Gawain 3A. Nasaan ang aking kaparis Pagtambalin ang dalawang sugnay na nakapag-iisaupang makabuo ng tambalang pangungusap. Gumamit ngwastong pang-ugnay. Isulat ang sagot sa isang papel. A1. Pagpipinta ang gusto ni Mark.2. Tumutugtog ng gitara si Joseph.3. Lumalangoy si Erick na tulad ng isda.4. Mahusay sumayaw si Grace.5. Simbilis ng kabayo kung tumakbo si Ramil. B a. Araw-araw siyang nagsasanay. b. Siya ang lider ng cheering squad. c. Kumakanta ang banda nila sa handaan. d. Sumasali siya sa paligsahan ng pagguhit. e. Nakatatanggap siya ng gintong medalya sa paligsahan.DEPED COPYGawain 4Talaan ng Nilalaman ng AklatPag-aralan ang talaan ng nilalaman at sagutin angsumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel.Aralin 1 Mga Libangan MoAralin 2Aralin 3 Pag-XVDSDQDQJPJD/LEDQJDQ«««««««1-7Aralin 4 3DJWXNODVVDL\RQJ/DNDV««««««««-39Aralin 5 3DJ\DPDQLQDQJ*DOLQJ««««««««-76Aralin 6 ,EDKDJLVD,ED«««««««««««««-99 3DJSDSDXQODGVD6DULOL««««««««-124 /LEDQJDQ/DEDQVD3UL\RULGDG«««««-150 96 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYIlang aralin mayroon sa talaan? Ano ang pamagat ng huling aralin? Saang pahina mo makikita ang impormasyon tungkol sa pagtuklas ng iyong lakas? Anong impormasyon ang makikita sa pahina 98? Aling aralin ang nagbibigay ng pangkalahatang ideya ng libangan? Ibinabahagi ni Anton ang kaniyang talento sa kaniyang mga kapatid. Sa anong aralin maiuugnay ang karanasang ito Anong aralin ang tumatalakay sa ugnayan ng libangan at priyoridad? Kung bago mo lamang natutuklasan ang iyong talento, aling aralin ang babasahin mo? Tandaan Ang talaan ng nilalaman ng aklat ay makikita sa unahang bahagi ng aklat. Nakasaad dito ang yunit, aralin, o kuwento at kung saan pahina ang mga ito matatagpuan. Ano-anong impormasyon ang makikita sa talaan ng nilalaman ng aklat? Paano mo magagamit ang talaan ng nilalaman ng aklat? 97 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYLingguhang Pagtataya Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng Linggong ito. Subuking sagutin ang bawat aytem nang wasto. A. Pakinggan ang kuwento. Sagutin ang mga tanong. Piliin ang wastong letra. Kambal sina Myko at Myka. Nakatanggap sila ng regalo galing sa kanilang Tito Bobby. Iginiit ni Myko na sa kaniya ang bisikleta. Kahit basketbol ang kaniyang pinaglalaruan, ayaw niyang ipagamit ang bisikleta sa kaniyang kakambal na si Myka. “Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta. Maaari bang pahiramin mo ako ng iyong bola,” pakiusap ni Myka. “Ayoko, bola ko ito. Mayroon ka namang manika,” galit na tugon ni Myko sa kakambal. Tinawag silang dalawa ng kanilang nanay. 1. Alin sa mga salita ang maaari mong masabi na ugali ni Myko? a. makasarili b. mapagtiwala c. palakaibigan d. matigas ang ulo 2. Ano ang naramdaman ni Myka sa ugali ng kaniyang kakambal? a. natakot b. nalungkot c. nagalit d. humingi ng paumanhin 98 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY3. Aling pangungusap ang nagsasaad na makasariling bata si Myko? a. Hindi mo puwedeng gamitin ang aking laruan. b. Mayroon kang sariling manika. c. Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta. d. Maaari bang mahiram ang iyong bola? B. Basahin at piliin ang letra ng tamang sagot. 4. Alin ang tambalang pangungusap? a. Nakiusap si Myka kay Myko na pahiramin siya ng bola. b. Nakatanggap ng regalo sina Myko at Myka sa kanilang Tito Bobby. c. Nang hindi pinahiram ni Myko ng laruan si Myka, umalis siyang maluha-luha. d. Nagpasalamat ang kambal sa kanilang Tito Bobby at ikinatuwa nila ang regalo. 5. Bumili ng tatlong kilong karne si Athena upang gawing hamon. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? a. karneng manamis-namis ang luto b. paghingi ng tawad c. pag-aanyaya ng away d. pagkaing gawa sa isda 6. Pagsamahin ang payak na pangungusap gamit ang wastong pang-ugnay. Tumula ang mga batang babae. Nagsayaw ang mga batang lalaki. 99 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYAlin ang tama? a. Tumula ang mga batang babae kaya nagsayaw ang mga batang lalaki. b. Tumula ang mga batang babae ngunit nagsayaw ang mga batang lalaki. c. Tumula ang mga batang babae at nagsayaw ang mga batang lalaki. d. Tumula ang mga batang babae nang sumayaw ang mga batang lalaki. 7. Pag-aralan ang larawan. Aling kahulugan ng salitang saya ang angkop na ginamit sa pangungusap batay sa larawan? a. Nakadamit ng saya ang mga bata. b. Saya ang dulot ng sanggol sa pamilya. c. Baro at saya ang kasuotan ng mga ninuno nating Pilipino. d. Ang saya ng mga bata ay makikita sa kanilang mga ngiti. Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit na ginamit sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel. a. taniman ng halaman b. lapnos ang balat dahil sa init c. lagpas na sa itinakdang araw 8. Nabasag ang paso dahil nabunggo ng pusa. 9. Ginamot ng nanay ang mga paso ni Mark sa braso. 10. Nagpagawa si Anton ng bagong I.D. dahil paso na ito. 100 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
