Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Mother Tongue Grade 3

Mother Tongue Grade 3

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-23 03:19:33

Description: Mother Tongue Grade 3

Search

Read the Text Version

Gawain 5Punan ng angkop na panghalip pananong ang patlang.Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.DEPED COPYKaninoSino-sino Sino Ano Alin 1. __________ sa mga dalaga ang may suot na elegante at marangyang saya? 2. __________ saya ang pinakasimple? 3. __________ ang may pinakamatikas na konsorte? 4. __________ ang tema ng okasyon? 5. __________ sa mga okasyon na iyong nadaluhan ang hindi mo malilimutan? 142 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Gawain 6Sa tulong ng mga impormasyon sa pie chart bumuo ng tanonggamit ang panghalip pananong. Isulat sa sagutang papel.cups45% 5%boteng plastik 30% lumang diyaryo at magasinDEPED COPY10% 10%karton strawLingguhang PagtatayaI. Basahin ang maikling kuwento at sundin ang isinasaad nito. Nais gumawa ni Chloe ng isang lilok mula sa putik. Namili siyasa dalawang modelo, isa ay elepante at ang isa ay tuta. Napiliniyang ililok ang tuta. Ngunit malikot talaga ang imahinasyonniya. Maingat niyang hinubog muli ang isang kumpol na putik atginawa niyang elepante. Pinaganda niya ito hanggang samakuha niya ang nais na hugis. Nang matapos, nagmukha itongnapaka-espesyal. Ang totoo ibibigay niya ito sa pinakaespesyalna tao sa kaniyang buhay, ang kaniyang ina, na mahiligmangolekta ng maliliit na imahe ng hayop para sa kaniyangiskaparate. Ipinatong niya ang bagong lilok na elepante sa isang maliitna lalagyan at ibinaba sa sahig. Sabik na tinawag niya ang lahatupang ipagmalaki ang kaniyang ginawa. Ngunit nang siya aybumalik, nakasalubong niya ang kaniyang kuya at tatlo pa nitong 143 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

kalaro na nagtatakbuhan at nagpapatalbog ng bola sa sala.Hinanap niya ang kaniyang elepante sa sahig kung saan niya itoiniwan.A. Gamit ang maikling kuwento, tukuyin ang mga nawawalang salita sa tsart. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Salitang Panlapi Salitang- Kahulugan Maylapi ugatnapiliDEPED COPYiniwantiningnanginawabumaliktinawagB. Punan ng angkop na panghalip pananong na alin, ano, sino, at kanino ang patlang upang mabuo ang sumusunod na mga tanong.Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.1.______________ ang nais lumilok ng elepante?2_______________ sa dalawang modelo ang kaniyang pinili3.______________ niya ibibigay ang kaniyang nililok?4.______________ ang nagtakbuhan at nagpatalbog ng bola sa salas5.______________ ang nangyari sa kaniyang proyekto? 144 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

C. Ibigay ang iyong nabuong prediksiyon sa maikling kuwentong binasa. Ika-13 LinggoAralin 13: Kasaysayan ng Aking PamayananDEPED COPYSabihin at AlaminBasahin ang mga salita. Alamin ang kahulugan at ayusin angmga salita nang pa-alpabeto.Alin ang mauuna, ang mga salita sa kahon A? o ang nasa kahonB Isulat ang sagot sa kuwaderno. Kahon Aumaasa natutuwa higitmataas solusyon nagbiromatalino pulubi maganda Kahon Bmalasa pomelo magiliwkristal nauna hilawnakita pumunta wasto 145 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

TandaanAng mga salita ay napagsusunod-sunod gamitang patnubay na titik na ibinabatay sa alpabeto.Kung may dalawa o higit pang salita na parehoang unang titik, maaaring gamitin ang mgasusunod na titik upang maiayos ang mga salitanang pa-alpabeto.DEPED COPY SubukinGawain 1Salungguhitan ang panlapi at ikahon ang salitang ugat.1. nakita 6. sabihin2. mahirap 7. umakyat3. malusog 8. sipiin4. mahina 9. kagandahan5. makatas 10. naglaba 146 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYGawain 2 Lagyan ng panlapi ang salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel. 1. Umuwi si G. Ramos na (lungkot) _______ dahil nawalan siya ng trabaho. 2. Siya ay (hanap) _______ ng bagong trabaho para sa kaniyang pamilya. 3. Ngunit siya'y (bigo) _______ sa unang pagkakataon. 4. Napilitan na siyang (uwi)_____at ipagtapat sa kaniyang asawa ang katotohanan. 5. Dahil sa kaniyang (bigo)_______ naisip niya na wala siyang silbi. Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong. Ang Higanteng Kampana ng Binalatongan Isinalaysay muli ni: Lilibeth A. Magtang Noong unang panahon, sa isang bayan na tinawag na Binalatongan, ay may isang matandang simbahan na may napakalaking kampana. Walang makapagpatunog nito maliban sa sampung tao na magtutulong-tulong upang higitin ang tali. Kapag naman ito ay tumunog, ang mga buntis ay nakukunan dahil sa sobrang lakas ng taginting at yanig pati na rin ang buong lugar ay nagigimbal. Umaalingawngaw ito ng malakas. Nang makakita sila ng isang bagong simbahan na itinatayo, nagdesisyon na sila na ilipat ang kampana. Kaya ng maitayo ang bagong simbahan, nagpasiya sila na ilipat ang kampana. Samantala, hindi ganoon kadali ang paglilipat ng kampana sa bagong simbahan. Kinailangan nilang gumamit ng daan-daang kalabaw at humingi ng tulong sa pinakamalalakas na tao, ngunit hirap pa rin silang mabuhat ito dahil sumuko na ang iba. Nang sila ay nasa kalagitnaan na ng 147 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYilog, bumagsak ang kampana at lumubog ito sapinakamalalim na bahagi ng ilog. Hindi na muling nakita ng mga tao ang malakingkampana. May nagsasabing may magandang sirena angnagbabantay dito. Ngunit marami ang naniniwala na angkaniyang malamyos na tinig ay umaakit sa mganamamalakaya sa ilog at kung may nagnanais onagtatangka na kumuha ng kampana ay malulunod.1. Saan matatagpuan ang lumang simbahan na may mala- higanteng kampana?2. Ano ang mga patunay na malaki ang kampana3. Ano ang nangyayari sa tuwing tumutunog ang kampana?4. Ano ang naging pasiya ng mga tao tungkol sa kampana?5. Ano ang nangyari habang inililipat ang malaking kampana mula sa luma patungo sa bagong simbahan?6. Sino ang pinaniniwalaang nagbabantay sa kampana? Ilarawan siya.7. Ano ang nangyayari sa mga taong nagbabalak hanapin ang kampana?8. Naniniwala ba kayo sa mga haka-haka na may nagbabantay na sirena sa malaking kampana? Bakit?9. Sa iyong palagay ano ang maaaring nangyari kung hindi nagpasiya ang mga tao na ilipat ang kampana sa bagong simbahan? 148 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Tandaan Ang pagbibigay ng prediksiyon o ng posibleng maging katapusan ng kuwento ay isang mahalagang kakayahang pang-unawa. Upang makapagbigay ng maayos na prediksiyon, kinakailangang basahing mabuti ang mga detalye ng kuwento. SubukinGawain 3Basahin at ibigay ang prediksiyon. May isang batang lalaki na nakasuot nang maruming sandoat kupas na maong sa labas ng isang marangyang bahay.Kasalukuyang may handaan at napakaraming bisita. Pumasokang bata at naisip niyang makikain. Noon lamang siya nakakitang ganoong kalaking handaan. Masasarap na pagkain at inuminang makikita sa hapag. Wala na siyang inaksayang sandali atkumuha na siya ng pagkain, nasiyahan siya sa magandangnakikita ganoon din sa mga tunog na kaniyang naririnig. Nang biglang isang matangkad na lalaki ang lumapitsa kaniya. Ano kaya ang mangyayari? Magbigay ng prediksiyon gamitang isa hanggang dalawang pangungusap. Isulat sa kuwadernoang iyong sagot. 149 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Gawain 4Narito ang mga salita mula sa kuwento. Iaayos nangpa-alpabeto at lagyan ng bilang mula 1 hanggang 10.Gawin ito sa sagutang papel._____ kampana_____ luma_____ sirena_____ kalabaw_____ buntis_____ alingawngaw_____ malulunod_____ tinig_____ bago_____ simbahanDEPED COPYLingguhang PagtatayaI. Sipiin sa sagutang papel ang mga salitang maylapi.magkaisa nawawala dumi biliilalim nalaman balikan kulayhatulan malusog masaya kulangII. Pumili ng limang salita sa Gawain 1 at gamitin sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel. 1. ___________________________________________________ 2. ___________________________________________________ 3. ___________________________________________________ 4. ___________________________________________________ 5. ___________________________________________________ 150 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

III. Sipiin ang mga salita at lagyan ng bilang upang maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod batay sa alpabeto._____ mesa _____ dekorasyon_____ upuan _____ sahig_____ hagdan _____ kusina_____ bintana _____ bubong_____ tokador _____ kuwartoDEPED COPY Ika-14 LinggoAralin 14: Ang Pamayanan Noon at Ngayon Sabihin at AlaminBasahin ang pangungusap mula sa salaysay na “PagtutulunganTungo sa Tagumpay.” Pagtutulungan Tungo sa Tagumpay ni: Zoe Cachion Ang pagtutulungan ay pagbibigay ng tulong sa sinuman nanangangailangan nito. Ito ang nagpapalakas sa kaninumanupang magsikap bilang isa. Ang tagumpay ay posible kung anglahat ay nagtatrabaho. Anuman ay makakamit kung ang lahatay desidido sa pagkamit ng tagumpay. Hindi lamang sa isports oibang paligsahan ito nakikita. Ang pagtutulungan ay tungkol satiwala, katapatan, kumpiyansa sa sarili, at pagtitiyaga. Angtagumpay ng isang koponan ay hindi ang pagkapanalo lamangsa isang laro. Nakakatuwang isipin na kung ibinuhos ng lahat ang 151 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYkanilang kakayahan, makakamit nang buo ang tagumpay. Iyanang ibig kong ipakahulugan sa pagtutulungan. 1. Ang pagtutulungan ay pagbibigay ng tulong sa sinuman na nangangailangan nito. 2. Ito ang nagpapalakas sa kaninuman upang magsikap bilang isa. 3. Anuman ay makakamit kung ang lahat ay desidido sa pagkamit ng tagumpay. 4. AAnngotaagnugmtapwaaygaysapmosgibalesakulitnagnganmgalay hsaltuanyggnuahgita?trabaho. Tandaan  Ang panghalip na panaklaw (mula sa salitang \"saklaw,\"  kaya't may pahiwatig na \"pangsaklaw\" o \"pangsakop\") ay  literal na \"panghalip na walang katiyakan\" o \"hindi tiyak.\"   Halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga  salitang lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, ilan, at pawang. 152 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY SubukinGawain 1Tukuyin ang panghalip panaklaw sa bawat pangungusap. Isulatito sa sagutang papel.1. Sinuman sa inyo ay maaari kong tanggapin.2. Kung anuman ang mangyari, dapat ay ipagbigay alam ninyo sa guro.3. Anuman ang sabihin mo, hindi ako pupunta sa salo-salo.4. Bawat isa ay dapat magbigay ng kaniyang ideya upang maging maayos ang programa.5. Nilamon ng apoy ang lahat ng bahay sa lugar na iyon.Gawain 2Tukuyin ang mga panghalip panaklaw sa pangungusap. Isulatang sagot sa sagutang papel. 1. Hindi dapat umaasa si Marissa kaninuman sa paggawa ng gawaing bahay. 2. Sinuman sa inyo ang mahuling nangongopya ay hindi na makakakuha ng pagsusulit kailanman. 3. Lahat ay kasali sa paligsahan. 4. Nabigla at pawang natulala ang lahat nang lumabas sa entablado ang sikat na banda. 5. Ilanman ang papuntahin mong tao sa pagtitipon ay maaari kong pakainin. 153 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Basahin at Alamin Ano ang mga pagbabagong naganap sa bayan ng Santa Catalina? Basahin natin ang kuwento. Ang Salamin ng Aking Bayan ni: Gretel Laura M. Cadiong Ang Santa Catalina, ang aking bayan, ay isang napakasimpleng lugar kung saan masaya ang mga tao kahit walang kuryente sa lugar. Lampara at sulo ang siyang nagsisilbing ilaw ng mga kalsada at bahay. Ang liwanag ng buwan ay sapat na upang pasayahin ang mga batang naglalaro at matandang nagkukuwentuhan. Ang de-bateryang radyoang pinagmumulan ng musika at balita. Ang lahat ay panatag dahil batid nilang walang gagambala o panganib sa paligid dahil may malasakit ang lahat. Ang pag-unlad ng makabagong teknolohiya ang nagpabago sa aming bayan. Ngayon, hindi na halos magkakakilala ang mga tao. Mas pinipili nilang tumigil ng bahay, at maglibang sa pamamagitan ng panonood ng TV o kaya ay sa paglalalaro ng computer games. Ang pag-unlad ng aming bayan at ang maling gawi ng mga tao kasabay ng modernong pamumuhay ay hindi naging kapakipakinabang sa dating mabuting pagsasamahan ng mga tao. Nagbago na nga ang aking bayan. Ang patuloy na pag- unlad ng teknolohiya ay talagang naghatid ng malaking pagbabago sa buhay ng mga tao lalo na sa pagsasamahan noon ay parang iisang pamilya. Naging estranghero na ang dating magkakakilala. 154 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Isipin Sagutin ang mga tanong mula sa kuwento: a. Anong uri ng pamayanan ang Santa Catalina noon? b. Ano ang mga pagbabago na hatid ng makabagong teknolohiya? c. Ano ang mga kapakipakinabang na nangyari sa Santa Catalina? d. Bakit ang mga pagbabago ay hindi naging kapakipakinabang? e. Paghambingin ang bayan ng Santa Catalina, noon at ngayon. f. Sa iyong palagay, alin ang mas mainam na pamayanan, ang Santa Catalina noon? ngayon? g. Alin ang talata na nagpapahayag ng pagtutulungan? pagkakaisa? Subukin Gawain 3 Pag-aralan ang salita sa kahon mula sa kuwento, “Ang Salamin ng Aking Bayan.” masaya mainam maglibang tumigil naghatid pasayahin pag-unlad naglaro Ano ang inyong napansin sa mga salita sa kahon? Ano ang nagagawa ng panlapi kapag idinadagdag ito sa salitang-ugat? 155 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Salitang-ugat Panlapi Nabuong salita Kahulugan Tandaan Ang panlapi ay kataga o pantig na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita. Maaaring ito ay unlapi, gitlapi, hulapi, at kabilaan. Kapag idinagdag ang panlapi sa salitang ugat karaniwang nagbabago ang kahulugan ng bagong salitang nilapian.Gawain 4Batay sa kuwentong “Ang Salamin ng Aking Bayan,”gawin ang sumusunod sa kuwaderno. 1. Ilarawan ang Santa Catalina noon at ngayon. 2. Nakikita mo ba ang mga pangyayaring gaya nito sa iyong barangay o lugar? 3. Punan ang graphic organizer ayon sa iyong karanasan sa sariling lugar. Ang Aming _________DEPED COPY Noon Ngayon 156 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Gawain 5Basahin ang talata. Pumili ng limang (5) salitang maylapi atgamitin sa pangungusap. Isulat sa kuwaderno. Si Dana ay magandang dalaga. Masayahin siya at ito angdahilan kaya lalo siyang gumaganda. Ang pagbabasa angkaniyang libangan. Ngayon, katatapos lang niyang magbahaging buod ng kaniyang binasa sa isang kaibigan. Sa kaniyangpalagay, nakatutulong siya nang malaki kapag ginagawa niyaito. DEPED COPYGawain 6Sipiin sa iyong kuwaderno at iayos ang mga salita nangpa-alpabeto gamitin ang mga bilang 1 hanggang 8._______ bakya_______ gulong_______ jam_______ anihan_______ Bibliya_______ sulong_______ hamon_______ kasamaPaano mo naiayos ang mga salita nang pa-alpabeto?Ano ang iyong ginagawa kapag may mga salita na nagsisimulasa parehong titik? 157 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Tandaan Ang mga salita ay maaaring iayos nang pa-alpabeto. Iniaayos ito sa pamamagitan ng pagtingin sa unang titik ng salita. Kung may dalawa o higit pang salita na nagsisimula sa magkaparehong titik, ang susunod na titik naman ang dapat isaalang-alang. Gawain 7 Ayusin ang mga salita sa pa-alpabetong paraan. 1. idlip, ilog, mundo, sapa, bukid, buwan ______________________________________________________ 2. kuweba, plorera, dampa, musika, suha ______________________________________________________ 3. bariles, kamote, anis, pugon, leeg ______________________________________________________ 4. kawayan, dagat, talon, gubat, usa ______________________________________________________ 5. melon, pakwan, sopas, tali, suman 158 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Lingguhang PagtatayaI. Piliin ang angkop na panghalip panaklaw upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. (Sinuman, Lahat) ay nangangailangan ng tulong mula sa kapuwa tao. 2. (Kaninuman, Alinman) sa mga laruan ay maaari mong mahiram. 3. Walang (sinuman, iba) ang nais pumunta sa karnabal dahil umuulan. 4. (Lahat, Ilan) ay sasali sa paligsahan. 5. Nang matalo ang koponan (pawang, kapuwa) nalungkot ang mga manonood.II. Basahin ang mga salita. Tukuyin at isulat sa angkop na hanay ang salita at panlaping ginamit sa bawat bilang. 1. aliwin 2. bumisita 3. nagbago 4. kagandahan 5. nataloDEPED COPYSalita Panlaping Ginamit Unlapi Gitlapi Hulapi Kabilaan 1. Iayos nang pa-alpabeto ang sumusunod na salita. Isulat sa kuwaderno ang inyong sagot. madla ikaw wakas buhay manika x bulak duhat plorera mesa walis 159 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

x Ano ang ginawa mo sa mga salita na pareho ang unang titik? x Ano ang naging gabay mo sa pag-aayos ng pagkakasunod-sunod ng mga salita x Isulat kung paano mo ito ginawa.III. A. Gumawa ng sariling tsart ng mga salita mula sa larawan at iayos nang pa-alpabeto. Isulat sa sagutang papel. DEPED COPY1. 6.2. 7. Ikalawang Kuwarter3. Ika-15 Linggo 8. Aralin 15: Mga Tao sa Pamayanan (Yaman at Bayani)4. 9.5. 10. 160 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Ika-15 LinggoAralin 15: 0JD7DRVD3DPD\DQDQ <DPDQDW%D\DQL Sabihin at AlaminGawain 1Hanapin ang SalitaHanapin sa palaisipan ang mga salitang nakasulat sa loob ngkahon sa ibaba. Maaaring ang mga ito’y nakasulat nang patayo,pahalang, o pahilis. Bilugan ang mabubuong salita. l a h a t i s n mn r d a s a s a ma n s i n u ma n ma a as oi i nn ah n apanai i l au s i n o l a n ms m i mo a a n n a t a b a wa t i s a a n o l a n l at n i o s i n i n uma ns ma n s i t n o a bMga salitang hahanapin:DEPED COPYlahat alinman bawat isaninuman sinuman anumanAlam mo ba kung ano ang tawag sa mga salitang ito? 161 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Subukin Gawain 2 Salungguhitan ang tamang panghalip panaklaw upang mabuo ang pangungusap. 1. Walang (sinuman, anuman) ang gustong sumayaw sa palatuntunan. 2. Kung may maririnig kayong (alinman, sinuman) na magsasalita habang kumukuha ng pagsusulit, sabihin sa akin. 3. (Kapuwa, Ilan) magulang ko ay nanonood ng palatuntunan. 4. (Alinman, Sinuman) sa mga bagay na ito ay kailangan ng mga biktima. 5. (Anuman, Sinuman) ang nakalagay sa maliit na kahong ito ay para sa kaniya. 6. (Lahat, Anuman) ay nagulat sa pagbisita ng Pangulo. 7. Natuwa ang guro dahil (bawat isa, alinman) ay naroon. 8. (Saanman, Karamihan) sa kanila ay tumulong upang maisaayos ang lugar. 9. Wala (anuman, ninuman) sa kanila ang nagsalita tungkol sa nangyari. 10. Nanindigan ang (isa, lahat) sa kanilang paniniwala. 162 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Basahin at Alamin Sino-sinong babaeng Pilipina na kilala ninyo ang nanalo sa pandaigdigang paligsahan sa kagandahan? Basahin ang balita upang malaman mo kung paano nakoronahang Miss Supranational 2013 si Mutya Johanna Datul. Sintaas at singyabong ng kawayan, Si Mutya Johanna Datul ay nagningning na bituin sa 81 naggagandahang kandidata sa Minsk Sports Palace noong ika-6 ng Setyembre, 2013. Sa dagundong ng malakas na tugtog at sa ningning ng mga ilaw na tila mga bituin, itinanghal, at kinoronahan si Mutya bilang Miss Supranational 2013. Ayon sa Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI), si Mutya ay isang rosas sa paningin sa paligsahan sa Belarus. Kumikinang siyang tila brilyante dahil sa kaniyang kagandahan, tiwala sa sarili, yumi, at talino ng isang dalagang Pilipina. Bago siya nanalo bilang Miss Supranational 2013, nagtrabaho si Mutya tulad ng isang kalabaw upang makatulong sa kaniyang maysakit na magulang at matugunan ang kanilang pangangailangan. 163 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Isipin 1. Sino ang Pilipina na nanalo ng titulo na kauna-unahang Miss Supranational 2013? 2. Ipinagmalaki ba ni Mutya na siya ay galing sa mahirap na pamilya? Bakit mo nasabi? 3. Ano kaya ang naramdaman ng mga Pilipino nang manalo si Mutya? 4. Bakit kailangan nating ipagmalaki ang mga Pilipinong kagaya ni Mutya? 5. May kilala ba kayong iba pang tao sa inyong pamayanan na dapat ding ipagmalaki?Bakit inihalintulad si Mutya sa isang kawayan? sa brilyante? sakalabaw?Ano-anong salita ang ginamit sa paghahambing?Ang tawag sa paghahambing na ito ay simile.Saan inihambing si Mutya?Bakit kaya inihambing si Mutya sa isang rosas sa bituinGumamit ba ng salitang sing, sim, tulad, o gaya ng sapaghahambing?Ang paghahambing na ito ay tinatawag na metapora. 164 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Tandaan Ang simile at metapora ay uri ng paghahambing na ginagamit upang mas maging kawili-wili o kaakit-akit basahin ang isang pangungusap. Ginagamit ang simile upang paghambingin ang dalawang magkaibang bagay gamit ang sing, sim, tulad, o gaya ng. Ang metapora ay ginagamit sa pagwawangis sa isang bagay sa pamamagitan ng pagpapalit ng tawag dito. Gawain 3 A. Buuin ang parirala. Mag-isip ng isang simile na angkop gamitin sa bawat parirala. Gawin ito sa sagutang papel. 1. singtalino ng ______ 2. simputi ng ______ 3. singbilis ng _______ 4. busilak tulad ng _______ 5. matamis gaya ng ______ B. Umisip ng metapora upang mabuo ang pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Ang nanay ay isang ______. 2. Si Senador Miriam Defensor Santiago ay isang ______. 165 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY3. Ang aking bag na puno ng aklat ay ________.4. Si Ana ay isang __________ sa aking paningin.5. Ang aking kaibigan ay ___________.Gawain 4Iayos nang pa-alpabetong paraan ang mga salita. Isulat angmga ito sa iyong kuwaderno.1. baka, bus, taon, plorera, bandila, pana, araw, kandila, mata, aso2. lalaki, bola, ilaw, lobo, balat, prutas, ulo, puno, ilog, ubas3. hangin, bigas, tulay, lapis, mesa, kama, bundok, tasa, kuko, lugawGawain 5Iayos nang pa-alpabetong paraan ang mga salitang maysalungguhit. Isulat ang sagot sa isang papel. May bola si Maris. Ginagamit niya ito kapag siya aynakikipaglaro sa kaniyang mga pinsan. Tuwing Sabado at Linggo,pumupunta sila ng kaniyang mga pinsan sa parke at doon silanaglalaro ng bola. Tuwing may pasok, itinatago niya angkaniyang bola sa kahon. Maingat niyang nililinis ang bola atpinupunasang mabuti bago niya ito ilagay sa kahon.Lingguhang PagtatayaI. Tukuyin ang pandiwa na angkop gamitin sa may salungguhit na panghalip panaklaw. Isulat ito sa kuwaderno. 1. Lahat na mga batang lalaki ay (pumasok, pumapasok) sa kanilang silid aralan nang tumunog ang kampana. 2. Halos lahat ng mga bata ay (umaawit, tumutula) ng awiting pamasko para sa kanilang pagtatanghal. 166 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY3. Walang sinuman ang gustong (matalo, natalo) sa darating na paligsahan. 4. Bawat isa ay nais na (papasa, pumasa) sa pagsusulit. 5. (Nalungkot, Malulungkot) ang marami nang narinig nila ang tungkol sa mga biktima ng lindol sa Bohol. 6. Kapuwa sila (inimbitahan, iniimbitahan) ng kanilang kamag- aral na dumalo sa handaan mamayang gabi. 7. Lahat ng tao sa pangkat ay (inisip, iniisip) na magagawa nila nang maayos ang papel bilang Joseph sa kanilang dulaan. 8. Kakaunti lamang sa aking mga pinsan sa Bohol ang (nagsasabi, magsabi) na sila ay masaya. 9. Mga ilan sa amin ang (bibili, bumibili) ng segunda-manong gamit para makatipid. 10. Walang bagay ang (nakapagbigay, makapagbibigay) sa atin ng mas maginhawang pakiramdam kundi ang yakap ng ating magulang.A. Anong anyo ng pananalita ang ginamit sa bawat pangungusap Isulat ang S kung simile at M kung metapora. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Sina Lans at Fons ay parang pinagbiyak na bunga. Palagi ko silang nakikitang magkasama. 2. Tulad ng isang suso kung siya ay kumilos. Halos makatulog ako sa paghihintay sa kaniya. 167 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY3. Mahusay lumangoy ang aking kapatid. Lumalangoy siya gaya ng isda. 4. Parang ibon kung siya ay kumain. Halos hindi niya ginagalaw ang kaniyang pagkain. 5. Ang naging biyahe namin ay masamang panaginip. Takot ang aming nararamdaman sa tuwing gumagalaw ang aming eroplanong sinasakyan. B. Buuin ang pangungusap gamit ang simile. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Sinliit ng _______ang bata. 2. Ang cell phone ay tulad ng ______________. 3. Ang balahibo ng aso ay singlambot ng _________. 4. Gutom ako tulad ng ___________________. 5. Sintamis ng _______ang ngiti ni nanay. C. Gumamit ng metapora upang mabuo ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel. 1. Ang pagsusulit ay ____________________________. 2. Ang panahon ngayon ay ______________________. 3. Ang kaibigan ko ay ______________________. 4. Sa tuwing nakakukuha ako ng mataas na marka, ang aking pakiramdam ay _________________. 5. Ako ay __________________________________. 168 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Ika-16 Linggo Aralin16: Mga Lugar sa Pamayanan: PaaralanPaunang Pagtataya A. Mula sa kahon, tukuyin ang angkop na panghalip panaklaw na bubuo sa pangungusap. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Gusto kong ibahagi ang pizza na ito sa ______. 2. Sina Tony at Aida ay _________ tinanghal na panalo. 3. Marami sa atin ang tinawag ngunit _______ lamang ang napili. 4. Wala tayong _________ na magagawa kundi ang sumunod sa kautusan. 5. _________ ay dumalo sa gawain sa paaralan.DEPED COPYkapuwa marami sinumankaunti anumanB. Sabihin kung ang pangungusap ay ginamitan ng simile o metapora. 1. Ang karagatan ay waring nagagalit na toro kapag may bagyo. 2. Pakiramdaman niya’y sa kaniya ang buong mundo. 3. Singlambot ng ulap ang aking unan. 4. Mansanas siya sa paningin ng kaniyang magulang. 5. Siya ay tila isang diwatang ninang ko. 169 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Sabihin at AlaminBasahin ang mga panghalip panaklaw na ginamit sa kuwentong“Oras ng Recess.µ Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot.bawat isa karamihan alinman kaninumansinuman ninuman isaman anumanDEPED COPYAlin sa mga panghalip panaklaw ang tumutukoy sa taoAlin ang tumutukoy sa bagayAlin ang parehong puwedeng gamitin para tukuyin ang bagay otao?Aling panghalip panaklaw ang isahanAling panghalip panaklaw ang maramihan?May iba ka pa bang alam na halimbawa ng panghalippanaklaw?___________ Tandaaan Ang panghalip panaklaw ay mga salitang maaaring ipalit sa pangalan ng tao o bagay ngunit hindi direktang tumutukoy dito. Ito ay maaaring isahan o maramihan. Halimbawa: lahat, bawat isa, sinuman, anuman, kaninuman, at alinman. 170 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY IsipinNakarating ka na ba sa iba’t ibang lugar sa iyong paaralan? Ano-ano na ang nakita mo? Magkuwento ka tungkol sa paboritomong lugar dito at sabihin kung bakit mo ito gusto? Basahin at AlaminBasahin ang kuwentong “Isang Kamangha-manghangPamamasyal” nang may wastong bilis, tono, at damdamin. Isang Kamangha-manghang Pamamasyal Kalilipat lamang ni Marco sa Don Antonio Milan Central School. Galing sa isang paaralang multigradeo isang klase na binubuo ng iba’t ibang baitang, ang bagong paaralan ni Marco ngayon ay sobrang laki na halos sa tingin niya ay tulad ng isang walang hanggang parang. Pinagmasdan niyang isa-isa ang mga gusali at ang mga mag-aaral na naglalaro at naghahabulang sinlaya ng mga ibon. Nang sabihin ng kanilang gurong tagapayo na si G. Eduardo Hernandez na sila’y mamasyal sa buong paaralan, parang tambol ang pintig ng puso ni Marco sa labis na kagalakan. Una nilang pinuntahan ang tanggapan ng punong guro. Sa tabi nito ay ang silid-aklatan. Mahilig magbasa si Marco kaya namangha siya sa dami ng 171 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYaklat at babasahing naroon. Nang pumasok sila sa silid ng Science, inakala nila na sila’y nasa kalawakan na abot-tanaw ang mga planeta. Dumaan din sila sa gusaling pang-industriya, gusaling pantahanan, at computer roomPinuntahan din nila ang silid-aralan ng kindergarten Nalaman din ni Marco na ang kaniyang bagong paaralan ay may klinika at guidance centerMayroon ding malaking silid para sa kanilang mga gurong naghihintay ng oras ng klase. Dinala rin ni G. Hernandez ang mga mag-aaral sa likod na bahagi ng paaralan kung saan naroon ang harding may magagandang bulaklak at gulayan sa gitna ng tila-maliit na gubat. Ang bagong paaralan ni Marco ay mayroon ding malawak na laruan na may see-saw, duyan, at iba pang kagamitan na tiyak na kawili-wiling puntahan ninuman. Marami ring pook-aralan, palikuran, at lugar na inuman ng tubig sa kanilang paaralan. Ang huli nilang pinuntahan ay ang tanggapan ng kanilang pampurok na tagamasid na katapat lamang ng tanggapan ng kanilang punong guro. Pagkaraan ng pamamasyal, parang nasa langit ang pakiramdam ni Marco. Niyakap niya ang kaniyang guro upang magpasalamat at sabay sabing “Kamangha- mangha po ang ating pamamasyal!” 172 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY IsipinBasahin ang mga tanong at bigkasin ang mga sagot. 1. Sa simula, ano ang naramdaman ni Marco sa kaniyang bagong paaralan? 2. Ano ang una nilang pinasyalan? Sino ang nakita nila roon? 3. Bakit kaya naramdaman ni Marco na sila’y tila nasa kalawakan nang pumasok sila sa silid ng Science? 4.Ano-ano pang gusali at silid ang kanilang pinuntahan? 5. Ano ang naramdaman ni Marco pagkaraan ng pamamasyal nila? 6.Paano siya nagpasalamat sa kaniyang guro? 7. Ano sa iyong palagay ang lugar na babalik-balikan ni Marco? Bakit mo ito nasabi? 8. Ikaw, ano ang paborito mong lugar sa inyong paaralan? Bakit mo ito nagustuhan?Ano-anong paghahambing o pagwawangis ang ginamit sakuwento?Ano ang kahulugan ng mga ito?Ano ang buod ng kuwento?Paano mo ito maibibigay? 173 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Tandaan Ang pagbibigay-buod ng kuwento ay isang paraan ng pagkuha ng kabuuang diwa at mga detalye. Ang bawat detalye ay kailangang ibigay nang may wastong pagkakasunod-sunod. M ay mga hakbang na sinusunod sa pagbubuod: Una: Kuhanin ang pangunahing diwa at ang mga detalyeng sumusuporta dito. Ikalawa: Iayos nang magkasunod ang mga pangyayari o detalye ng kuwento. Ikatlo: Isulat nang patalata ang mga sunod-sunod na pangyayari o detalye. Ikaapat: Palitan ng panghalip ang mga pangngalang paulit-ulit na ginagamit. Ikalima: Basahin ang buod ng kuwento. 174 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Subukin Gawain 1 Pakinggan ang kuwentong “Oras ng Recess.” Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel. Pamagat ng kuwento: Tauhan: Pinangyarihan: Sunod-sunod na Pangyayari: Ikalawa: Ikatlo: Ikaapat: Katapusan ng kuwento: Gawain 2 Pagsulat Batay sa naunang gawain, sumulat ng dalawang talatang buod ng kuwento gamit ang panghalip panaklaw. Isulat ito sa papel. 175 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Sabihin at AlaminBasahin ang mga sumusunod na pahayag:mula ulo hanggang paa tinik sa dibdibhingal-kabayo lakad-pagongdilang anghel kayod-kalabawDEPED COPYAno ang tawag sa mga pangkat ng salitang ito? TandaanAng matalinghagang pananalita ay parirala o grupo ng mgasalita na ginagamit sa paghahambing o pagwawangis. Angkahulugan nito ay mahirap tukuyin kung ang pagbabatayanlamang ay ang literal o gramatikang gamit ng mga salita. 176 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Sabihin at AlaminGawain 3Pag-aralan ang talahanayan sa ibaba.Nagbigay si G. Hernandez sa kaniyang klase sa English ngpagsusulit na may labinlimang tanong. Pag-aralan ang iskor nanakuha ng kaniyang nangungunang anim na mag-aaral. Suriinang datos sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.DEPED COPYMag-aaralIskor sa Bawat Asignatura Filipino English Math ScienceAlbarida, Jose 52 5 12Bautista, Lito 55 4 14David, Mario 53 2 10Albania, Katrina 55 5 15Carino, Lilia 54 5 14Ferrer, Minda 52 4 111. Sino ang nakakuha ng pinakamataas na iskor sa pagsusulit sa lahat ng asignatura?2. Sino ang pinakamababang iskor sa lahat ng asignatura3. Ano ang kabuuang iskor na nakuha ng bawat mag-aaral sa lahat ng asignatura?4. Aling asignatura ang sa palagay mo’y pinakamadali sa mga mag-aaral Bakit mo ito nasabi5. Naging madali ba sa iyo na bigyang-pakahulugan ang datos sa talahanayan? Bakit? Ano ang talahanayan? 177 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

