Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Mother Tongue Grade 3

Mother Tongue Grade 3

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-23 03:19:33

Description: Mother Tongue Grade 3

Search

Read the Text Version

DEPED COPY Basahin at Alamin May mga kaibigan ka ba? Paano mo ilalarawan ang iyong mga kaibigan? Maihahambing mo ba ang iyong mga kaibigan sa mga bagay sa iyong paligid? Basahin ang tula upang malaman kung paano inilarawan ang kaibigan. Bigkasin ang tula nang may wastong bilis, tono, at damdamin. Ang Kaibigan ay Tulad ng Brilyante ni: Florita R. Matic Ikaw at ako’y kailangan ng kaibigan Tunay na taong mapagkakatiwalaan Tulad ng bato, matatag at matibay May lakas at tibay na walang kapantay. Sa sandaling tayo ay naliligaw Mga kaibiga’y nakaagapay Tulad ng isang matuwid na daan Tunay na kaibiga’y di ka bibitawan Totoong kaibiga’y tulad ng kayamanan Gaya ng gintong may kinang na taglay Walang katumbas, di kayang bayaran Kabutihan ng kaibigang panghabang-buhay. Kahalagahan ng kaibiga’y di kayang sukatin Ang halaga nito’y hindi sukat akalain Pagmamahal ng kaibiga’y brilyanteng maningning Magpakailanma’y mananatili ang kinang na angkin. 46 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Isipin Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Bakit inihalintulad ang isang kaibigan sa bato? Ano ang katangian na mayroon ang bato na tulad ng isang kaibigan? 2. Bakit inihambing ang kaibigan sa isang daan? Paanong ang daan ay katulad ng isang kaibigan 3. Bakit sinabing ang kaibigan ay tulad ng kayamanan? Anong katangian ang magkatulad ang dalawa 4. Bakit inihambing ang kaibigan sa brilyante? Anong katangian ang magkapareho sa kanila? 5. Aling paghahambing ang pinakagusto mo? Bakit? Gawain 3 Basahing muli ang tula. Ano ang ibig sabihin ng tula? Isulat ang sagot sa kuwaderno. Basahin at Alamin Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula. 1. Ang kaibigan ay tulad ng bato na may lakas at tibay na walang kapantay. 2. Tulad ng isang matuwid na daan, tunay na kaibiga’y di ka bibitawan. 47 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

3. Ang pagmamahal ng kaibigan ay brilyanteng maningning .4. Ang totoong kaibigan ay tulad ng kayamanan.5. Ang kaibigan ay gaya ng gintong may kinang na taglay.Ano-anong bagay ang ginamit sa tula upang ilarawanang isang kaibigan?Puwede bang ihambing ang tao sa bagay?Magkapareho ba ang katangian ng tao at bagay?Ano ang tawag sa paraan ng paghahambing ngdalawang magkaibang bagay?Anong mga salita ang ginagamit sa paghahambing?DEPED COPYTandaanAng simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita nanagpapahayag ng paghahambing ng dalawangmagkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-,tulad ng-, at gaya ng-.Halimbawa:sintamis ng kendi tulad ng rosas 48 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Subukin Gawain 4 Salungguhitan ang simile o pagtutulad na ginamit sa bawat pangungusap. Halimbawa: Ang dalaga ay tulad ng isang bulaklak. 1. Nagningning tulad ng araw ang kaniyang mga mata nang makita niya si Leah. 2. Nagsasalita siyang simbanayad ng hangin. 3. Singgaan ng balahibo ang papel. 4. Ang hanging amihan ay tulad ng malambot na tela sa aking balat. 5. Tulad ng bituin ang kislap ng. kaniyang mga mata. 6. Lumangoy siyang simbilis ng isda. Gawain 5 Ayusin ang sumusunod na salita upang makabuo ng pangungusap na may simile o pagtutulad. Isulat ang sagot sa patlang. 1. kahon, singgaan, ang, balahibo, ay, ng ________________________________________________________ 2. ang, singsipag, manggagawa, ng, isang, bubuyog gumawa, ay ________________________________________________________ 3. manggagawa, ang, nagtatrabaho, tulad ng, isang, ay, langgam ________________________________________________________ 49 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

4. isip, ang, kaniyang, singliwanag, ng, ay, araw______________________________________________________5. tinapay, ang, ay sintigas, bato, ng______________________________________________________6. ang, palagay, ay, umaagos, tulad, kaniyang, ng, ilog______________________________________________________DEPED COPY Basahin at AlaminBasahin ang liham.Tingnan kung paano ito isinusulat. 18-B. Chico St. Marulas Valenzuela City Ika-23 ng Hulyo, 2013Mahal kong Ellaine, Ang aking lola’y magdiriwang ng kaniyang ika-89 na kaarawan saika-10 ng Agosto. Gusto kong gumawa ng isang malaking chocolate cake bilangisang sorpresa. Maaari mo ba akong tulungang gumawa ng cake? Pakilakip sa sulatna ito ang paraan ng paggawa ng chocolate cake. Tiyak na matutuwa ang aking lola kung makadadalo ka sakaniyang kaarawan.Maraming salamat at umaasa akong ika’y darating. Ang iyong kaibigan, Eunice 50 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Isipin A. Sagutin ang mga tanong. Sino ang sumulat ng liham? Saan nakatira si Eunice? Kailan niya isinulat ang liham? Kanino niya ipinadala ang liham? Tungkol saan ang liham? B. Paano isinulat ang katawan ng liham? Sagutin ang mga tanong ng opo o hindi po. 1. Nakapasok ba ang unang salita sa bawat talata ng liham? 