C. Pag-aralan ang talaan ng nilalaman ng aklat.Aralin 1 Malusog na PamumuhayAralin 2 Ano ang Mabuti sa Katawan?................... 1-18Aralin 3 Pag-LLQJDWDQJ.DLODQJDQ««««««-36 Mag-H[HUFLVH7D\R«««««««««- 54Aralin 4 Pagkaing TDPDVD,\R««««-7511. Aling aralin ang kailangan mong basahin kung gusto mong malaman ang ehersisyong bagay sa iyo? a. Aralin 1 b. Aralin 2 c. Aralin 3 d. Aralin 412. Anong impormasyon ang nasa pahina 32? a. Tamang Ehersisyo b. Gabay sa Pagkain c. Mabuti sa Katawan d. Pag-iingat ang KailanganD. Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng dalawang tambalang pangungusap tungkol dito.DEPED COPY 14._____________________________________ 15. _____________________________________ 101 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Ikasiyam na Linggo Aralin 9: Bawat Kasapi: May Pananagutan Pagpapayaman ng Bokabularyo Basahin at Alamin Basahin nang mabuti ang pangungusap. Piliin kung alin sa mga sagot ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. 1. Ibinalik ni Mia ang tapon upang hindi sumingaw ang amoy ng alcohol. a. Inutusan ko si Mia na ilagay muli ang tapon ng bote ng alcohol . b. Tapon nang tapon ng basura ang mga bata sa baybay kalsada. 2. Mahahalagang tala ng kasaysayan ang matatagpuan mo sa Corregidor. a. Kapakipakinabang ang mga tala mula sa mga makasaysayang lugar ng ating bansa. b. Maliwanag ang tala kung gabi. 3. Laging bukas ang aming tindahan araw-araw. a. Pakiusap, iwanan mo na bukas ang pinto, may dadating na panauhin. b. Bukasaalis na ang iyong pinsan. 102 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Tandaan Paano mo nakikilala ang mga salitang maraming kahulugan. May mga salita na maraming kahulugan. Nagbabago ang kahulugan ng mga salita ayon sa gamit nito sa pangungusap. Subukin Gawain 1 Hanap larawan: Piliin at iguhit sa sagutang papel ang larawang nagpapahayag ng pangungusap. 1. Kulay ube ang puso sa puno ng saging. 2. Si Mimi ay nagdiwang na ng ikapito niyang kaarawan. 103 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Ang baso ay puno ng gatas.4. Saya ang nais isuot ni ate sa Linggo ng Wika.5. Kulay berde ang upo.DEPED COPYSabihin at AlaminBalikan ang detalye ng kuwento. Piliin ang katangian ngtauhan na inilalarawan sa pangungusap.a. Iniwan ni Monita kay Monina ang mga kasangkapan na hindi nahuhugasan sa gabi. Si Monita ay__________.mapagbigay bastos tamad 104 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
b. Hinugasan ni Monina ang mga pinggan ng walang reklamo. Si Monina ay __________.mabait mapagbigay matulunginc. “Monita, ibigay na lang natin sa matandang nagugutom ang ating baon. Si Monina ay __________.malungkot galit mapagbigayDEPED COPYd. “Ibigay mo ang iyong baon, pero ang sa akin ay hindi ko ibibigay, ”\" wika ni Monita. Siya ay _________.makasarili maalalahanin palakaibigane. Nararamdaman niyang siya ay __________.masaya malungkot mainitin ang ulo Kung ano ang sinasabi, ginagawa, iniisip, at nararamdaman ng tauhan ay nagpapakita kung anong ugali ang mayroon siya.Ano pa ang maaaring pagkakilanlan o clue ng isangtauhan sa kuwento upang malaman natin ang kaniyangugali. 105 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Basahin at Alamin Basahin ang mga payak na pangungusap. Pagsamahin ang dalawang pangungusap sa pamamagitan ng pagdadagdag ng salitang dahil o habang 1. Masaya ako. Nakapasa ako sa pagsusulit. 2. Nilinis ni Maria ang kuwarto. Naghihintay si Mario sa labas. 3. Umawit si Paolo. Matamang nakinig ang kaniyang mga kaklase. 4. Umuwi kami nang maaga. Nagpatawag ng pagpupulong ang punong guro. 5. Tumatahol ang aso. Maraming tao sa likod bahay. Ano ang hugnayang pangungusap? Paano nabubuo ang hugnayang pangungusap? Tandaan Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap. Nagpapahayag ito ng dalawang kaisipan at pinagsasama ng mga pang-ugnay na dahil o habang. 106 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Basahin at Alamin A. Basahing mabuti ang pangungusap. Sabihin kung ang pangungusap ay tambalan o hugnayang pangungusap. 1. Pumunta kami sa hardin ngunit wala naman kaming ginawa doon kahapon. 2. May sakit si Alice at kailangan niyang tumigil muna sa bahay. 3. Nagpunta ang pamilya Montemayor sa evacuation center dahil nangangailangan sila ng tulong. 4. Hindi magamit nina Lina at Sarah ang bisikleta dahil sira ito. 5. Nagbasa ang nanay ng magasin habang naghihintay siya ng bus. B. Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng pang-ugnay na dahil o habang. 1. Nakapunta kami sa maraming lugar _____ kami ay nasa Cebu. 2. Kailangan ni Marta na magsuot ng tsinelas ______ namamaga ang kaniyang paa. 3. Sikat ang pamilya Garrara ________ lahat ng kanilang mga anak ay nasa honors roll. 4. Dapat tayo ay palaging magbasa _______ tayo ay bata pa. 5. Pumunta muna kami sa silid-aklatan ______ naglilinis ang mga lalaki sa silid-aralan. 107 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Basahin at Alamin Basahin ang talaarawan. Sagutin ang tanong. April 25, 2012 Ibinili ako ng tatay ng asul na bisikleta. Sa darating na bakasyon mag a-aral akong magmaneho. Natutuwa talaga ako! Bert BBeerrtt April 27, 2012 Marunong na akong magm108aneho ng bisikleta. Tinuruan ako ni tatay. Ngunit dahil madulas ang kalsada kahapon, natumba ako. Nasaktan ang aking tuhod. Napakasakit. Bert 104 108 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYTanong: 1. Sino ang sumulat ng talaarawan? 2. Ano-ano ang mahahalagang detalye mula sa talaarawan? 3. Ano ang sinasabi ng talaarawan tungkol kay Bert? Tandaan Sa talaarawan karaniwang isinusulat ang mga bagay tungkol sa ating sarili. Mga pangyayari na gusto at hindi natin gusto. Nakatutulong ito upang matandaan o mabalikan natin ang mahahalagang pangyayari sa ating buhay. Subukin Pagsulat ng talaarawan Sagutin ang tanong: 1. Ano ang mahalagang nangyari sa iyo noong Sabado Sumulat ng dalawang pangungusap. 2. Bakit nangyari iyon? 3. Ano ang naramdaman mo tungkol dito 109 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gamit ang inyong mga sagot, sipiin ang talaarawan sasagutang papel. Isulat ang inyong karanasan. Ang Aking Talaarawan _________________ Petsa ______________________________________________________Pagpapayamang GawainDEPED COPYIguhit ang inyong isinulat sa inyong talaarawan. Gawin itongkawili-wili sa paningin sa pamamagitan ng pagkukulay.Isalaysay sa buong klase ang iyong nabuo.Suriin ang inyong ginawa. Lagyan ng marka batay sa bituinsa tsart ang inyong katha. Nilalaman at Kaayusan Nakuha1. Ang mga pangungusap ay naisulat nang angkop, kumpleto, at nauuna- waan (may tamang bigkas)2. Ang mga pangungusap ay maliwanag at kumpleto3. Ang mga pangungusap ay hindi kumpleto pero maliwanag Katangian1. Ang mga nakasulat ay nagbabahagi ng buhay ng isang mag-aaral2. Ang mga nakasulat ay nagbabahagi ng buhay ng ibang kamag-aral3. Kulang ng mga detalye 110 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 3 0RWKHU7RQJXH%DVHG 0XOWLOLQJXDO(GXFDWLRQ .DJDPLWDQQJ0DJDDUDO Yunit 2 $QJ DNODW QD LWR D\ PDJNDWXZDQJ QD LQLKDQGD DW VLQXUL QJ PJD HGXNDGRU PXOD VD PJD SXEOLNR DW SULEDGRQJ SDDUDODQ NROHKL\R DW R XQLEHUVLGDG +LQLKLND\DW QDPLQ DQJ PJD JXUR DW LEDQJ QDVD ODUDQJDQ QJ HGXNDV\RQ QD PDJHPDLO QJ NDQLODQJ SXQD DW PXQJNDKL VD .DJDZDUDQQJ(GXNDV\RQVDDFWLRQ#GHSHGJRYSK Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mother Tongue-Based Multilingual Education – Ikatlong BaitangKagamitan ng Mag-aaral sa TagalogUnang Edisyon, 2014ISBN: 978-971-9601-95-1 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ngPamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan otanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan angnasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ayang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ngprodukto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) naginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isangkasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sanagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ngtagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhDDEPED COPY Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralMga Manunulat: Lilibeth A. Magtang Claire B. Barcelona Nelia D. Bamba Irene T. Pilapil Raquel C. Solis Florita R. Matic Gretel Laura M. Cadiong Florinda Dimansala Franlyn R. Corporal Grace U. Rabelas Victoria D. Mangaser Arabella May Z. SoniegaKonsultant at Editor: Felicitas E. Pado, PhD Rosalina J. Villaneza, PhD Editha MacayaonMga Tagasalin: Enelyn T. Badillo, Fe V. Monzon, at Agnes G. Rolle (Lead Person)Tagaguhit: Reynaldo A. SimpleMga Tagapamahala: Marilette R. Almayda, PhD at Marilyn D. Dimaano, EdDInilimbag niInilimbag ni ___________________________Department of Education- Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)DOeffpicaertAmdednretsosf:Educatio5tnh- FInlosotrru, MctaiobninailBMldagt.e,rDiaelpsECdoCunomcipl lSeex,cMreetararilcaot (ADveepnEude,-IMCS)Office Address: 5PtahsFigloCoirt,yM, Pahbiilnipi pBilndegs.,1D6e0p0E dComplex, Meralco Avenue,Telefax: (i(Pm00a22cs))sig6e63t3Cd44@i--t11yy,00aP55h44hoiooloip.66cp33oin44me--11s0017762200TEe-mleafailxA:ddress: [email protected]E-mail Address: ii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYMahal kong mag-aaral, Ang aklat na ito ay makatutulong upang maipahayag ang iyong kaisipan, pananaw, at damdamin tungkol sa iyong sarili, pamilya, kaibigan, tahanan, paaralan, at pamayanan. Makatutulong din ito sa iyong pagbabasa nang may pang-unawa, may mapanuring pag-iisip, at matalinong pagpapasiya. Matututunan mo rin ang pagsulat ng iba- ibang uri ng sulatin. Masisiyahan ka na gawin at pag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa tahanan, paaralan, at pamayanan gamit ang mga natutuhan mo mula sa aklat na ito. Pakiusap, huwag susulatan ang aklat na ito ng mag-aaral dahil gagamitin pa ito sa susunod na taon. Maaaring gumamit ng papel o kuwaderno sa pagsagot sa iba’t ibang pagsasanay sa kagamitang ito. Maligayang pag-aaral! May Akda iii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYTalaan ng Nilalaman Yunit 1 Aking Sarili at Aking Pamilya Aralin 1: Ako at Aking Pamilya………………………………………………....2 Aralin 2: Kinawiwilihang Tao at Bagay.…………………………….............10 Aralin 3: Mga Bagay na Gusto Ko............................................................ 23 Aralin 4: Ang Paborito kong Hayop at Halaman.................................... 30 Aralin 5: Ako at Aking Kaibigan…………................................................. 42 Aralin 6: Pag-iingat sa Kalikasan…………………………………................ 55 Aralin 7: Bawat Kasapi ng Pamilya: May Tungkulin……………………....67 Aralin 8: Bawat Kasapi: Karangalan ng Pamilya…………...........……….85 Aralin 9: Bawat Kasapi: May Pananagutan……………………………....1.02 iv All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
7DODDQQJ1LODODPDQYunit 2 Tuklasin ang PamayananAralin 10Aking Pamayanan: Tahanan, Kapaligiran, at Pamilya«....113Aralin 11:Aking Pamayanan: Kalinisan at Kaayusan ««««««.....122Aralin 12:Aking Pamayanan......................«««««««««««.....132Aralin 13:Kasaysayan ng Aking Pamayanan«««....145Aralin 14:Ang Pamayanan Noon at Ngayon …«««««««««..151Aralin 15:Mga Tao sa Pamayanan: (Yaman at Bayani)...«««««...161Aralin16:Mga Lugar sa Pamayanan: Paaralan.........................................169Aralin 17:Mga Lugar sa Pamayanan: Pook Pasyalan««««««..179Aralin 18:Mga Pangyayari sa Pamayanan …………………………......... ..190DEPED COPY v All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Yunit 2 Tuklasin ang Pamayanan 111 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ika-10 LinggoAralin 10: Aking Pamayanan: Tahanan, Kapaligiran, at Pamilya Sabihin at Alamin Ano ang pangalan mo?Basahin ang diyalogo. Nakatira ako sa Ako si Liza Santos. 76 Tandoc, San Carlos City, Saan ka Pangasinan. nakatira?DEPED COPY Ano ang mga tanong Ano ang mga naging sagot Kung ikaw ay isa sa kanila, ano pang impormasyon ang nais mong malaman Ngayon, humanap ng kapareha at gawin ang usapan sa itaas. 113 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Tandaan Ang ano, sino, saan, at kailan ay tinatawag na panghalip pananong. Ang panghalip pananong ay mga salitang ginagamit upang magtanong. x Ang pananong na sino ay ginagamit sa ngalan ng tao. Halimbawa: Sino ang ating panauhin? Sino ang aawit para sa akin? x Ang pananong na saan ay ginagamit upang sagutin ang mga tanong ukol sa lugar. Halimbawa: Saan ka pupunta? Saan mo gustong tumigil? x Ang pananong na kailan ay ginagamit upang sagutin ang mga tanong tungkol sa oras. Halimbawa: Kailan ka pupunta sa Maynila? Kailan natin bibisitahin sina lolo at lola? x Ang pananong na ano ay ginagamit upang sagutin ang mga tanong tungkol sa bagay o pangyayari. Halimbawa: Ano ang ginagawa mo? Ano ang masasabi mo sa exhibit? 114 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Subukin Gawain 1 Gumawa ng mga tanong na nagsisimula sa sino, ano, saan, at kailan gamit ang sumusunod na pangungusap. 1. Ang kuwento ay nangyari sa bahay. 2. Nagbakasyon sina Mildred at Nestor nang dalawang Linggo sa bahay ng pinsan nila. 3. Nanguha ng hinog na prutas si Nestor sa kanilang likod-bahay. 4. Umuuwi sila ng bahay kapag Linggo. 5. Sinalubong sila ng nanay, tatay, at ate sa bakuran. 6. Niyakap nila ang isa’t isa. 7. Ikinuwento ng mga bata ang kanilang masayang karanasan sa baryo. 8. Nilinis ni Mildred ang bahay. 9. Itinapon ni Nestor ang mga tuyong dahon sa kompost pit. 10. Masaya silang naghapunan nang sabay -sabay. Basahin at Alamin Basahin ang maikling salaysay. Itala ang mahahalagang detalye. Ang Pangako ni Mila Isang umaga, habang naglalakad si Mila papunta sa paaralan, naisip niya na matutuwa si Bb. Romero kung bibigyan niya ito ng bulaklak para sa kaniyang plorera. Nadaanan ni Mila ang hardin sa plasa, 115 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYmaganda at namumukadkad ang mga gumamela. Nabasa niya ang babala, “Bawal pumitas ng bulaklak.” Ngunit nang magkaroon siya ng pagkakataon, palihim siyang pumitas ng gumamela. Ibinigay ni Mila ang bulaklak sa guro at nagpasalamat ito. Nagkataon na ang kanilang aralin sa araw na iyon ay tungkol sa pagpapahalaga at pagsunod sa mga babala sa pampublikong pasyalan. Isa dito ay “Bawal pumitas ng bulaklak.” Pagkatapos ng paliwanag ni Bb. Romero, naisip ni Mila na mali ang kaniyang ginawa. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na hindi na niya uulitin ang pagkakamali niya. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa papel. 1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? 2. Kailan nangyari ang kuwento? 3. Anong aralin ang tinalakay ng guro noong araw na iyon? 4. Kailan niya nalaman ang kaniyang pagkakamali 5. Bakit niya pinitas ang gumamela kahit nakita na niya ang babala? 6. Ano ang nangyari sa loob ng klase? 7. Ano ang naisip ni Mila nang marinig ang tinatalakay ng guro? 8. Tama ba ang ipinangako ni Mila sa sarili? Bakit? 9. Kung ikaw si Mila, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit? 116 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Tandaan Ang mahahalagang elemento ng kuwento ay ang tagpuan, tauhan, at mga pangyayari. x Ang tagpuan ay nagsasaad kung saan at kailan nangyari ang kuwento. x Ang tauhan ay nagsasaad kung sino-sino ang gumanap sa kuwento. x Ang pangyayari ay nagsasaad sa mga naganap o nangyari sa kuwento. Ang mga panghalip na pananong na sino, saan, kailan, at ano ay ginagamit upang malaman o masagot ang mahahalagang detalye at elemento ng kuwento. 117 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
SubukinGawain 2Gamit ang kuwento na “Pangako ni Mila” sagutin ang mgatanong sa graphic organizer. Isulat sa sagutang papel.DEPED COPYSino? Ano?Saan? Kailan? 118 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYBasahin ang maikling kuwento. Habang naghahapunan kagabi, hindi sinasadyang nabasag ni Gerald ang baso. Agad na inilayo ni Kuya Luis si Gerald sa mga bubog. Nagmamadali naman si Jane na kumuha ng tambo, pandakot, at basahan upang malinis kaagad ang kalat. Nakita nina tatay at nanay ang maganda nilang ginawa. Nasiyahan sila sa pagtutulungan ng magkakapatid. Gawain 3 Guhitan ang panghalip na pananong at sagutan ang mga tanong. 1. Ano ang paksa ng maikling salaysay? 2. Sino ang nakabasag ng baso? 3. Saan nangyari ang kuwento? 4. Kailan tumulong si Gerald at Jane? 5. Ano ang naramdaman ng kanilang magulang nang makita ang kanilang ginawa? Bakit? Gawain 4 Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na panghalip pananong para sa pangungusap. 1. __________ang sasama sa amin? 2. __________ang mga bagay na kailangan? 3. __________tayo magkikita? 4. __________tayo pupunta sa bukid? 5. __________mga bagay na dapat nating isaisip upang maging ligtas ang ating paglalakbay? 119 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Lingguhang Pagtataya I. Ano ang angkop na panghalip pananong na sinasagot ng mga salitang may salungguhit? Piliin ang sagot mula sa kahon at isulat sa sagutang papel.sino ano kailan saanDEPED COPY 1. Ang mga mag-aaral ay nagdala ng plastik na bote sa paaralan. 2. Ang mga mag-aaral ay nagdala ng plastik na bote sa paaralan. 3. Ang mga mag-aaral ay nagdala ng plastik na bote sa paaralan. 4. Binigyan ng supot na may lamang pagkain ang mga biktima ng baha noong isang Linggo. 5. Binigyan ng supot na may lamang pagkain ang mga biktima ng baha noong isang Linggo. 6. Binigyan ng supot na may lamang pagkain ang mga biktima ng baha noong isang Linggo. 7. Magbibigay si Don Jose Pidlaoan ng tulong para sa feeding program ng Barangay Magalang sa loob ng anim na buwan. 8. Magbibigay si Don Jose Pidlaoan ng tulong para sa feeding program ng Barangay Magalang sa loob ng anim na buwan. 9. Magbibigay si Don Jose Pidlaoan ng tulong para sa feeding program ng Barangay Magalang sa loob ng anim na buwan.10. Magbibigay si Don Jose Pidlaoan ng tulong para sa feeding program ng Barangay Magalang sa loob ng anim na buwan. 120 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
II. Basahin ang maikling sanaysay. Piliin ang elemento ng isang kuwento. Umisip ng angkop na pamagat para sa maikling salaysay. A. Noong Linggo, ang mag-anak na Fernandez ay pumunta ng Baguio para sa isang araw ng picnic. Maaga silang nagsimba bago tumungo sa picnic. Sumakay din sila sa makukulay na bangka sa Burnham Park, namasyal sa hardin ng mga pino at namili sa SM Mall.DEPED COPYPinangyarihan:Pamagat: Tauhan: Pangyayari: BGumawa ng tig-isang pangungusap gamit ang panghalip pananong na sino, ano, kailan, at saan (1-4) 121 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Ika-11 Linggo Aralin 11: Aking Pamayanan: Kalinisan at Kaayusan Sabihin at Alamin Ano ang nakikita mo sa larawan? Alin sa ipinapakita ng mga larawan ang naranasan o nagawa mo na? Sa palagay mo ano ang kailangang gawin pagkatapos ng mga gawaing makikita sa larawan? Ibahagi mo ang katulad na karanasan sa harap ng klase 122 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Basahin at Alamin Basahin ang tula nang may tamang diin at intonasyon. Ano ang Kailangan Natin Gamitin ang suklay sa pag-aayos ng buhok Plantsa, naman sa damit nang mawala ang gusot Nail cutter ang panggupit sa mahabang kuko Sa pagkuskos ng katawan gamitin ay bimpo. Sepilyo ay gamitin upang ngipin ay linisin Panyo naman ang pantanggal sa mga dumi natin Upang maging mabango sabon ay gamitin Nang maging maganda sa tumitingin. Batay sa tula ano-ano ang ating kailangan sa paglilinis ng katawan? 123 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Subukin Gawain 1 Narito ang mga bagay na ginagamit sa paglilinis ng ating katawan. Sabihin kung paano ito gagamitin. Tularan ang modelo sa pagsagot na may wastong bigkas at intonasyon. Halimbawa: Kailangan ko ng sabon. Upang maging mabango maghapon. Kailangan ko ng _______. Upang ngipin ay luminis. 124 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Tandaan Ang intonasyon ay ang paraan kung paano sinasabi nang wasto ang mga salita. Binibigkas ito nang may tamang diin at ekspresyon upang mas epektibong maipahayag ang kahulugan ng mga salita. x Ang intonasyon ay maaaring magkaroon ng pababang tono o pataas na tono depende sa nais ipahiwatig. x Ang pagbabago ng intonasyon, diin, at ekspresyon sa isang salita ay nakaaapekto sa kahulugan nito. x Ang paggamit ng diin ay nakapagbabago sa mga pangungusap. Ang pagkakaiba-iba ng tono ay pagbibigay linaw sa kahulugan ng mga parirala at pangungusap. 125 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYGawain 2 Subukin Basahin ang pangungusap nang may tamang diin at intonasyon. 1. Alam ko na! Masakit na naman ang ngipin mo ano? 2. Bakit ka umiiyak? 3. Nanay, pakiusap dalahin mo na ako sa dentista ngayon. 4. Maga ang kaniyang gilagid, hindi maaaring bunutin ang kaniyang ngipin. 5. Maghintay tayo hanggang gumaling na ang iyong gilagid upang mabunot na ang iyong ngipin. 6. Wow! Tamang tama ito. 7. Bago ba iyan? 8. Gusto ko ito para sa tinitipon kong mga aklat. 9. Gusto ko ang aklat na ito. 10. Kapanapanabik ba ang kuwento sa aklat mo? 126 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Basahin at Alamin A. Basahin ang maikling kuwento at itala ang mahahala- gang detalye. Anette, Makulit ni: Lilibeth A. Magtang “Anette… Anette… Aneeeeette!” Malakas nasigaw ni Aling Sion na halos nakagulantang sa buong barangay. “Alam ko na, naroroon na naman siya,” wika ni Aling Sion sa sarili. Lagi nang ganoon ang kanilang sitwasyon. Kinagawian na kasi ni Anette ang paglalaro buong araw hanggang paglubog nito. Ang paglalaro lamang ang tanging mahalaga sa kaniya. Kadalasan ay nalilimutan na niyang kumain dahil sa kawilihang maglaro maghapon. Minsan pati ang paliligo ay nalilimutan na rin ni Anette. “Nanay, pakiusap kumain na tayo, gutom na gutom na ako.” Uupo na lang sa mesa at basta susubo ng pagkain si Anette. “Sandali! mas mabuti kung maghuhugas ka muna ng iyong mga kamay bago ka kumain. Napakadumi ng iyong buong katawan dahil sa maghapon mong paglalaro,” sabi ni Aling Sion. Sa halip na sundin ang utos ng ina, tuloy pa rin sa pagkain si Anette kahit hindi makapaghugas ng kamay, ang mahalaga sa kaniya ay makatapos agad ng pagkain. 127 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYPagtapos kumain, lalabas muli si Anette at hahanapin na naman ang kaniyang mga kalaro kahit madilim na. Minsan umuwi si Anette na umiiyak. “Nanay, napakasakit po ng aking tiyan, halos pabulong dahil namimilipit na siya sa sakit. “Iyan ang palagi kong sinasabi sa iyo, huwag kang magpapalipas ng gutom, umuwi kapag oras ng pagkain. Isa pa, maligo at magpahinga. Sagutin ang mga tanong mula sa kuwento. 1. Sino ang batang babae sa kuwento? 2. Ano ang masasabi mo tungkol sa kaniya? 3. Sino ang isa pa sa mga tauhan sa kuwento? Ilarawan siya. 4. Sa iyong palagay, mabuting halimbawa ba si Anette? Bakit? 5. Ano ang mga payo ng nanay ni Anette? 6. Ano ang kaniyang ipinakitang ugali? 7. Kung ikaw ang magbibigay ng katapusan ng kuwento, paano mo ito tatapusin? A. Ilarawan si Anette gamit ang graphic organizer na ito. Sipiin sa sagutang papel. 128 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
SubukinGawain 3Narito ang mga pangungusap mula sa kuwento “Si Anette,Makulit.” Gumawa ng mga tanong gamit ang mgapanghalip na pananong. Isulat sa sagutang papel.1. Gawi na ni Anette na maglaro hanggang takip silim.2. Sa paglalaro umiikot ang buhay ni Anette.3. Pagkatapos kumain, aalis na naman siya kahit madilim na. “Nanay, napakasakit po ng tiyan ko.”4. “Gutom na gutom na ako.”5. Kahit gabi na, lalabas pa rin si Anette at maghahanap ng kalaro.Gawain 4Mula sa kuwento “Si Anette, Makulit,” punan ang mgakahon sa ibaba upang maipakita ang mga bahagi ngkuwento. Si Anette, MakulitDEPED COPYTagpuan Tauhan Pangyayari Katapusan ng Kuwento 129 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYBasahin ang paalala. Isulat ang mahahalagang detalye nito. PAALALA! Araw ng Biyernes. Suspindido ang klase, ika-10 ng Oktubre, 2013. Ang paaralan ay sasailalim sa fumigationopagpapausok upang mapuksa ang mga peste at itlog ng lamok. Ang lahat ay pinapayuhan na gawin ang takdang aralin at bumalik sa ika-13 ng Oktubre 2013, araw ng Lunes. Lingguhang Pagtataya I. Gumawa ng tanong gamit ang panghalip pananong mula sa binasang paalala. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Tanong: 1. 2. A. Isang gabi habang natutulog na ang lahat, dahan-dahan akong lumakad palabas ng bahay. Nakita ako ng aming aso. Tumahol ito nang napakalakas at nagising ang lahat. Ano ang angkop na wakas ng kuwento? B. Isang mahanging hapon, ako at ang aking kaibigan na si James ay nagkasundo na magpalipad ng saranggola. Ilang sandali ang lumipas tumaas nang tumaas ang aming saranggola nang mataas pa sa 130 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
puno. Ngunit biglang sumabit ito sa sanga. Matapang na umakyat si James sa puno. Ano ang angkop na wakas ng kuwento? C. Basahin ang maikling kuwento. Punan ang patlang ng tamang panghalip pananong. Araw ng Sabado, nagpasiyang pumunta sa sapa angmagkaibigan, sina Rey, Manny, at Pong. Nais nilangmamingwit, kaya wala silang inaksiyang oras at nagsimulana. Marami silang nahuling isda na kaagad inilagay ni Reysa timbang may tubig ang mga isda. Nawiwili pa sina Manny at Pong ngunit tinawag na silani Rey. “Malapit nang dumilim, umuwi na tayo,” pag-aaya niRey. Masarap ihawin ang sariwang isda para sa hapunan. Nagkasundo ang magkaibigan na babalik silang mulisa Sabado. Ano SaanDEPED COPYKailan Sino 1. __________ ang nangisda? 2. __________ ang kaniyang kasama sa pangingisda 3. __________ nila inilagay ang kanilang huli? 131 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY4. __________ sila nagpunta pagkatapos mangisda? 5. __________ ang ginawa sa mga nahuling isda? 6. __________ nila planong bumalik sa sapa? 7. __________ sa palagay mo ang lasa ng inihaw na isda? 8. __________ ang nais mong gawin kapag Sabado? 9. __________ hindi ligtas mangisda sa karagatan? 10. __________ ang mga dapat mong gawin bago mangisda Ika-12 Linggo Aralin 12: Aking Pamayanan Basahin at Alamin Nakapag-recycleka na ba? Basahin ang kuwento at alamin kung ano ang proyektong ginawa ng Baitang III- Masinop tungkol sa pag-recycle 132 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Basura, Ipunin, at Gamitin ni: Lilibeth A. Magtang Sa dinami-dami ng klase sa Paaralan ng Palaming,ang Baitang III- Masinop na naman ang tinanghal na“Pinakamapagmahal sa kapaligiran.” Pang limang taonna nilang taglay ang titulo, kaya nang tanungin silakung ano ang kanilang sikreto, agad naman nilangibinahagi ang kanilang pamamaraan. Ipinatutupad ni G. Santos, kanilang gurongtagapayo, ang “Basura mo, Ibulsa mo” sa buong taon.Ito ang kanilang panuntunan at disiplina. Pinayuhan dinsila ni G. Santos na maging sa bahay ay gawin ito. Ngayong taon, ang pinakamalaking proyekto ngBaitang III- Masinop ay “Sa Basura, Bagong GamitNagmumula” (recycle used objects). Nakaipon angmga mag-aaral ng maraming lumang diyaryo, karton,bote, at iba pa.Makikita sa graph na ito ang kanilang mga naipon.DEPED COPY45% cupsboteng plastik 5% 30% lumang diyaryo at magasin 10% 10% karton straw 133 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYMula sa mga bagay na patapon, nakagawa sila ng paper maché na plorera, maliliit na pandekorasyong hugis hayop, at lalagyan ng bolpen. Nakatulong ito nang malaki sa kanilang proyekto dahil ang napagbilihan sa mga ito ay inipon kaya nakapagpagawa ng palikuran sa loob ng silid-aralan. Umaasa si G. Santos na ang kanilang natutunan ay gagawin din ng nakararami. Hinikayat niya ang lahat na mag-recycle, upang mabawasan ang mga basura sa kapaligiran. Isipin Tanong 1. Alin sa mga klase ng Paaralan ng Palaming ang nanalo ng karangalan bilang pinakamakakalikasan 2. Sino ang tagapayo ng klase Ano ang kahanga-hanga niyang katangian? 3. Ano ang ipinahayag na sikreto ng mga nanalo? 4. Anong proyekto ang isinagawa ng nanalong klase? 5. Alin sa mga bagay na naipon nila ang may pinakamalaking bahagdan sa lahat ng kanilang naipon? Aling mga bagay ang magkapareho ang bahagdan? 6. Ano-ano ang mga bagay na nagawa nila mula sa mga bagay na patapon na? 7. Naranasan na ba ninyo na bumuo ng bagong bagay mula sa mga bagay na patapon na 8. Kanino ang palikuran na ipinagawa? 134 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY9. Ilarawan ang klase ni G. Santos. 10. Ipaliwanag ang nais iparating ng maikling salaysay na ito. A. Gawin Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. x Kung ikaw ang magbibigay ng katapusan ng kuwento, ano ito? x Mula sa kuwento, isulat ang iyong hinuha sa kung ano ang maaaring mangyari sa mga darating pang panahon. Tandaan Ang pagbibigay ng prediksiyon o maaaring kahinatnan ay isang kakayahan na dapat matutuhan ng bawat mag-aaral. x Ang pagbibigay ng prediksiyon ay pagbibigay ng isang matalinong hula tungkol sa susunod na pangyayari. x Upang makapagbigay ng prediksiyon, tingnang mabuti ang mahahalagang detalye. x Makatutulong ang mga kaalaman at karanasang nakuha mula sa nakaraan upang makapagbigay ng mabisang prediksiyon. 135 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Subukin Gawain 1 Isipin ang maaaring maging katapusan ng mga salaysay. 1. “Huwag mong gagamitin ang computer hanggang wala ako sa bahay,” mahigpit na bilin ng nanay ni Ben. Ngunit si Jerry, ang kaibigan ni Ben ay nagkuwento tungkol sa isang bagong online game. Naisip ni Jerry na wala namang masama kung titingnan lamang niya ito. Binuksan niya ang computer at napindot niya ang maling icon. Nabura ang ginawang dokumento ng nanay niya. Sinubukan niya itong hanapin ngunit di na niya ito maibalik. Agad na pinatay ni Ben ang computer at pumasok sa kaniyang kuwarto. Ngunit hindi siya mapalagay, muli niyang binuksan ang computer. Ano sa palagay mo ang susunod na mangyayari? 1. Naglalakad pauwi sina Lianne at Rose, nang may mapansin sila, “Ano kaya iyon?” wika ng dalawa. “Pitaka!” Agad na binuksan ni Rose, nakita nila na may lamang limang daang piso sa loob. Nagkatinginan ang dalawang bata. Nais mabili ni Lianne ang isang bagong manika. Sapatos naman ang nais ni Rose. Nag-iisip na mabuti ang dalawa. Ano sa palagay mo ang susunod na mangyayari? 136 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sabihin at AlaminBasahin ang mga salita sa loob ng kahon.sabihinDEPED COPYgumawakatapatanulitin tumawa hinirammahusay hiniram tumanggaptalaan magbantay magsayawanlumakad bumangon maglinisAno ang inyong napansin sa kayarian ng mga salita? TandaanAng panlapi ay isang kataga na ikinakabit sa isangsalitang-ugat upang makabuo ng bagong salita. 137 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
May iba’t ibang uri ng mga panlapi.Unlapi – ang panlapi ay makikita o nakalagay saunahan ng salitang-ugat.Halimbawa:Mag/maMag-aral mahusaynag/naDEPED COPYnagsimula nataposx Gitlapi ang panlapi ay makikita o nakalagay sa loob ng salita.Halimbawa:um/insumayaw ginawax Hulapi ang panlapi ay makikita o nakalagay sa hulihan ng salita.Halimbawa:an/han/insabihan tandaan isipin x Kabilaan kapag ang isang pares ng panlapi ay makikita o nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita.Halimbawa:mag, an, pa, in, ka, an, ka, hanmag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan 138 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYSalitangSalitangPanlapiUri ngMaylapi Ugat Panlapipasyalan pasyal an hulapimag-aral aral mag unlapitumawa tawa um gitlapinanood nood na unlapiginising gising in gitlapikaibigan ibig ka, an kabilaanbinasa basa in gitlapiGawain 2Lagyan ng angkop na panlapi ang mga salita.Isulat sa inyong sagutang papel. 1. luto 2. ibig 3. kain 4. lakad 5. awit 6. walis 7. saya 8. ayos 9. tapos 10. dakila 139 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYGawain 3 Sipiin ang mga salita at panlaping ginamit sa sagutang papel. Isulat ang U kung unlapi, G kung gitlapi, H kung hulapi, at K kung kabilaan. _______1. sumayaw _______2. naglaba _______3. tumakbo _______4. kasiglahan _______5. isipin _______6. nag-ani _______7. nagdilig _______8. sabihin _______9. kaligayahan ______10. ligpitin 140 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYGawain 4 Dagdagan ng panlapi ang salitang-ugat upang mabuo ang mga pangungusap. Gawin ito sa kuwaderno. 1. Suklay______ mo nang mabuti ang iyong buhok. 2. Tulungan mo akong ______ dilig ng halaman. 3. Sabay-sabay nating awit ______ ang himno ng ating paaralan. 4. Matiyaga kong ______ sagot ang lahat ng tanong sa pagsusulit. 5. Maaari mo ba akong ______ sama sa palengke 6. Natiklop ko na ang ______ linis na damit. 7. Nais kong ______ simba nang maaga bukas. 8. Sipi ______ ang mga tanong sa iyong kuwaderno. 9. Maaliwalas na ang langit, ______ kita mo ba10. ______ tuwa si nanay sa aking mga marka. 141 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401