HEKASI VI
GRADE VI TAO, MAHALAGA BA SA BANSA? ALAMIN MOLarawan ng guro at mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mahalaga ba tayo sa ating bansa? Sa bawat bansa, ang tao ay mahalaga anuman ang kanyang kasarian, gulang at katayuan sa buhay. Hindi mabubuo ang isang bansa kung walang mga taong mangangalaga at makatutugon sa pag-unlad ng bansa. Sa modyul na ito matututuhan mo ang sumusunod: Kahalagahan ng populasyon o ng mga tao Katangian ng populasyon sa pag-unlad ng bansa
PAGBALIK-ARALAN MOBago mo simulan ang bagong aralin magbalik-aral ka muna. Subukin mo ang iyong sarili. Gawin mo ang pagsasanay na ito. Panuto: Pag-aralan ang bawat larawan. Piliin sa talaan ang titik ng tamang sagot na ipinapakita sa larawan.123 4 A. Malusog B. Matalino C. May disiplina D. Matapat E. Matulungin
Nasagot mo ba nang tama ang lahat? Magaling! Kung hindi, huwag mababahala dahil marami ka pang matututunan matapos basahin ang susunod na sanaysay. PAG-ARALAN MOBasahin:Ang tao ang bumubuo sa bansa. Nababatay sa uri ng mamamayan na naninirahan dito ang pag-unlad ng isang bansa. Narito ang mga larawan na nagpapakita ng katangiang dapat taglayin ngmamamayan na nakatutulong sa pag-unlad ng bansa.
Nagpapakita bang mabuting katangian, ang mga tao sa larawang ito?Malaki ang maitutulong ng mga mamamayang may disiplina sa ikauunlad ngisang bansa. Ano kaya ang mangyayari sa Pilipinas kung ang bawat tao aymagtatapon ng basura kahit saan? Kung tatawid basta-basta sa lansangan? Kungmagumon sa masamang bisyo at iba pa? Hindi matatamo ang anumang layuninkapag ang disiplina ay mawala. Ang tao ay kailangang may pagpipigil sa sarili atsumusunod sa mga kautusan. Ikaw, sumusunod ka ba sa payo ng iyong magulang? Tumatawid satamang tawiran? Hindi nagkakalat ng basura? Kung oo lahat ang sagot mo,nakatutulong ka sa ating bansa. Magaling!
Ano ang mga katangian ng mga taong nakikita mo sa larawang ito? Sila ba aymay kasanayan at may magandang saloobin sa paggawa?Alam mo, kilala tayong mga Pilipino sa ating kakayahan at kasanayan sa paggawang iba’t ibang bagay. Sila ay malikhain at mapanuklas ng mga bagay nanakapagpapagaan at nakapagpapaginhawa sa mga gawain. Ilan dito ay ang dyip nalikha ni Leonardo Sarao at kuryenteng kudkuran ng niyog ni Benjamin Almeda Sr.Bukod sa pagkakaroon ng kasanayan, kinakailangan din ang tao ay may wastongsaloobin sa paggawa. Maraming natatapos na gawain sa takdang oras atnakalilikha ng mga produkto na magaganda at may mataas na uri. Walang oras nanasasayang. Dapat mo ba silang tularan?
Tingnan mo naman ang mga tao sa larawang ito. Ano-ano ang kanilang mgagawain? Paano sila nakakatulong sa pag-unlad ng ating bansa? Alam mo,nagiging malakas at maunlad din ang Pilipinas kapag ang mga tao ay mayangking talino at malusog. Dahil sa kanyang katalinuhan at kalusugan nagagawaniyang matugunan ang pangangailangan ng mga tao. Naibabahagi sa iba angkanyang kaalaman at kasanayan. Patuloy rin ang pagtuklas niya ng iba’t ibangkaalaman, bagong ideya at nagpapakita ng magandang saloobin sa paggawa. Sakabuuan siya’y taong produktibo. Ngayon alam mo na ang mga katangian na dapat taglayin ng tao upangmakatulong sa pag-unlad ng bansa, itala mo sa “Concept Map” na ito. Mga Katangian ng Tao na Makatulong sa Pag-unlad ng Bansa
PAGSANAYAN MONgayon subukin ang iyong kaalaman batay sa nabasa mong talata.Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat sa iyong kwaderno.1. Kinakailangan ang tao sa pagbuo ng ___________.2. Higit na uunlad ang bansa kung ang mga mamayan ay malulusog at ________.3. Nagiging matatag at ________ ang bansa dahil sa taglay na mabubuting katangian ng mga tao.4. Ang taong __________ ay may sapat na lakas na gumanap ng mga gawain.5. Kung walang yamang ________ ang bansa ay hindi uunlad.Matalino ManggagawaTao BansaMaunlad Malusog TANDAAN MO Mahalaga ang tao sa pagbuo ng bansa May iba’t ibang katangian na dapat taglayin ang mga tao sa pagpapaunlad ng bansa tulad ng: - may disiplina - may kasanayan - may wastong saloobin sa paggawa - may pagtitiwala sa sariling kakayahan - malusog at matalino Sinasabing ang tao ay mahalaga sa pagbuo ng isang bansa ngunit sa ating bansa may nagsasabi na ang tao ang dahilan ng kahirapan. Ano ang gagawin mo upang ikaw ay
hindi maging pabigat o suliranin ng bayan. Itala ang iyong dapat gawin para makatulong ka sa pag-unlad ng bansa. 1. _________________ 2. _________________ 3. _________________ 4. _________________ GAWIN MO Ibig mo bang mag-rap? Subukin mo: Kaibigan mahalaga ka sa pagbuo ng bansa Isipin ang bayan ay magiging buo at mapayapa Ipakita! Ipakita! Magandang layunin dapat taglayin Upang tagumpay ay iyong kamtin Sama-samang pagkilos ang isagawa Tiyak ang pamumuhay ay giginhawa. Naibigan mo ba? Isaulo ito. PAGTATAYAAnong katangian ng mga mamamayan ang inilalarawan ng bawat pangungusap? Piliin angtitik ng tamang sagot sa ibaba at isulat sa iyong kwaderno. 1. Tinatapos ni Ben ang mga gawain mahirap man ito o magaan. 2. Naghihintay si Ana ng kanyang pagkakataon sa anumang gawain. 3. Nakaimbento si Noel ng iba’t ibang bagay na nagpapagaan ng trabaho. 4. Palaging iniisip ni Don na kaya niyang gawin ang ipinapagawa sa kanya. 5. Pumapasok araw-araw si Luis sa kanyang trabaho at ni minsan ay hindi siya nagkasakit.
A. may disiplina B. may tamang saloobin C. may kasanayan D. may pagtitiwala sa sarili E. malusog PAGPAPAYAMANG GAWAINGumuhit o gumupit ng mga larawan na ipinakikita ang mga katangian ng mamamayan nanakatutulong sa pag-unlad ng bansa. Sumulat ng dalawa o tatlong pangungusap tungkoldito. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
GRADE VIANG POPULASYON NG PILIPINAS: GULANG AT KASARIAN ALAMIN MO Suriin ang larawan. Ano ang ipinakikita nito? Sa inyong pamayanan, ano-ano ang napapansin mo? Mas marami ba ang babae kaysa lalaki? o lalaki kaysa babae? Ano ang kanilang gulang at kasarian? Ayon sa estadistika, nakahihigit ang mga lalaki kaysa mga babae. Totoo kaya ito? Sa modyul na ito, susuriin natin ang balangkas ng populasyon ayon sa gulang at kasarian.
PAGBALIK-ARALAN MO CAB Masdan mo ang mga larawan. Ano ang inilalarawan ng A?______ B?______ C?_______ PAG-ARALAN MOAng populasyon ay ang bilang o dami ng mamamayan sa isang pook o bansa.Lubhang napakarami na ng tao sa Pilipinas. Ayon sa senso na isinagawa ng PambansangTanggapan ng Estadistika o National Statistics Office (NSO) noong Mayo 1, 2000, angkabuuang populasyon ng Pilipinas ay umabot sa 76,504,077. Mataas ito ng 7,887,541 sa senso naisinagawa noong Mayo 1, 1995. Tumaas ito nang makasiyam na ulit sa unang senso ngpopulasyon na isinagawa noong 1903.Mahalaga ba ang pagsasagawa ng senso ng populasyon? Bakit?
Nasa ibaba ang populasyon ng Pilipinas ayon sa gulang at ayon sa kasarian. Pag-aralan mo angmga ito. POPULASYON AYON SA GULANG Senso 2000 Pangkat Gulang Populasyon Bahagdan A 0-14 28,313,897 37 % B 15-64 45,257,770 59 % C 65 pataas 2,932,410 4% Kabuuan 76,504,077 100 % (Pinagkunan: 2004 Philippine Statistical Yearbook-NSCB) Suriin ang tsart ng populasyon. - Ano ang kabuuang populasyon ng may gulang na 0-14? 15-64? 65 pataas? - Anong pangkat ang nakahihigit ang bahagdan sa kabuuang populasyon? Alam mo ba ang tawag sa mga taong kabilang sa gulang na 15-64? Sila ang tinatawag na laang bisig sapagkat karamihan sa kanila ay naghahanapbuhay. - Pag-aralan mo naman ang bahagdan ng may gulang na 0-14 at 65 pataas. Ano ang masasabi mo tungkol dito? Kapag mas marami ang bilang ng mga ipinanganganak kaysa namamatay, masasabi nating may batang populasyon ang bansa. Nais mo bang higit na maunawaan pa ang tungkol sa populasyon? Suriin mo naman ang tsart sa ibaba. POPULASYON AYON SA KASARIAN Senso 2000Pangkat Gulang Babae % Lalaki % Kabuuan % A 0-14 13,858,755 36.5% 14,455,142 37.5% 28,313,897 37% B 15-64 22,479,535 59.2% 22,760,235 59.1% 45,257,770 58% C 65 pataas 1,623,521 4.3% 1,308,889 3.4% 2,932,410 4% Kabuuan 37,979,811 100% 38,524,266 100% 76,504,077 100% (Pinagkunan: 2004 Philippine Statistical Yearbook-NSCB) - Sa pangkat na ang gulang ay 0-14, ilan ang bahagdan ng mga lalaki? ng mga babae? Ano ang ibig sabishin nito? Ano ang kahulugan nito? - Sa pangkat na ang gulang ay 15-64, aling pangkat ang mas marami ang bilang?
- Sa pangkat na ang gulang ay 65 pataas, aling pangkat ang mas kakaunti ang bilang? - Kung pagsasamahin natin ang bilang ng populasyon ng mga lalaki ng pangkat A at B, ano ang kabuuang dami nito? - Suriin mo ang kabuuang bilang ng populasyon ng kalalakihan at kababaihan. Gaano nakahihigit ang dami ng mga lalaki kaysa mga babae? PAGSANAYAN MO A. Sagutin ang sumusunod: Isulat ang titik ng wastong sagot na nasa loob ng basket. I________1. Ito ay bilang o dami ng mamamayan sa isang pook o bansa?________2. Bilang ng populasyon na naghahanapbuhay.________3. Ang tawag sa populasyon ng bansa.________4. Ang kasariang may mataas na bahagdan 0-14 taong gulang ayon sa Senso 2000.________5. Ang kasariang may mataas na bahagdan sa 15-64 taong gulang ayon sa Senso 2000
\ TANDAAN MO Ang populasyon ay ang bilang o dami ng mga tao sa isang lugar. Nagkakaiba ang populasyon ng lalaki at babae ayon sa gulang at kasarian. ISAPUSO MOPunan mo ng datos ang grapikong presentasyon ng iyong pamilya. Gawin mo ito sa iyongkwadernong sagutan. Ilarawan mo ang populasyon ng inyong tahanan ayon sa gulang at kasarian. Isulat moang apelyido ng iyong pamilya, ang pangalan ayon sa gulang at kasarian ng bawat kasapi. PAMILYA ______________ AMA INAPangalan Gulang Pangalan Gulang MGA ANAK LALAKI Gulang BABAE GulangPangalan Pangalan
Sagutin mo: Sa inyong pamilya, ilan ang lalaki? _______ilan ang babae? ______, ilan ang bata? ______, ilan ang matanda? ________, ilan ang naghahanapbuhay?_______. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong pamilya? Ano ang iyong natuklasan? Masaya ka ba? Bakit? GAWIN MOPag-aralan at suriin ang balangkas ng populasyon ayon sa gulang at kasarian. Sagutin ang mgatanong. Gawin ito sa iyong kwadernong sagutan. GULANG AT KASARIAN NG POPULASYON Senso 2000 Lalaki 0-14 y.o. 15-65 y.o. 65 y.o. Kabuuan Babae 1,452,023 2,460,549 133,310 4,045,882Kabuuan 1,382,549 2,241,717 180,797 3,985,063 2,834,572 4,882,266 314,107 8,030,9451. Ayon sa kasarian, alin ang mas marami?2. Gaano karami ang populasyon ng lalaki kung ihahambing sa babae?3. Sa kabuuan, aling pangkat ang may pinakamalaking populasyon ayon sa gulang?4. Aling pangkat sa kababaihan ang may pinakamalaking populasyon ayon sa gulang?5. Aling pangkat sa kalalakihan ang may pinakamaliit na populasyon ayon sa gulang?
PAGTATAYA 10,000,000 Babae 9,000,000 Lalaki 8,000,000 Kabuuan 7,000,000 6,000,000 0-14 15-64 65 pataas kabuuan 5,000,000 4,000,000 3,000,000 2,000,000 1,000,000 0Gulang1. Sa gulang na 15-64, sino ang nakahihigit? _____2. Sino ang mas kakaunti sa gulang na 65 pataas? _____3. Ayon sa gulang na 0-14, sino ang mas marami? Babae o lalaki? ____4. Sa kabuuan, sino ang marami ang bilang ng populasyon? Babae o lalaki? ____5. Sa kabuuan, anong pangkat ayon sa gulang ang may pinakamalaking bilang ng populasyon? ____
PAGPAPAYAMANG GAWAIN Gumawa ng survey sa inyong pamayanan. Sundin ang mga hakbang sa paggawa ng survey. 1. Suriin ang kinalabasan ng survey. Igawa ng tsart. 2. Gawin ang survey sa limang pamilya na nakatira sa paligid ng iyong bahay. 3. Makipanayam sa mga pamilyang nakatira sa inyong lugar. Isulat ang kanilang pangalan, gulang at kasarian.Itala ang kabuuang bilang ng pamilya, mga babae at mga lalaki at kanilang gulang. PAMILYA BABAE GULANG LALAKI GULANG1.2.3.4.5Ang survey na ito ay gagamitin upang paghambingin ang bilang ng populasyon ayon sa kasarianat gulang sa inyong pamayanan. Ito rin ay magsilbing basehan sa pagplano ng panlipunanggawain o proyekto sa pamayanan. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
GRADE VI BAKIT LUMALAKI ANG POPULASYON? ALAMIN MOIto ang pamayanan ng Sta. Monica.Suriin ang larawan. Sa iyong kwaderno, isulat ang mga kapuna-punang pagbabago sa pamayanan ng Sta. Monica noon at ngayon. 1. Ilarawan ang Sta. Monica noon. 2. Ilarawan ang Sta. Monica ngayon.
Gawin ang paglalarawan o paghahambing sa tulong ng isang tsart. Pamayanan ng Sta. Monica NOON NGAYON1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5.6. 6.7. 7.8. 8.9. 9.10. 10. Ano kaya sa palagay mo ang mga dahilan ng pagbabagong naganap sa pamayanan ng Sta. Monica? Paano nakakaapekto ang paglaki ng populasyon ng Sta. Monica sa pagbabago? Ano kaya ang mga posibleng dahilan kung bakit lumalaki ang populasyon?Sa pag-aaral ng modyul na ito, magkakaroon ka ng kaalaman tungkol sa Dahilan ng paglaki ng populasyon Pagbibigay kahulugan sa grap
PAG-ARALAN MOSuriin mo ang tsart sa ibaba.Ipinakikita nito ang populasyon ng Rehiyon ng Gitnang Luzon mula 1980-2000. Tsart ng Populasyon Gitnang Luzon 1980 – 2000Mga Lalawigan 1980 1990 1995 20001. Bataan 323,294 425,803 491,459 557,659 2,234,0882. Bulacan 1,096,046 1,505,219 1,784,441 1,659,833 1,618,7593. Nueva Ecija 1,069,409 1,312,680 1,505,827 1,068,7834. Pampanga 992,756 1,295,929 1,401,756 433,542 263,9715. Tarlac 688,457 859,708 945,810 194,2606. Zambales 287,607 369,665 389,512 8,030,9457. Angeles City 188,834 236,686 234,0118. Olongapo City 156,430 193,327 179,754Kabuuan 4,802,793 6,199,017 6,932,570(Pinagkunan: 2003 Philippine Statistical Yearbook; p.1-4)Suriin mo ang tsart. Pansinin ang bilang ng populasyon sa bawat lalawigan ng GitnangLuzon mula 1980. Ano ang ipinakikita ng bilang ng populasyon sa Bataan? May pagbabago ba? Tingnan din ang iba pang lalawigan, nagbago ba ang populasyon ng bawat lalawigan? Anong pagbabago ang ipinapakita nito? Tama. Patuloy na dumarami ang tao sa bawat lalawigan.Kung ganito ang magiging takbo ng bilang ng populasyon, ano ang masasabi natin sapopulasyon ng Pilipinas? Ano kaya ang mga pangunahing dahilan ng paglaki ng populasyon ng bansa?Pag-aralan ito:
Batay sa pinakahuling senso ng populasyon na isinagawa ng NSO noong 2000, angkabuuang bilang ng populasyon ng bansa ay umaabot na sa 76,504,077. Ang tala ng populasyon ng bansa mula 1903 ay ipinakikita ng grap sa ibaba Sa milyon Populasyon ng Pilipinas 1903 – 2000 80P 70 60O 50 40P 30 20U Milyon 10L 0ASYON Taon 1. Ano ang kabuuang bilang ng populasyon ng bansa noong 2000? 2. Ano ang ipinakikita ng grap? 3. Ito ba ay pataas o pababa? 4. Ano kaya ang mga dahilan ng mabilis na paglaki ng populasyon? Ang pagsimula ng paglaki ng populasyon ay naganap noong panahon ngAmerikano. Noong panahong ito binigyang pansin ng mga Amerikano angpagpapabuti ng sanitasyon at kalusugang pampubliko. Nasugpo ang pagkalat ngmga sakit na nakahahawa tulad ng kolera at bulutong. Sa mga panahon ding ito, itinatag ang Kawanihan ng Kalusugan atPaglilingkod na Kuwarenternas (Bureau of Health and Quarantine Service).Nagpatayo rin ang pamahalaan ng mga klinika, pagamutan at mga sentrongpangkalusugan sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang mga klinika at sentrong ito aymay mga doktor at nars. Nagbibigay sila ng libreng konsulta at bakuna sa mga tao. Bukod sa serbisyong pangkalusugan, binigyang-diin din sa mga paaralan angpagtuturo ng kahalagahan ng kalusugan at kalinisan. Tinuturuan ang mga bata ngwastong pangangalaga sa katawan, pagkain ng sapat at tamang pagkain atpagpapanatiling malinis ng kapaligiran. Bunga ng mga kaalamang ito na ibinabahagi sa mga bata at sa mag-anak,naiwasan ang pagkakasakit. Humaba ang buhay ng tao. Bumaba ang bilang ngtaong namamatay. Lumaki rin ang bilang ng mga batang isinilang bunga ngmabuting pag-aalaga sa ina at sa mga sanggol sa sinapupunan.Ang mga bagay na ito ay pinatotohanan ng talaan sa ibaba batay sa mgadokumentong sibil tulad ng “birth certificate” at “death certificate”. Talaan ng Rehistradong Ipinanganak at Namatay sa taong 1991-2000