2. Nagsisimula ba sa malaking letra ang unang salita sa bawat pangungusap? 3. Mayroon bang tuldok, kudlit, kuwit, at iba pang bantas na ginamit? 4. Tama ba ang pagbabaybay ng mga salita? 5. May wastong palugit ba sa magkabilang panig ng papel? Gawain 6 Sipiin nang patalata ang paraan ng paggawa ng chocolate cake. Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata. Paraan ng Paggawa ng Chocolate Cake 1. Painitin muna ang oven sa temperaturang 350 degrees F (175 degrees C). 51 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY2. Sa isang katamtamang laki ng lalagyan, paghaluin ang mga sangkap ng tatlong minuto gamit ang de-kuryenteng panghalo. 3. Lagyan ng kumukulong tubig at haluin. 4. Ihurno ng mula 30 hanggang 35 minuto gamit ang pinainitang oven. 5. Palamigin ng 10 minuto bago tanggalin sa lalagyan. 6. Sa paggawa ng icing, haluin ang mantikilya hanggang lumapot at ilagay ang cocoa, asukal, gatas, at vanilla nang salit-salit. 7. Hati-hatiin ang bawat patong ng cake nang pahalang at lagyan ng icing ang bawat patong. 52 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Lingguhang PagtatayaPagsasanay 1Tukuyin ang uri ng mga pangngalang nasa loob ng kahon.Isulat ang mga ito sa ilalim ng angkop na pamagat. Di-Kongkretong Kongkretong Pangngalan PangngalanDEPED COPYtagumpay medalyang ginto pagmamahalpagtitiyaga kaalaman aklat computerpaaralan kapayapaan watawat 53 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Pagsasanay 2Buuin ang simile o pagtutulad sa mga pangungusap saibaba. Gamitin at isulat sa patlang ang mga salitang nasaloob ng kahon.sindilim ng sintamis ngisang anghel isang arawisang ilogDEPED COPY 1. Ang kaniyang luha ay dumaloy tulad ng ______. 2. Ang kaniyang buhok ay ______ gabi. 3. Tulad ng ________ kung siya ay magsalita. 4. Ang aming pagkakaibigan ay _________ ng jam. 5. Ang kaniyang ngiti ay tulad ng ______ na nagbibigay liwanag. Pagsasanay 3 Isulat nang patalata ang sumusunod na hakbang sa pagpiprito ng isda. Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata. a. Linisin ang isda. b. Ibalot ang isda sa harinang may asin at paminta. c. Ilagay ang isda sa kumukulong mantika. d. Iprito ang isda hanggang sa maluto. e. Hanguin ang isda at ilagay sa lalagyang may sapin upang tumulo ang mantika. f. Ilagay ang isda sa isang pinggan na may hiniwang kamatis. 54 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Ikaanim na Linggo Aralin 6: Pag-iingat sa Kalikasan Sabihin at Alamin May hardin ba kayo sa bahay? Paano mapagkukunan ng pagkain ang hardin? Ano pa ang maidudulot sa atin ng hardin? Bigkasin ang tula. Hardin Ko…Pinggan Ko! ni: Florita R. Matic Isang araw, sa aking paggising Aking nasilayan pagsikat ng araw Ngiting kaytamis ang sa aki’y bumati Tila isang dalagang mayumi. Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy At doon ang trabaho’y agad na itinuloy Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran At hindi isang pagong na may kakuparan. Aking mga tanim ay agad nagsilaki Kawangis ng isang higanteng kaylaki Kay gandang tingnan halamang luntian Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan. Kung ikaw ma’y nalulungkot Pakiramdam ang lahat sa iyo’y hinakot Magpunta ka lamang sa aking hardin Tiyak ang kalungkuta’y papawiin. Ang hardin ko ay aking pinggan Na nagpapalusog sa aking katawan Dahil sa alaga kong anong inam Puno ng pagmamahal na iningatan. 55 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Isipin 1. Tungkol saan ang tula? 2. Sino ang tagapagsalaysay sa tula? 3. Saan iwinangis ang araw? 4. Saan iwinangis ng tagapagsalaysay ang kaniyang sarili? 5. Ano-ano pang pagwawangis ang ginamit sa tula? Subukin Gawain 1 Pagkuha ng pangunahing diwa ng bawat saknong Ang pangunahing diwa o kaisipan ay nagpapahayag kung tungkol saan ang saknong. Basahin ang bawat saknong. Piliin ang pangungusap na nagsasaad ng pangunahing diwa nito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong papel. 56 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy At doon ang trabaho’y agad na itinuloy Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran At hindi isang pagong na may kakuparan. Pangunahing Diwa: a. Inaalagaan ng tagapagsalita ang kalabaw. b. Nagtatrabaho nang mabuti ang tagapagsalita sa kaniyang hardin. Aking mga tanim ay agad nagsilaki Kawangis ng isang higanteng kaylaki Kay gandang tingnan halamang luntian Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan. Pangunahing Diwa: a. Magandang pagmasdan ang mga tanim. b. May mga bituin sa halamanan. c. Higante ang mga halaman. Kung ikaw may nalulungkot Pakiramdam ang lahat sa’yo’y hinakot Magpunta ka lamang sa aking hardin Tiyak ang kalungkuta’y papawiin. Pangunahing Diwa: a. Nagdudulot ng kalungkutan ang aking hardin. b. Nagbibigay saya ang aking hardin. c. Ang lahat ng bagay ay kinukuha ng aking hardin. 57 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYGawain 2 Gumuhit ng hardin na gusto mo sa iyong kuwaderno. ReadBaasnadhiLneaatrnA!lamin Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula. 1. Ako’y isang kalabaw sa bukid. 2. Hindi ako isang pagong na may kakuparan. 3. Mga higante ang halaman. 4. Bituin sa paningin ang mga halaman na kay sarap pagmasdan. 5. Ang hardin ko ay aking pinggan. Paano pinaghambing ang mga bagay sa bawat pangungusap? Anong anyo ng pananalita ang ginamit? Ang paghahambing na ginamit sa pangungusap ay tinatawag na metapora o pagwawangis. Tandaan Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing- o tulad ng-. 58 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

SubukinGawain 3Gumuhit ng bituin ( ) sa linya kapag ang pangungusap aygumamit ng metapora.______1. Ang karagatan ay galit na toro kapag may bagyo.______2. Singgaan ng balahibo ang papel.______3. May pambihirang panlasa sa kasuotan ang mga modelo.______4. Hindi nakatatapos ng anumang gawain si Mary sapagkat parang pagong kung siya ay kumilos.______5. Siya ay bituin sa paningin ng kaniyang ama.DEPED COPYGawain 4Buuin ang pangungusap gamit ang metapora sa loob ngkahon.dilang-anghel pusong mamondugong-bughaw pusong batoisang kahig, isang tuka 1. Madaling mawala ang galit ni Bing. Siya ay may _____________________________. 2. Hindi marunong magpatawad si Rene. Mayroon siyang __________________________. 3. May_____________________ang pamilya nila Mark. Mayaman at kilala ang pamilya nila sa kanilang lugar. 59 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY4. Kung minsan, nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi ni Susan. Siya ay may__________. 5. Wala halos makain ang pamilya nila Jose dahil walang trabaho ang magulang niya. Sila ay___________________________________. Basahin at Alamin Mayroon ka bang talaarawan? Ano ang isinusulat mo sa iyong talaarawan? Basahin ang talaarawan ni Ronel at alamin natin ang ginagawa niya araw-araw. Ako po si Ronel, walong taong gulang. Paghahardin, pangongolekta ng halaman, at pagtatanim ng mga puno ang aking mga paboritong libangan. Mahal ko ang kalikasan. Lahat ng karanasan ko tungkol sa kalikasan ay isinusulat ko sa aking talaarawan tuwing gabi pagkatapos kong gawin ang aking takdang-aralin. 60 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYLunes, Ika-22 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi Dinala kami ng aming guro sa Science na si Bb. Santos sa hardin ng paaralan upang pagmasdan ang mga halaman. Namangha ako sa dami ng mga makukulay na halaman sa aming hardin. Kahanga-hanga ang galing ng aming hardinero sa pag-aalaga ng halaman. Martes, Ika-23 ng Hulyo, 2013, ika-7:30 ng gabi Nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang hardinero ng aming paaralan na si Mang Carding. Sinabi niya sa akin na kinakausap niya ang kaniyang mga tanim sa tuwing siya ay magdidilig. Marahil, ang hardin ay mansanas sa kaniyang paningin. Miyerkules, Ika-24 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi Habang ako’y pauwi galing sa paaralan, nakita kong muli si Mang Carding. Ikinagulat ko ang ibinigay niya sa aking mga punlang halaman. Sobra raw iyon sa hardin ng aming paaralan. Nagpasalamat ako sa kaniya. Alam niyang mahilig akong magtanim. 61 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYHuwebes, Ika-25 ng Hulyo, 2013, ika-8:00 ng gabi Maaga akong gumising upang itanim ang mga punla sa aking hardin. Diniligan ko nang bahagya ang itinanim kong punla. Inilagay ko rin ang mga tanim malayo sa sinag ng araw upang hindi malanta. Gusto ko nang makitang lumaki ang aking mga tanim. Biyernes, Ika-26 ng Hulyo, 2013, ika-7:15 ng gabi Umuwi ako nang maaga upang tingnan ang aking hardin. Binunot ko ang mga damo at pinulot ko ang mga tuyong dahon. Nakatutuwang pagmasdan ang mga buko ng aking mga halamang namumulaklak. Sabado, Ika-27 ng Hulyo, 2013, ika-8:00 ng gabi Kahit walang pasok, maaga akong gumising upang tumulong sa mga gawain. Pagkatapos kong linisin ang aking silid-tulugan, agad akong pumunta sa aking hardin. Nagulat ako nang makita kong umuusbong na ang aking mga itinanim. Linggo, Ika-28 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi Inimbitahan ko ang aking mga kamag-aral na tingnan ang aking hardin. Nakita nila roon ang iba’t ibang namumulaklak na halaman na naging kanlungan ng makukulay na paruparo. Gusto rin ng aking mga kamag-aral na magkaroon ng kanilang sariling hardin! 62 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYGawain 5 Aling bahagi ng talaarawan ni Ronel ang iyong labis na nagustuhan? Gumuhit ng kuwadro sa sagutang papel at sumulat ng 2-3 pangungusap tungkol dito. Gawain 6 Isulat sa iyong talaarawan ang isang araw na karanasan mo tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran. Gamitin ang mga tanong bilang iyong gabay sa pagsulat. Sundin ang wastong paraan sa paggawa ng talaarawan. 1. Paano mo ilalarawan ang iyong sarili? 2. Anong kapana-panabik na karanasan ang nais mong ibahagi? 3. Kailan at saan ito nangyari? 4. Ano ang nangyari noong araw na iyon? 63 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

IsipinMahilig ka bang magbasa?Alam mo ba ang iba’t ibang bahagi ng aklat?Kaya mo bang tukuyin ang lima sa mga bahagi nitoSalungguhitan ang mga ito.DEPED COPYpabalat ng aklatkatawan ng aklatpahinang pang-isports pamagatpang-ulong tudling talaan ng nilalamantalaan ng pagpapalimbag glosari Tandaan Ang aklat ay may iba’t ibang bahagi. Ito ay ang pabalat ng aklat, pahinang pamagat, talaan ng pagpapalimbag ng aklat, paunang salita, talaan ng nilalaman, katawan ng aklat, talatuntunan o indise, glosari, at bibliyograpiya. 64 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Lingguhang PagtatayaPagsasanay 1Pagtambalin ang metapora sa hanay A sa katumbas nito sahanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutangpapel. A B_____1. tinik sa lalamunan a. sobrang trabaho_____2. mabangis na hayop b. walang pakiramdam_____3. basang-sisiw c. masama ang ugali_____4. kayod-kabayo d. problema_____5. pusong bato e. inaapiDEPED COPYPagsasanay 2Piliin mula sa talaan sa ibaba ang iba’t ibang bahagi ngaklat. Isulat ang mga ito sa inyong kuwaderno.glosari bibliyograpiyapabalat ng aklat pahinang pang-isportsindise o indeks pamagatpahinang pamagat talaan ng nilalamanpaunang salita katawan ng aklattalaan ng pagpapalimbag ng aklat 65 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYPagsasanay 3Tukuyin ang pangunahing diwa na ipinapahayag ng bawattalata. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutangpapel. _____1. Ang mag-anak nina Rico ay nakatira sa lungsod. Wala silang bakuran upang pagtaniman ng mga puno ngunit mayroon silang gulayan. Tinuruan siya ng kaniyang mga magulang na magtanim ng gulay tulad ng petsay, kamatis, at talong sa mga lata at boteng lalagyan ng tubig. a. Ang mag-anak nina Rico ay nagtatanim ng mga gulay. b. Ang mag-anak nina Rico ay nangangarap magkaroon ng bakuran. c. Ang mag-anak nina Rico ay may gulayan kahit sila’y nakatira sa lungsod. _____2. Si Ana at ang iba pang girl scout ay sumali sa isang proyekto sa kanilang pamayanan na tinawag na “Tayo nang Maglinis.” Araw-araw pagkatapos ng klase, nagwawalis sila sa kalsada. Nagtatanim din sila ng mga puno upang mapanatiling luntian ang paligid. Naniniwala sila na ang pamayanang malinis ay ligtas sa sakit. a. Si Ana at ang iba pang girl scout ay naglilinis ng paligid araw-araw. b. Si Ana at ang iba pang girl scout ay sumali sa proyektong “Tayo nang Maglinis” upang maging ligtas sa sakit ang kanilang pamayanan. c. Nakatutuwang maging girl scout dahil maaari kang sumali sa proyekto ng pamayanan. 66 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Ikapitong LinggoAralin 7: Bawat Kasapi ng Pamilya: May TungkulinPaunang PagtatayaLagyan ng tsek (9) ang wastong hanay kung ikaw aysang-ayon o hindi sang-ayon sa isinasaad ng bawatpangungusap. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. Pangungusap Sang- Hindi ayon1. Ang simile o pagtutulad ay anyo ngDEPED COPY sang-pananalita na nagpapahayag ng ayonpaghahambing ng dalawangmagkaibang bagay. Ginagamitan ito ngkatagang sing-, tulad ng-, at gaya ng-.2. Ang tatay ko’y kawangis ng torokapag nagbubuhat siya ng mabigat nakarga. Ito ay halimbawa ng metapora.3. Ang susing pangungusap aynagsasaad ng pangunahing diwa ngtalata.4. Gumamit ng wastong bantas tulad ngtuldok, tandang pananong, opadamdam sa hulihan ngpangungusap.5. Ang payak na pangungusap aynagpapahayag ng isang buong diwa. 67 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Basahin at Alamin Basahin ang pangungusap tungkol sa bawat larawan. Ang bituin ay tulad ng brilyante sa langit. Ang uling ay sing-itim ng hatinggabi. Ang sanggol ay anghel ng pamilya. Siya ay gutom na leon kung kumain. Ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang litrato? Saan inihalintulad o iwinangis ang mga larawan? Ang ginamit bang mga salitang panlarawan ay angkop na gamitin sa paghahalintulad o pagwawangis? Anong mga salita ang ginamit upang ipakita ang pagkakapareho ng mga bagay? Alin ang halimbawa ng simile o pagtutulad metapora o pagwawangis? Paanong nagkaiba ang simile at metapora? 68 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Tandaan Simile at MetaporaAno ang simile?Ano ang metapora? Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-tulad ng- at gaya ng-. Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing-o tulad ng-. IsipinIlarawan ang mga litrato gamit ang simile o metapora.Isulat ang nabuong pangungusap sa patlang. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. ______________________________________ ______________________________________ 69 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY ______________________________________ 2. ______________________________________ ______________________________________ 3. ______________________________________ ______________________________________ 4. ______________________________________ ______________________________________ 5. ______________________________________ Basahin at Alamin Basahin ang sumusunod na pangungusap hango sa kuwentong “Tulad ng Langgam.” a. Nagwawalis ng bakuran si Athena. b. Nagdidilig ng halaman si Brigette. c. Nagbubungkal ng lupa si Rose. 70 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

d. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono.e. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark.f. Nilalagyan ni Mang Jose ng abono ang mga tanim.Pag-aralan ang tsart na nagpapakita ng mga bahagi ngpayak na pangungusap. Simuno Panaguri Athena nagwawalis ng bakuran Brigette nagdidilig ng halaman nagbubungkal ng lupa Rose hinahakot ang mga tuyong dahonKuya Anton sa hukay na gagawing abono nagbubunot ng damo Mark nilalagyan ng abono ang mga tanimMang JoseDEPED COPYAno ang mga bahagi ng pangungusap?Mayroon bang buong diwa ang bawat bahagi? Bakit?Anong uri ng pangungusap ang nagpapahayag ng isangbuong diwa o kaisipan lamang?Anong bantas ang ginagamit sa hulihan ng pangungusap? 71 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Tandaan Ano ang payak na pangungusap? Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan lamang. Ito ay may dalawang bahagi: ang simuno at ang panaguri. Simuno ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ang tagaganap ng kilos sa pangungusap. Panaguri naman ang bahaging nagsasabi tungkol sa ginawa o ikinilos ng simuno. Gumagamit tayo ng bantas tulad ng tuldok (.), tandang pananong (?), o padamdam (!) sa hulihan ng pangungusap. 72 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Subukin Gawain 1 Sumulat ng payak na pangungusap tungkol sa bawat larawan. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 73 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Basahin at Alamin Tulad ng Langgam ni: Claire B. Barcelona “Tingnan mo ang mga langgam, Kuya Anton. Bakit kaya sila masyadong abala?” tanong ni Brigette. “Nagtutulungan silang humanap ng pagkain bilang paghahanda sa tag-ulan,” sagot ng kaniyang kuya. Habang pinagmamasdan nilang dalawa ang mga langgam na nakapilang gumagapang, narinig nila ang tawag ng kanilang tatay. “Athena, Brigette, at Rose, halika kayo rito. Tulungan ninyo akong linisin ang ating bakuran,” pakiusap ni Mang Jose sa mga anak. Dali-daling lumapit ang mga bata sa kanilang tatay. Maya-maya’y naging abala na ang lahat. Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si Mang Jose sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan. Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng 74 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

kanilang tatay at nanay. Bawat maliit na tulong aynakapagpapabilis ng gawain. Nakangiting pinagmamasdan ng nanay ang kaniyangmga anak. “Para kayong mga langgam na abalangtinatapos ang gawaing bahay,” sambit ng kanilang ina.Sagutin ang mga tanong.Ano-ano ang gawaing bahay ng mga kasapi ng pamilya?Ano ang kanilang natuklasan sa sama-samangpagtatrabaho?Sa anong insekto inihambing ng nanay ang kaniyang mgaanak?Bakit kaya sa langgam inihambing ng nanay ang mgabata?Ano ang kahulugan ng sinabi ni Anton na nag-iipon angmga langgam para sa tag-ulan?Anong katangian ng langgam mayroon ang mga bata?Anong ugali ng mga tauhan ang dapat na gayahin?Gawain 2Ano-ano ang mahalagang pangyayari na ginawa ninyo ngiyong pamilya sa mga espesyal na okasyon?Ibahagi ang iyong karanasan sa bawat pangyayaringnakasulat sa kahon, gamit ang payak na pangungusap.Isulat sa iyong sagutang papel.Gumamit ng ibang papel para sa iyong sagot.DEPED COPYbakasyon kaarawan Pasko pista Araw ng mga Puso 75 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Sabihin at Alamin Basahin ang mga talata tungkol sa pamilya ni Mang Jose. Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si Mang Jose sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan. Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang tatay at nanay. Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng gawain. Ano ang isinasaad sa bawat talata? Ano ang pangunahing diwa ng unang talata Ikalawa Ano-anong pangungusap sa talata ang sumusuporta sa pangunahing diwa? Ano ang tawag natin sa mga pangungusap na ito? Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod ng bawat talata? Saan makikita sa talata ang susing pangungusap? Ano ang susing pangungusap? Ano ang pangunahing diwa? 76 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Tandaan Ang susing pangungusap ay nagsasaad ng pangunahing diwa ng talata. Ito ay maaaring matagpuan sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng talata. Lahat ng pangungusap sa talata ay sumusuporta sa susing pangungusap. Ang pangunahing diwa ay naglalaman ng mahalagang impormasyon na nagsasaad ng kabuuang layunin ng bahagi ng teksto.Gawain 3Suriin ang tsart at buuin ang kaisipan.Isulat sa sagutang papel ang nawawalang impormasyon satsart. Pamagat ng KuwentoDEPED COPY Pagbabasa Pag-iiponliba- ng Diyaryo ng mgangan larawan pagbaba- sa ng pagtata- aklat at nim ng diyaryo halaman 77 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Basahin at AlaminBasahin ang diyalogo hango sa isang paalala sa radyo.Tagapagsalita 1: Ang DCBB Balita Ngayon ay magbabalik pagkaraan ng paalalang ito.Joseph: Mark, saan ka galing?DEPED COPYMark: Pumunta ako sa silid-aklatan. Doon ako gumawa ng aking takdang aralin at humiram na rin ako ng aklat.Joseph: Bakit ka pa nagbabasa? Maglaro na lang tayo ng computer.Mark: Mabuti raw na libangan ang pagbabasa, sabi ni tatay. Halika at ipakikita ko sa iyo ang aking paboritong kuwento dito sa aklat na hiniram ko.Joseph: Uy, kay bilis mong nahanap ang pahina ng kuwento!Mark: Dahil alam kong lahat ang mga bahagi ng aklat, mabilis kong nakikita ang aking hinahanap.Joseph: Siguro, kailangan ko nang sumama sa iyong magbasa.Mark: Tama! Nakalilibang ang magbasa at marami kang matututuhan. 78 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Tagapagsalita 2: Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ngAKLAT Foundation at ng istasyong ito.Tungkol saan ang paalala sa radyo?Paano nahikayat ni Mark si Joseph na makiisa sa kaniyanglibangan?Bakit namangha si Joseph sa paraan ng paghahanap niMark ng kuwento sa aklat?Gawain 4Pag-aralan ang mga impormasyon na nakasaad satalahanayan na nagbibigay ng impormasyon ng iba’t ibangbahagi ng aklat.DEPED COPY Bahagi ng Aklat Kahulugan1. Pabalat ng aklat nagpapakita ng pamagat ng aklat, may-akda, at gumuhit ng mga larawan2. Talaan ng nagsasaad kung kailanpagpapalimbag ng aklat inilimbag ang aklat3. Talaan ng nilalaman nagpapakita ng paksa, aralin, at pahina kung saan ito mababasa4. Katawan ng aklat nilalaman ng aklat5. Glosari nagsasaad ng kahulugan ng mga salitang ginamit Ano-ano ang bahagi ng aklat? Anong impormasyon ang makikita sa bawat bahagi nito? 79 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Gawain 5Itambal ang nilalaman ng hanay A sa bahagi ng aklat nanasa hanay B kung saan ito makikita. Isulat ang letra ngsagot sa isang papel.AB1. Landas sa Pagbasa a. talaan ng pagpapalimbag ni Paz M. BelvezDEPED COPY2. EduResources Publishing, Inc.b. pabalat ng aklat Visayas Avenue, Quezon City3. Aralin 1-Mga Tugmang-bayan c. glosari (Salaysay)………….24. malumbay, 245. Antonio Basilla, tagapagguhit d. talaan ng nilalamanLingguhang PagtatayaIto ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin nglinggong ito. Sagutin nang wasto ang bawat aytem gamitang inyong sagutang papel.A. Pakinggan ang kuwento at sagutin ang mga tanong. “Nanay, nasaan po kayo?” tawag ni Mark. Hinanapniya ang kaniyang ina sa loob ng bahay ngunit walang taoroon. Lumabas siya ng bahay at nakita niyang ang lahat ayabala. 80 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Nakita niyang naglilinis ng kanal ang kaniyang tatay. Inilalagay naman ng kaniyang Kuya Anton ang mga basyo ng bote na lalagyan ng tubig. Si Athena at ang kaniyang nanay ay nagwawalis. Dala ni Brigette ang plastik bag na lalagyan ng basura habang inihihiwalay ni Rose ang mga di nabubulok na basura. Lumapit si Mark sa mga kapatid at tumulong. “Bukas na ang magarbong parada. Handa na halos ang lahat para sa ating pista,” sambit ng kanilang Punong Barangay na tuwang-tuwa. “Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa- hiwalay,” puna ni Mark. 1. Ano ang magandang pamagat para sa kuwento? a. Ang Pista b. Oras ng Maglinis c. Pagtutulungan ng Mag-anak d. Paghahanda sa Pista 2. Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod ng binasa a. Ang lahat ay abala sa paglilinis ng daan. b. Hiniling ng Punong Barangay ang bawat mag-anak na maglinis. c. Tumutulong ang mga bata sa pagpapanatili ng kalinisan sa pamayanan. d. Hinihimok ng mga magulang ang kanilang mga anak na maging responsable. 3. Aling pangungusap sa ibaba ang tumutugon sa diwang “Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa-hiwalay?” 81 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY a. Hinihikayat ang mga batang maglinis ng daan. b. Ang matatanda lamang ang dapat na tumulong sa paghahanda para sa pista. c. Iniutos ng Punong Barangay ang bawat mag-anak na maglinis ng daan. d. Bawat kasapi ng mag-anak ay sama-samang tumutulong sa paghahanda para sa pista. A. Salungguhitan ang anyo ng pananalitang ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang S kung simile ang ginamit at M kung metapora. _____1. Gutom na gutom ang mga biyahero kaya nang kumain sila, gabundok na kanin ang naubos. _____2. Galit na leon si Gng. Tuazon nang makita niyang nabasag ang kaniyang paboritong plorera. _____3. Hindi mabango ang durian ngunit ang lasa ay tulad ng langit kapag iyong natikman. _____4. Ang nanalo’y isang kabayong hindi patatalo sa karera. B. Basahin ang talata at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel. Sabado ng umaga, gumagayak ang magkakapatid para dalawin ang kanilang mga lolo at lola. Maagang gumising si Athena at nagluto. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa kanilang lolo. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa kanilang lola. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo at lola. Nag-eensayo naman ng sayaw sina Anton at Joseph para sa kanilang paaralan. Lahat sila’y nananabik na makarating sa bukid ng kanilang lolo at lola. 82 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY1. Alin ang susing pangungusap? a. Umaga ng Sabado. b. Lahat sila’y nananabik na makarating sa bukid ng kanilang lolo at lola. c. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo at lola. d. Gumagayak ang magkakapatid para dalawin ang kanilang mga lolo at lola. 2. Aling pangungusap ang hindi sumusuporta sa pangunahing diwa a. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa kanilang lolo. b. Nag-eensayo naman ng sayaw sina Anton at Joseph para sa kanilang paaralan. c. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa kanilang lola. d. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo at lola. 3. Ano ang kaisipang diwa ng talata? a. Ang mga Batang Abala b. Katapusan ng Linggo sa Lolo at Lola c. Kapana-panabik na Araw sa Bukid d. Paghahanda sa Pagbisita sa Lolo at Lola 4. Gustong malaman ni Rose ang sumulat, tagapagguhit, at naglimbag ng aklat, aling bahagi ng aklat ang kaniyang titingnan? a. indeks o indise b. glosari c. pabalat ng aklat d. talaan ng nilalaman 83 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY5. Pag-aralan ang pangkat ng mga salita sa ibaba. Alin sa mga ito ang halimbawa ng payak na pangungusap a. Tumutulong ang mga bata sa kanilang nanay na magluto ng tanghalian. b. Tatlong makukulay na paruparo sa isang magandang hardin. c. Pumunta si Ramil sa Maynila at dinalaw niya ang kaniyang asawang si Joyce. d. Umiyak si Anjelie dahil nawala ang kaniyang computer sa paaralan. C. Sumulat ng tatlong (3) payak na pangungusap tungkol sa larawan. Gumamit ng anyo ng pananalita sa paglalarawan nito. Isulat ito sa papel. (13-15) 84 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Ikawalong Linggo Aralin 8: Bawat Kasapi: Karangalan ng PamilyaPaunang PagtatayaPiliin at isulat sa sagutang papel ang hanay na kakatawansa iyong pansariling karunungan sa nakasulat na konsepto.Lagyan din ng sagot ang huling dalawang hanay kungalam mo ito.DEPED COPYKonseptoAlam naNarinig Walang Hal Kahulugan alam ko ko na Ito palatandaan Itotambalangpangungusapsalitangmay iba’tibangkahulugannakapagbi-bigay-hinuha sanararamda-man ngtauhantalaan ngnilalaman 85 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Basahin at Alamin Tara Na! ni: Florita R. Matic Ang lahat ng kasama’y abala Ang pakiramdam ay masaya Dahil lahat ay tiyak na sasama Sa lakbay-aral na kay saya Tiyak na magdudulot ng ligaya. Tara na at maglakbay Ingat lang at alalay Sa paanan ng burol Hakbang mo’y ingatan Talampakan ay tatagan. Mga puno sa burol Puno ng sangang madahon Sa tabi naman nito’y May tubo na nakabaon. Doon sa di kalayuan Iyong masisilayan Mga tanim na tubo Tubo na ang ilan Kay sarap tikman. Paso at lapnos ang aming balat Sa init ng araw na matingkad. Dahil sa layo ng aming nilakad Katawang pagod ay agad napaupo Sa tabi ng paso dahil sa hapo. 86 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Anong mga salita ang ginamit nang dalawa o higit pangbeses sa rap na binasa?Ano-ano ang kahulugan ng salitang puno? tubo? paso?Magkakapareho ba ang kahulugan ng bawat salita?Paano natin malalaman ang angkop na kahulugan ngsalitang magkapareho ang baybay? Sabihin at AlaminDEPED COPYMga Salitang may Iba’t Ibang KahuluganPag-aralan ang mga kahulugan ng mga salita sa loob ngtsart.Salita Kahuluganpunotubo tanim o punong- maraming lamanpaso kahoy .daluyan ng tubig isang uri ng .usbong ng halaman pananim na na lalaki pa lamang ginagawang asukal lapnos sa balat dahil lalagyan ng sa init halamanAno ang tawag sa mga salitang nasa loob ng tsart?Ano ang ibig sabihin ng salitang may iba’t ibangkahulugan?Paano mo malalaman kung ano ang angkop na kahuluganng salitang may magkaparehong baybay na ginamit sapangungusap? 87 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Tandaan Ang mga salita ay maaaring magkaroon ng isa o higit pang kahulugan. Ang kahulugan ng mga salita ay nakabatay sa kung paano ito ginamit sa pangungusap. Isipin Pag-aralan ang bawat larawan at itambal ito sa pangungusap na nagpapahayag ng kahulugan nito. Ibigay ang letra ng tamang sagot. a. Bumili ng bagong saya si Ana. 1. 2. b. Makikita sa mukha ng mga bata ang saya na kanilang nararamdaman. 3. c. Malakas ang tunog ng pito. 4. d. Alam kong isulat ang simbolo ng bilang na pito. 8888 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

5. e. Magtanim tayo ng puno. f. Puno ng kape ang tatlong tasa.6.DEPED COPYSabihin at AlaminPagbibigay ng Hinuha sa Nararamdaman ng TauhanBasahin ang usapan ng mga tauhan sa kuwento. Ibigay angiyong hinuha sa kanilang nararamdaman.Ano ang nararamdaman? Ano ang sinabi?Athena: Hindi ko makuha ang tamang sagot.Brigette: Patulong kaya tayo kay Kuya Anton. Anton: Madali lang yan. Tutulungan kita. Mang Jose: Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.Sino-sino ang tauhan sa usapan?Ano ang nararamdaman ni Athena?Ano ang iniisip ni Brigette?Ano ang sagot ni Anton? 89 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Ano ang naramdaman ni Mang Jose sa kaniyang mgaanak?Ano kaya ang nararamdaman ni Athena? ni Brigette? niAnton? ni Mang Jose?Basahin ang nilalaman ng tsart. Isulat ang iyong hinuhatungkol sa naramdaman ng mga tauhan batay sa kanilangusapan.Tauhan Nararamdaman Iniisip Ginawa Usapan UgaliAthenaBrigetteDEPED COPYAntonMangJoseAno ang ating binibigyan ng pansin kapag tayo aynagsasabi ng hinuha tungkol sa nararamdaman ng tauhan? Tandaan Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Paano mo masasabi kung ano ang nararamdaman ng tauhan sa kuwento? Ang tauhan ay maaaring tao o hayop na gumaganap sa kuwento. Masasabi natin kung ano ang nararamdaman ng tauhan batay sa kaniyang sinasabi, ginagawa, o iniisip. 90 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Gawain 1Pakinggan ang talatang babasahin ng guro tungkol kayDino. Ito ang araw ng palatuntunan sa paaralan nina Dino. Masaya ang mga magulang, kapatid, at iba pang manonood dahil masasaksihan nila ang talento ng mga mag-aaral. Tinawag na si Dino at siya ay tumugtog. Ang lahat ay nagpalakpakan at nasiyahan sa kaniyang ipinakita. Binati at niyakap siya ng kaniyang kapatid pagkababa niya sa entablado. Nagustuhan ng kaniyang tatay ang napakaganda niyang ipinamalas.DEPED COPYIsipin kung kailan naramdaman ni Dino ang sumusunod nadamdamin.Paano mo ito nalaman?Ako po si Dino. Damdamin Sitwasyon kinakabahan kawalan ng tiwala sa sarili maiyak-iyak matapang Ako po si Angela. Ano po ang ugali ko? 91 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Ugali Ginawa at Sinabi ng Tauhan “Hindi ko halos narinig kung kailan ka nagkamali. Lahat ay pumalakpak pagkatapos mong tumugtog.” “Narinig kitang tumugtog. Ang husay mo!” Niyakap niya ang kapatid. “Bakit, Dino ” bulong niya sa kapatid.DEPED COPYGawain 2Ibigay ang nararamdaman ng pangunahing tauhan.Sipiin sa inyong sagutang papel. Ako po si _______ ___________. iniisip ginagawa sinasabi nararam- daman pangalan ng tauhan 92 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Basahin at Alamin Magandang Ideya ni: Claire B. Barcelona “Tapos na halos ang aking takdang-aralin, Ate Athena,” sambit ni Brigette sa kapatid. “Talaga, paano mo ito nagawa?” tanong ni Athena. “Nahihirapan akong makuha ang sagot. Sinubukan kong sagutin nang maraming beses pero hindi ko talaga makuha,” sagot ni Brigette sabay lapit sa kaniyang kapatid. Tiningnan niya ang sagot ni Brigette sa Math. “Ano kaya ang mali sa sagot mo?” nakakunot-noong tanong ni Athena. “Mayroon akong magandang ideya. Patulong tayo kay Kuya Anton. Isa siyang Math wizard,” giit ni Brigette sa kapatid. Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang gagawin. Humanga ang magkapatid sa husay ng kanilang Kuya Anton sa Math. “Sa tuwing kakailanganin ninyo ng tulong sa Math, lagi akong nandito para tumulong. Huwag ninyong isiping mahirap ang Math. Kailangan lang na ilagay ninyo ito sa inyong puso,” mababang-loob na paliwanag ng kanilang Kuya Anton. 93 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at sinabing “Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.” Niyakap ni Mang Jose ang mga anak at sabay-sabay silang tumungo sa hapag-kainan. Sagutin ang mga tanong. x Paano ibinahagi ni Anton ang talino niya sa kaniyang mga kapatid? x Bakit siya tinawag na Math wizard ng kaniyang mga kapatid? x Ano ang ginagawa ni Anton upang mas mapaghusay pa niya ang kaniyang galing sa Math? x Anong talento ang mayroon ka na kailangan mong ipagmalaki? x Ibinabahagi mo ba sa iyong pamilya ang iyong talento? Paano? x Anong ugali ni Anton ang dapat mong gayahin? Basahin at Alamin Tambalang Pangungusap Basahin ang mga pangungusap tungkol sa kuwento. a. Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang gagawin at humanga sila sa kaniyang husay. b. Nangamba si Brigette at humingi siya ng tulong sa kapatid na si Athena. c. Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at binati niya si Anton. d. Niyakap nila ang isa’t isa at sama-sama silang tumungo sa hapag-kainan. 94 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYAno-anong kaisipan ang ipinahahayag sa bawat pangungusap? Pag-aralang mabuti ang unang pangungusap. Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang gagawin at humanga sila sa kaniyang husay. Ilang buong kaisipan ang ipinahahayag sa pangungusap? Ano-ano ang lipon o grupo ng mga salitang makatatayong mag-isa dahil may buong kaisipang ipinahahayag? Anong salita ang ginamit upang pag-ugnayin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa? Ano ang tawag sa katagang ginamit sa pangungusap upang pag-ugnayin ang dalawang sugnay na nakapag- iisa? Tukuyin ang mga sugnay na nakapag-iisa sa ibang pangungusap na ginamit sa kuwento. Tandaan Ano ang tambalang pangungusap? Ano ang tinatawag na sugnay na nakapag-iisa? Ano ang pang-ugnay? Ano-anong pang-ugnay ang ginagamit sa tambalang pangungusap? Anong bantas ang ginagamit sa tambalang pangungusap? Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawang sugnay na nakapag-iisa. Pinag-uugnay ito ng pang-ugnay na at-, o-, ngunit-, at saka-. 95 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook