa akin.” Ito ay si Padre Millonna batang Dominikong napabantog sa Pilosopiya. Sa loob ng klase, makikitang ito ay walang palamuti ngunit may kasangkapangipinakikita lamang kung may mga dayuhang bisita upang masabing hindi nahuhuli angunibersidad ng Sto Tomas sa ibang bansa sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututoang mga Pilipino ay dahil sa katutubo sa mga ito ang kawalang-katalinuhan. Sa pagkaklase, kapansin-pansin na ang mga estudyante ay parang ponograpo kungtumugon. Nang tawagin si Juanito, nagpatulong ito kay Placido at iyon ang sanhi kung bakit angnapagbalingan ng propesor hanggang sa inulan ng mura ang pobreng binata na nilapatan nglabinglimang pagliban. Napatindig si Placido ngunit nagpatuloy ang propesor sa panunuya.Kaawa-awang Placido at tinawag itong Pacidong Bulong. Nagpanting ang tenga nito atnagwikang “Maaari ninyo akong markahan ng anumang marka ngunit wala kayong karapatangumaglahi sa akin” at pagkatapos, nagmamadali itong umalis. Napatigagal ang klase at nagpatuloy na rin ang propesor sa kanyang sermon at nangtumugtog ang kampanilya, dalawangdaan at tatlumpu’t apat na estudyante ang pumasok saklaseng yaon at naglabasan nang walang nalalaman nang sa gayon ding kalagayan. Naintindihan mo ba ang iyong binasa? Nakilala mo ba ang iba pang mga tauhan?Maiuugnay mo ba ang mga tauhang nakilala mo sa kanilang kapwa at sa lipunan? Naunawaanmo ba ang katotohanan at di katotohanan sa mga tauhang ito batay sa kanilang pahayag, kilos,gawi at paniniwala? Nakita mo ba ang tunggalian ng tao sa kanyang kapwa. Kung naunawaan mo ang iyong binasa, tiyak na handa ka na sa mga susunod nagawain. 3. Linangin Mo… A. Pagsusuring Panglingwistika Piliin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga pariralang nasa Hanay A. Titiklamang ang isulat.Hanay A Hanay B1. parunggitan ng mga prayle a. rebelde2. pilibustero sa lungsod b. natigilan3. naatasan ng guro c. humamak4. umaglahi sa pagkatao d. nautusan5. natigagal sa nang yari e. parinigan f. nahingan 6
Kung tapos ka na, kunin mo sa iyong guro ang susi sa pgwawasto nang makatiyak ka sakawastuhan ng iyong sagot. B. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Sa tulong ng dayagram, ibigay ang katangian/ kahinaan ng mga tauhan atang mga patunay na taglay nila ang inilahad na katangian/ kahinaan. Mga TauhanKatangian KatangianPatunay Katangian Patunay PatunayKatangian KatangianPatunay PatunayMadali lamang di ba? Kunin mo muli ang susi ng pagwawasto na nasa iyong guro, kung ito aymalapit sa tamang sagot, ito ay katanggap-tanggap.C.Pagsusuring PampanitikanBago mo sagutin ang kasunod na gawain alamin mo muna ang nasa loob ng kahon.Teoryang EksistensyalismoSa teoryang ito, naniniwala na ang tao ay makapangyarihan. Hawak niya ang kanyangsarili, mula sa kanyang iniisip, pinaniniwalaan at pagpapasya. Anuman ang kanyang gagawin, ito 7ay kanyang pananagutan.
Panuto: Batay sa teoryang eksistensyalismo, isulat sa ilalim ng kahon ang mga sitwasyonmga pangyayaring tumutugon sa pagkakatulad nina Placido Penitente at Padre Millon. Teoryang EksistensyalismoTunggPallaicaidno PseanitNentoe bela Padre MillanIsang mahalagang sangkap ng isang nobela ay ang tunggalian. Ito ang siyangnagapapaigting sa paglalahad ng mga karanasang tinipon ng isang manunulat .Sa bahaging ito ngpag-aaral, ang isa sa uri ng tunggalian ay ang tunggalian ng tao sa tao kung saan ipinakikita naang kabiguan ng tao ay dulot ng kanyang kapwa. Reaksyon sa klase Reaksyon sa klasePagiging Pagigingmakapangyarihan makapangyarihanNagwagi bilang mag- Nagwagi bilang guroaaral Anong uri ng tunggalian Matapos mong maisagawa ang gawain, kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto.Kung malapit ang sagot, ito ay katanggap-tanggap. Tingnan mo naman ang susunod na gawain. Kayang-kaya mo ito. Muli, sundin din moang panuto. B. Halagang Pangkatauhan 8
Panuto: Sa tulong ng dayagram itala ang mga katangian ng isang huwarang mag-aaral. Huwarang Mag-aaral Madali mo bang naibigay ang sagot. Kung ito ay malapit sa wastong sagot na nasa susing pagwawasto, ito ay katanggap-tanggap. Ngayon, dagdagan pa natin ang iyong kaalaman. 4. Palalimin Mo… Panuto: Dugtungan ang pahayag batay sa pagkaunawa mo sa konseptong nakuha saaralin.Nauunawaan ko ang saloobin ni ___________________________________na dapat ngang ____________________________________________________ngunit __________________________________________________________sapagkat __________________________________________________________kaya _____________________________________________________________ Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Kung malapit ang iyong sagot, ito aykatanggap-tanggap. 5. Gamitin Mo… 9
Panuto: Matamang basahin ang kasunod na sitwasyon at sagutin ang kasunod na tanong. 1. Ikaw ay naatasang makipag-usap sa inyong guro hinggil sa inyong planong makipag-usap sa pamunuan ng paaralan dahil sa mga karaingan ng buong klase at hindi ka pinayagan, ano ang gagawin mo? 2. Ipinahiya ka ng iyong guro sa loob ng klase, paano mo ito haharapin? Iwasto mo ang iyong sagot. Kunin mo ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kungmalapit sa tamang sagot, ito ay katanggap-tanggap. 6. Sulatin Mo… Panuto: Pumili ng isa sa mga tauhan at sumulat ng talata ng pagpapaliwanag hinggil sa kaugnayan ng tauhan o sa mga pangyayari sa lipunan. Kumuha ng ibang papel. Huwag mong sulatan ang modyul na ito upang magamit pa ito ng iba na nais matuto na tulad mo.nais ding matutong tulad mo. Tulad ng dati, iwasto mo ang iyong sagot. Kung ito ay malapit sa susi sa pagwawasto nanasa iyong guro, ito ay katanggap-tanggap. 7. Lagumin Mo… Panuto: Lagyan mo ng tsek ( ) ang natutunan mo na sa aralin. OO HINDI DI- TIYAK1. Nakita ang paglalangis sa may kapangyarihan2. Hinihiling ng mga estudyante na magkaroon ng Akademyang Wikang Kastila3. Ang pagnanais ni Placido na tumigil sa pag-aaral.4. Gagawa ng paraan si Padre Camorra na makuha si Huli.5. Walang natututuhan ang karaniwang mag-aaral noon6. Ginagamit lamang ang mga kasangkapan kapag may mga 10
dayuhang panauhin.7. Ipinasasaulo ni Padre Millon ang aralin nang hindi itoipinaliliwanag.8. Ipinalalagay ni Padre Millon na tanga ang kanyang mga estudyante9. Ang prinsipyo ni Rizal sa pagtuturo ay nananatili pa rinhanggang ngayon.10. Marami ang katulad ni Juanito Pelaez.. Tingnan mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iyongsagot ay malapit, ito ay katanggap-tanggap.8. Subukin Mo…Piliin ang titik ng wastong sagot:1. Ayon kay Juanito Pelaez, “Balang araw, may mangyayari rin kay Huli kahit na ito ay napakasungit.” Ang pahayag ay nangangahulugang _____________. a. di titigilan ni Padre Camorra Si Huli. b. talagang napakasungit ni Huli. c. dapat lang may nmangyari kay Huli. d. si Juanito Pelaez ay manghuhula.2. Sa pahayag na, “Maaari ninyo akong markahan ng anumang marka, ngunit walakayong karapatang umaglahi sa akin”. Nangangahulugang ang nagsasalita ay____________.a. nagagalit c. nagpapaliwanagb. nangangatwiran d. naaasar3. “ Walang galang, magbabayad ka rin sa akin.” Ito ang pahayag ni Padre Millonnang huling dumating sa klase si Placido. Ang pahayag ng nagsasalita aynangangahulugang siya ay ____________.a. nagsisisi c. nagbabantab.naniningil d. nanghihinayang4. Iminungkahi ni _____________ na gawing paaralan ang sabungan.a. Kapitan Heneral c. Padre Camorrab. Don Custodio d.Padre Irene 11
5. Si ___________ ang pumapasok araw-araw para itanong kung may klase.a. Juanito Pelaez c. Makaraegb. Placido Penitente d. Tadeo6. Ikinagalit ni __________ ang muling pagpasok ni Placido nang huli sa klase.a. Padre Valerio c. Padre Baltazarb. Padre Millon d. Padre Sibyla7. Sa pahayag ni Simoun na “ang sama ay nasa mga tulisan sa loob ng bayan at sa mgalunsod”, napatutunayang ___________.a. nagagalit siya sa mga tulisan.b. nagkalat ang mga tulisan sa bayan.c. tulisan ang turing niya sa mga prayle.d.ang mga nasa lunsod ay mga tulisan8. Sa sinabi ni Placidong “Sa inyo na ang inyong klase” at ang estudtante ay umalis nangwalang paalam., pinatutunayang si Placido ay ___________.a.mapagtimpi ngunit marunong ding magalitb. tahimik pero maaari ring sumigaw.c. sadyang walang galang kapag nahuhuli sa klase.d. mapagpanggap na tahimik pero mapanganib.9-10. Alin-alin ang ibinubunga ng pagiging matimpi?a. bumubuti ang kaloobanb. nababawasan ang sama ng loobc. naiiwasan ang alitand. hinahangaan ng kapwae. mapupuri ang sarili Kung tapos ka na, iwasto mo ang iyong sagot. Kunin mo sa iyong guro ang susisa pagwawasto. Kung ang iskor mo ay 7-10, maaari kang pumunta sa susunod na pagsasanay.Kung ang iskor mo ay 6 pababa, gawin mo ang susunod na pagsasanay. 9. Paunlarin Mo… Panuto: Alamin mo ang pahayag na nasa hugis-parihaba. Magsimula ka sa X papunta sa kanan at bilugan ang bawat ikalawang titik. AAN BG C T D A E O F N G G H M I A J TX 12
B KI IZ LL MY M PA T M WA V M U A T N S I R D Q Y PA O INVI. Aralin 2: Kahilingan A. Anu- ano ang mga Tiyak na Matututunan Mo? Matapos mong mabasa ang mga kabanata XIV hanggang kabanata XVI ng El Filibusterismo, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Nabibigyan kahulugan ang mahihirap na salitang ginamit sa kda. 2. Napagsusunud-sunod ang mga mahahalagang pangyayari sa akda 3. Nasusuri ang pagkamakatotohanan at di makatotohanang pagbuo ng mga tauhan batay sa kilos, gawi, pananalita, at paniniwala. 4. Nabubuo ang saknong na kinapapalooban ng pangunahing kaisipan sa akda. 5. Naipahahayag ang kahalagahan ng tamang gawi at kilos sa isang hangarin. B. Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin Mo… Panuto: Isulat ang angkop na titik sa bawat kahon upang matukoy ang sinasaad sabawat bilang 1 2. 3 4 5 6 13
7 8 1. Ang Dakilang Lumikha 2. Ang gabay ng tao sa magandang asal. 3. Ang kasingkahulugan ng gabay 4. Ang ama at ina 5. Ang bukalan ng dunong at kaalaman ng tao 6. Ang pangalawang ina sa paaralan 7. Ang sagisag ng magandang pagbabago sa buhay 8. Ang tawag sa mga inaasam ng tao Natapos mo na ba ang gawain.? Madali lamang di ba? Ngayon, makikita mo sa ipababasako sa iyong isang bahagi ng El Filibusterismo ang kaugnayan ng nakaraaang gawain. Simulanmo na. Kahilingan Malaki at maaliwalas ang bahay ni Makaraeg. Magmula ika-10 ng umaga, maingay anglugar na yaon. Naroon din ang isang intsik na nagtutungayaw sa mga estudyanteng bumibili sakanya. Mayroon ding mga batang umiiyak sa magkabilang silid. Unti-unting napapawi ang mga ingay at tawanan nang magsidating ang mga estudyantenginanyayahan ni Makaraeg tulad nina Sandoval na bagamat Kastila ay kaisa na mga kabataangestuyante sa balak na paaralan at si Pecson na di umaasa sapagkat takot ang mga dayuhan namagkaroon ng iisang wika na tulay sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga Pilipino, ngunitayon kay Sandoval, dapat daw sumunod ang unibersidad sa pangangailangan ng mga estudyante. Sinabi ni Makaraeg ang ginawang pakikipag-usap kay Padre Irene sa Kapitan Heneral saLos Baños at ang pagsalungat ng nakararami sa panukala kaya naisipan nila ang dalawangparaan upang pumanig sa kanila si Don Custodio. Una ang pakiusapan si Quiroga at kausapin siPepay. Nabanggit si G. Pasta na tagapayo ni Don Custodio at ito ang napagkasunduan nilanguunahing kausapin at si Isagani ang magsasagawa nito. Kinabukasan nga ay nagpunta si Isagani sa tanggapan ni G.Pasta, ngunit bigo ang binatasa kanyang pakay sapagkat ayon kay G.Pasta, marami siyang pag-aari. Hayaan na raw sapamahalaan ang lahat. Siya tulad ni Padre Florentino ay may katulad na pasya na kaagad namangsinagot ni Isagani na itinuro ng kanyang amain ang pag-aalaala sa iba tulad ng pag-aalaala sasarili at sa kalagayan ng lalo pang aba. Sinikap ni G.Pasta na mapapanig si Isagani sa kanyang paniniwala. Higit raw siyangmauunawaan kapag ang kabataan ay nagkaroon ng uban ngunit kaagad namang tumugon angbinata ng ganito ‘kung ako’y magkakaroon ng ubang tulad niyan, at pag-inilingon ko ang aking 14
paningin sa nakaraan, at nakita kong wala akong nagawa kundi ang ukol lamang sa sarili, nahindi ginawa ang maaaring gawin at dapat kong gawin sa bayang nagbigay sa akin ng lahat ngbagay, bawat uban ng magiging tinik at hindi ko ipagkakapuri kundi ikahihiya.’ Kinagabihan naman, naghandog ng piging si Quiroga sapagkat hangad niyang magtatagng isang konsulado ng Tsina sa Pilipinas at siya ang konsul. Naroon ang mga prayle. Pagkataposng hapunan, dumating si Simoun. Ang lahat ng mga negosyante ay naglapitan sa kanya at kani-kaniyang hiling sa ikaaayos ng kanilang negosyo at may mga dumadaing. Si Quiroga nama’yumaangal sapagkat ayon sa kanya, siya ay nalulugi. Ayon kay Simoun, babawasan niya ngdalawang libo ang utang nito kung papayag itong itago sa kanyang bodega ang mga armas nadumating. Hindi raw dapat mangamba si Quiroga sapagkat ang mga baril na yaon ay unti-untingililipat sa iba-ibang bahay. Kapag di pumyag ang intsik sisingilin siya ng siyam na libo kayakahit takot at may alinlangan ay napilitang pumayag si Quiroga. Sa isang pangkat naman, nag-uusap sina Ben Zayb, Juanito Pelaez at iba pa ukol sa peryani Mr.Leeds, na di umano ay may ulong nagsasalita. Sumabad si Simoun na upang makatiyak,inanyayahan niya ang mga ito na panoorin ang bantog na espinghe. Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Kung gayon, gawin mo na ang susunod nagawain.3. Linangin Mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Piliin sa Hanay B ang titik ng kahulugang ibinibigay ng mga salitang nasa Hanay A Hanay A Hanay B 1. Maaliwalas ang bahay ni Makaraeg. a. nagsisigaw 2. Nagtutungayaw ang intsik sa mga bata. b. mapasang-ayon 3. Unting-unti rin ang mga ingay. c. maliwanag 4. Bigo ang binata sa kanyang pakay. d. nawala 5. Nais ng binatang mapapanig ito sa kanyang e. nasa paniniwala. Nahirapan ka ba? Madali lamang,di ba? Ngayon naman, may panibago akong gawainginihanda. Subukin mong gawin at makikita mong kayang-kaya mo ito.b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Ayusin mo ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunud-sunod. Isulat mo ang tamang bilang gamit ang ladder sa ibaba. 15
1.Naghandog ng piging si Quiroga. 2. Nagkita-kita ang mga estudyante sa bahay ni Makaraeg. 3. Nagpatago ng mga baril si Simoun sa bahay ni Quiroga. 4. Nakipag-usap si Isagani kay G.Pasta. 5. Nagbalak ang mga estudyante kung sinu-sino ang hihingan ng tulong. 6. Nalaman ng mga estudyante na nabigo si Padre Irene. 7. Nagsabi si Quiroga na siya ay nalulugi. 8. Nag-anyaya si Simoun na manood ng espinghe. 9. Nabigo rin si Isagani sa pakay kay G.Pasta. 10. Napag-usapan ng ibang panauhin ang sinasabing ulong nagsasalita. 10 9 8 7 6 5 4 3 1 2 1 Kung tapos ka na, kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Kung angiskor mo ay 7 pataas, ang galing mo. Kung ang iskor mo ay 6 pababa, huwag kang malungkot.May kasunod pang gawain na tiyak na kayang-kaya mo. Sundin mo lang ang panuto. C. Pagsusuring Pampanitikan Bago mo sagutin ang kasunod na gawain alamin mo muna ang nasa loob ng kahon.] 16
Ang manunulat ang nagpapagalaw ng mga pangyayari sa mga kwento onobelang kinakatha niya .Sa paglalahad niya ng mga katotohanang mula sa hinabingmga kaganapan, nagiging mahalagang sangkap ang paglikha ng mga tauhan. Sila angnagbibigay-buhay sa kabuuan ng akda. Sa pagbuo ng tauhang makatotohanan, nilalapatan ng may-akda ang mganasabing tauhan ng saloobing positibo at negatibo, na kahit anong sama ng tauhan, maybuti pa rin itong nagagawa.Panuto: Isulat mo sa angkop na hanay ang mga katotohanan at di-katotohanang katangian ngmga tauhan batay sa pananalita, kilos, gawi at paniniwala mula sa akda.Mga Tauhan Katotohanan Di-KatotohananIsaganiG.PastaQuirogaSimoun Iwasto mo ang iyong sagot. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto.Kung ang iyong sagot ay malapit, ito ay katanggap-tanggap. d. Halagang Pangkatauhan Panuto: Batay sa pinag-aralan mong bahagi ng El Filibusterismo, punan ng angkop nasagot ang mga patlang. Upang matamo ko ang aking mga hangarin, tutularan ko si ________________ sapagkat______________. Hindi ko tutularan si __________________ sa pagtatamo ng aking mga hangarinsapagkat __________________. Nadalian ka ba sa gawain? Sa aling bahagi ka nahirapan? Huwag kang mag-alala, angsusunod na gawain ay madali lang pero tingnan mo muna kung tama ang iyong sagot. Hingin mosa iyong guro ang susi sa pagwawasto at iwasto mo ang iyong sagot. 4. Palalimin mo… 17
Panuto: Itala mo ang lahat ng mga dapat na isaalang-alang na makatutulong upang magkaroon ng magandang bunga ang iyong mga kahilingan. __________________HAN _________________GAR __________________IN __________________Nahirapan ka ba? Saang bahagi ka nahirapan? Upang makatiyak ka, kunin mo sa iyong guro angsusi sa pagwawasto. 5. Gamitin mo... Panuto: Matamang basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at ibigay mo ang iyong reaksyon ukol dito. Ipaliwanag mo ang iyong sagot. 1. Nahalal kang pangulo ng inyong klase at nasangkot ang klase ninyo sa dayaan sa araw ng pagsusulit. Nagpaliwanag kayo ng mga kamag-aral mo ukol sa nangyari ngunit ayaw makipag-usap ng iyong guro. Ano ang iyong gagawin? 2. Bilang puno ng barangay, nais mong magkaroon ng Social Hall sa inyong pook ngunit marami ang sumasalungat dito lalo na ang iyong mga kagawad. Ano ang gagawin mo? Kung ang iyong sagot ay malapit sa nasa susi sa pagwawasto, ito ay katanggap-tanggap. 6. Sulatin mo… Panuto: Punan ng angkop na pahayag ang patlang upang mabuo ang kaisipan. . Upang maisakatuparan ko ang aking mga plano, dapat na ______________. 18
Sa pagsasakatuparan ng aking mga plano, hindi ako dapat na ______________. Madali lang di ba? Ngayon, iwasto mo ang iyong sagot. Kunin mo sa iyong guro angsusi sa pagwawastto. Ito ay magiging katanggap-tanggap kung malapit sa tamang sagot.7. Lagumin mo…. Panuto: Sa tulong ng dayagram sa ibaba, ibigay ang mga kaisipang nangingibabaw sa akda. KahilinganIwasto ang iyong sagot. Tingnan mo ang susi sa pagwawasto. Kung ito ay malapit satamang sagot, ito ay katanggap-tanggap.8, Subukin mo…Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.1. Nautusang mangilak ng ambag si Juanito Pelaez para sa bantayog ng isangparing Dominiko. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang________.a. manghingi c. maghanapb. mag-ipon d. mangalap2. Nagtutungayaw ang intsik sa mga estudyanteng bumibili. Ang nagtutungayaw ay ___________. a. nagagalit c. sumisigaw b. nagmumura d. tumitili3. Naghandog ng piging si Quiroga sapagkat nais niyang magkaroon ngkonsulado ng mga Intsik. Ang pahayag ay nangangahulugang _______ siQuiroga.a. mapagbigay c. matulunginb. mapanuri d. mapanlangis 19
4. Alin sa mga sumusunod ang naging saloobin ni G. Pasta sa pag-uusap nila niIsagani? a. pagkabahala c. pagkatakot b. paghanga d. pagkatuwa5. Alin sa mga sumusunod ang katotohanan sa di pakikialam ni G. Pasta sa suliranin ng mga estudyante? a. Natatakot siyang madamay sa gulo b. May mga ari-arian siyang dapat pangalagaan c. Hindi niya kaya ang mga prayle d. Wala siyang pakialam sa mga estudyante.6. Alin ang hindi totoo sa pagkatao ni Quiroga sa paghahandog niya ng piging? a. palakaibigan sa tao b. tunay na mapagkawanggawa c. natutuwa sa mga panauhin d. nag-iisip ng ikabubuti ng sarili7. Ano ang totoo kay Padre Florentino sa pahayag na “itinuro ng kanyang amainang pag-alala sa iba tulad ng pag-aalala sa sarili, sa kalagayan ng lalo pangaba”? a. maaalalahanin c. matulungin b. makatao d. mapagkawanggawa8. Ayon kay Simoun, babawasan niya ang utang ni Quiroga kung papayag itongitago ang mga baril sa tindahan, sa pahayag na ito, si Simoun ay_____________. a. mapagmataas c. mapagbigay b. mapagsamantla d. maunawain9-10. Alin-alin ang masasamang dulot ng panunuhol? a. pang-aabuso ng kapwa b. pandaraya sa layon c. pagkatalo ng katunggali d. pananaig ng kasamaan e. paglaban sa nakatataas Iwasto mo ang iyong sagot. Kung ang iyong iskor ay 7 pataas, magaling ka! Kungang iskor mo naman ay 6 pababa, gawin mo ang kasunod na gawain. Madali lang ito. 9. Paunlarin mo…. Bumuo ka ng isang saknong na kinapapalooban ng pangunahing kaisipang nakuha mo sa aralin. Ang gagawin mong saknong ay dapat na may sukat at tugmaan. 20
Kung tapos ka na, kunin mo ang susi ng pagwawasto sa iyong guro. Ito’y katanggap-tanggap kung malapit sa tamang sagot.VII. Aralin 3: Mga Palaisipan A.Anu-ano ang mga Tiyak na Matututunan Mo? Matapos mong mabasa ang buod ng Kabanata XVII-Ang Perya sa Quiapo, Kabanata XVIII- Mga Kadayaan, Kabanata XIX- Ang Mitsa at Kabanata XX- Ang Nagpapalagay na binigyan ng pamagat na “Mga Palaisipan” inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kaisipan: 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga piling pahayag na nagpapaliwanag sa kilos ng mga tauhan 2. Nasususri ang mga piling pahayag na nagpapatotoo sa mga tauhan 3. Nabibigyang-reaksiyon ang ugnayan ng mga tauhan sa lipunan 4. Nailalahad ang kakayahan ng paglinang sa sariling talento 5. Nabubuo ang kaisipan ng akda sa pamamagitan ng islogan B.Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo… Panuto: Buuin ang salitang nasa loob ng kahon sa pamamagitan ng pagsagot sa mga kasunod na tanong. 1 2 3 4 5 21
1. Ang tawag sa kaaway ng pamahalaan 2. Ang kaibigan ni Ibarra sa Noli Me Tangere 3. Ang katangian ni Huli 4. Ang kasingkahulugan ng Amerikano na tawag kay Simoun 5. Ang tugtog sa kampana na nauukol sa patay Tingnan mo sa susi ng pagwawasto na nasa iyong guro kung tama ang iyong sagot. Pagkatapos, tingnan mo kung ano ang kaugnayan ng mga salitang ito sa mga kabanatangpag-aaralan mo. 2. Basahin mo… Mga Palaisipan Punung-puno ng tao at panoorin ang perya. Naroon sina Padre Camora at Ben-Zayb natuwang-tuwa sa pagtingin sa mga magagandang dilag lalo na nang masalubong niya si PaulitaGomez, ang pinakamaganda ng gabing yaon, kasama si Isagani, kasunod si Donya Victorina.Mabanayad itong naglalakad habang nayayamot naman si Isagani sa maraming lalakingnabibighani sa kagandahan ng dalaga. Nakarating sila sa tindahan ng mga tau-tauhang kahoy na kapansing-pansing may mgakawangki itong mga prayle ngunit maayos, makikinis at maganda ang imaheng ipinakikita. Hindikatulad sa Europa na kakaiba sapagkat doo’y inilalarawan silang nagsusugal, natutulog saibabaw ng bariles ng alak, naglalasing at nagpaparaan ng oras sa pagpindot sa pisngi ng dalaga.Sa Pilipinas,ang mukha nila ay payapa at kagalang-galang, Ang kilos ay walang iniwan sa santo,na sa halip na sagisag ng kayamuan at kahalayan, sila ay may dala-dalang krusipiho at aklat. Sahalip na panghahalik sa tagabukid, dito sa Maynila ay nagpapahalik ng mga kamay sa mga bataat matatanda. Sa halip na prayleng pulubi na dumudulog sa bahay-bahay, sa Maynila sila angmga prayleng nagbibigay ng ginto sa mga Indiyo. Nakita rin nina Padre Camorra at Ben-Zaybang larawan ng isang matandang babaeng bulag ang isang mata sabug-sabog ang buhok atnakalupasay sa lupa na ayon kay Padre Comares ay hangal ang mag-isip ng larawang iyon.Nakita rin nila ang isang lalaking nakagapos ang kamay na tinatanuran ng mga guwardiya sibilna pinagtawanan din nila at nang nakita ang larawang kahawig ni Simoun, bigla nila itongnaalala at nagpatuloy sila sa paglakad hanggang sa humantong sila sa tanghalan ni Mr. Deeds. Magiliw na sinalubong ni Mr. Leeds ang pangkat ng manonood. Si Mr. Leeds ay tunayna Amerikano, mabuting magsalita ng Kastila at hindi tumangging magsiyasat sa loob ngtanghalan bago magsimula ang pagtatanghal, kaya iyon ang agad na ginawa ni Ben-zayb..Hinanap niya ang salamin ngunit ayon kay Mr. Leeds, ang salamin niya ay nasa hotel.Nagbalik na lamang kaagad ang mamamahayag sa kanyang upuan. 22
Di nagtagal, inilabas ni Mr. Leeds ang isang kahon na maitim, bukbukin na may lilokna ibon, mga hayop, mga bulaklak, mga ulo ng tao at iba pa .Nang buksan ang naturang kahon,nag-amoy bangkay ang loob ng tanghalan.. Ayon sa Amerikano, ang kahon ay galing pa sapiramide ng paraong si Khufu at ito ay may lamang sandakot na abo at isang lumang papel namay sulat. Binasa niya ang nakasulat at ang abo ay naging ulo. Natakot siya ngunit nilakasanniya ang kanya loob at muling binasa ang nakasulat at ang ulo ay muling naging abo. Samantala, maingay sa labas sapagkat si sila pinapapasok. Tanging ang mga prayle,matataas na tao at mayayaman lamang ang nasa loob.Sa pagkakataong iyon, binigkas ni Mr.Leeds ang salitang “Dere mof!” Biglang umandap-andap ang mga ilawan, lumangitngit anghapag at may daing na nanggaling sa kahon. Nabuksan nang kusa ang kahon at lumitaw ang uloat idinilat nito ang kanyang mata. Tiningnan nito nang isa-isa ang mga naroroon at tinitigan siPadre Salvi na nanginginig. Inuutusan ng amerikano na magpakilala ang espinghe. Ayon saespinghe sa tinig na nakatatakot na siya raw ay si Imuthis na isinilang sa panahon ni Amasis atnamatay noong pananakop ng mga Persyano. Ayon sa kanya, galing siya na pag-aaral sa Gresya,Asirya at Persiya at pauwi na sa sariling bayan. Natuklasan niya na si Smerdis ay nagpanggaplamang nang mapadaan siya sa Babilonya. Ang totoo, siya ay si Gautama na padayangnaghawak ng kapangyarihan at sa tulong ng mga paring Ehipsiyo, siya ay napanganyaya. Diumano, ito ay pakana ng isang batang pare na nagkukunwang banal. Ayon sa espinghe, umiibig siya sa anak ng isang pare at naibigan din ito ngbatang pare.Gumawa ito ng kaguluhan. Tinugis at napatay siya. Sa kabilang daigdig, nakitaniya ang paghalay sa dalaga. Idinugtong pa niya na siya ay mabubuhay upang maghiganti.Samantala, takot na takot si Padre Salvi hanggang sa ito ay hinimatay. Kinabukasan, pinag-utos ng simbahan na ihinto ang palabas ngunit wala na si Mr.Leeds. Umalis na ito patungong Hong Kong. Samantala, galit na galit pa rin si Placido Penitente pagkagaling sa klase sa pisika.Mainit pa rin ang ulo niya nang makarating siya sa bahay. Patuloy naman si Kabesang Andangsa pakiusap sa anak na magpatuloy sa pag-aaral na makikiusap siya sa prokurador ng Augustinona maayos ang problema niya sa Dominiko ngunit ito ay hindi pinakinggan ni Placido. Mulingumalis ang binata Nang gumabi, napatungo siya sa Perya at doon nakita niya si Simoun. Isinama ni Simoun si Placido, Nagtungo sila sa pagawaan ng pulbura napinangangasiwaan ng dating guro ng San Diego. Nais niyang matuloy na ang himagsikan upangmabawi na niya si Maria Clara. Pagkatapos , dalawang oras silang nag-usap ng mag-aalahas. Kinabukasan, nakinig na si Palcido Penitente sa kanyang ina. Ipinayo niKabesang Andang na magbalik a lawang ito sa lalawigan at din ipinaalam sa prokurador nanaroon siya sapagkat hihingan pa siya ng regalo at pamisa. Sa isang banda naman, nag-iisip si Simoun at waring nakita niya ang kanyangama na si Don Rafael at si Elias na waring tumututol sa kanyang mga plano ngunit umiiling siyaat nagwika ng ganito. “Kung ako’y tumulad sa inyo’y patay na ako.” Idinugtong pa niya na“Gumagawa ako ng masam upang mabigyang-daan ang mabuti” 23
Sa kabilang dako naman, pagkagaling ni Don Custodio sa perya, hinarap namanniya nag suliranin ukol sa Akademya ng Wikang Kastila na ayon kay Padre Irene ay patungo nasa pagkalutas nito. Si Don Custodio ang pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay sa buong daigdigayon kay Ben-Zayb. Madalas siyang tawaging Buena Tinta at nabibilang sa mataas na uri nglipunan sa Maynila. Sinasabing siya ay walang kapaguran,bantog,maingat,masipag,palaisip,mapanuri, mayaman at iba pa. Kahit na maraming tungkulin, hindi siya kabilang sa mganatutulog sa mga pulong. Nagpapahalaga siya sa kanyang karangalan at sinasamantala ang lahatng makikinabang dito. Minsan, siya ay pinabalik sa Espanya nang maipagamot ang sakit sa atay.Nailathala ito sa pahayagan na di umano ay upang magpanibagong-lakas ngunit ang totoo,naging napakaliit niya at walang kabuluhan. Hindi siya gasino, hindi siya nakahahalubilo sa mgamayayaman kaya wala pang isang taon ay nagbalik na sya sa Pilipinas, sa bayang halosdumidiyos sa kanya. Pagbalik naman ni Don Custodio sa Maynila, nagyabang naman siya ng kunganu-anong kasinungalingan tulad ng inalok siya ng trabaho, umakda siya ng mga talumpati atpanukala, na alam niya ang mga nangyari sa korte at kung anu-ano pa. Para kay Don Custodio, ang Pilipinas ay dapat bumuti lamang hanggang saikabubuti ng mga Kastilang naninirahan dito. Mababang-mababa ang tingin niya sa mga Indiyo.Para sa kanya, ang mga Indiyo ay ipinanganak upang maging utusan at kailangang supilin sila’tpagsabihang lagi na sila’y sa gayon lamang ukol. Naunawaan mo ba ang iyong binasa. Nakilala mo nang lubusan ang iba pang tauhan ngEl Filibusterismo. Handa ka na bang sagutin ang mga pagsasanay? Simulan mo na. 3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panglinggwistika Panuto: Piliin sa ibaba ang kahulugan ng mga sumusunod na pahayag. Titik lamang ang isulat. 1. Nayayamot si Isagani sa mga kalalakihang nabibighani sa kagandahan ni Paulita. 2. Pilit na hinanap ni Ben-Zayb ang salamin bago magtanghal si Mr. Leeds. 3. Tanging mga prayle, mayayaman at matataas na tao lamang ang pinayagan sa tanghalan. 4. Takot na takot si Padre Salvi sa titig ng espinghe. 5. Ayon kay Simoun, gumagawa siya ng masama upang mabigyang-daan ang mabuti. a. Inuusig siya ng sariling budhi 24
b. Naghihinala siyang may pandaraya sa pagtatanghal c. Naninibugho siya d. Maganda ang plano niya sa bansa e. Sadyang pili lamang ang mga taong binibigyan ng pagkakataon Kung tapos ka na sa pagsagot, kunin mo sa iyong guro ang susi sapagwawasto. b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Sipiin sa akda ang mga tiyak na kaugnayan ng mga pahayag na magpapatotoo samga tauhan.Mga Pangyayari Tiyak na pahayag Kaugnayan sa kasalukuyan mula sa Akdapaghihinala ni Ben-Zayb tungkol sa PalabasAng pagkatakot ni Padre SalviAng mitsa ng paghihimagsikAng pakikitungo ni Don Custodio sa mga Indiyo Matapos mong maisagawa ang gawaing ito, kunin mo sa iyong guro angsusi sa pagwawasto kung ang iyong sagot ay katulad ng sa susi ito ay katanggap-tanggap.c. Pagsusuring PampanitikanPanuto: Mula sa mga tiyak na pahayag na nasa itaas, suriin ang mga ito ayon sa hinihingi sabawat hanay.MGA Tiyak na IKINILOS NG PARAAN NG PANINIWALA PAGSASALITAPahayag TAUHAN 25
Iwasto mo ang iyong sagot. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Ngayon, tingnan no ang sumusunod na gawain. Madali lamang ito kaya huwag kangmag-alala. C. Halagang Pangkatauhan Panuto: Punan ng angkop na sagot ang mga patlang. Gustung-gusto ko sa tao _________________sapagkat______________________ Ayaw na ayaw ko sa tao ang ____________ dahil sa ___________________________. Madali lang di ba? Kung ang iyong sagot ay malapit sa nasa susi sa pagwawasto, ito aykatanggap-tanggap.4. Palalimin mo… a. Mula sa akda, nakita natin na magkaiba ang pagkalilok ng taga-Espanya sa pagkalilok ng mg Pilipino sa imahe ng mga prayle, bakit kaya? (LOV) b. Tama kaya ang ginawa ni Ben Zayb na maghanap kaagad ng kadayaan sa pagtatanghal ni Mr. Leeds? c. Sang-ayon ka bas a plano ni Simoun? d. Gawin mo ang kasunod na gawain batay sa plano ni Simoun na maghimagsik laban sa mga Kastila.POSITIBO KAWILI-WILI NEGATIBO Tapos ka na ba? Kamusta ka na sa gawaing ito? Nahirapan ka ba? Sa aling bahagi kanahirapan? Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Katanggap-tanggap ang marka mokung malapit sa tamang sagot. 5. Gamitin mo…. 26
a. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong magpasya sa isang delikadong usapin tuladni Don Custodio, anu-ano ang mga dapat mong isaalang-alang? Itala mo ito ayon sapagkakasunud-sunod. b. kung nagkaroon ka ng suliranin sa puso tulad ni Simoun, paano mo ito haharapin?Ano ang gagawin mo? Kung tapos ka na sa pagsagot, iwasto mo na ito. Tingnan mo kung ang sagot moay malapit sa nasa susi sa pagwawasto. Kung ang iyong sagot ay malapit, ito ay katanggap-tanggap.6. Sulatin mo…. Panuto: Itala mo ang mga naging palaisipan sa iyo na akdang tinalakay at ipaliwanag itoayon sa iyong paniniwala at pagkaunawa.MGA PALAISIPAN PALIWANAGIwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.Dumako ka naman sa susunod na pagsasanay. Madali lang ito.7. Lagumin mo … Panuto: Bilugan ang bilang ng mga natututunan mo sa aralin. 1. Ang mga Pilipino ay mahusay sa paglilok. 2. Naihahayag ng mga Pilipino sa pamamagitan ng sining ang kanilang mga nararamdaman at karaingan nang hindi nauunawaan ng mga Kastila. 3. Madaya ang mga Pilipino. 4. Ang buhay ni Imuthis at ni Simoun ay magkatulad. 5. Namatay na si Maria Clara. 6. Sumama na kay Simoun ang guro. 7. Si Maria Clara ang mitsa ng himagsikan. 8. Sang-ayon sina Elias at Don Rafael sa pakana ni Simoun. 9. Kilalang tao si Don Custodio sa Espanya. 10. Iginagalang sa Pilipinas si Don Custodio. 27
Tingnan mo kung tama ang iyong sagot. Hingin mo sa iyong guro ang susi sapagwawasto.8. Subukin mo….Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Si Imuthis ay napanganyaya dahil sa isang pandaraya. Ang salitang may salungguhitay nangangahulugang__________.a. naloko c. nasukolb. napahamak d. nalito2. Si Don Custodio ay kaagad nagbalik sa Pilipinas, sa mga Dumidiyos sa kanya. Angsalitang Dumidiyos ay nangangahulugang_________.a. karaniwang tao lamang c. walang nakakakilalab. hindi pinapansin d. walang ginagawa3. Sa pahayag na “ang Pilipinas ay dapat bumuti lamang hanggang sa ikabubuti ng mga Kastilang naninirahan dito,” nangangahulugang ________ a. higit ang pagmamalasakit niya sa mga Kastila b. dapat talagang bumuti ang kalagayan ng mga Kastila c. sa Pilipinas nakasalalay ang ikabubuti ng mga Kastila d. maraming Kastila ang naninirahan sa Pilipinas.4. Alin ang totoo ayon sa akda? a. Magkatulad ng kapalaran sina Imuthis at Crisostomo. b. May malasakit si Don Custodio sa mga Indiyo. c. Sa Perya magaganap ang himagsikan. d. Iginagalang si Don Custodio sa Espanya5. Alin sa mga sumusunod ang tunay na sanhi ng paghihimagsik ni Simoun? a. Mapaghiganti ang amang si Don Rafael Ibarra. b. Mabago ang takbo ng pamumuhay sa Pilipinas c. Mabawi si Maria Clara d. Naaawa siya sa mga Pilipino .6. Alin ang hindi tahasang binanggit sa akda? a. Si Simoun ang may pakana ng pagtatanghal b. Iginagalang ng mga Pilipino si Don Custodio c. Marami ang nabibighani kay PAulita Gomez d. Natakot ang mga nanonood kay Paulita Gomez7. Alin kaya ang tunay na sanhi ng pagkatakot ni Padre Salvi? a. Sadyang matatakutin si Padre Salvi b. Talagang nakatatakot ang pagtatanghal 28
c. Inuusig siya ng sariling budhi d. Siya ang tinutukoy ng espinghe8. Alin kaya sa mga sumusunod ang nagpabago ng isip ni Placido hinggil sa kanyang pag-aaral. a. Natakot siya sa kanyang propesor b. Nag-alala siya sa kalagayan ng ina c. Nawala na ang galit niya sa propesor d. Natakot siya sa himagsikang magaganap9-10. Alin sa mga sumusunod ang mabuting ibinubunga ng pagpapahalaga at paglinang sa talento ng Pilipino? a. Mapupuri ng ibang tao b. Maiaangat ang sarili c. Makatutulong sa bansa d. Nawawala ang hiya e. Makapamumuhay nang maayos9. Paunlarin mo…. Bumuo ng mga islogan hinggil sa mga kaisipang nahango sa akda. Tiyakin na itoay may sukat at tugma. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Kung ito ay malapit, ang iyongislogan ay katanggap-tanggapVIII. Gaano ka na Kahusay?Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot:1. “Unahin muna ang mga paraang di mahalay. ang may salungguhit ay nangangahulugang ________. a. masama c. matuwid b. masagwa d. maayos2. Ang bukang-liwayway ay namamanaag na. Ang namamanaag ay nangangahulugang ____________ a. nakikita c. natatanaw b. dumarating d. naaaninag3. Sa pahayag na “Ang gawain ay magtatapos na at ang kanyang tagumpay ay siyang magbibigay katwiran sa akin”, ito ay nangangahulugang__________. b. katapusan ng gawain c. kagalakan ng damdamin d. katatagan ng katwiran 29
e. katuparan ng isang pangarap4. Tumutol si G. Pasta na tulungan ang mga mag-aaral sa pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila dahil____________. a. siya ay dugong-Kastila b. hindi nita ito naiintindihan c. takot siyang mawala ang kanyang yaman d. magagalit ang Kapitan-Heneral at ibang Prayle5. Ayon kay Isagani, ang uban ay sumasagisag sa ________. a. pagiging matanda b. maputing buhok c. pinagkatandaan d. paglipas ng panahon6. Ang pangunaing pakay ni Simoun sa paghihimagsik ay _______________ a. mamatay ang mga Prayle b. mabawi si Maria Clara c. matulungan si Kabesang Tales d. maibagsak ang pamahalaan7. Sinabi ni Simoun na ang “sama ay nasa mga tulisan sa loob ng bayan at lungsod.” ipinahihiwatig niya na _________ a. masasama ang mga Prayle b. may mga tulisan sa lungsod c. dapat mag-ingat sa lungsod d. dapat mag-ingat ang mga Prayle8. Alin ang totoo sa pagkatao ni Quiroga? e. kaibigan siya ni Simoun f. mapanlangis at makasarili g. matuluging negosyante h. kaanib sa himagsikan9.-10). Alin-alin ang buting ibinubunga ng pagtitiis? a. Marami ang maaawa b. Matatamo ang hangarin c. Darami ang trabaho d. Uunlad ang buhay e. Hahangaan ng kapwa 30
31
Modyul 13 Pagsusuri ng Akda sa Teoryang Naturalismo at Romantesismo Tungkol saan ang modyul na ito? Magandang araw sa iyo! Ako’y nasisiyahan at nagkaroon ulit tayo ng pagkakataongmatalakay ang isa pang makabuluhang aralin sa araw na ito. Ito’y may malaking kaugnayan sa uri ngpamumuhay na pinagdaraanan natin sa kasalukuyang panahon. Kung bibigyan ka ng pagkakataong mailarawan ang buhay, paano mo ito ilalarawan?Ayon sa isang linya sa awitin, “mahiwaga ang buhay ng tao”, naniniwala ka ba rito? Batay rin saisang kompositor, ang buhay raw ay tulad ng isang awit na may simula at may katapusan… Bukod samga ito, may nabasa o narinig ka na bang mga kwento o akdang naglalarawan tungkol sa iba’t ibanguri ng pakikipagsapalarang kinahaharap ng mga tao sa kanilang pamumuhay? Tiyak kong ikaw, kahitsa iyong murang edad ay marami ka nang karanasan tungkol sa lungkot at sayang nakapaloob sabuhay; ang hirap at ginhawang maaaring maranasan; ang misteryo o hiwagang bumabalot dito atmaging ang pakikibaka at ang mga hamon nito. Naitanong mo na rin ba sa iyong sarili kung bakit nga ba ganito ang buhay? Bakitkinakailangang may lungkot at saya; hirap at ginhawa? Ang lahat ng katanungang ito’y maaaringmasagot at mabigyang-linaw matapos nating talakayin ang araling inihanda ko para sa iyo sa araw naito. Lubos na makatutulong ang pag-unawa mo sa dalawang akdang iyong babasahin at susuruin napinamagatang Tigre! Tigre! at Tatsulok na Daigdig. Kapwa makapagbibigay ng magagandangkaisipan at mensahe ang mga akdang ito tungkol sa hiwagang bumabalot sa buhay ng lahat ng tao sadaigdig. Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagbasa sa iba’tibang genre ng panitikan 1
Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito sapagkat gagabayan ka nito tungo saiyong pagkatuto. Nakalahad dito ang mga tuntunin upang maging maayos at makabuluhan ang iyongpaggamit. 1. Sagutin mo nang maayos ang Panimulang Pagsusulit o ang bahaging “Ano Ba Ang Alam Mo?” gabay ito upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa. 2. Sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro, iwasto ang iyong mga sagot. Huwag kang mag-alala kung magkaroon ka man ng maraming mali sapagkat matutulungan ka naman ng mga gawaing inihanda ko para sa iyo. 3. Basahin at unawain mong mabuti ang paksang-aralin at isagawa mo ang kaugnay na mga gawain. May mga panuto kang mababasa kung paano ito maisasagawa. 4. Suriin mo kung naragdagan ba ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit o ang bahaging “Gaano Ka Na Kahusay?” Pagkatapos, iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Maging tapat ka sa pagwawasto. 5. Kaibigan mo ang modyul na ito kung kaya’t gamitin mo nang wasto. Sagutan mo itong mabuti at sikaping huwag masulatan. Gumamit ka ng hiwalay na notbuk o papel sa pagsagot. Ano ba ang alam mo?Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.1. Ang bundok na iyon ay laging nakukumutan ng ulap. Samakatwid, ang bundok aypalaging may:a. ulan c. hamogb. ambon d. bahaghari 2
2. Ang uri ng tayutay na nakapaloob sa pangungusap sa unang bilang ay:a. pagtutulad c. pagmamalabisb. pagwawangis d. personipikasyon3. Ang lalaking nasa gubat ay madalas makakita ng itim na pangitain. Nagbabadya lamangito sa kanya ng:a. kaligayahan c. kamalasanb. kalungkutan d. kasuwertihan4. Maraming produkto ang makukuha ng mga tao sa kagubatan kung kaya’t nagiging sanhiito ng kanilang pagiging:a. tamad c. masayab. palaasa d. maunlad5. Ang gubat ay maraming lubak at guwang na dantaon nang naiwang basa at madilim napinag-aabangan ng nakamamatay na mga panganib. Ito’y maaaring epekto ng:a. pagkakaingin c. madalas na pag-ulanb. pagputol ng mga puno d. kapabayaan ng mga tao6. Nakita niya ang dalawang Pipit na ibon, ang isa ay pasisid at ang isa’y paitaas. Naisipniyang sa anumang direksyon patungo ang mga ito, magpapatuloy pa rin sila sa masiglangpag-awit. Masasabing ang pananaw sa buhay ng taong nagmamasid sa dalawang pipit ay:a. payak c. magandab. mapagmasid d. puno ng pag-asa7. Dumaplis ang bala at ang usa ay nakaalpas, “Di bale, magkakaanak pa ng marami angusang iyon. Mas marami ang aking mahahanting balang-araw.” Ang pahayag na ito ngtauhan ay nagpapatunay ng kanyang pagiging:a. maagap c. mabangisb. masipag d. masigasig8. Ang pahayag sa bilang pito ay naaayon sa teoryang:a. humanismo c. romantesismob. naturalismo d. eksistensyalismo9. Ang mga kalikasan ay biyaya sa atin ng Maykapal kaya nararapat lamang natin itong:a. pagandahin c. pakinabanganb. pagyamanin d. pagkunan ng ikabubuhay10. Kapag napabayaan ang kalikasan at kapaligiran, maaari itong magdulot sa mgamamamayan ng:a. kahirapan c. kasamaanb. kamatayan d. kalungkutan Maaari mo nang iwasto ang iyong mga sagot. Kunin mo sa iyong guro ang Susi saPagwawasto. 3
Maganda ba ang naging resulta ng iyong iskor? Huwag kang mabahala sa kinalabasannito. Ang mahalaga’y tinitiyak kong ang modyul na ito ay makatutulong na maipaunawa sa iyo angiba’t ibang kasanayan na dapat mong matutunan sa tulong ng mga gawaing inihanda ko para sa iyo.ARALIN 1: Tigre! Tigre! Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Inaasahang iyong matatamo ang sumusunod na kasanayan matapos mapag-aralan ang modyul na ito. 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salita at pahayag na may tagong kahulugan 2. Nailalahad ang mga bahaging nagpapakita ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa akda 3. Naipapaliwanag ang teoryang naturalismo batay sa mga pangyayaring binanggit sa nobela 4. Napatutunayang ang pag-aalaga at pagmamalasakit sa kalikasan at lahat ng nilikha ay lubhang mahalaga tungo sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay 5. Nakasusulat ng salaysay kaugnay ng mga tauhan at pangyayari sa akda Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin mo… Panuto: Ayusin ang ginulong letra sa bawat kahon at isulat sa ibaba ng larawan ang katangian ng sumusunod na hayop.1. 3. 5.2. 4. 4
aais ata lai t ut aiabmp g pt ks so n s bg Nahirapan ka bang ayusin ang mga ginulong letra? Naisulat mo ba sa patlang ang katangiang taglay ng sumusunod na hayop sa larawan? Kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto at iwasto mo ang iyong mga kasagutan at pagkatapos ay ihanda mo na ang iyong sarili sa kasunod na gawain. 2. Basahin mo… Ang iyong babasahin ay isang nobelang Indones na isinalin sa wikang Filipino.Natitiyak kong maiibigan mo ang akdang ito sapagkat makapaglalakbay ang iyong imahinasyon saisang lugar sa Indonesia kung saan naganap ang pangyayari sa nobela. Bago mo simulan ang pagbabasa ay ibibigay ko muna sa iyo ang kahulugan ng ilangsalitang Indones na matatagpuan sa akda. Makatutulong ito sa iyo upang higit mong maunawaan angmga pangyayari sa nobela. Tunghayan ang kasunod na pahina.Damar- dagtang ginagamit sa paggawa ng batik na isang uri ng tela.Pencak- isang paraan ng pagtatanggol ng mga kalalakihan sa kanilang sarili.Shaman- manggagamotHuma- kaingin o pagsunog sa kagubatan na nakapipinsala sa kapaligiran.Mantra- bulong at dasalDangung- dangung- instrumentong pangmusikalKakak- kuya; tawag ito sa nakatatandang kapatid na lalaki.Silat- isang paraan ng pagtatanggol sa sarili. Maaari mo na ngayong simulan ang pagbabasa sa nobela… Nawa’y magustuhan moang mga pangyayaring nakapaloob dito. Maligayang pagbabasa! TIGRE! TIGRE! Ni Mochar Lubis Salin ni Mauro R. Avena Ang buong pulo ay nalalatagan ng gubat, mula sa mabuhanging dalampasigan, kung saan angtubig na nabubuong mga alon sa malayong Antartika ay humahampas pagkaraan ng mahabangpaglalakbay, hanggang sa mga tuktok ng bundok na laging nakukumutan ng ulap. Pabagu-bago angmukha ng gubat. Sa may dalampasigan, isang latian na hitik sa bakawan ay bumubuo ng sala-salabatng hadlang. Papasok sa pulo at pataas sa lupa, ang mga puno’t halaman ay patuloy sa pag-iiba-iba, atpag-abot sa dakong loob, ang mga iyo’y naglalakihan at nagtataasan, ang kanilang mga sanga’ynauukitan ng parang lambat na disenyo ng lumot. 5
Hindi pa natatagos ng tao ang kabuuan ng sinaunang gubat, na ang loob ay napakayaman sabuhay. Dito’y di mabilang ang namumugad na mga ligaw na nilalang. Naglipana rin ang maririlag nahalaman at nagtatayuang punongkahoy na nakokoronahan ng mga eksotikang orkidarya. Sa loob ng gubat, kayraming ibon at iba’t ibang tsonggo ang malayang namumuhay,samantalang sa ibaba, sa lupa, walang-puknat ang maingat na paghahanap ng makakain ng mga itimna leopardo, elepante, at osong tropikal. Ang mga pampang ng ilog at katabing damuhan ay teritoryong mga tapir, rinoseros, ahas, buwaya, at usa. Nagkalat ang mga insekto. Maraming parteng gubat ang nakakatakot. Ang mga ito’y puno ng latian na pinag-aabanganng nakakamatay na mga panganib, at mga lubak at guwang na dantaon nang naiwang basa atmadilim. Mayroon ding magaganda at kaakit-akit na lugar na walang pinag-iba sa mga engkantadonggubat ng mga kuwento. Ang hawan ng mga bahaging ito ng sinaunang gubat, na mayamangnaaalpombrahan ng berdeng damo, ay payapa at nakakapagbigay-ginhawa. Kadalasa’y napapalibutanang mga ito ng mayuyuming puno ng cemera, na pumupuno sa hangin ng masangsang na amoy ngkanilang dagta. Sa gitna ng maririkit na lambak na ito, di maaaring di magkaroon ng mga sapa ngmalamig at mala-kristal na tubig, pabula-bula at patila-tilamsik, paawit-awit, at pabulung -bulong.Walang di naakit huminto at magpahinga roon. Sa loob ng gubat ay makatatagpo ng rattan, damar – isang dagta na ginagamit sa paggawa ngbatik - at maraming uri ng mahalagang kahoy. May mga taong noo’y tumira roon, pero nilisan nilaiyon noong sila’y magtayo ng mga lunsod at nayon kung saan. Ngayo’y paminsan-minsan na langsilang bumabalik doon, para humanap ng ikabubuhay sa pamamagitan ng paghahakot sa mgaprodukto ng gubat. Pito sa mga lalaking tulad nila ay isang linggo nang nasa gubat sa panganganap ng damar. SiPak Haji ang pinakamatanda. Gayong sisenta anyos na siya ay nananatiling malusog at malakas.Matalas pa rin ang kanyang mga mata at tainga. Ang pag-ahon at paglusong sa bundok, pasan angmabibigat na kaing ng damar o ratan, pasinghap sa nakakapagpasiglang hangin, ay nagpatibay nghusto sa kanyang katawan. Ipinagmamalaki ni Pak Haji na di niya nararanasan ang mgakaramdamang dala ng pagtanda, at sa tanang buhay niya’y di pa siya naratay sa banig. Disinuebe anyos siya nang una niyang iwan ang kanyang nayon at magpasaibang-bayan.Nagpunta siya sa Japan, China, Africa, at India, kung saan niya pinag-aralan ang Koran. Limang taonsiyang nagtrabaho sa barko, naglakbay sa malalayong daungan ng mga puti at ng kanilang maiingayat groteskong siyudad. Pero tinawag siyang muli sa kanyang nayon. Kaya’t pagkaraan ng dalawampung taongpaglalagalag, isang huling biyahe ang kanyang isinagawa sa pilgrimahe sa Mecca upang tupdin angkanyang obligasyong panrelihiyon. Saka siya umuwi. Ipinagpatuloy niya ang pangangalap ng damar,isang gawaing inumpisahan niya nang trese anyos, ng unang sinamahan ng kanyang ama sa gubat.Matapos niyang matutuhan ang napakaraming bagay sa mundo, lagi niyang sinasabi na kuntento nasiya ngayong maging isang hamak na tagakalap ng damar. Si Wak Katok ay singkuwenta anyos. May malakas at matipuno siyang pangangatawan.Maitim ang kanyang buhok, ang kanyang bigote ay mahaba at makapal at ang kanyang braso’t bintiay namumutok sa buhul-buhol na masel. Ang kanyang mukha ay dinodomina ng buo’t makakapal na 6
labi at makislap at nananagos sa tinging mga mata. Siya’y eksperto sa pencak. Maraming taongnaituro niya sa kalalakihan sa nayon ang tradisyunal na paraang ito ng pagtatanggol sa sarili. Si WakKatok ay iginagalang din bilang mahusay na mangangaso at shaman, o manggagamot. Ang mga batang miyembro ng grupo ay sina Sutan, na beynte-dos anyos lang pero mayroonng sariling pamilya. Talib, na beynte-siyete anyos at may asawa at tatlong anak; Sanip, na beynte-singko anyos, may asawa at apat na anak; at Buyung, ang pinakabata, na katutungtong lang sa pagka-disinuebe at walang asawa. Ang apat na lalaking ito ay naging estudyante ni Wak Katok sa pencak. Nag-aral din sila ngmaharlika sa kanya. Alam nilang darating ang araw na magiging pinuno ng kanilang nayon si WakKatok, isang lalaking itinuturing na lider ng marami, at karapat-dapat na igalang at parangalan.Kailanma’y di nila pinagdududahan ang kanyang salita o gawa. Lumalabas na si Wak Katok angpuno ng mga mangunguha ng damar. Ang ikapitong miyembro ng grupo ay si Pak Balam, na tulad ni Wak Katok ay singkuwentaanyos. Siya’y di masalita, maliit ang katawan pero gayunma’y masipag magtrabaho. Sa sinasabingpag-aalsa ng mga Komunista noong 1926, siya’y nadakip ng mga Dutch at apat na taong ikinulong saTanah Merah. Ang bata at buntis niyang asawa, na sumunod sa kanya sa preso, ay dinapuan doon ngmalarya at nakunan. Dahil dito’y hindi na ito muling nakapagdalantao. Naging sakitin ito mula noon,at ang pera ni Pak Balam ay naubos sa mga gamot nito. Magkakasamang lagi ang pitong lalaki sa pangunguha ng damar gayong wala silang pormalna sosyohan at bawat isa’y may layong magbenta ng kanyang makalap. Pero dahil pito sila sa grupo,ang pakiramdam nila’y mas ligtas ang kanilang lagay at mas kaya nila ang kanilang gawain. Sa mata ng kanilang kanayon, sila’y mabubuting tao. Si Wak Katok ay iginagalang sakanyang galing sa pencak at pagiging mangangaso. Nang siya’y bata pa, napabalita sa nayon angpaggamit niya ng pencak laban sa isang osong humarang sa kanyang daan sa gubat pero bilangshaman, siya’y kinatatakutan. Pabulong lang mabanggit ng mga tao ang tungkol sa kanyang pagigingsalamangkero. May usap-usapan na nagagawa niyang makipag-ugnayan sa mga multo atmasasamang espiritu. Hinangaan ng mga taganayon si Pak Balam. Itinuturing nila itong isang bayani dahil sapaglaban sa mga Dutch. Alam nila na hindi ito Komunista. Napakarelihiyoso nito – malayongmaging isang Komunista na di naniniwala sa Diyos o sa relihiyon. Lumaban maging sa mgakolonyalista si Pak Balam at ang kanyang mga kaibigan dahil sa pang-aapi ng mga iyon sataumbayan, na walang-tigil na pinapatawan ng mga bagong buwis at ninanakawan ng kalayaan atsariling dangal. Si Pak Haji ay nirerespeto dahil sa kanyang edad at dahil nakapaglakbay na siya sa Mecca.Gayunman, hindi siya maintindihan ng mga tao. Mula nang bumalik siya sa kanyang pangingibang-bayan, naging parang dayuhan na rin siya. Iniwasan niyang makasal, gayong binubuyo siyang mag-asawa ng kanyang pamilya. Ayaw rin niyang maging pinuno ng nayon. Sa umpisa, pinaratangansiyang mapagmalaki ng mga tao, pero di nagtagal, nasanay na ang mga ito sa kakaiba niyang gawi atdi siya pinagtakhan. Mukhang kuntento na si Pak Haji na balewalain ng iba. 7
Sina Sutan, Buyung, Talib at Sanip ay itinuturing na disente at maipagkakapuring mgakabataan, tulad ng karamihan sa mga taganayon. Iginagalang sila sa kanilang kapwa, tapat sila sakanilang pagdarasal at pagsamba sa moske, at tulad ninuman ay nakikipaghuntahan sa kanilang mgakaibigan sa mga kapihan. Tumutulong sila sa pagtatayo ng bagong bahay o sa pagpapahusay ng mgadaan o patubig. Nakikipagbiruan sila. Mabubuti silang ama, kapatid, at kaibigan. Tumatawa sila,umiiyak, nangangarap, umaasa, nagagalit, nabibigatan ang loob, at nalulungkot tulad ng iba sanayon. Wala silang iniwan sa ibang tao. Silang karaniwang kabataan. Ngayo’y nasa loob sila ng gubat. Dala ni Wak Katok ang kanyang ripple. Bihira niya itong dalhin kapag nangunguha ng damar.Ginagamit lang niya ito kapag nangangaso na balak niyang gawin ngayon. Dalawang buwan na ang nakararaan, nakakita sila ng isang usa na pumasok sa huma, okaingin, ni Pak Hitam, hanap ay pagkain. Naghawan ng lupa sa gitna ng gubat si Pak Hitam napinagtayuan niya ng bahay. Doon nagpapalipas ng gabi ang pitong lalaki kung malapit doon angpinagkukunan nila ng damar. Luma na ang ripple, pero mahusay itong armas. Gustung-gusto iyon ni Buyung.Nakakaramdam siya ng pagmamalaki kapag nakapatong iyon sa kanyang balikat, pahalinhin kayWak Katok. Ang ripple at tsapa ng isang lalaki. Ang isang munting punyal, o kaya’y kris, o maigsingespada na nakasukbit sa baywang ay palamuti lamang sa kasuotan ng isang lalaki, pero ang baril sakanyang balikat ay simbolo ng control na katumbas ay kapangyarihan. Nasisiyahan si Wak katok na ipahiram kay Buyung ang ripple, na inaalagaan nitong mabuti.Tuwing isasauli iyon ni Buyung, iyo’y nalangisan na at nasa mas mahusay na kundisyon kaysapagkapahiram. Panay ang pahid ni Buyung sa kanyon niyong may masalimuot na disenyo, kaya’tang bakal na iyon ay kumikinang nang madilim na asul kapag tinatamaan ng liwanag. Angkamagong niyong puluhan ay nangingintab na itim, madalas na parang pelus. Hindi iyon kakikitaanng katiting mang alikabok o pulbura. Nag-iipon si Buyung para makabili ng sarili niyang baril, iyong mas makabago. Ang lumangripple na binabalahan sa bunganga, tulad ng kay Wak Katok, ay mabusising ipanghanting. Una,kailangang ibuhos ang pulbura ng kanyon, saka papiping sasalaksakin ng barilya. Tapos, ang bala aykailangang ipasok sa kanyon at pataktak na pabababain. Habang ginagawa ang lahat ng ito, ang usa obaboy-damo ay maaring makatakbo na at mawala. Ang baril na sa bunganga binabalahan,kailangang asintado ang gumagamit – dapat tumama ang unang kalabit. Walang pangalawang tsansaang mangangaso. May dahilang magmalaki si Buyung sa galing niya sa baril. Minsan, ang inasinta niya ay angpinakalikod ng tainga ng isang tumatakbong baboy, at doon mismo tumama ang bala. Sa isa pangokasyon, siya at si Wak Katok – kasama ang ilang lalaki sa nayon – ay nanghahanting ng isangkawan ng mababangis na baboy-ramo, at sa kaliwang mata ng isang naninibasib sa kanya sumuntokang kanyang bala. Ipinakita ni Wak Katok ang kanyang kababaang-loob nang sabihing hindi niyamadadaig ang pamamaril ni Buyung. Galing kay Wak Katok, iyo’y tunay na malaking papuri, kaya’tkumalat ang reputasyon ni Buyung bilang asintado, bagay na nagbigay sa batang mangangaso ngparang opisyal na katayuan sa nayon. Ang dahila’y ang naunang pahayag ng mga taganayon mismo 8
na walang makapapantay kay Wak Katok sa galing sa papamaril, pangangaso, pagbasa at pag-unawasa lahat ng uri ng bakas at yapak, at sa pangkahalatang kaalaman sa mga ugali at gawi ng mganilalang sa gubat. Bata pa si Buyung ay marami na siyang narinig na kuwento tungkol sa katapangan at galingni Wak Katok. Ayon sa mga istorya, kapag ginusto ni Wak Katok na gamitin ang kanyang mgaparaan sa pagtatanggol sa sarili, napapatay niya ang kanyang kalaban na di lumalapat ang alinmangbahagi ng kanyang katawan sa biktima. Sapat nang igalaw niya ang kanyang kamay o paa sadireksyon ng kaaway upang iyon ay bumagsak sa kinatatayuan. Kalat na sa ibang nayon ang reputasyon ni Wak Katok bilang shaman. Magaling siyanggumamot ng mga karaniwang pasyente, pero natutulungan din niya ang mga nabibiktima ng kulam.Alam niya kung paano pahirapan ang isang tao, paibigin, takutin, igalang, o pasunurin sa utos ng iba.May mga inumin siyang pampaibig para sa lalaki at babae. Ayon sa istorya, isang binatangnahumaling sa isang babaeng may-asawa ang nakiusap kay Wak Katok na gamitan iyon ng mahika-negra para mapaibig din iyon. Nagpakuha raw dito si Wak Katok ng isang hibla ng buhok ng babae,at di nga nagtagal, humingi iyon ng diborsiyo sa esposo. Na iniwan niyon pati na ang kanilang mgaanak. Si Wak Katok na may mga lihim na bulong at dasal, o mantra, para sa maluwalhating biyahe.Mayroon siyang mga anting-anting na panlaban sa anumang sandata o sa kamandag ng ahas. Ayonsa mga tao’y nagagawa rin niyang magtagabulag – gayon kabigat ang kanyang kapangyarihan. Tinatrato ni Buyung na mapalad siya’t naging pupilo ni Wak Katok at napabilang sa mgakasamahan nito sa gubat. Malaki ang pag-asa ni Buyung at ang kanyang mga kaibigan na tuturuan sila ni Wak Katok ngmga mas kagila-gilalas na aspekto ng salamangka. Ang gusto talaga ni Buyung ay matutuhangmabuti ang mantra na pang-akit sa babae. Masama ang tama niya kay Zaitun, ang anak na dalaga niWak. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ama, at sina Zaitun at Buyung ay magkalaro noongsila’y bata pa. Natatandaan ni Buyung ang maraming pagkakataong walang humpay niyangtutuksuhin si Zaitun hanggang ito’y maiyak. Nang magdose anyos na si Zaitun, iniwasan na siya nito,at bihira na silang magkita. Nagdalaga na ito, at siya nama’y nagbinata, at di na sila maaringmagtagpo tulad ng dati. Hindi masabi ni Buyung kung ano talaga ang damdamin sa kanya ni Zaitun. Minsa’y magiliwito. Kung ito’y nautusang sumaglit sa kanila, may dalang pagkaing niluto ng ina nito, maganda angipinapakita nito kung siya’y madatnan sa bahay. Maaliwalas ang mukha na nginingitian siya nito attatawaging kakak, o kuya, gayong isang taon lang ang tanda niya rito. Kapag ganoon ang pakita niZaitun, napapalukso ang puso ni Buyung, di mapakali sa titig na parang di siya nakikita. Kapagnilalapitan niya ito habang kinakausap ang kanyang ina, di siya papansinin nito. Paano niya mahuhuliang puso ng isang sumpunging babaeng tulad ni Zaitun kung wala ang mga mantra ni Wak Katok. Pero ayaw pang ipaalam ni Wak Katok kay Buyung ang ganoong kabisang karunungan. “Bataka pa,” sabi nito “at mainit pang masyado ang dugo mo. Baka maloko ka sa lahat ng babae sa nayon.Ang birtud na ito ay para mapangalagaan ang amor propyo ng isang lalaki – kung pagtawanan ka ng 9
isang babae, o kung talagang gusto mo ang isang babae at ibig mo siyang mapangasawa. Pero uhuginka pa. Baka gamitin mo ito sa ibang paraan, halimbawa’y panggayuma sa asawa ng may-asawa.” Minsa’y parang nasisira na ang tuktok ni Buyung sa pag-isip kung mapapaibig niya si Zaitun.Alaala niya ito bawat sandali. Hinahanap-hanap niya ito. Ang mukha nito ay laging nasa harap niya.Maya’t maya’y nakikita niya ito sa kanyang balintataw. Napakaganda nito. Minsa’y lihim niya itong pinanood habang naliligo sa balon ng nayon kasama ang mgakaibigan nito. Ang mahaba nitong buhok na itim ay umalong pababa sa gitna ng likod nito.Balingkinitan ito, ang braso’t binti’y kaakit-akit. Ang balat nito’y maputlang dilaw na bunga ng duku,at ang mga ngipi’y pantay-pantay at makinang na puti. Pula ang mga labi nito, gayong hindi itongumunguya na nganga o tabako. May ganoong nakakainis na bisyo ang tiya ni Buyung, kaya’tlaging may bakas ng katas ng tabako sa labi nito, sa unan nito, at sa mesa, sa kusina, sa hagdan, sasala – sa lahat ng dako. Kapag nakikipag-away ito sa kanyang asawa, iyo’y dinuduraan nito ngnginunguya. Pakikiusapan ito ng kanyang tiyo na tignan kung saan dumudura, pero para itong bingi.Kailanma’y hindi niya papayagang gawin iyon sa kanya ng magiging asawa niya. Alam ni Buyung na masisiyahan ang kanyang mga magulang na maging manugang si Zaitun.Minsa’y alam niyang pinag-uusapan ng mga iyon ang bagay na ito gayong alam nilang nasa labaslang siya ng kuwarto. Naganap ito isang hapon nang pumunta sa kanila si Zaitun, narinig niyang sabing kanyang ama, “Mabuti siyang bata. Mukhang maganda ang ugali.” “Oo”, tugon ng kanyang ina. “Mahusay sa mga gawaing bahay. Marunong manahi, atpaladasal. Maganda siyang bumasa ng berso mula sa banal na libro. At nakatapos pa ng pag-aaral. “Binata na si Buyung – disin’webe – at magaling magtrabaho”, sabi ng ama niya. “Ewan ko lang,” sabi ng kanyang ina. Sa mata nito, may gatas pa sa labi ang anak. Si Buyung ay nasa tama nang gulang. Nakatapos na siya sa iskwelahang publiko, at dalawangbeses na niyang nabasa nang buo ang Koran. Kaya na niya ngayong maghanapbuhay. “Ang totoo, maaareglo natin ang kanilang kasal,” narinig niyang mungkahi ng kanyang ama.“Sa tingin mo ba’y gusto siya ni Zaitun?” “Lahat ng dalaga sa nayo’y gustong pakasalan si Buyung.” Natawa ang ama niya. “Sa mata mo, wala nang gug’wapo pa sa iyong anak.” Hinintay ni Buyung ang isasagot ng kanyang ina, pero nalipat sa ibang bagay ang usapan, atang tanong tungkol sa gusto siya ni Zaitun ay naiwang bitin. Alam ni Buyung na gusto siya ng ama ni Zaitun. Tuwing magkikita sila, tinatanong si Buyungtungkol sa kanyang trabaho, sa pag-aaral ng Koran, at iba pa. Minsa’y hiningi nito ang payo niBuyung tungkol sa pagsasanay ng aso niyang panghanting. Kilala sa tapang ang aso ni Buyung.Patahul-tahol lang ang ibang aso para palabasin ang isang baboy-damo sa pinagtataguan. Hindi angaso ni Buyung - iyon ang madalas maunang sumalakay. 10
Walang nakakitang tunay na sagabal si Buyung para pakasalan si Zaitun. Kung natitiyak langniyang iniibig siya nito. Sigurado siya sa isang bagay. Kung hindi nito nararamdaman angnararamdaman niya rito, hindi niya ito pakakasalan, kahit magkasundo ang kaniya-kaniyang mgamagulang. Alam ni Buyung na kadalasa’y pinapakasalan ng isang babae o lalaki ang sinumangpinipili para sa kanya ng kanyang magulang, pero gusto niyang siya ang pumili ng kanyang magigingasawa, at piliin din siya nito. Naiinggit si Buyung sa iba niyang mga kaibigan, tulad ni Sutan. Bukod sa mas magaling itosa kanya sa pencak, simpatiko pa ito at mahusay dumiskarte sa mga babae. Sa negosyo’y di rin itopahuhuli. Mayroon itong dalawang palayan, at nagbababa ito ng damar at rattan mula sa bundok paraibenta sa palengke, at paminsan-minsa’y naglalako rin ito ng karne ng kambing at baka. Pero ang mga taong pinakakontento, naisip ni Buyung, ay yaong tulad ni Sanip. Tunay namasayahin si Sanip. Ganado itong magpatawa at magkuwento ng mga katuwa-tuwang istorya.Nagkakandabaluktot sa pagtawa ang nakakarinig ng di mabilang na kuwento niya tungkol sa mgaopisyal ng nayon. Kinaiinggitan ni Buyung ang pagkamasayahin ni Sanip, pero di niya maubosmaisip kung paano ang isang tulad nito na may asawa na at apat na anak ay parang binata pangwalang problema kung umasta. Di ba’t nagdaragdag sa maturidad ng isang tao ang maramingresponsibilidad? Sabagay, mabuti na rin kung di iyon dinidibdib. Halimbawa, kung hirap nilang pasukin ang gubat dahil sa lakas ng ulan na nagpapadulas sadaan at bumabasa sa kanila hanggang buto, sasabihin ni Sanip, “Wala, ‘yan. Pagkapawi ng ulap aylangit.” Kapag nagreklamo si Sutan sa bigat ng kanyang pasan, sasabihin ni Sanip, “Huwag ka nangumungol. Isipin mo ‘yong perang pagbebentahan mo n’yan.” Ibibigay ni Buyung ang lahat makatingin lang ng ganoon sa buhay. Minsan, nang sila’y nanghahanting, gamit ang ripple ni Wak Katok, pinaputukan ni Buyungang isang usa, pero dumaplis lang ang tama at ang hayop ay nakaalpas. Buong araw na naghahanapang mga lalaki, pero di nila nakita ang sugatang usa. Panay ang sisi ni Buyung sa sarili, pero tulad nginaasahan, tinanong siya ni Sanip, “Ba’t mo poproblemahin ‘yon? Magkakaanak ang usang iyon –mas marami kang mahahanting pagdating ng araw.” Lalong sumama ang loob ng batang mangangaso sa pang-aala ni Sanip, at paangil itongsumagot, “Pa’no mo nalaman? Posibleng nahuli ‘yon ng tigre.” “E ano? Di ‘yon ang katapusan ng lahat ng usa sa gubat. Ang mahalaga,” pakindat na dagdagnito, “ay mahusay ka sa pagbaril.” Natanto noon ni Buyung ang pagiging mapagbigay sa kanya ni Sanip at ng iba niyang mgakaibigan. Laging may dangung-dangung, parang alpa ng mga Hudyo, sa bulsa ni Sanip, at tinutugtogniya tuwina pag may pagkakataon. Maimbeto siyang musikero. Kung gusto niyang magpasaya,kakalabit lang siya ng masiglang himig. Nagagawa niyang kalimutan ng mga lalaki ang kanilangpagkain at saglit pa’y naroon na sila’t nakikisali sa sayawan at kantahan. Pero minsan naririnig sa 11
kanya ay awit na parang nagpapaiyak sa munting musikero. Kadalasa’y tinutugtog niya ang gayongnakakapaghimutok na mga balada kapag sila’y nakaupo sa paligid ng siga sa gitna ng gubat. Si Talibang unang sumusuko sa pang-akit ng nakakataas-balahibong musika, at nag-uumpisang kumanta. Sapagkakataong iyo’y ilalabas naman ni Buyung ang kanyang plawta at silang tatlo’y magsasabayan samalulungkot na berso. Taas-baba ang mga nota ng dangung-dangung, sa saliw ng mapangulilangplawta, habang paawit na inuulit ni Talib ang mga daing at paghihirap ng isang lalaking naghahanapng karinyo at pag-unawa. Ang maskulado at mukhang mabagsik na si Wak Katok ay di nagawang di mabagbag samusika. Ang walang ekspresyon niyang mukha ay nagmimistulang mapangarapin, na wari’ynaglalakbay ang kanyang diwa. Si Pak Haji ay mauupo roong lunod sa sariling iniisip, pipikit sapagitan ng hinlalaki at hintuturo ay upos na lamang at limot na. Paikot sa siga na nakaupo ang pito, ang bawat isa’y may kani-kaniyang mga alaala atpagnanasa, at sa paligid nila ay ang gubat, maitim at ga-higante. Tahimik na lalaki si Talib, matangkad at payat at ibang-iba kay Sanip. Sa kanya, ang mundo –at ang buhay sa kabuuan – ay midilim at nakakatakot. Lagi siyang binubuwisit ng asawa. Minsan,sabi kay Buyung ni Rancak, ang batang kapatid na babae ni Zaitun, narinig nito si Siti Hasanah, angasawa ni Talib, na walang hupang pinagagalitan ni Talib, mula umaga hanggang hapon, pero niminsa’y hindi iyon sumagot at nagsawalang-kibo na lamang. Magkagayunman, mahusay na magkaibigan sina Talib at Sanip at laging magkasama sa lakad.Kapag umuulan habang sila’y magkakasama sa gubat at sila’y sumisilong sa isang kubol na gawa sadahon ng saging, si Talib ang magsasabi, “Buong araw tatagal ang lintek na ulang ito!” Samasayahing boses, babalikan siya ng ganito ni Sanip, “S’werte lang – makapagpapahinga tayo!”Matatawa ang lahat at mapaparelaks. Minsan, nakakalap sila ng pambihira sa daming damar at hirap na hirap sa kanilang pasan.“Anong s’werte”, sabi ni Sanip, habang nagkakandakuba sa paglakad. “Doble ito sa kadalasan natingnahahakot.” “Ha, kundi maanod pagtawid natin sa ilog!” masaklap na sukli ni Talib. Hindi pasalita si Talib, pero madilim man ang tingin nito sa bagay-bagay, ito’y matapang.Minsan, nanghahanting ang isang taganayon ng baboy-damo. Napaligiran na ito ng mga aso. Kayanilapitan niya ito para sibatin. Pero nakailag ang baboy paghagis ng sibat, at siya ang sinibasib, dialintana ang nagtatahulang aso. Hindi nagdalawang-isip si Talib. Hawak ang sariling sibat,sinaklolohan niya ang lalaki. Ilang sandali pa, ang nasibat na baboy ay nilapa na ng mga aso. Hanga rin si Buyung sa di-palakibong si Pak Haji. Katamtaman ang taas ng matanda, atgayong puti na lahat ng buhok nito, iyo’y malago pa. Kaya pa niyang pasanin ang bigat ng damar nakaya ng iba sa kanila, at gayong matipid siyang magsalita, nasisiyahan siyang makinig sa usapan ngiba at makisali sa kanilang tawanan. Kung talagang pipilitin, nagkukuwento siya ng tungkol sakanyang paglalakbay sa mga gabing nakaupo sila sa tabi ng siga. 12
Ayon sa kanya, nang una niyang lisanin ang nayon, napilitan siyang magtrabahador,magkusinero at maging katulong sa kuwadra sa Sultan ng Johore bago siya magkaroon ng sapat napera para makapunta sa Singapore. Naging siklista rin siya sa isang sirko. Sumama siyang magbiyahesa sirko na pag-aari ng isang Intsik, hanggang sa Bangkok. Doo’y napilitan niyang iwan ang kanyangtrabaho nang tangkain siyang saksakin, dahil sa matinding pagseselos ng asawa ng mang-aawit naIntsik. “Palagay ko’y di tama ‘yon,” tawa ni Pak Haji, “kaya umalis ako.” Tapos, nagkusinero siya saisang barko na naglalayag sa pagitan ng India at Japan. Napamangha ang mga magkakasama sakanyang mga kuwento ng naglalakihang siyudad, tulad ng Shanghai at Tokyo, at ng daungang tuladng Maynila, Penang, Rangoon, at Calcutta. Nang sa wakas ay lumunsad siya sa Calcutta, di na siyabumalik sa barko. Imbes, nagpatuloy siya sa Lahore, kung saan niya pinag-aralan ang Islam sa ilalimng isang guro. Mula sa India , naglakbay siya sa lupa, kasama ang ilang tao, patungo sa Arabia. “Ilang buwan kaming nasa daan”, sabi ni Pak Haji. “Sa pagitan, marami akong sariling lakadna ginawa. Naging katulong ako ng isang salamangkero. Isa siyang malaking Afghana na nakakahiwang dila ng isang ibon at muli niya iyong nabubuo. Minsan, pagdaan namin sa isang bayan na bahaging kanyang pinagtatanghalan, hinamon siya ng isa ring salamangkero na gawin ang kanyang mahikasa dila ng isang bata. Ayaw niyang mabisto, kaya tinanggap niya ang hamon. Nagkaroon ngpalabunutan, at ang Afghaning ito ang natokang mauna. Bago siya nag-umpisa, binulungan niyaakong bumalik sa aming tulugan at balutin ang aming gamit. Nagbabalot pa lang ako’y bigla siyangsumulpot sa k’warto sinunggaban ang ilang bag at pasigaw na pinasunod ako sa kanya. Di ko alamkung ano ang nangyari pero masama ang kutob ko, kaya dinampot ko ang madadala ko at patakbongsinundan ko siya. Sa dulong likuran namin ay dinig na dinig ko ang hiyawan ng galit ng pulutong.Dagli kaming nakalabas ng s’yudad, papasok sa mabatong mga gulod na pinagtagpuan namin.Hinanap kami ng mga tao hanggang sumapit ang gabi. Pagkatapos, nang tanungin ko angsalamangkero kung ano ang nangyari, bigay-hilig itong tumawa, padukot ng pera sa kanyang bag napambiyahe. “Bago ako nag-umpisa, hiniling kong magbayad muna sila. Pagkalikom ko ng pera, mabiliskong hiniwa ang dila ng bata, maliit lang sa dulo nang di ito masaktan. Tapos, sabi ko’y maghintaysila habang kumukuha ako ng gamut, imbes, sa k’warto natin ako tumakbo!” “Pero ba’t ka tumakbo?” tanong ko. “Dahil hindi ko kayang ibalik sa dati yong dila.” “Pano ‘yong bata? Sinong mag-aayos ng kanyang dila?” “Di ba may isa pang salamangkero, ‘yong kalaban ko; kaya n’ya ‘yon? Di subukan niya.Kung di niya ‘yon magagawa, gugulpihin siya ng mga tao, at buong lakas siyang tumawa. Wala sa kanilang nakatitiyak kung totoo nga ang mga kuwento ni Pak Haji, pero sino angmakapagsasabi? Pagkatapos ng pilgrimahe sa Mecca, nagtripulante siya sa isang barko para makauwi. Tumigiliyon sa maraming daungan ng Aprikano at Europeo bago bumalik, sa wakas, sa Indonesia. Sinabiniyang sinubukan niyang manirahan sa ibang bansa, pero, lagi ang puso niya’y hinahatak ng nayon.May gayuma sa kanya ang gubat, at iginagalang niya ang lahat ng taong may kinalaman dito. Sinabi 13
niya sa mga kasama na ang mga taong nagtatrabaho sa gubat ay di naiiba sa mga tripulante ng isangbarko, gayong, liban dito ay wala nang pagkakapareho ang dagat sa gubat. “Sumisikat ang mga bituin sa langit sa ibabaw ng tubig, pero walang ingay sa gubat. Dito’yligid tayo ng naglalakihang puno at mga ligaw na hayop – ang ila’y mainga’y, ang ila’y tahimik.Malapit tayo sa lupa. Sa barko sa gabi, naroon lamang ay ang hungkag na dilim.” Papunta sa gubat para manguha ng damar, kailangang iwan ng mga lalaki ang kanilangnayong Air Jemih, na nasa baybayin ng Danau Bantau sa bunganga sa Sungai Air Putih. Papasok sagubat, pumirme sila sa gilid ng Air Putih, pabaybay dito hanggang marating nila ang bulubundukin.Hindi kayang suungin ng bangka ang malalim at maalimpuyong ilog dahil peligroso ang malalakinitong bato at matuling agos. Sa maraming patag na lugar, ito ay may malalalim na lubak na puno ngisda. Sa madalas na pangisdaang parte na malapit sa nayon, bihira at maliliit ang isda, pero sa loob nggubat, madaling makahuli nito sa pamamagitan ng bitag o lambat. Laging sa malapit na mahusaypangisdaang lubak nagkakampo ang pitong lalaki. Makaraang umakyat-manaog buong araw sa bundok sa pangungulekta ng damar,nakakaginhawang maupo sa ibabaw ng isang malaking bato at mangisda. Ang salpok ng tubig sabatuhan, ang mahinang simoy ng hangin sa mga dahon, ang ingay ng mga unggoy naumaalingawngaw tulad ng tunog ng mga tambol - ang mga ito’y sama-samang nagbibigay ngdamdamin ng pagkakuntento. Umaabot ng isang linggong paglalakad mula sa Air Jemih hanggang sa gubat ng damar. Angmga lalaki’y may baong bigas at sili na isinasaksak sa mga kawayang bumbong, kaunting suka, asin,kape, asukal, at palayok para pagsaingan at pagpakuluan ng tubig. Kung di sila nakapagdala nglambat o mga bitag, nagtatayo sila ng mga kawayang panghuli ng isda sa batuhan. Paminsan-minsa’ynakakahuli sila ng mga kalapating kakahuyan na bumababa sa gilid ng ilog upang maghanap ngpagkain. Kung walang sariwang ulam, nag-iihaw sila ng daing na isda o tapa na dala rin nila mula sanayon. Masuwerte sila at ang kaingin ni Pak Hitam ay di malayo sa gubat na pinagkukunan nila ngdamar. Matanda na si Pak Hitam, halos sisenta anyos na. Sabi ng iba’y mas mukha siyang siyentoanyos. Malakas siya, at pambihira ang pagkaitim ng balat. Tulad iyon ng isang Indian. Itim na itim parin ang kanyang buhok at lagi siyang nakasuot ng itim na pantalon, kamisadentrong walang manggas,at turban. Walang hindi natatakot sa nakakakita sa kanya. Isa siyang itim na pangitain. Nagkalat ang kuwentong-nayon tungkol sa mga taong birtud ni Pak Hitam. Isa siyang popularna guro ng silat, isang paraan ng pagtanggol sa sarili, at ng okultismo. Takot sa kanya sina Sutan,Talib, Sanip, at Buyung, pero hindi iyon ipinahahalata. May istoryang nagsasabi na kasapakat dawsiya ng mga masasamang espitiru, mga diyablo, at ng mga sobrenatural na nilalang nanakakapagkatawang-hayop o tao, o jinn. Siya raw ay protektado ng isang tigreng may tigabulag nanakapagdadala sa kanya sa kung saan niya gusto. Ang sabi’y maraming pagkakataong inilipad siyanito sa banal na lunsod ng Mecca. Ayon sa leyenda, hindi siya tinatablan ng kahit ano. Minsan, sa rebelyon laban sa Dutchnoong 1926, pero hindi tinagusan ng kanilang bala ang kanyang katawan. Sa isa pang pagkakataon,ayon din sa istorya, hinabol daw siya ng mga sundalong Dutch at napaligiran sa isang sagingan. 14
Bumuo ng isang bilog ang mga sundalo, at maingat na hinigpitan ang kanilang hanay hanggang niiskwerel ay di maaring makaaalpas sa pagitan ng kanilang mga paa. Pero bigla na lang nakita ng isasa kanila sa Pak Hitam na nakasandal sa isang punong saging. Lumundag ang sundalo at pawasiwassa sableng tinaga siya nito sa leeg. A, pero ang napugutan ay di si Pak Hitam kundi ang puno ngsaging! Ilang oras siyang pinaghahanap ng mga sundalo, pero wala silang nakitang bakas ng kanilangmailap na kaaway. Pagkasugpo sa pag-aalsa, matagal na walang naging balita tungkol kay Pak Hitam. Isangaraw, basta na lamang siyang lumitaw na puro ari-arian. Isa na siya ngayon sa pinakamayamanglalaki sa nayon. Walang makapagsasabi kung bakit hindi dumating ang mga Dutch upang siya’ydakpin. Ipinalagay ng mga tao na iyo’y may kinalaman sa kanyang mahika. Sari-sari ang kuwento tungkol sa kung paano siya nagkamana ng yaman. Ayon sa isa,kabilang siya sa isang grupo ng mga dating rebelde na nagtagpo sa gubat at naging mangungulimbatat tulisan. Ayon sa isa pa’y mayroon siyang lihim na minahan ng ginto na mag-isa lang niyangtinatrabaho upang walang ibang makaalam kung saan ito naroroon. Tunay na may bahid ng ginto angbuhangin ng Air Putih, at kung tag-init, kapag walang gaanong magawa ang mga taganayon, aakyatsila ng ilog para salain iyon, pero mahirap ang gayong gawain at di sigurado ang tubo. Nagkaroon ngbalita na minsa’y may kung sinong nakatagpo ng isang malaking piraso ng ginto, pero walangsinumang nakakita niyon. Apat ang naging asawa ni Pak Hitam. Ang sabi ng mga tao, sa buong buhay niya’y mahigitisang daang beses siyang nagpakasal, at sa isang dosena sa bawat pagkakataon. Nagkalat angkanyang mga anak sa mga kalapit-nayon at ayon sa usap-usapan, di na niya mabilang, o matandaankung sinu-sino ang mga iyon. Pag-uwi niya minsan sa Batu Putih, pinaratangan niya ang isang kabataan sa pagkilos niyonna parang sa kanya ang bahay ng matanda, at matigas niyang sinabi, “Sino ka ba? Kung makaarteka’y bahay ito ng tatay mo.” Sagot ng bata, “Bahay nga ito ng aking ama. Ang aking ina ay si IbuKhadijah.” Maaaring dahil sa mga ganitong bagay kung bakit mas gusto ni Pak Hitam na buwanangmalayo sa kanyang nayon at tumira sa bahay niya sa Bukit Harimau sa gitna ng gubat, tatlong arawang layo mula sa Batu Putih. Dito’y hindi niya kailangang problemahin ang mga taganayon at angkanilang walang-tigil na panghihimasok sa kanyang buhay. Kapag pumupunta si Pak Hitam sa kanyang bahay sa gubat lagi niyang dala ang isa sakanyang papalit-palit na asawa. Kilalang-kilala ng kanyang mga bisita ang mga babaeng isinasamaniya. Ang pinakamaganda’t bata ay si Siti Rubiyah, na pinakasalan niya dalawang taon na ang naka-raraan, pero hindi pa siya nito nabibigyan ng anak. Sa mga taganayon, ang ibig sabihin niyo’y nawalana ang kanyang birtud. Sa unang taon pa lang ng kanilang kasal, ang bawat isa sa iba niyang mgaasawa ay nakapanganak na. Ayon kay kay Sanip, makipagkamay lang ang isang babae, ito’y agadnabubuntis. Gayon kabagsik ang pagkabarako niyon. Kung hindi sila dinadala sa malayo ng kanilang trabaho sa gubat, tuwina’y sinisikap ng pitonglalaking makabalik sa bahay ni Pak Hitam bago dumilim. Pero kung makakulekta sila ng maraming 15
damar nang may kalayuan sa kanyang huma, at matagalan kung sila’y babalik doon, sa gubat na langsila nagpapalipas ng gabi. Ang bahay ni Pak Hitam ay nakatukod sa matataas na poste. May malawak na beranda saharap. Ang kusina ay nasa isang sulok nito sa may bintana. Nagtambak ng buhangin sa lapag si PakHitam at gumawa ng mga istanteng tabla. May dalawang kalang de-uling sa buhangin at doonnagluluto ang kanyang asawa. Nakabitin sa ibabaw ng mga kalan ang tapang usa at daing na isda,sibuyas, sili at ilang klase ng tuyong hiyerba. Ang beranda’y nahihiwalay sa pinakabahay ng dingding na sawali. Sa likod ng dingding aymay dalawang kuwarto – ang isa’y tulugan ni Pak Hitam at ng kanyang asawa, at riplengpanghanting, bukod sa ibang bagay. Napasok na minsan ni Buyung ang kuwartong ito, nang ipakuhasa kanya ni Pak Hitam ang riple. Nakita niya roon ang dalawang malaking baul na yari sa itim nakahoy na nalilinyahan ng pampatibay ng tansong kulay berde na sa tanda. Nagtataka si Buyung kungano ang laman ng baul, pero pareho iyong may mabibigat na kandadong bakal. Naisip niya namaaaring puno ng ginto ang mga ito tulad ng napapabalita sa nayon, pero ipinapalagay niyang isaiyong kabaliwan. Sa isang baul sa isang kaingin sa gubat nagtatago ng ginto si Pak Hitam?Napakadali iyong nakawin ng sinumang magnasa. Pero, sa kabilang dako, sino ang maglalakas-loob? Sa sahig ng beranda laging natutulog ang mga mangunguha ng damar. Kung doon silanagpapagabi, ipinagluluto sila ng asawa ni Pak Hitam ng kanilang kanin, tokwa, at sari-saring gulay.Nasisiyahan dito ang mga lalaki dahil madalas na naiiba sa kanila ang paghahanda ng pagkain ngbabae, at ang bawat asawa ni Pak Hitam ay mahusay magluto. Dinadagdagan nito ang kanilang baonng gulay mula sa sariling hardin. Ang gustung-gusto nila ay ang murang ube, mais, kamote na iniihaw sa nagbabagang uling.Umagang-umaga’y makikita si Buyung o Sanip sa kusina, abala sa pag-iihaw. O kaya’y kung gabi,bago sila matulog, at habang lahat ay nag-iistoryahan, gusto nilang maupo sa paligid ng parilyahabang pinagmamasdan ang pagkaing lumalagitik sa baga. Ang ganitong dibersyon, sampu ng mainitna kape, ay nagpapalipas ng panlalata at pagod ng isang araw na trabahong-kalabaw sa gubat. Sa gabing tulad niyon, ilalabas ni Sanip ang kanyang dangung-dangung at tutugtug sa sariliniyang estilo. Minsan, nang kumanta siya ng tungkol sa isang babaeng iniwan ng asawa, napansin niBuyung si Siti Rubiyah na tahimik na nagpapahid ng luha sa mata. Gusto nilang lahat ang bata at kaakit-akit na si Siti Rubiyah kung hindi lang siya lokung-lokokay Zaitun, madali sanang mapaibig dito si Buyung. Pero ito’y may-asawa, at si Pak Hitam pa, sapatna iyon para pigilin ni Buyung ang pag-iisip dito, pero aminado siyang maganda ang katawan nito.Ang mga suso nito , gayong maliit, ay tayo at may hubog. Ang mukha nito, sampu ng tuwid na ilong,mamasa-masang mga labi, at bilog na nangingislap na mga mata, at itinatampok na mahabang itim nabuhok na abot-baywang. Madalas pagmasdan ni Buyung ang nakalugay an buhok niyon – makapal atnangingintab – habang ito’y abala sa hardin. Kung naroon ito kapag tanghaling-tapat, ang mga pisnginito’y namumula, kaya lalo itong nagiging kaakit-akit. Kapag nasa gubat ang apat na kabataang lalaki, di kalapit ang matatanda, si Siti Rubiyah angkanilang pinag-uusapan. 16
“Sabihin ko sa inyo, pinasukan ko sana siya kundi si Pak Hitam, ang kanyang asawa,” sabi niTalib. “Ako rin, pero kung siya’y dalaga pa,” dagdag ni Buyung. “Kagabi’y napanaginipan ko s’ya,” sabi ni Sanip. “Napuna n’yo ba kung pa’no halos lumuwasa kanyang blusa ang suso tuwing yuyuko s’ya upang hipan an gatong?” “Kaninang umaga’y tinulungan ko s’yang magrikit,” parang tugon na sabi ni Buyung. “Napuna n’yo ba kung pa’no siya tingnan minsan ni Pak Hitam?” makahulugang tawa niSanip. “Sa edad n’ya bang iyon?” may pagkamanghang tanong ni Talib. “Oo nga, diba napakatanda na n’ya para r’on?” Ibig malaman ni Buyung. Natawa si Sanip.”Pakinggan n’yong magsalita itong si Buyung,” sabi niya. “Nakalimutan mona ba ang kasabihan tungkol sa niyog? Mas marami raw langis na mapipiga sa niyog kaysa buko.”Napahiyaw sila sa pagtawa. “Hindi bale – di kasintalas ni Wak Katok ang mga mata ni Pak Hitam,” sabad ni Sutan .“Nakita n’yo ba kung pa’no niya pagmasdan si Siti Rubiyah ‘pag wala si Pak Hitam? Hinuhubarann’ya ito ng kanyang mga mata, higit pa r’on ang ginagawa niya sa kanyang isip, sabihin ko sa inyo,Sabagay, gusto ko ring gawin ‘yon.” Nagpalitan sila ng makahulugang tingin. “Bata o gurang,” sabi ni Sanip, pag nakakita ng seksing babae ang isang lalaki. Isang bagaylang ang nasa isip niya.” “Hindi ako,” sabi ni Buyung, “Okey siyang talaga, di ako sintapang n’yo. Takot ako kay PakHitam.” Natawa kay Buyung ang tatlong may-asawang lalaki.”Di ka pa binyagan at di mo panaiintidihan. Di ka pa nakakasiping sa isang babae, kundi’y di ka magsasalita nang ganyan. Wala kapang alam sa bagay na’to,” kampante silang nagpalitan ng tingin, pahagikgik na tawa kay Buyung nakulang pa ng karanasan. “Hintayin mong maikama si Zaitun, tapos maiintindihan mo ang lahat,” sabi ni Sutan ,patungo sa direksyon ni Buyung. Namula si Buyung. Alam nila ang tungkol kay Zaitun. Lalong natawa ang mga lalaki nangmakita ang pamumula sa mukha ng bata nilang kaibigan. “Siguro, bago ka sumiping kay Zaitun,” sabi ni Talib,” di masamang magpraktis ka muna kaySiti Rubiyah.” 17
Sa gitna ng alon ng tawanan, sumabad si Sutan, “ni hindi mo kailangan ang kama.” “Gan’on talaga,” sabi ni Sanip. “Gusto ng mtatandang lalaki ang batang asawa, at ganoon dinang matatandang babae. Ang nagpapabata sa kanila.” “Anak ng – kahit mag-asawa ng batang babaeng tulad ni Siti Rubiyah. Nakapuna siya ngpagbabago sa kanilang kilos. Lantad masyado ang kanilang kunwa’y kawalang bahala , tuloy,ipinapakita nilang iba ang kanilang nadarama sa kanilang inaasal. Takot si Buyung na maaringnapupuna iyon ni Pak Hitam. Pero nitong nakaraang ilang buwan, kadalasa’y may sakit si Pak Hitam at napipirme sakanyang kuwarto. Binibisita siya roon nina Pak Haji, Pak Katok, at Pak Balam, pero ang mganakababatang lalaki ay pumapasok lang doon upang magbigay-galang at agad na lumalabas uli.Takot sila kay Pak Hitam at kailanma’y di sila mapakali sa harap nito. Pumapayat si Pak Hitam. Lubog ang kanyang mga mata, at halos puti na lahat ang kanyangbigote’t balbas. Pero itim pa rin ang buhok, at kahit may-sakit, mukha pa rin itong mabalasik atnakakapanduro. May kung anong bagay ang angkin ng matibay na matandang lalaking ito angnagbibigay-takot sa mga tao. Wala itong iniwan sa isang may-sakit na tigre na kahit masukol aymabilis pa ring nakapagsasanib at nakamamatay. Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Nakilala mo ba ang mga tauhan batay sa mgakatangiang taglay nila? Iba-iba ang kanilang katangian ngunit lahat sila’y may malakingkinalaman kung bakit ginamitan ng ganoong pamagat ang akda. Upang lubusan mong maunawaan ang akda, sikapin mong sagutin nang buong husayang mga gawaing inihanda ko para sa iyo. Huwag kang mag-alala, madali lamang ang mgaito. Makatutulong sa iyo ang pagsunod mo sa mga panutong ibibigay ko.3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pangungusap at pagkatapos ay sagutin ang mga katanungang nakapaloob dito. Letra lamang ang isulat.1. Naratay sa banig si Pak Hitam at halos nahihirapan na siyang kumilos. Angnangyari sa kanya ay:a. namanas c. napulmonyab. nagkasakit d. naparalisado2. Tiyak na mahuhuli ang puso ng isang sumpunging babae kapag ginamitan nang birtud ni Wak Katok na kilala bilang isang salamangkero. Ang maysalungguhit ay nangangahulugang:a. mapaiibig c. mabibighanib. mapaaamo d. mapasusunod 18
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383