Taon Rehistradong Rehistradong Ipinanganak Namatay19911992 1,643,296 298,0631993 1,684,395 319,5791994 1,680,896 318,5461995 1,645,011 321,4401996 1,645,043 324,7371997 1,608,468 344,3631998 1,653,236 344,3631999 1,632,859 352,9922000 1,613,335 347,9892001 1,766,440 366,931 1,714,093 381,834Sa talaang ito, makikita na higit na malaki ang bilang ng ipinanganganak kaysa sabilang ng mga taong namamatay.Dahil dito, ang populasyon ng Pilipinas sa taong 2005 ay humigit kumulang sa 84milyon. PAGSANAYAN MOA. Batay sa pinag-aralan mo, sagutin ang sumusunod. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. 1. Ano ang kabuuang bilang ng populasyon ng Pilipinas noong taong 2000? 2. Ano ang populasyon ng bansa noong taong 2005? 3. Ano-ano ang sinasabing mga dahilan ng mabilis na paglaki ng populasyon sa Pilipinas? 4. Sa paanong paraan tumutulong ang pamahalaan sa pagpapabuti ng kalagayang pangkalusugan at pang-edukasyon ng mga Pilipino?
B. Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang dahilan ng maraming naitalang batang populasyon sa isang lugar? A. Maraming batang isinilang B. Lumaki ang bilang ng matatandang namamatay C. Bumuti ang kalagayang pangkalusugan ng bansa D. Humaba ang buhay ng mga tao dahil sa pagbuti ng nutrisyon 2. Pag-aralan ang grap ng populasyon ng bansa.Sa Milyon Populasyon ng Pilipinas 1992 – 1997 76P 74O 72P 70UL 68A 66S 64Y 62ON 60 1992 1993 1994 1995 1996 1997 TAON Anong kongklusyon ang mabubuo sa grap? A. Walang pagbabago sa populasyon ng bansa. B. Mabagal ang paglaki ng populasyon ng bansa. C. Patuloy ang paghaba ng buhay ng populasyon. D. Tuloy-tuloy ang paglaki ng populasyon ng bansa.3. Bakit patuloy na sinisikap ng pamahalaan na mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan? A. Maiiwasan ang epidemya ng sakit sa bansa. B. Makatutulong sila sa pagpapalaki ng produksyon. C. Nakatutulong ito sa pagliit ng gastos ng populasyon. D. Lahat ng nabanggit.C. Ipinakikita sa ibaba ang populasyon ng piling rehiyon batay sa senso ng 1995. Pag- aralan ang nilalaman nito.
NCR REHIYON PopulasyonCAR National Capital Region 9,454,040 I Cordillera Autonomous Region 1,254,838 II Ilocos 3,803,890 III Cagayan Valley 2,536,035 IV Gitnang Luzon 6,932,570 V Timog Katagalugan 9,940,722 Bicol 4,325,307 Isulat ang T kung totoo at M kung mali ang sinasabi ng pangungusap batay sa ipinakikitang talahanayan.1. Pinakakaunti ang populasyon sa CAR.2. Pinakamalaki ang populasyon sa Gitnang Luzon.3. Pang-anim sa dami ng populasyon ang Cagayan Valley.4. Higit na malaki ang populasyon sa Pambansang Rehiyong Kapital kaysa Timog Katagalugan.5. Ang mga rehiyong malalaki ang populasyon ay ang Pambansang Rehiyong Kapital at Timog Katagalugan. TANDAAN MO Sa araling ito, natutuhan ko na. Patuloy na lumalaki ang populasyon ng Pilipinas Batay sa huling ulat ng NSO ito ay humigit kumulang sa 84 milyon Isang sanhi ng paglaki ng populasyon ay sanhi ang malaking bilang ng batang ipinapanganak at kakaunting bilang ng mga namamatay Ang isa sa mga dahilan ng mabilis na paglaki ng bilang ng populasyon ay bunga ng pagpapabuti ng sanitasyon at kalusugang pampubliko
PAGTATAYAA. Pag-aralan ang grap sa ibaba. Sagutin ang mga kasunod na tanong. Bilang ng Rehistradong Ipinanganak sa Taong 2000 sa bawat Rehiyon350000300000250000200000150000100000 50000 0 Mga Rehiyon1. Aling rehiyon ang nagtala ng pinakamaraming batang ipinanganak? A. CAR B. NCR C. Timog Luzon D. Gitnang Luzon2. Aling rehiyon ang nagtala ng pinaka kaunting bilang ng batang ipinanganak? A. CAR B. ARMM C. Cagayan D. CARAGA3. Aling dalawang rehiyon ang may pinakamaraming batang ipinanganak noong 2000? A. Timog Luzon at NCR B. CAR at Gitnang Mindanao C. Ilocos at Hilagang Mindanao D. Gitnang Luzon at Gitnang Visayas
4. Aling dalawang rehiyon ang halos magkasindami ng bilang ng ipinanganak? A. CAR at CARAGA B. Bicol at Kanlurang Visayas C. Cagayan at Hilagang Mindanao D. Silangang Visayas at Gitnang Mindanao5. Aling tatlong rehiyon ang nangunguna sa dami ng batang ipinapanganak? A. CARAGA, ARMM, Cagayan B. Gitnang Luzon, Timog Luzon, NCR C. Bicol, Kanlurang Visayas, Silangang Visayas D. Ilocos, Timog Mindanao, Gitnang MIndanaoB. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Nagsisiksikan ang mga bahay sa Barangay Cupang. Marami ring mga tao sa paligid. Ito ay sa dahilang: A. lumiit ang populasyon B. lumaki ang populasyon nito C. naging tanyag ang barangay D. walang pagbabago sa populasyon2. Ang isang dahilan ng mabilis na paglaki ng populasyon ay A. maunlad na lugar B. maraming sasakyan C. maraming kabahayan D. may mapagkakakitaan ang mga tao3. Ano ang kalagayan ng paglaki ng populasyon ng CAR sa taong 1991-1995? A. mabilis ang paglaki nito B. mabagal ang paglaki nito C. maliit lamang ang inilaki nito D. unti-unti ang paglaki ng populasyon Narito ang populasyon ng CAR.1991 1,201,4531992 1,233,5211993 1,265,5091994 1,297,4901995 1,329,4774. Ipaliwanag ang mga dahilan ng paglaki ng populasyon.
A. masayang lugar ito B. malawak ang lupain C. magandang lugar ito D. maraming pamilya ang lumipat dito 5. Paano makatutulong sa mamamayan ang mga programa ng pamahalaan (hal.: Birth Control, serbisyong pangkalusugan, atbp) tungkol sa populasyon? A. mapigil ang pag-aanak B. maiiwasan ang paglaki ng populasyon C. makikiisa sa mga proyektong pampopulasyon D. magkakaroon ng impormasyon sa kalagayang pampopulasyon ng bansa PAGPAPAYAMANG GAWAIN1. Magsaliksik tungkol sa populasyon ng inyong pamayanan sa loob ng limang taon (1995-2005).2. Ilagay sa grap ang populasyon ng inyong pamayanan sa loob ng limang taon. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
GRADE VIKALUSUGAN AT KATALINUHAN AY KAYAMANAN AT SUSI SA KAUNLARAN ALAMIN MO Pag-aralan ang mga larawan sa pahina 1.
Ano ang ipinakikita sa mga larawan? Ano kaya ang mangyayari kung sakitin ang mga manggagawa? Ano naman kaya ang mangyayari kung matalino ang mga mamamayan? Sa araling ito, matututuhan mo ang kahalagahan ng malulusog at matatalinong mamamayan. Handa ka na ba? PAGBALIK-ARALAN MO Isulat mo sa iginuhit na kahon ang mga salitang nagsasabi kung paano maging malusog atmatalino. Pumili sa talaan sa ibaba. Isulat ang titik lamang.Matalino MalusogA. pag-eehersisyo F. paggawa ng gawaing bahayB. pag-inom ng gatas G. pag-iwas sa pagliban sa klaseC. paliligo araw-araw H. pag-iwas sa labis na pagpupuyatD. pag-aaral nang mabuti I. panonood ng makabuluhang palabasE. pagkain ng prutas at gulay J. pagbabasa ng kapakipakinabang na aklat
PAG-ARALAN MOBasahin at unawain mo. Teksto A. Mahalagang katangian ng mga mamamayan ng isang bansa ang kalusugan. Kung malusog ang mga mamamayan, magiging malusog ang bayan. Nagiging malaki ang produksyon kung ang mga manggagawa ay malalakas at malulusog. Higit nilang magagampanan at mapabibilis ang mga gawain. Kung sakitin ang mga manggagawa hindi sila magiging kapakipakinabang. Ang ating pamahalaan ay patuloy na nagsisikap upang mapanatili ang kalusugan ng mga mamamayan. Kaya naglulunsad ito ng iba’t ibang proyekto para sa kalusugan ng bayan tulad ng pagsugpo ng paglaganap ng mga sakit, “Sagip Mata” at iba pa. Teksto B Mahalaga rin sa bansa ang mga mamamayang nakapag-aral. Ang taong may pinag-aralan at matalino ay mapanuklas at malikhain. Nakapagbibigay ng wastong pagpapasya sa isyu o suliraning hinaharap ng bansa. Kung ang isang tao ay may pinag-aralan at matalino, siya ay madaling makahahanap ng trabaho na angkop sa kanyang kasanayan at kakayahan. Nagiging malakas at maunlad ang isang bansang may mamamayang matalino at kapakipakinabang. Sa kasalukuyan, sinisikap ng pamahalaan ang pagtaas ng kalidad ng edukasyon sa bansa upang mapabuti ang pagbabahagi ng mga kaalaman sa mga mag-aaral. Nagpapatayo ng mga paaralan at nagsasagawa ng mga programa upang matugunan ang pangangailangang pang-edukasyon. Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Sa Teksto A – Bakit mahalaga ang malulusog na mamamayan? Sa Teksto B – Ano-ano ang kahalagahan ng matatalinong mamamayan?
Gumuhit ka ng “Venn diagram” tulad ng nakalarawan. Itala rito ang iyong sagot. Pakinabang sa bansaMatatalinong mamamayan Malulusog na mamamayan PAGSANAYAN MOIguhit ang ☼ kung ang isinasaad ay tama at kung mali. _______1. Ang isang taong kulang sa karunungan ay malikhain. _______2. Ang malusog na manggagawa ay nakagagawa nang mabilis. _______3. Nakatutulong sa paglaki ng produksyon ang isang taong malusog. _______4. Nagiging kapakipakinabang sa pagawaan ang isang taong may-sakit. _______5. Nagiging mabilis ang produksyon kung may pinag-aralan at kasanayan ang mga tao.
TANDAAN MO Ang malulusog at matatalinong mamamayan ay nakatutulong sa mabilis na pag-unlad ng bansa.ISAPUSO MOSagutin ang Tseklis Palagi Bihira Hindi Ikaw ba’y……….. 1. nag-eehersisyo araw-araw? 2. nag-aaral nang mabuti ng iyong leksyon? 3. gumagawa ng gawaing-bahay araw- araw? 4. kumakain ng prutas, gulay at umiinom ng gatas araw-araw? 5. nagbabasa ng kapakipakinabang na aklat at ibang babasahin?
GAWIN MOPiliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang mga mamamayang malusog at matalino ay ____________. A. nakatutuwang pagmasdan B. nakahahadlang sa kaunlaran ng bansa C. nakagagawa ng mga di-kanais-nais na bagay D. nakatutulong sa mabilis na pag-unlad ng kabuhayan 2. Alin sa mga ito ang nakapipinsala sa katawan ng tao? A. tamang ehersisyo B. labis na pagpupuyat C. malinis na kapaligiran D. pangangalaga sa sarili 3. Alin sa mga ito ang nagsisilbing panganib sa kalusugan ng tao? A. pahinga B. nutrisyon C. malnutrisyon D. pag-eehersisyo 4. Ano ang kabutihang dulot ng edukasyon? A. matututong bumasa’t sumulat B. magkakaroon ng magandang hanapbuhay C. lumalaki ang pagkakataon na tumaas ang antas ng pamumuhay D. lahat ng nabanggit 5. Anong uri ng manggagawa ang kailangan ng bansa upang umunlad? A. malungkutin B. malusog at may kasanayan C. may pinag-aralan at mayaman D. may kasiglahan at kagandahan
PAGTATAYABasahin ang sumusunod na mga kalagayan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno. 1. Mula pa sa “kindergarten”, si Luisa ay laging nagkakamit ng karangalan hanggang sa siya ay nagtapos ng elementarya. Anong katangian mayroon si Luisa? A. siya ay maganda B. siya ay palakaibigan C. siya ay palaasa sa kamag-aral D. siya ay matalino at masipag mag-aral 2. Nagtatrabaho sa isang pagawaan si Mang Dante. Pinagbabaon siya ng kanyang asawa ng kanin, gulay at isda. Ano ang naging epekto nito kay Mang Dante? A. magugutom siya B. aantukin maghapon C. tatamarin sa paggawa D. masiglang makapagtatrabaho 3. Naatasang mamuno sa isang sangay ng kanilang opisina si Erwin. Napaunlad niya ito. Ano ang katangian ni Erwin na nakatulong sa pag-unlad niya o ng opisina? linawin. A. mayaman kasi siya B. marami siyang kaibigan C. malakas siya sa may-ari ng kompanya D. ginagamit niya nang wasto ang kanyang nalalaman 4. Si Erika ay nagpakadalubhasa sa panggagamot upang matamo ang kanyang layunin sa buhay. Nang siya ay nagtapos, siya ay mahusay na manggagamot na naglingkod sa kanyang mga kababayan. Anong katangian mayroon si Erika? A. masipag, matiyaga, sakitin B. may kasanayan, may pinag-aralan, masipag C. maalalahanin, di-tapos ng pag-aaral, malusog D. wala sa nabanggit 5. Ang pamahalaan ay naglunsad ng mga programa upang mapangalagaan ang kalusugan ng bayan. Nagpapadala ito ng mga inspektor sa restoran, palengke at supermarket. Bakit ginagawa ito ng pamahalaan? A. upang makapanghingi ng meryenda
B. upang matiyak na may tinda araw-arawC. upang makapamasyal ang mga inspektorD. upang matiyak na malinis ang binibiling pagkainPAGPAPAYAMANG GAWAINNarito ang dalawang katangian na dapat taglayin ng isang mabuting mag-aaral. Sagutin ng Oo o Hindi. Kung Oo ang iyong sagot, isulat sa loob ngkung paano mo ito ginagawa at kung hindi, isulat sa loob ng ang dahilan.1. Nag-aaral nang mabuti.2. Pinapanatili ang kalusugan ng katawan.1. 2. 1. 2. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
GRADE VI ANG BUHAY SA RURAL AT URBAN ALAMIN MOMasdan at suriin ang dalawang pamayanan.Larawan ALarawan B Balikang muli ang larawan A at B.
Ano ang pagkakaiba ng larawan A at larawan B? Inilarawan dito ang pook urban at pook rural. Sa modyul na ito, matututuhan mo ang pagkakaiba ng pook rural at pook urban. Handa ka na ba?PAG-ARALAN MOPag-aralan ang talahanayan. Populasyong Rural – Urban ng Pilipinas 2000 Pook Bilang BahagdanRural 38,894,457 43Urban 43,604,278 57Kabuuan 82,498,735 100 Ano ang mapapansin mo sa populasyong rural at urban? Ano ang ipinahihiwatig nito?
Basahin upang higit mong malaman ang pagkakaiba ng populasyong urban at populasyong rural. Ang Populasyong Urban Ang mga lugar sa bansa na ang kapal ng populasyon ay 500 katao sa isang kilometrong parisukat o higit pa ay tinatawag na pook urban. Makapal ang populasyon sa pook na ito dahil sa pagdagsa ng mga tao. Kapansin-pansin ang laki ng bilang ng mga tao lalo na sa Metro Manila. Araw- araw, maraming taong naglalakad o sumasakay patungo sa paaralan, tanggapan, pamilihan at “malls.” Dahil sa sobrang dami ng tao nagkakabuhol-buhol ang trapiko, lalo na sa oras ng pasukan at uwian. Karaniwan ding makikita rito ang mga dikit-dikit na bahay, nagtataasang gusali at iba’t ibang uri ng sasakyan. Iba-ibang dahilan ang pagdagsa ng mga tao rito tulad ng mahuhusay na paaralan, kalakalan, serbisyo ng pamahalaan, pook pasyalan o pook pang-aliwan, hanapbuhay at ang pagnanasang maranasan ang buhay sa kalunsuran. Dumudumi ang kapaligiran at nagkakaroon ng polusyon dahil sa kapabayaan at kulang sa disiplina ng mga tao sa isang makapal na populasyon. Napakaraming suliranin ang idinudulot ng pagdagsa ng tao sa pook urban. Napapansin mo ba ito sa inyong kapaligiran? Ang Populasyong Rural Ang mga pook na malayo sa kabayanan ay pook rural. Ang mga tirahan dito ay layu-layo. Maraming nagtataasang punongkahoy at iba’t ibang uri ng halaman sa paligid. May mga hayop ding pagala-gala. Ang karaniwang hanapbuhay dito ay pagsasaka, pangingisda, pagtotroso, pagmimina at iba pang paraan ng paglinang ng likas na yaman. Mahalaga ang kanilang ginagampanan sa pagtugon sa ating mga pangunahing pangangailangan lalo na sa pagkain. Gumagawa sila ng maraming bagay para sa ikauunlad ng bansa. Mahigpit din ang pagkakaisa at pagdadamayan ng mga tao rito kahit magkakalayo ang kanilang mga tirahan.
Sagutin mo ang sumusunod na tanong. Ano-ano ang katangian ng pook urban? Pook rural? Bakit mas matao ang pook urban kaysa pook rural? Saan nabibilang ang iyong pook na pinaninirahan? Ano ang gawaing ikinabubuhay ng iyong pamilya sa inyong pook?Ngayon nalaman mo ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pook rural at pook urban.Paghambingin ang mga ito sa pamamagitan ng “Venn Diagram” PagkakatuladRural UrbanPAGSANAYAN MO Isulat ang salitang URBAN kung ang pangungusap ay naglalarawan ng pook urban atsalitang RURAL kung ang pangungusap ay naglalarawan sa pook rural. Isulat sa inyongkwaderno. _____ 1. Matagal dumating ang balita sa pook na ito. _____ 2. Malayo sa kabayanan at maraming halaman. _____ 3. Maraming gusaling komersyal at industriyal. _____ 4. Maraming sasakyan at kumpul-kumpol ang mga tao. ______5. Nagmamadali ang mga tao sa pagpasok sa tanggapan.
TANDAAN MO Pook urban ang tawag sa mga lugar o bayan na ang kapal ng populasyon ay 500 katao sa bawat kilometrong parisukat Pook rural ang mga lugar na malayo sa kabayanan. ISAPUSO MOMay nagsasabi na giginhawa ang pamumuhay kapag ikaw ay naninirahan sa mga pook urban.Nakatira na kayo nang maayos at matiwasay sa pook rural, lilipat ka pa rin ba sa pook urban?Bakit? GAWIN MO Isulat ang S kung sang-ayon ka sa isinasaad ng pangungusap at DS kung di-sang-ayon.Isulat sa iyong kuwaderno. Magbigay ng maikling patunay sa binigay na sagot. _____ 1. Maginhawa ang pamumuhay ng lahat ng naninirahan sa pook urban. _____ 2. Karaniwang matatagpuan sa pook rural ang lumilinang sa ating likas na yaman. _____ 3. Ang karaniwang hanapbuhay sa pook urban ay pagsasaka, pangingisda at pagtotroso. _____ 4. Maraming suliranin ang haharapin ng pook urban kung patuloy ang paglaki ng populasyon dito. _____ 5. Ang mahuhusay na paaralan, pabrika, pook pasyalan at hanapbuhay ay ilan sa umaakit sa tao upang mandarayuhan.
PAGTATAYA Ilagay sa tamang pangkat ang sumusunod na katangian ng pook rural at pook urban.Isulat ang titik sa bilang na makikita sa mukha ng bawat pangkat. 1. 2 1. 2 3. 3. 4. 5. 4. 5.Pangkat Pook Pangkat Pook Rural Urban A. Maraming “malls” B. Layu-layo ang mga tirahan C. Mabagal dumating ang balita D. Matao at maingay ang paligid E. Maraming uri ng hanapbuhay F. Maraming magsasaka at mangingisda G. Maraming tanim sa malawak na bukirin H. Tahimik, malinis ang hangin at walang polusyon I. Nagmamadali ang mga tao sa pagpasok sa tanggapan J. Maraming mabibilis na sasakyan tulad ng LRT at MRT PAGPAPAYAMANG GAWAIN Kung ikaw ay pamimiliin ng pook paninirahan, saan mo ibig manirahan, pook urban o pook rural? Sumulat ng isang talata tungkol sa pamagat na ito ____ “Ang Nais Kong Paninirahan”
Maaari mo na ngayong simulan ang susunod namodyul.
GRADE VI DAHILAN NG PANDARAYUHAN ALAMIN MONapag-aralan mo na ang pandarayuhan. Naging bahagi ng kanilang buhay ang magpalipat-lipatnang pansamantala upang may mapagkunan ng kabuhayan. Suriin mo ang larawang ito. Ano ang nakikita mo sa larawan? May pagkakaiba ba ang ibinibigay na mensahe sa unang larawan kung ihahambing sa pangalawang larawan? Sa modyul na ito malalaman mo ang mga dahilan ng pandarayuhan at ang dalawang uri nito. Handa ka na ba?
PAGBALIK-ARALAN MONapag-aralan mo na sa nakaraang aralin ang mga katangian ng pook urban at pook rural. Isulatmo sa “House Web” ang angkop na katangian na nakatala sa ibaba.Pook Rural Pook UrbanMaraming magsasaka Maliit ang populasyonDikit-dikit ang tirahan Nagdamayan ang mga taoMaraming sasakyan Maraming libanganMay mga gusaling komersyal Layu-layo ang mga bahayMaraming hanapbuhay Tahimik
PAG-ARALAN MO Maraming kadahilanan kung bakit lumilipat ang mga mamamayan sa ibang lugar.Tingnan ang larawang ito. Maayos ba ang kalagayan ng lugar na isinasaad sa larawan? Makakakuha ka ba ng magandang hanapbuhay, karunungan sa nakikita mong pook sa larawan? Sa ganitong sitwasyon, marami ang nagbabalak na makaalis ng lugar na walang mapagkakakitaan ng kaunlaran sa buhay lalo na kung lumalaki ang bilang ng kasapi sa pamilya. Lumilipat sila sa pook na maunlad na malaki ang pagkakataong makapaghanapbuhay. Nais nilang matikman ang makabagong pamumuhay at pagliliwaliw sa kalunsuran. May kaginhawaan bang maibibigay sa pamumuhay ang unang larawan? Bakit sila umalis sa lugar nila? Saan sila lumipat?Pag-aralan mo ang ikalawang larawan.
Ang larawang ito ang nagiging dahilan kung bakit ang mga mamamayan natin ay lumilipat sa ibang lugar. Ang kalamidad tulad ng paglindol, pagbaha, pagkasira ng mga pananim, mahabang tagtuyot, pagputok ng bulkan ang iniiwasan nila upang ang pamilya ay maligtas sa anumang panganib. Bakit tuluyang iniwan nila ang pinagmulan nilang lugar? Makabuti kaya ito sa kanilang pamumuhay? Pangatwiranan. Nakikita mo na ba ngayon kung bakit sila nandarayuhan? Nasusundan mo ba ang iyong aralin?Tingnan mo kung ano naman ang isinasaad ng sumusunod na larawan.
Ito ang larawang nagbibigay ng takot, pangamba sa damdamin ng mga tao. Hindi mo ito maiiwasan lalo na kung ang tinitirahan mong lugar ay makapal ang populasyon. Ito ang nagiging dahilan kaya umaalis kaagad ang bawat pamilya. Hindi nila naiibigan ang magkaroon ng baha at magkagulo ang mga tao kapag may bagyo. Gusto nila ang tahimik na pamumuhay. Anong mga dahilan ang nagtutulak na lisanin ng pamilya ang isinasaad sa larawang nakita mo? Ang mga larawan sa taas ay mga halimbawa ng panloob na pandarayuhan. Sila ay lumilipat lamang sa loob ng kanilang bansa.Suriin mo naman ngayon ang larawan sa ibaba. Ang lugar na ito ang umaakit sa mandarayuhan sa pook na ito. Nakikita ang pag- asa sa pamumuhay nang naangkop sa kanilang kahusayan sa paggawa. Maaari ring makakita ng trabahong may mataas na suweldo sa mga bansang industriyalisado tulad ng Estados Unidos, Canada o Japan. Tinaguriang “lupain na puno ng pag-asa” ang mga maunlad na bansa tulad nang nasa itaas. Ito ang lugar kung saan naitala ang maraming bilang ng nandarayuhang Pilipino. Ito rin ang nagsilbing tulay ng mga manggagawang Pilipino upang maranasan ang kaginhawaan at maunlad na pamumuhay.
Narito naman ang talaan ng mga bansang kadalasang pinupuntahan ng ating mga kababayanmula 1996 hanggang 2000. Bilang ng mga nakarehistrong migranteng Pilipino sa iba’t ibang Bansa 1996-2000 Destinasyong 2000 1999 1998 1997 1996 Bansa 31,324 24,123 24,887 37,017 41,318USA 8,245 6,712 5,651 8,216 10,051Canada 2,298 2,597 2,189 2,126 2,002Australia 6,468 4,219 3,810 4,172 4,516JapanUnited Kingdom 174 225 193 195 150Germany 552 550 560 566 542Kabuuan 51,031 40,507 39,010 54,078 60,926Nasa ibang bansa 1,970 2,081 1,624 1,786 2,275Kung titingnan ang talahanayang ito, malalaman natin na karamihan sa ating mga kababayan aynasa USA, Canada, Australia, Japan, United Kingdom at Germany. Sagutin ang mga tanong. Anong bansa ang may malaking migranteng Pilipino sa taong 2000? Anong taon lumaki ang pandarayuhan sa bansang Estados Unidos? Bakit bumaba ang pandarayuhan panlabas sa bansang Estados Unidos simula taong 1997 hanggang 2000? Bakit mas malaki ang bilang ng populasyon ng nandayuhan sa taong 1996 sa bansang Estados Unidos? Ano ang kabuuang bilang ng populasyon na nandayuhan sa iba’t-ibang bansa simula taong 1996 hanggang 2000? Ganito ba ang sagot mo? - Bansang Estados - Taong 1996 - Maaring huminto ang pagkuha ng manggagawang Pilipino o nagkaroon ng problema ang Estados Unidos sa pangkabuhayan. - Maraming ginagawang gusaling pangkomersyo, pagtanggap ng mahuhusay na manggagawa tulad ng nars, doktor sa iba’t ibang ospital - 24,5552
Nasagot mo bang lahat? Kung gayon ipagpatuloy mo ang pagbasa ng aralin.May iba’t ibang dahilan ang ginagawang pandarayuhang panlabas ng isang tao/pamilya. Isa-isahin natin ang kadalasang nagiging dahilan ng kanilang pandarayuhan.Una, ang pagpapaunlad ng kabuhayan. Sa panloob na pandarayuhan mula sa probinsyamaraming Pilipino ang naniniwala na matatagpuan sa Maynila ang kaginhawaan ng buhay dahilito ang pinakasentro ng kalakalan ng ating bansa. Sa panlabas na pandarayuhan, marami sa atingkababayan ang nakikipagsapalaran upang mabigyan ng maginhawang pamumuhay ang kani-kanilang pamilya.Ang pangalawa ay edukasyon. Naririnig na sa kamaynilaan matatagpuan ang magagaling naunibersidad kaya taun-taon pataas nang pataas ang bilang ng mag-aaral. Kadalasan ayisinasalang-alang ang opurtunidad ng mga lugar na may mataas na bilang ng mga paaralan atunibersidad. Kasama na ditto ang mga malalaking unibersidad sa ibang bansa.Ang kapayapaan, katahimikan at seguridad ay mga dahilan din kung bakit lumilikas ang mgamamamayan. Maraming Pilipino ang lumilipat ng kanilang tirahan dahil sa patuloy na gyera sapagitan ng pamahalaan at ng grupo ng mga rebelde. Karamihan ay hindi na bumabalik sakanilang lupain sa takot na madamay sa kaguluhan.Ang likas-yaman ang mga pinanggagalingan ng pagkain at hanapbuhay ng tao. Kapag nasira itomalaking peligro na mawala ang pangunahing pangangailangan at hanapbuhay ng tao. Dahilditto, humahanap sila ng ibang tirahan na kung saan ay hindi maaapektuhan ang paggamit nglikas na yaman. Nang sumabog ang bulkan, daan-daang pamilya mula sa Zambales, Pampangaat Tarlac ang napilitang lumikas dahil tinupok at ibinaon ng lahar ang kanilang bahay athanapbuhay.Napakaraming dahilan kung bakit ang tao ay naitutulak at naaakit upang mandayuhan. Sapangkalahatan ang kalagayang pangkabuhayan, panlipunan, pampulitika, panrelihiyon,pangkarunungan at pangkalikasan ang kadalasang nagiging dahilan upang lisanin ng isang taoang kanyang tirahan.Naunawaan mo na ba ngayon kung bakit may pandarayuhang panloob at panlabas?Subukin mong lagyan ng datos ang “graphic Organizer” na ito. Tapusin mo ang sinimulangsagot;
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425