TandaanAng talahanayan ay tumutukoy sa impormasyon otala na nakalahad sa paraang nakahanay onakaayos gamit ang mga linya o kahon.Halimbawa:DEPED COPYMag-aaral Iskor na Nakuha sa Bawat AsignaturaAlcobar, Alwyn 30 25 15 24Banasihan, Joey 15 14 18 21Lingguhang PagtatayaGawin ang sumusunod sa isang papel. A. Gamitin ang sumusunod na panghalip panaklaw.sinuman lahat anuman B. Sumulat ng tig-dalawang pangungusap na may simile o paghahambing, metapora o pagwawangis, at matalinghagang pananalita. Isulat sa kuwaderno. 178 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Ika-17 Linggo Aralin 17: Mga Lugar sa Pamayanan: Pook Pasyalan Sabihin at Alamin Gawain 1 Tukuyin ang pangungusap na angkop sa isinasaad ng larawan. Piliin ang bilang ng iyong sagot at isulat ito sa sagutang papel. A. 1. Makikita sa mukha ng bata ang saya dahil alam niya ang sagot sa pagsusulit. 2. Ang saya ng bata ay maikli. 3. Bihira na lang magsuot ng saya ang mga babae ngayon. B. 1. Kahit mahirap, tinanggap niya ang hamon na ibinigay sa kaniya. 2. Ayaw ni Marco ng away kaya hindi niya tinanggap ang hamon ng kaniyang kalaro. 3. Bumili ang nanay ng hita ng baboy para gawing hamon. 179 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYC. 1. Nakapapaso ang init ng apoy. 2. Walang tanim na halaman ang paso. 3. Nilagyan ni nanay ng gamot ang paso ko sa daliri. Tandaan May mga salitang magkakapareho ang baybay ngunit magkakaiba ang bigkas. Ito ang siyang nagbibigay ng maraming kahulugan dito. Ang kahulugan ng isang salita ay nakabatay sa kung paano ito binibigkas at ginamit sa pangungusap. 180 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Gawain 2Basahin at suriin ang mga salita at pangungusap sa talahanayan.Isulat sa isang papel ang kahulugan ng bawat salitang maysalungguhit.Salitang Pangungusap Kahulugan may Iba’t ibangKahulugan Malakas tumahol ang aso ng aming kapitbahay.DEPED COPY Masakit sa mata ang aso galingaso sa nasusunog na kahoy. May butas ang tubo ng tubig.tubo Nakatutuwang tingnan ang tubo ng bagong tanim niyang halaman. Sa halamang tubo galing ang asukal. Nagkaroon ng pasa ang kaniyang mata nang tamaan ito ng bola.pasa Ipasa mo ang papel sa iyong katabi. Nakapasa ang lahat ng mag- aaral sa pagsusulit.tasa Madalas magtasa ng lapis ang bata. Nabasag ang tasa dahil sa init ng kape. 181 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Isipin Napansin ba ninyo na ang ibang tao sa inyong pamayanan ay abala sa maghapon? Saan kaya sila nagpupunta? Ano kaya ang kanilang pinagkakaabalahan? Basahin ang tula nang may wastong pagbigkas at tono. Basahin at Alamin Araw-araw ay Masaya ni: Arabella May Tuwing Linggo kung tayo’y magsimba Upang makinig ng misa at sa Diyos ay sumamba Linggo rin ang araw ng buong pamilya Sa mall at sa parke, sila’y pumupunta. Pagsapit ng Lunes, lahat ng tao’y abala Balik sa kanilang trabaho, pasok sa eskuwela Suot ang uniporme, tungkuli’y gagampanan na Mula Lunes hanggang Biyernes, trabaho lang muna. Araw ng Sabado, buong bayan ay handa na Sa pusod ng bayan, doon magkikita Upang sama-samang damhin ang ligaya Sa isang buong araw na puno ng saya. Bawat araw na nagdaraan ay puno ng hamon Kaya naman ang lahat ay sa gawain nakatuon Sa paaralan, simbahan, palengke, at plasa Mga lugar sa pamayanan na puno ng saya. 182 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

IsipinSagutin ang mga tanong. 1. Ano ang pamagat ng tula? 2. Sino ang may katha ng tula? 3. Saan nagpupunta ang mga tao tuwing Linggo? 4. Ano ang kanilang ginagawa sa simbahan? 5. Paano mo ilalarawan ang Lunes hanggang Biyernes ng mga tao sa pamayanan ayon sa tula? 6. Pagdating ng Sabado, saan nagkikita-kita ang karamihan sa mga tao Ano ang kanilang ginagawa doon 7. Anong mga lugar ang binanggit sa ikaapat na saknong? Paano inilarawan ang mga ito? 8. Ano kaya ang gustong ipahiwatig ng may katha sa kaniyang tula?Gawain 3DEPED COPY Tanong SagotBilang 3Bilang 4Bilang 5Bilang 6Bilang 7Gamitin ang ikatlo hanggang ikapitong tanong na ibinigay saitaas upang mabuo ang buod ng tula. Sipiin ang talahanayan sakuwaderno at isulat ang inyong sagot. 183 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Tandaan Ang buod ay pinaikling salaysay ng isang mahabang babasahin. Ang paraang ito ng pagkuha ng pangunahing diwa ng teksto ay tinatawag na pagbubuod. Ang pagbubuod ay hindi lamang pagsisipi o pagsasaulo ng mga detalye. Ito ay nangangailangan ng pang-unawa sa nilalaman ng babasahin. Sariling salita ang ginagamit sa pagpapahayag ng pinakamahahalagang kaisipan o detalye ng binasa. Maaaring gawing pabigkas o pasulat ang pagbibigay ng buod. Ang pagbubuod kung pasulat ay karaniwang isinusulat sa paraang patalata. Subukin Gawain 4 Muling basahin ang tulang “Araw-araw ay Masaya.” Ibigay ang buod ng kuwento sa isang talatang may limang pangungusap. Isulat ito sa isang papel. 184 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Sabihin at AlaminTukuyin ang mga taludtod sa tulang “Araw-araw ay Masaya” naginamitan ng mga panghalip.Gamit ang talahanayan, sipiin ang taludtod na may panghalip saHanay 1. Isulat ang panghalip sa Hanay 2 at ang pangngalan natinutukoy nito sa Hanay 3.Isulat ang sagot sa isang papel. Tingnan ang halimbawa.DEPED COPY Taludtod Panghalip Pangngalang na tinutukoy nitoSa mall at sa parke, sila’ypumupunta. Ginamit sila buong pamilya Tandaan Ang panghalip ay salitang ginagamit upang ipanghalili o ipalit sa pangalan ng tao, lugar, bagay, o pangyayari. Ginagamit ito upang maiwasan ang paulit-ulit na paggamit sa mga pangngalan. 185 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY x Panghalip Panao – ginagamit na panghalili sa pangalan ng tao. Halimbawa: ako, ikaw, siya, sila, kami, tayo, sina x Panghalip Paari- ginagamit na panghalili sa pangalan ng taong nagmamay-ari ng mga bagay, hayop, pangyayari, o gawain. Halimbawa: akin, ko, iyo, mo, kaniya, kanila, nila Subukin Gawain 5 Buuin ang bawat pangungusap. Gumamit ng akin, iyo, inyo, kanila, at kaniya. Isulat ito sa kuwaderno. 1. Nanalo si Arman sa paligsahan. Ang parangal na iyon ay para sa ______. 2. Kina G. at Gng. Dela Vega ang bahay. Iyon ay para sa _________. 3. Ang bolpen ay binili ko. _______ ito. 4. Ibinili kita ng regalo. Ito ay sa _______. 5. Kay Mark at sa iyo ang tinapay na ito. Ito ay sa ______. 186 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Sabihin at AlaminPag-aralan ang talahanayan sa ibaba.Anong impormasyon ang nakasaad dito Isulat sa kuwadernoang iyong sagot.Panghalip na nasa Panghalip na Panghalip naUnang Panauhan nasa Ikalawang nasa Ikatlong ko Panauhan Panauhan atin atinDEPED COPYakin ninyo natiniyo nila aminmo kanila naminkaniya kitaniya inyo Isipin1. Ano-anong panghalip panao ang nasa unang panauhan? ikalawang panauhan ikatlong panauhan2. Alin sa mga panghalip panao na ito ang isahan Dalawahan Maramihan3. Aling panghalip panao ang maaaring gamiting dalawahan at maramihan? 187 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYGawain 6 Piliin ang wastong panghalip upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa isang papel. 1. Naglalaro ang mga bata. Masaya _______ . (ako, sila, ikaw, kami). 2. Laging humahagikgik ang aking bunsong kapatid sa tuwing kakausapin ________ (ito, siya, sila, inyo) ng nanay. 3. Binili ng tatay ang bisikleta para sa ________ (iyo, inyo, amin, atin) kaya ingatan mo iyan. 4. Guro si Bb. Pulido. Nagtuturo ________ (sila, ito, ka, siya) ng Mother Tongue. 5. Ang mga mababangis na hayop ay dapat manatili sa ________ (amin, natin, kanila, atin) likas na tirahan. Lingguhang Pagtataya Sagutan sa isang papel ang sumusunod na gawain. l. Salungguhitan ang mga salitang mayroong iba’t ibang kahulugan na ginamit sa bawat pangungusap. Bilugan ang angkop na kahulugan nito mula sa mga salitang nasa loob ng panaklong. 1. Nahaharap sa malaking hamon ang mga biktima ng lindol sa Bohol. (binuong karne, pagsubok, away) 2. Maraming bunga ang tanim na buko sa likod bahay. (pinagkukunan ng niyog, ubod ng halaman, bahaging matigas sa kahoy) 3. Malaki ang kita ng tatay ngayong araw dahil maraming sumakay sa kaniyang dyip. (tanaw, perang galing sa pagtatrabaho, panghalip na tumutukoy sa ating dalawa) 4. Naupo sa sala ang mga bisita. (pagkakamali, parte o bahagi ng bahay, hindi tama) 188 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

5. Malamig ang tubig na galing sa talon. (anyong tubig, lukso o lundag, paghakbang na nakaangat ang paa sa lupa)II. Piliin ang wastong panghalip sa kahon upang mabuo ang talata. Isulat ito sa kuwaderno.ikaw akin ako kanila kakaniya ito siya ko moDEPED COPYIsang hapon, umuwing umiiyak si Luis. “Bakit _______ umiiyak,Luis ” tanong ng ________ ng kapatid. “Naiwala ko po ang _______g lapis,” sagot ni Luis sa kaniyangkapatid. Narinig ng kanilang nanay ang usapan ng magkapatidkaya lumapit ________ sa _______. “Paano ________ naiwala ang iyong lapis ” tanong ng _______ng nanay. “Hindi ko po maalala. Akala ko po’y nasa bag________ ito,” tugon ni Luis. “Sa susunod, ingatan _________ ang iyong gamit at siguraduhinmong nasa bag mo na ang mga ito bago ________ pumasok. 189 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Ika-18 Linggo Aralin 18: Mga Pangyayari sa Pamayanan Sabihin at AlaminBasahin ang sumusunod na pangungusap. 1. Pumunta sa kusina ang kambal. Nakita nila roon ang kanilang nanay. 2. Mabilis ng nagpunta sina Rene at Rina sa silid-paliguan para doon sila maligo at magpalit ng damit. 3. Ito ang mga dadalhin mo sa paliligo? 4. Iwan mo riyan ang mga damit para hindi mabasa. 5. Ito ang mga dapat na dadalhin mo. IsipinItanong:Ano ang napansin mo sa mga pangungusap?Ano-anong salita ang may salungguhitAno ang tawag sa mga salitang ito?Paano ito ginamit sa pangungusap? 190 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

TandaanAng panghalip pamatlig ay ginagamit na panghalilina panturo sa pangalan ng tao, bagay, lugar, ogawain.Halimbawa:DEPED COPYito nito dito/rito ganitoire niyan diyan/riyan ganiyaniyan niyon doon/roon ganooniyon noon dine/rine ganiriheto hayan hayun ayan SubukinGawain 1Isulat sa sagutang papel ang mga panghalip pamatlig na ginamitsa pangungusap. 1. Hayun sa tabi ng puno ang babaeng tumulong sa atin na makarating dito. 2. Ilagay mo rito sa tabi ko ang bagay na iyan. 3. Ito bang hawak ko ang hinahanap mo? 4. Ganito ang dapat na gawin mo diyan sa hawak mo. 5. Heto na ang hinihingi mong papel. 191 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook