EDUKASYON SAPAGPAPAKATAOPatnubay ng Guro Grade 4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na BaitangPatnubay ng GuroUnang Edisyon, 2015ISBN: _____________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumangakda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulotng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sapagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabingahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalanng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.)na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ngisang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sanagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawanng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.DEPED COPYInilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Mga Bumuo ng Patnubay ng GuroConsultant: Fe A. Hidalgo, PhDMga Tagasuri at Editor: Irene C. de Robles, Erico M. Habijan, at Joselita B. GulapaMga Manunulat: Felamer E. Abac, Gina A. Amoyen, Jesusa M. Antiquiera, Henrieta A. Bringas, Grace R. Capati, Maria Carla M. Caraan, Rodel A. Castillo, Rolan B. Catapang, Isabel M. Gonzales, Noel S. Ortega, Marilou D. Pandiño, Adelaida M. Reyes, at Portia R. SorianoMga Tagaguhit: Eric S. de Guia, Fermin M. Febella Jr., at Randy G. MendozaMga Tagapagtala: Gregorio T. Pascual at Bryan R. Simara Naglay-out: Gregorio T. Pascual at Elizabeth T. Soriao-UrbanoPunong Tagapangasiwa: Joselita B. GulapaPangalawang Tagapangasiwa: Marilou D. PandiñoInilimbag sa Pilipinas ng ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 5th Floor,Mabini Bldg, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 at 634-1072E-mail Address: [email protected] ii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Para sa Iyo, Guro ng Edukasyon sa Pagpapakatao Inihanda ang patnubay na ito upang magabayan ka sa iyong pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) sa Ikaapat na Baitang. Layunin ng asignaturang ito na magabayan ang mga mag-aaral na makilala ang kaniyang sarili, ang bahaging ginagampanan sa kaniyang pamilya, pamayanang ginagalawan bilang isang Pilipino upang makibahagi sila sa pagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan, at pagmamahal. Isinaalang-alang sa paghahanda ng patnubay ang sumusunod: A. Batayan • Patnubay ng kurikulum ng K to 12 pokus ang EsP • Kagamitan ng Mag-aaral sa EsP Baitang 4 • Balangkas ng DepEd sa Pagpapahalaga • Napapanahong paksa at thrust gaya ng pakikiangkop sa panahon ng pangangailangan, kaligtasan, likas kayang pag-unlad, paggalang sa sarili, pagiging positibo at iba pang pagpapahalaga na makatutulong sa mabuting pagkatao B. Prosesong Ginamit Bahagi ng magiging pag-aaral ng mga mag-aaral sa ikaapat na baitang ang mga proseso ng pag-unawa (Alamin), pagninilay (Isagawa), pagsangguni (Isapuso), pagpapasiya (Isabuhay), at pagkilos (Subukin) upang higit nilang maunawaan ang mensahe ng anumang leksiyon, maisabuhay at maisakatuparan ang tamang desisyon na may tamang pagkilos. Narito ang sumusunod na proseso na dapat gamitin: • Alamin Natin. Sa prosesong ito, ang mga mag-aaral ay binibigyan ng pagkakataong maalala o maipakita ang anumang dating kaalaman na may kinalaman sa leksiyon. Dito rin maaaring malaman o matandaan ng mga mag-aaral at maiproseso sa sarili ang anumang maling kilos o gawa at tuluyan itong itama sa patnubay ng guro. iii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY• Isagawa Natin. Upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang bawat aralin, sila ay magsasagawa ng iba’t ibang gawaing batay sa anumang layunin. May mga gawaing indibidwal at pangkatan. • Isapuso Natin. Ang prosesong ito ay naglalaman ng mga kaisipang dapat tandaan at pahalagahan ng mag-aaral. Ang pagbibigay ng iba’t ibang gawaing higit na magpapatibay sa anumang natutuhan ay dapat ding isaalang-alang. • Isabuhay Natin. Naglalaman ang bahaging ito ng mga gawaing magpapalalim ng pag-unawa sa bawat pagpapahalagang tinalakay sa bawat aralin at kung paano ito isasabuhay. • Subukin Natin. Naglalaman ang bahaging ito ng mga pagtataya ng mga natutuhan ng bawat mag-aaral tungkol sa mga aralin batay sa mga layunin na nasa EsP Curriculum Guide. Naglaan ng tatlumpung minuto kada araw upang malinang ang mgapagpapahalaga sa bawat aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang bawataralin ay maaaring umabot nang limang araw. Nilalayon nito na tumimo saisipan ng mga mag-aaral ang mga kasanayan at pagpapahalaga.C. Mga Teorya at Estratehiyang Ginamit 1. Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura Ayon sa paliwanag ng Interaktibong Teorya ng Pagkatuto o Social Learning Theory ni Albert Bandura na isang Canadian Psychologist, ang mga pagkatuto tulad ng pagkakaroon ng mabuting ugali at bagong impormasyon ay maaaring makuha sa pagmamasid sa ibang tao. Sa teoryang ito, naniniwala na ang kapaligirang kinamulatan o kinalakhan ng isang mag-aaral ang siyang humuhubog sa pagkatuto at sa pag-uugali niya. Higit din silang natututo sa pagbibigay ng direksiyon at mga paulit-ulit na iv All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY mga gawain. Pinaniniwalaan din sa ilalim ng teoryang ito na ang anumang marahas o malupit na pag-uugali o gawi ay natutuhan ng mag-aaral ayon sa kaniyang nakita at hindi likas sa kaniya. Ang mga gagawin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng EsP ay dapat magmula sa guro. 2. Teorya ng Constructivism Layunin sa pagtuturo ng Constructivism na pagnilayan o magbalik-tanaw ang mga mag-aaral sa kanilang mga naging karanasan. Maaaring dito makabuo ng kongkretong ideya, kasagutan, tamang kilos, at pag-uugali ang mga mag-aaral. Sa ganitong pagkakataon din maaaring maituwid ang anumang maling kaalaman, konsepto, kilos, at pag-uugali sa pamatnubay ng guro. 3. Teorya ng Pagkatuto mula sa Karanasan (Experiential Learning) ni David Kolb Ayon sa Teorya ng Pagkatuto mula sa Karanasan, ang mga karanasan ang pinagkukunan ng mga pagkatuto na sinusuportahan ng Teorya ng Constructivism. Ayon sa isang artikulo, ang teoryang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makabuo ng kaalaman at kasanayan sa kanilang pag-aaral sa silid-aralan. Ito rin ay isang paraan na humuhubog sa kanilang kakayahang mamuno at mamahala. Sa paraang ito, ang mga mag-aaral ay maaaring makagawa ng positibong pagbabago sa kanilang buhay bilang mag-aaral. Ang tatlong hakbang sa modelong ito: a. Pagpaplano. Kaagapay ng guro ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng kaniyang ideya o saloobin tungkol sa anumang pinag-usapan. Magpasiya kung ano ang dapat pang pag- aralan, gawin, at tandaan. b. Paggawa. Mahalagang isaalang-alang ng guro sa kaniyang paggabay ang kakayahan ng mag-aaral upang maunawaan ang pakikialam kung hindi kailangan. v All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY c. Pagsusuri. Pagkatapos ng gawain, pabalikan ang mga proseso at karanasang pinagdaanan mula sa simula hanggang sa sila ay matapos. Sa ganito, matutulungan ang mga mag- aaral na makabuo ng mas malinaw na mensahe, kaisipan o ideya, at katotohanan na may kinalaman sa kanilang buhay. 4. Panlipunan-Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning) Ito ay ang pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sa pagkilala at pamamahala ng sarili, paglinang ng pagmamalasakit sa kapuwa, paggawa ng mapanagutang pagpapasiya, pakikipag- ugnayan, at pagharap nang epektibo sa mga mapanghamong sitwasyon. Ito ay paraan ng paglinang ng mga kakayahan ng mag- aaral upang magtagumpay sa mga pang-araw-araw na gawain sa buhay. Ang limang batayang panlipunan–pandamdaming pagkatuto (SEL) ay binubuo ng sumusunod: Kamalayang Pansarili (Self-Awareness). Sa kakayahang ito ay nakikilala at nasusuri ng mga mag-aaral ang sariling damdamin, interes, at gusto. Natutukoy rin ng mga mag-aaral ang kanilang kalakasan at kayang panindigan, gayundin ang hindi pa nila kayang magawa o maipakita. Pamamahala ng Sarili (Self-Management). Naipakikita ng mga mag-aaral ang kanilang pamamahala sa sarili sa pagtatakda ng tunguhin o hangarin sa pamamagitan ng pagkilala sa mga pamaraang maaaring makatulong gayundin ang paghanap ng magagamit (resources) upang mapamahalaan ang anumang problema o pangamba, pagkontrol sa udyok ng damdamin, at masigasig na mapagtagumpayan ang anumang balakid. Ang mga mag-aaral ay nakapagtatakda at nasusubaybayan ang kanilang sariling pag-unlad bilang mag-aaral upang makamtam ang akademikong mithiin. Ang mga mag-aaral ay nagpapakita rin ng tamang damdamin o emosyon sa iba’t ibang pagkakataon. vi All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Kamalayang Panlipunan (Social Awareness). Naipakikita ng mga mag-aaral ang pagdama at pag-unawa sa damdamin ng ibang tao o grupo, sa pamamagitan ng pagkilala ng mga pahiwatig o senyas na maaaring pasalita o nakikita sa aksiyon o sitwasyon. Nahihinuha rin ang nadarama ng ibang tao sa iba’t ibang kalagayan kaya madali siyang makiramay. Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan (Relationship Management). Naipakikita ng mga mag-aaral ang pagpapanatili ng katatagan, malusog, at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapuwa nang may pagtutulungan. Madali silang maging kabahagi ng isang team o grupo. Napaglalabanan ang anumang panggigipit at naiiwasan, napamamahalaan, at kayang lutasin ang anumang kasalungat na saloobin. Sila rin ay humihingi ng tulong kung kinakailangan. Mapananagutang Pagpapasiya(ResponsibleDecisionMaking). Dito, ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng isang desisyon na naaayon sa etikal na pamantayan na may pagsasaalang-alang sa kaligtasan. Ang anumang desisyon ay naaangkop sa panlipunang kaugalian, na may paggalang sa kapuwa, at inaasahan ang anumang kahihinatnan ng iba’t ibang pagkilos. vii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Talaan ng NilalamanYunit I Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting Kasapi ng Pamilya ..........................................................................1Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko …................…....3Aralin 2 Pagiging Matiyaga: Uugaliin Ko! ……….......…….….......... 7Aralin 3 Pagkamatiisin, Kaya Kong Gawin!……………........…….....11Aralin 4 Magiging Mapanuri Ako! ..……...........................................14Aralin 5 Sa Maayos na Kaisipan, May Tamang Pagninilay .............19Aralin 6 Impormasyon: Bahagi at Instrumento sa Aking Pagkakatuto........................................................................25Aralin 7 Aking Tutularan: Pagiging Mapagpasensiya………...........30Aralin 8 Pagtitimpi, Pinahahalagahang Ugali………….....................34Aralin 9 Ako, Mahinahon sa Lahat ng Pagkakataon.........…............37 DEPED COPYMungkahing Pangwakas na Gawain Para sa Yunit I………...…........ 40Appendix A Unang Markahang Pagsusulit…………....……..............212 Yunit I………….......………………………….…..……………...............212 Yunit II...............………....…………………..…………..……………....217 Yunit III....…………………….…………………………………..............221 Yunit IV……………………………………………..……………............ 230Appendix B ……………………….....…………..…………………….......236 B.1 Mapa ng Pilipinas …………………..……………...............236 B.2 Si Jacob Maentz ng Katutubo Project at ang kaniyang mga kuhang larawan ng iba’t ibang pangkat etniko .……237 B.3 Republic Act 9003 – The Ecological Solid Waste Management Act of 2003 ……...........……..……………...244 B.3 Sunog Basura Fact Sheet ….……………..…………….... 245Talasalitaan………………..………………..………………….……..........253 viii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
RepublikaK to1DP2EEAGDPGaUbPEaKADyAPPSCngAaPilipinasYnOKgOAPkNuTYrSiAAkOulum Kagawaran ng Edukasyon DepEd Complex, Meralco Avenue Lungsod ng Pasig Baitang 4 Disyembre 2013 xi All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
xii K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - ANG BATAYANG KONSEPTWAL NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOelectronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. Ang tunguhin o ”outcome” ng pag-aaral sa batayang edukasyon ay ang panlahatang pag–unlad taglay ang mga kasanayan sa ika–dalawampu’t isang siglo. Taglay ito ng isang mag-aaral kung mayroon siyang mga kakayahang pangkaalaman, pandamdamin at pangkaasalan na magbibigay sa kanya ng kakayahan upang: 1. mamuhay at magtrabaho D2. malinang ang kanyang mga potensiyal 3. magpasiya nang mapanuri at batay sa impormasyon 4. makakilos nang epektibo sa lipunan at pamayanan sa konteksto ng sandaigdigan upang mapabuti ang uri ng kanyang pamumuhay at ng kanyang lipunan (Literacy Coordinating Council, Setyembre 1997). EIbinatay ang kahulugan at ang limang palatandaan nito sa Apat na Batayan (Pillar) ng Edukasyon at sa konsepto ng UNESCO tungkol sa mga panghabambuhay na kakayahan (life skills) na binuo ng International Commission on Education para sa ika-21 siglo. Ang sumusunod ang limang palatandaan nito: (a) may kakayahang makipagtalastasan, P(b) nag-iisip nang mapanuri at may kakayahang lumutas ng suliranin, (c) ginagamit ang mga likas na yaman nang mapanagutan para sa susunod na salinlahi at (d) produktibo, napauunlad ang sarili at ang pakikipagkapwa, at (e) may malawak na pananaw sa daigdig. ESa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), ang palatandaan o batayang kakayahan ng functional literacy ay nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ibig sabihin, nilalayon ng EsP na linangin at paunlarin ang pagkataong etikal ng mag-aaral. Ang EsP ay naglalayong gabayan ang mag-aaral na mahanap / matagpuan ang kabuluhan ng kanyang buhay, ang papel niya sa lipunang Pilipino upang makibahagi siya sa pagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, Dkatarungan at pagmamahal. Upang maipamalas ito, kailangang taglay niya ang limang pangunahing kakayahan (macro skills)*: pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasiya at pagkilos. 1. Pag-unawa. Mahalagang maipamalas niya ang kakayahang mahinuha ang mga konsepto at prinsipyong nagbibigay-paLiwanag sa sariling karanasan, mga sitwasyong namasid, sinuri at pinagnilayan gamit ang obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay. C2. Pagninilay. Sa gitna ng mabilis na daloy ng impormasyon at ingay ng kapaligiran, kailangang mag-ukol ng panahon ang mag-aaral sa maingat at malalim na pag-iisip sa mga sitwasyong naobserbahan at mga konseptong natutuhan tungkol sa moral na pamumuhay. O3. Pagsangguni. Kailangang humingi siya ng payo o gabay sa mga taong may higit na kaalaman o kasanayan sa moral na pamumuhay at marunong magsala (weigh) ng mga impormasyong mula sa iba’t ibang uri ng media batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay. P4. Pagpapasiya. Kailangang matuto siyang bumuo ng sariling posisyon, paniniwala, paninindigan o kilos na isasagawa batay sa obhektibong pamantayan ng moral na Ypamumuhay. 5. Pagkilos. Mahalagang mailapat niya ang konsepto o prinsipyong nahinuha mula sa mga konkretong sitwasyon ng buhay at maipakita ang kahandaang isabuhay ang mga mabuting ugali (virtues) na natutuhan batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay.
xiii K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - Ang mga pangunahing kakayahang ito ay nililinang sa apat na tema sa bawat taon sa paraang “expanding spiral” mula Kindergarten hanggang Grade 12. Ang sumusunodelectronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. Dang apat na tema: (a) Pananagutang Pansariliat Pagiging Kasapi ng Pamilya , (b) Pakikipagkapwa at Katatagan ng Pamilya, (c) Paggawa Tungo sa Pambansang Pag-unlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa, at (d) Pagkamaka-Diyos at Preperensya sa Kabutihan. Pitong pangunahing pagpapahalaga (core values) ang nililinang sa mga temang ito: Kalusugan at Pakikiisa sa Kalikasan, Katotohanan at Paggalang, Pagmamahal at Kabutihan, Ispiritwalidad, Kapayapaan at Katarungan, Likas-kayang Pag-unlad, EPagkamaka-Pilipino at Pakikibahagi sa Pambansang Pagkakaisa (Values Education for the Filipino: 1997 Revised Version of the DECS Values Education Program, ph. 10-11). PAng Pilosopiya at mga Batayang Teorya ng Pagtuturo-Pagkatuto Ang Batayang Konseptwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay batay sa pilosopiyang Personalismo tungkol sa pagkatao ng tao at sa Etika ng Kabutihang Asal (Virtue Ethics). EAyon sa pilosopiya ng Personalismo, nakaugat lagi sa pagpapakatao ang ating mga ugnayan. Nililikha natin ang ating pagpapakatao sa ating pakikipagkapwa. Sa Virtue Ethics naman, sinasabing ang isang mabuting tao ay nagsasabuhay ng mga virtue o mabuting gawi (habits) at umiiwas sa mga bisyo o masamang gawi. Samakatwid, ang nagpapabuti sa tao ay ang pagtataglay at ang pagsasabuhay ng mga mabuting gawi. DSa murang edad na 6 hanggang 12 taon, maaaring hindi pa lubos na maunawaan ng isang bata ang kanyang pagkatao bilang tao ayon sa paLiwanag ng pilosopiyang Personalismo. Ngunit maaari siyang sanayin sa mga virtue at pagpapahalaga upang lumaki siyang isang mabuting tao. Sa mga edad na ito, mauunawaan niya na dapat siyang magpakabuti hindi lamang sapagkat ito ang inaasahan sa kanya ng lipunan kundi dahil tao siya - may dignidad at likas ang pagiging mabuti. May dignidad ang tao dahil siya ay bukod-tangi at may ugnayan sa kanyang kapwa, sa Diyos, at kalikasan. CAng Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura, Pagkatutong Pangkaranasan (Experiential Learning) ni David Kolb, Konstruktibismo (Constructivism) at Teorya ng Pamimili ng Kurso (Theory of Career Development) ni Ginzberg, et. al. at Super ang iba pang teorya na nagpapaLiwanag kung paano natututo Oang mag-aaral sa EsP. Ayon sa paLiwanag ng Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura, maaaring makuha sa pagmamasid sa ibang tao ang mga pagkatuto tulad ng pagkakaroon ng mabuting ugali at bagong impormasyon. Ayon pa rin sa teoryang ito, mahalaga ang mga iniisip ng tao sa kanyang pagkatuto ngunit hindi Pnangangahulugang magbubunga ito ng pagbabago sa kilos. YAng mga karanasan din ang pinagkukunan ng mga pagkatuto ayon kay David Kolb at sa Teorya ng Pagkatuto ng Konstruktibismo. Ayon saTeorya ng Pagkatutong Pangkaranasan ni Kolb, ang mga nasa edad (adults) ay natututo sa pamamagitan ng kanilang pagninilay sa kanilang mga karanasan, pagbuo ng mga konklusyon o insight mula sa mga ito, at paglalapat ng mga ito sa angkop na mga sitwasyon ng buhay. Sinusuportahan ang pananaw ni Kolb ng Teorya ng Konstruktibismo. Sinasabi ng teoryang ito nanagkakaroon ng pagkatuto ang tao at gumagawa ng kabuluhan (meaning) batay sa kanyang mga karanasan. Naipamamalas ito sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagbibigay ng tuon sa mag-aaral. Nagkakaroon siya ng mga bagong pagkatuto gamit ang mga tanong ng guro at ng kanyang malikhaing paraan.
xiv K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - Nailalapat ang mga pagkatutong ito sa paggawa ng mga pasiya tulad ng kukuning kurso o propesyon. Ayon sa Teorya ng Career Development nina Ginzberg, et. al. at Super,electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. dumadaan sa iba’t ibang yugto ang pagpapasya ng bata ukol sa kurso o propesyon batay sa kanyang pagtingin sa sarili (self-concept), saloobin (attitude) at mga pagpapahalaga. Tinatanggap o tinatanggihan niya ang isang kurso o trabaho batay sa obserbasyon niya (halimbawa, mga kilos ng kanyang magulang ayon sa propesyon nito) at sa tinuturing niyang mahalaga (halimbawa, malaking sweldo o paglilingkod sa lipunan). DMga Disiplina ng Edukasyon sa Pagpapakatao EAng nilalaman at istraktura ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay nakaankla sa dalawang disiplina: Ethics at Career Guidance. Ang Etika ay ang siyensya ng moralidad ng kilos ng tao. Samantalang Career Guidance naman ang paggabay sa mag-aaral na magpasiya ng kursong akademiko, sining at isports o teknikal-bokasyonal na tugma sa kanyang mga talento, kakayahan at aptitude at mga trabahong kailangan ng industriya. PMga Dulog sa Pagtuturo EAng mga pangunahing dulog na gagamitin sa pagtuturo ng mga konsepto ay ang pagpapasyang etikal (ethical decision making) sa pamamagitan ng pagsusuri ng suliranin o isyu), ang Panlipunan–Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning), at pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal. DAng paggawa ng pagpapasyang etikal o moral ay ang pagbuo ng pasiya na may preperensya sa kabutihan at magpapatingkad o maglilinang ng pagkatao ng tao. Proseso ito na kinapapalooban ng (a) pag-alam sa mga detalye ng sitwasyon at (b) maingat na pagsasaalang-alang ng mga moral na pagpapahalaga na mahalaga sa isang sitwasyon. Mahalaga rin dito ang pagiging sensitibo sa mga aspetong moral ng mga sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay at ang kamalayan sa mga tao o pangkat na maaapektuhan Cng pasiya. Ang Panlipunan–Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning) ay ang pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sa pagkilala at pamamahala ng sarili, paglinang ng pagmamalasakit sa kapwa, paggawa ng mapanagutang pasiya, pakikipag-ugnayan, at pagharap nang epektibo sa mga mapanghamong sitwasyon. Paraan ito ng Opaglinang ng mga kakayahan ng mag-aaral upang magtagumpay sa mga gawain sa buhay. Nahahati sa limang uri ang mga kakayahang ito: Kamalayang Pansarili, PYPamamahala ng Sarili, Kamalayang Panlipunan, Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan at Mapanagutang Pagpapasiya.
KDEPEto 12DBASIC EDUCATIONCOCURRICULUMPY Pilosopiya ng Personalismo Figure 1. Ang Batayang Konseptwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao xv All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
xvi K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - Deskripsyon ng Asignaturaelectronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ay isa sa mga asignatura ng Pinaunlad na Programa ng Batayang Edukasyon na K to 12 na gagabay at huhubog sa mga kabataan. Tunguhin nito ang paghubog ng kabataang nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nangangahulugan ito na lilinangin at pauunlarin ang pagkataong etikal ng bawat mag-aaral. Upang maipamalas ito, kailangang magtaglay siya ng limang pangunahing kakayahan (macro skills): pag-unawa, Dpagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos. Nililinang sa apat na tema sa bawat antas mula Kindergarten hanggang Baitang 10 ang mga pangunahing kakayahang ito: (a) Pananagutang Pansarili at Mabuting EKasapi ng Pamilya, (b) Pakikipagkapwa-tao, (c) Paggawa Tungo sa Pambansang Pag-unlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa, at (d) Pananalig at Pagmamahal sa Diyos at Paninindigan sa Kabutihan. PMGA PAMANTAYAN SA PROGRAMA (LEARNING AREASTANDARDS) Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya, kapwa, bansa/daigdig at Diyos; nakapagpapasiya at nakakikilos Enang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat upang mamuhay nang maayos at maligaya. DPANGUNAHING PAMANTAYAN NG BAWAT YUGTO (KEYSTAGE STANDARDS) CNaipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Okonsepto at gawaing nagpapakita ng pananagutangK – Baitang 3Baitang 4 – 6Baitang 7 – 10 pansarili, pampamilya, pagmamahal sa kapwa/ Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pamayanan, sa bansa at sa Diyos tungo sa maayos at konsepto sa pananagutang pansarili, pagkatao ng tao, pamilya at pakikipagkapwa, lipunan, paggawa at mga PYmasayang pamumuhay. pagpapahalagang moral at nagpapasiya at kumikilos Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat konsepto at gawaing nagpapakita ng pananagutang upang mamuhay nang may kaayusan at kaligayahan. pansarili, pampamilya, pagmamahal sa kapwa, sa bansa/ daigdig at sa Diyos tungo sa kabutihang panlahat.
xvii DGrade Level Standards (Pamantayan sa Bawat Baitang/Antas) EBAITANG K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - ANG BATAYANG KONSEPTWAL NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOelectronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. PNaipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagkakaroon ng kamalayan sa paggalang at pagmamahal sa sarili, kapwa at Diyos K bilang gabay tungo sa maayos at masayang tahanan. PAMANTAYAN E1 DNaipamamalasng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapakikita ng mga kilos na nagpapahalaga sa sarili, kapwa, bansa, Diyos at sa 2 Kanyang mga nilikha bilang patnubay sa maayos at masayang paaralan at pamayanan. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga paraan ng paggalang sa sarili, kapwa, bansa at Diyos bilang gabay tungo sa maayos at masayang tahanan at paaralan. CNaipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga gawain na nagpapakita ng pagpapahalaga tungo sa maayos at masayang O3 pamumuhay na may mapanagutang pagkilos at pagpapasiya para sa sarili, kapwa, pamayanan, bansa at Diyos . PNaipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga makabuluhang gawain na may kaakibat na pagpapahalaga tungo sa wasto, Y4 maayos, masaya at mapayapang pamumuhay para sa sarili, kapwa, bansa at Diyos. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa masusing pagsusuri sa pagpapahayag, pagganap ng tungkulin na may 5 pananagutan at pagsasabuhay ng mga ito tungo sa masaya, mapayapa at maunlad na pamumuhay para sa sarili/ mag-anak, kapwa/ pamayanan, bansa/ daigdig at Diyos.
xviii BAITANG K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM 6 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - 7 PAMANTAYANelectronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. 8 9 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga gawain na tumutulong sa pag-angat ng sariling dignidad, pagmamahalsa 10 kapwa na may mapanagutang pagkilos at pagpapasiya tungo sa maayos, mapayapa at maunlad na pamumuhay para sa Dkabutihang panlahat. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / Epagbibinata, kakayahan at talento, hilig at pagkatao ng tao tungo sa pagtupad ng mga tungkulin sa sarili, sa kapwa, sa bansa/ daigdig at sa Diyos at pagtatakda ng mithiin upang mapanagutan ang kahihinatnan ng mga pasya at kilos. PNaipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa layunin at kahalagahan ng pamilya at pakikipagkapwa upang maging mapanagutan sa pakikipag-ugnayan sa iba tungo sa makabuluhang buhay sa lipunan. ENaipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan at paggawa bilang paglilingkod tungo sa Dtamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kanya at sa lipunan. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pagkatao ng tao, makataong kilos, pagpapahalagang moral Cat mga isyung moral at nagpapasya at kumikilos nang may preperensya sa kabutihan upang maging matatag sa gitna ng mga isyung OPYmoral at impluwensya ng kapaligiran.
xix DPamantayan Para sa K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM BAITANG 4 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - Baitang 4electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga makabuluhang gawain na may kaakibat na pagpapahalaga tungo sa wasto, maayos, masaya at mapayapang pamumuhay para sa sarili, kapwa, bansa at Diyos. EBATAYANG PAGPAPAHALAGA/ PMGA KAUGNAY NA PAGPAPAHALAGA E1. Katatagan ng loobPAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE (Fortitude) PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) (Content Standard) (Performance Standard) EsP4PKP- D2. Pagkamatiyaga 1. Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang Ia-b – 23 (Perseverance) maging bunga nito EsP4PKP- Ic-d – 24 3. Pagkamapagtiis 2. Nakapagsusuri ng katotohanan bago (Patience) gumawa ng anumang hakbangin: EsP4PKP- Ie-g - 25 C4. Mapanuring pag-iisip 2.1. pagsangguni sa taong kinauukulan (Critical thinking) 3. Nakapagninilay ng katotohanan mula sa 5. Pagkakaroon ng mga: Obukas na isipan 3.1. balitang napakinggan 3.2. patalastas na nabasa/narinig (Open-mindedness) 3.3. napanood na programang pantelebisyon I. Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya – Unang Markahan 3.4. nababasa sa internet at mga social Naipamamalas ang pag- Naisasagawa nang may networking sites unawa sa kahalagahan mapanuring pag-iisip ang ng pagkakaroon ng tamang pamamaraan/ katatagan ng loob, pamantayan sa pagtuklas mapanuring pag-iisip, ng katotohanan. pagkamatiyaga, pagkamapagtiis, pagkabukas-isip, pagkamahinahon at pagmamahal sa katotohanan na magpapalaya sa anumang alalahanin sa buhay ng tao bilang kasapi ng pamilya 6. Pagmamahal sa Pkatotohanan (Love of Ytruth) 4. Nakapagsasagawa nang may mapanuring EsP4PKP- pag-iisip ng tamang pamamaraan/ 7. Mapagpasensiya pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan. Ih-i - 26 (Patience/Self- Control) 8. Pagkamahinahon (Calmness)
xx K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - D1. Pagdama at pag-BATAYANGPAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODEelectronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. unawa sa damdaminPAGPAPAHALAGA/PANGNILALAMANSA PAGGANAP ( Learning Competencies) ng iba (Empathy)MGA KAUGNAY NA(Content Standard)(Performance Standard) EsP4P- IIa- PAGPAPAHALAGA 5. Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa c–18 E2. Pagkabukas-palad damdamin at kilos ng kapwa tulad ng: (Generosity) EsP4P- II. Pakikipagkapwa-tao -Ikalawang Markahan 5.1. pagtanggap ng sariling pagkakamali at IId–19 pagtutuwid nang bukal sa loob EsP4P- Naipamamalas ang pag- Naisasagawa nang IIe– 20 unawa na hindi mapanuri ang tunay na 5.2. pagtanggap ng puna ng kapwa nang naghihintay ng kahulugan ng maluwag sa kalooban EsP4P-IIf- anumang kapalit ang pakikipagkapwa i– 21 paggawa ng mabuti 5.3. pagpili ng mga salitang di-nakakasakit ng P3. Pagkamatapat/Pagigi damdamin sa pagbibiro ng Totoo (Sincerity/Honesty) 6. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o ED4. Paggalang (Respect) makabuluhang pangyayaring nagpapakita ng COPY5. Kabutihan (Kindness) Naisasagawa ang pang-unawa sa kalagayan/pangangailangan paggalang sa karapatan ng kapwa ng kapwa 7. Naisasabuhay ang pagiging bukas-palad sa 7.1. mga nangangailangan 7.2. panahon ng kalamidad 8. Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa mga sumusunod na sitwasyon: 8.1. oras ng pamamahinga 8.2. kapag may nag-aaral 8.3. kapag mayroong maysakit 8.4. pakikinig kapag may nagsasalita/ nagpapaLiwanag 8.5. paggamit ng pasilidad ng paaralan nang may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa 8.5.1. palikuran 8.5.2. silid-aklatan 8.5.3. palaruan 8.6. pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran bilang paraan ng pakikipagkapwa-tao
xxi BATAYANG K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM PAGPAPAHALAGA/ All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. DMGA KAUGNAY NA PAGPAPAHALAGA E1. Pagmamahal saPAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE Bansa PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) P1.1. Pagpapahalaga(Content Standard)(Performance Standard) EsP4PPP- sa Kultura IIIa-b–19 (Appreciation of EDOne’s Culture) EsP4PPP- III. Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa – Ikatlong Markahan IIIc-d–20 EsP4PPP- Naipamamalas ang pag- Naisasabuhay ang mga 9. Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o IIIe-f–21 unawa sa pagmamahal gawaing nagpapakita ng pagbabasa ng mga pamanang kulturang sa bansa sa pagpapahalaga sa kultura materyal (hal. kuwentong bayan, alamat, EsP4PPP- pamamagitan ng mga epiko) at di-materyal (hal. mga IIIg-i–22 pagpapahalaga sa magagandang kaugalian, pagpapahalaga sa kultura nakatatanda at iba pa) 10. Naipagmamalaki/napahahalagahan ang nasuring kultura ng iba’t ibang pangkat etniko tulad ng kuwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro at iba pa 2. Likas-kayang Pag- Naipamamalas ang pag-unlad Naisasabuhay ang patuloy 11. Nakasusunod sa mga batas/panuntunang unawa sa kahalagahan2.1. Pagkakaroon ngna pagninilay para pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng ng pagkakaroon ng makapagpasya nang kapaligiran kahit walang nakakakita sariling disiplina para saCDisiplinawasto tungkol sa epekto bansa tungo sa ng tulong-tulong na 12. Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan pandaigdigang(Discipline) pangangalaga ng at kaayusan ng kapaligiran saanman sa pagkakaisa kapaligiran para sa pamamagitan ng: 3. Pandaigdigang kaligtasan ng bansa at daigdig 12.4. segregasyon o pagtapon ng mga OPagkakaisa basurang nabubulok at di-nabubulok sa tamang lagayan (Globalism) 3.1. Kalinisan at 12.5. pag-iwas sa pagsunog ng anumang bagay PYKaayusan 12.6. pagsasagawa ng muling paggamit ng mga patapong bagay (Recycling)
xxii K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - D1. Ispiritwalidadelectronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. BATAYANG PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE PAGPAPAHALAGA/ PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) MGA KAUGNAY NA (Content Standard) (Performance Standard) EsP4PD- PAGPAPAHALAGA IVa-c–10 E2. Pagmamahal sa IV. Pananalig at Pagmamahal sa Diyos; Paninindigan sa Kabutihan – Ikaapat na Markahan EsP4PD- IVd–11 13. Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: EsP4PD- Nauunawaan at Naisasabuhay ang may buhay at mga materyal na bagay IVe-g–12 (Spirituality) naipakikita ang pananalig sa Diyos sa 13.1. Sarili at kapwa-tao: EsP4PD- P at endangered IVh-i –13 pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng 13.1.1. pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at 13.1.2. paggalang sa kapwa-tao Diyos (Love of God) paggalang, pagtanggap pagmamahal sa mga likha E ng : at pagmamahal sa mga 13.2. Hayop: 3. Pag-asa (Hope) likha 13.2.1. pagkalinga sa mga hayop na ligaw 4. Pagkakawanggawa D 13.3.2. paglalagay ng mga lupa sa paso (Charity) 13.3. Halaman : pangangalaga sa mga halaman gaya 13.3.1. pag-aayos ng mga nabuwal halaman 13.4. Mga Materyal na Kagamitan: 13.4.1. pangangalaga sa mga materyal na13.3.3. pagbubungkal ng tanim na COPYkagamitang likas o gawa ng tao halaman sa paligid
xxiii K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM CODE BOOK LEGEND All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. D Sample: EsP10PB-IIIg-12.1 EPFirst Entry LEGEND SAMPLE DOMAIN/ COMPONENT CODE Edukasyon sa PKP Learning Area and Pagpapakatao Tungkulin Ko Sa Aking Sarili at Pamilya P Strand/ Subject or PPP Baitang 10 Mahal Ko, Kapwa Ko PD Specialization PS EDUppercase Letter/s EsP Para Sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo PT 10 PB Paggawa ng Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos P Grade Level Pagkilala at Pamamahala sa mga Pagbabago sa IP Sarili PL Domain/Content/ Ang Pagpapahalaga at PB Ang Pagkatao ng Tao TT Component/ Topic Birtud - KP Roman Numeral III Ang Pagpapahalaga at Birtud *Zero if no specific quarterQuarterIkatlong Markahan PK Week g Ang Pakikipagkapwa CLowercase Letter/s Ikapitong linggo - MP Competency 12.1 Mga Isyu sa Pakikipagkapwa MK *Put a hyphen (-) in betweenNakapagpapaLiwanag ng PI letters to indicate more than akahalagahan ng Ang Papel ng Lipunan sa Tao pangangalaga sa Ospecific week kalikasan Ang Tungkulin ng Tao sa Lipunan PYArabic Number Mga Kaugnay na Pagpapahalaga sa Paggawa Mapanagutang Pagpaplano ng Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay Ang Moral na Pagkatao Ang Makataong Kilos Ang Aking Posisyon sa mga Isyung Moral
DEPED COPY Yunit I Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting Kasapi ng Pamilya 1 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang Yunit I ng Edukasyon sa Pagpapakatao para sa inyong mgamag-aaral sa ikaapat na baitang ay nagpapamalas ng pag-unawa sa mgamakabuluhang gawain na may kaakibat na pagpapahalaga tungo sa wasto,maayos, masaya at mapayapang pamumuhay para sa pananagutangpansarili at pagiging mabuting kasapi ng pamilya. Sakop ng yunit na ito ang pamantayang pangnilalaman nanagpapamalas ng pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng katataganng loob, pagkamatiyaga, pagkamatiisin, pagkabukas-isip, pagkamahinahonat mapagmahal sa katotohanan na magpapalaya sa anumang alalahaninsa buhay ng tao bilang kasapi ng pamilya at pamayanan. Pokus din ngyunit na ito ang pagsasagawa ng tamang pamamaraan/pamantayan sapagtuklas ng katotohanan. Hinati sa siyam na aralin ang yunit upang matugunan ang mgapananaw na ito:DEPED COPYAralin 1: Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko AkingAralin 2: Pagiging Matiyaga: Uugaliin Ko!Aralin 3: Pagkamatiisin, Kaya Kong Gawin!Aralin 4: Magiging Mapanuri Ako!Aralin 5: Sa Maayos na Kaisipan, May Tamang PagninilayAralin 6: Impormasyon: Bahagi at Instrumento sa PagkakatutoAralin 7: Aking Tutularan: Pagiging MapagpasensiyaAralin 8: Pagtitimpi, Pinahahalagahang UgaliAralin 9: Ako, Mahinahon sa Lahat ng Pagkakataon Sa pagtatapos ng mga aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahangmaisasapuso ang diwa ng pagiging mapanagutan sa sarili at magigingisang mabuting kasapi ng pamilya. Ito ay naglalayon sa masusing pagkilalasa sarili at sa kaniyang kakayahan at bilang isang indibidwal na may pusoat pagmamahal sa pamilya. 2 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya KoLayunin: Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nitoPaksa/Pagpapahalaga: Katatagan ng Loob (Fortitude)Mga Kagamitan: larawan o video clips, kuwaderno, talaang papel/ sagutang papel, venn diagram, tseklisIntegrasyon: Filipino – Sining ng Pakikipagtalastasan, ICTDEPED COPYPamamaraan:Alamin Natin 1. Simulan ang aralin sa pagpapakita ng larawan o video clips na nagpapakita ng katatagan ng loob. 2. Ipabasa nang may pang-unawa ang kuwentong pinamagatang, “Roniel M. Lakasloob ang Pangalan Ko!”. 3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod: a. Ilarawan si Roniel. Alin sa mga katangian niya ang nagpapakita ng katatagan ng loob? Isa-isahin ito at patunayan. b. Papaano hinangaan ni Bb. San Pablo si Roniel? Isalaysay ito sa klase. c. Bilang mag-aaral, papaano mo ipakikilala ang iyong sarili nang may lakas ng loob at may katatagan sa harap ng maraming tao? d. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging totoo at may katatagan ng loob sa pagpapakilala ng sarili. e. Sa iyong palagay, bakit gustong makausap ng guro ang mga magulang ni Roniel? Magbigay ng sapat na batayan. 3 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY4. Talakayin ang kuwento sa malalim na pakahulugan. Bigyang-diin ang mga pagpapahalaga na makikita sa kuwento. Bigyang pokus ang pagpapakita ng lakas ng loob ng bata sa kuwento. Itanim sa kaisipan ng mga mag-aaral na kailangan nilang magkaroon ng lakas ng loob upang maging handa anuman ang dumating na pagsubok at makapagsabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nito. Bigyang pansin din ang bahagi ng kuwento nang ipinatawag ng guro ang magulang ng bata. Ipamulat sa kanila na ang pagtawag sa magulang ay hindi lang kapag may kasalanan kundi pati na rin kung may nagawang kabutihan ang mga anak.Isagawa NatinGawain 1 1. Sabihan ang mga mag-aaral na ipikit ang kanilang mga mata at magmuni-muni ng tungkol sa kanilang sarili. Hayaang maisip nila ang kanilang natatanging kakayahan o talento. Sabihin na isipin din nila ang kanilang mga kakayahan. Kailangang ipaliwanag ng guro ang kahulugan nito at magbigay ng halimbawa upang maunawaan ito ng mga mag-aaral. 2. Ipasulat sa mga mag-aaral sa kanilang talaang papel ang mga naisip nilang mga natatanging kakayahan o talento, at kalakasan gamit ang mga pangungusap na ito. “Ako ay si ________________. Ang ilan sa aking natatanging kakayahan o talento ay ang mga ___________________________, Ang mga kalakasan ko naman ay _______________________.” 3. Tumawag ng ilang mag-aaral na magsasalita o magbabasa ng repleksiyong kanilang ginawa. 4. Talakayin ang ibinahagi ng mga mag-aaral. Magbigay ng positibong feedback upang lumakas ang tiwala nila sa kanilang sarili 4 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYGawain 2 1. Pangkatin ang klase sa tatlo. Papiliin ng lider ang bawat pangkat. 2. Magkakaroon ng bahaginan ang bawat pangkat tungkol sa repleksiyon sa sarili sa unang gawain. Pag-uusapan nila kung ano ang kanilang naisip noong sila ay nagkaroon ng repleksiyon sa unang gawain. Ibabahagi rin nila kung ano ang papel na ginagampanan ng kanilang pamilya sa kanilang kalakasan at natatanging kakayahan o talento. 3. Habang ang mga mag-aaral ay nagbabahagi ng kanilang naisip sa pagrerepleksiyon, itatala ng lider ang kanilang sinasabi at gagawan ng buod. Ibabahagi ng lider ang buod sa klase upang mapag- usapan. Isapuso Natin 1. Ipasulat sa mga mag-aaral ang ulat ng iba’t ibang pangkat matapos itong marinig sa klase. Ipaliliwanag ng guro kung paano isasagawa ang venn diagram. a) sa bahaging titik A, ang mga natatanging kakayahan o talento at kalakasan mula sa pangkat A b) sa bahaging titik B, ang mga natatanging kakayahan o talento at kalakasan mula sa pangkat B c) sa bahaging titik C, ang mga natatanging kakayahan o talento at kalakasan mula sa pangkat C; at d) sa gitna, ang pare-parehong natatanging kakayahan o talento at kalakasan ng lahat ng pangkat. Maaaring magbigay ng halimbawa ang guro para sa lalong ikauunawa ng mga mag-aaral. 2. Gabayan ang mga mag-aaral upang maisagawa nila nang tama ang susunod na gawain ng mga pangkat. 3. Para sa lalong ikauunawa sa pagpapahalagang tinalakay, pag- uusapan ng mga mag-aaral kung paanong ang kanilang kakayahan ay maipakikita nila nang may lakas, katatagan o tibay ng loob lalo 5 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYna sa harap ng maraming tao. Mahalaga na maganyak ng guro ang mga mag-aaral upang masabi nila ang kanilang tunay na saloobin. 4. Ipabasa at talakayin ang Tandaan Natin. Mahalaga na ang guro ay makapagbigay ng mga tanong na gaganyak sa mga mag-aaral na mag-isip at makibahagi sa usapan. Bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng lakas at tibay ng loob, at bilib sa sarili, at kung paano mapauunlad ang mga ito.Isabuhay Natin 1. Patnubayan ang klase sa pagpaplano ng isang palatuntunan para sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa Hulyo. Inaasahang maipakikita nila ang kanilang mga kakayahan sa mga bilang ng palatuntunan. Ang guro ay dapat na maging sensitibo sa mga mag- aaral na wala pang lakas ng loob na ipakita ang kanilang kakayahan. Dapat silang gabayan na makibahagi at huwag matakot gumanap sa naiatang na bahagi sa kanila. 2. Ipalabas ang palatuntunan sa klase. 3. Pag-usapan ang isinagawang palatuntunan. Tulungan ang mga mag- aaral na tasahin ang kanilang naging partisipasyon sa isinagawang gawain. Dapat maikintal sa isipan ng mga mag-aaral na ang ginawa nila ay pagpapakita ng lakas ng loob. 4. Alamin ang naging damdamin ng mga mag-aaral sa ginawa nilang pagganap sa palatuntunan at hayaang ibahagi nila ito sa klase.Subukin Natin Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga pahayag na nasa tseklis saSubukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral at ipasagot sa kanilang sagutangpapel kung ito ay tama o mali. Hayaang ipaliwanag ng mga mag-aaral angkanilang sagot. 6 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Aralin 2 Pagiging Matiyaga: Uugaliin Ko!Layunin: Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nitoPaksa/Pagpapahalaga: Pagkamatiyaga (Perseverance)Mga Kagamitan: papel, kuwaderno, metacardsIntegrasyon: Filipino – Sining ng PakikipagtalastasanPamamaraan:DEPED COPYAlamin Natin 1. Ganyakin ang mag-aaral sa paraang pagpapaalala ng iba’t ibang palatuntunan na idinaraos sa paaralan. Maaaring sabihin ng guro, “Kapag patapos na ang panuruang taon, magkakaroon tayo ng Araw ng Pagkilala at Araw ng Pagtatapos para sa mga mag-aaral na nagtiyaga at nagsumikap sa buong taong panuruan.” Banggitin na kapag may mga palatuntunan gaya nito ay nag-aanyaya ng tagapagsalita o guest speaker upang higit na mahikayat ang mga nagsipagtapos na magtagumpay sa larangan na kanilang gustong tahakin. 2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang isang talumpati na may pamagat na, “Pagiging Matiyaga, May Dulot na Biyaya”. 3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong na makikita sa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral at talakayin ang kanilang mga sagot. Maaaring magbahagi rin ang guro ng alam niyang kuwento tungkol sa kilala niyang tao na katulad ng tauhan sa binasang talumpati na naging matiyaga at nagtagumpay. 4. Maaari ding pag-usapan kung ano-ano ang mga pangarap na maaaring makamit ng mga mag-aaral at kung ano ang kanilang maaaring gawing pagtitiyaga upang marating ito. 7 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYIsagawa NatinGawain 1 Sa loob ng laso ay ipatala sa mag-aaral ang mga pangyayari sakanilang buhay na nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging matiyaga.Paano makatutulong ang pagiging matiyaga kasama ang katatagan ngloob sa oras ng sakuna o pangyayari sa kaniyang buhay? Pasagutan ito sa isang malinis na papel. Gawing natural angpagsagot ng mag-aaral.Gawain 2 Sa susunod na gawain, gabayan ang mag-aaral sa pagbuo ngtatlong pangkat at pumili ng lider. Matapos mapangkat ay bigyang-diin angmga pangyayari sa buhay ni Dr. Garcia sa talumpati. Muli itong iproseso. Maghanda ng kahon at mga tema na nakasulat sa metacards (pagigingmatiyaga, pagiging matatag ang loob, at pagtanggap sa katotohanan).Pabunutin ng metacard ang bawat lider ng pangkat pagkatapos ay bigyansila ng limang minutong paghahanda sa paggawa ng iskrip at presentasyon. Bigyan ang mga mag-aaral ng oras para makapagbigay ng komentosa mga iniulat ng ibang pangkat bilang dagdag na pagpapatibay sa pinag-usapang pagpapahalaga. Bigyan ng parangal ang mga mag-aaral na nagpakita ng galing sadula-dulaan.Isapuso Natin Ihanda ang mag-aaral sa pagpili ng simbolo na nagpapahiwatig ngpagiging masipag, matatag ang loob, at matiyaga. Papiliin ang mag-aaralng simbolong gusto nila at ilagay ito sa pinakamataas na baitang. Angpangalawa at pangatlong simbolo ay sa susunod na mga baitang. 8 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Matapos ito ay magpabuo ng maikling talata tungkol sa simbolong napili. Magbibigay ng paliwanag ang mga mag-aaral kung bakit ito inilagay sa una, pangalawa at pangatlong baitang. Ipagawa ito sa kanilang kuwaderno. Basahin ang ilang talata na ginawa ng mga mag-aaral at magkaroon ng maikling talakayan. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan Natin nang may pang- unawa. Ipaliwanag ang mensahe nito at bigyang-diin ang pagpapahalagang pinag-aaralan. Maaari ding bumanggit ng iba pang mga pahayag ng ilang kilalang tao na nagtiyaga sa buhay upang umunlad at maging isang mabuting miyembro ng lipunang kaniyang ginagalawan. Isabuhay Natin Ipagawa sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang Isabuhay Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Gamitin ang bahaging ito ng aralin upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa kanilang buhay. Itanong sa mga mag-aaral, “Bilang mag-aaral, ano ang karanasan mong nagpapatunay na ikaw ay naging matiyaga? Ano naman ang naging bunga nito sa iyo?” Ipasulat sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang mga karanasan nila na nagpapakita ng pagiging matiyaga at sa katapat naman nito ay ang mga dahilan o bunga ng kanilang pagtitiyaga. Kung kinakailangang magbigay ang guro ng sarili niyang karanasan, ito ay maaaring gawin. Matapos gumawa ng mag-aaral, talakayin ang kanilang mga sagot. 9 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYPara lalong tumimo sa puso at isipan ng mag-aaral ang pagigingmatiyaga ay magpagawa o magpasulat ng maikling pangako ng pagigingmatiyaga bilang mag-aaral at bilang mabuting kasapi ng pamilya. Sa panghuling gawain ay magpasulat sa mag-aaral ng isang gawainsa bahay na maaaring maisagawa nang higit na mahusay kung mabibigyanito ng sapat na oras at magpapamalas ng pagtitiyaga.Subukin Natin Ipaliwanag sa mga mag-aaral kung ano ang inaasahang maisasagawanila sa bahaging ito ng aralin. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto atipasulat ang kanilang sagot sa kuwaderno. Talakayin ang sagot ng mgamag-aaral. Batiin ang mga mag-aaral sa pagtatapos ng aralin at muling ipaalalaang pagpapahalagang tinalakay. Ihanda ang mag-aaral para sa susunodna aralin. 10 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Aralin 3 Pagkamatiisin, Kaya Kong Gawin!Layunin: Nakapagsusuri ng katotohanan bago gumawa ng anumang hakbangin o pagsangguni sa taong kinauukulanPaksa/Pagpapahalaga: Pagkamapagtiis (Patience)Mga Kagamitan: Tsart ng Paggawa ng Desisyon, kuwaderno, sagutang papel, bond paperDEPED COPYIntegrasyon:Filipino – Sining ng PakikipagtalastasanPamamaraan:Alamin Natin 1. Simulan ang aralin sa pagbasa ng kuwento ni Willy. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang ipinahihiwatig ng kuwento. 2. Ipasagot sa kanila ang mga tanong tungkol sa kuwento. a. Papaano ipinakita ni Willy na siya ay isang batang mapagtiis? b. Ano ang natuklasan ng guro ni Willy? c. Ano ang naging daan upang maipagawa ang tulay sa lugar nina Willy? d. Kung ikaw si Willy, magagawa mo bang tiisin ang katulad ng mga naranasan niya? Patunayan. e. Maglahad ng mga karanasan na magpapakita ng pagtitiis sa iyong buhay bilang mag-aaral. 3. Sa pagtalakay ng kuwento, bigyang-diin at pagpapahalaga ang ugaling pagkamatiisin ni Willy. 4. Hikayatin ang ilang mag-aaral na magkuwento ng kanilang karanasan na nagpapakita ng kanilang pagkamatiisin. 11 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYIsagawa NatinGawain 1 1. Magbigay ng sitwasyon na kinakailangang magtiis ng isang bata dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Ipabasa ang mga sitwasyon sa Gawain 1 sa Isagawa Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Gabayang mabuti ang mga mag-aaral kung paano nila susuriin ang mga sitwasyon. 3. Hingan ng mga kasagutan ang mga mag-aaral. Hayaang magpahayag sila ng kanilang maaaring gawin. Pakinggan lamang at tandaan ang mga kasagutan ng mga mag-aaral. 4. Kapag marami nang nakuhang impormasyon sa mga mag-aaral, sabihing magtutulungan sila na alamin ang tamang desisyon na gagawin kaya sama-sama nilang suriin ang sitwasyon. Ipasagot ang mga tanong gamit ang nakahandang Tsart ng Paggawa ng Desisyon.Gawain 2 1. Pangkatin ang klase sa lima. 2. Bigyan ang bawat pangkat ng papel na may nakasulat na sitwasyon na susuriin at bibigyan ng mabuting desisyon bago gumawa ng anumang hakbangin. Tandaan na ang mga sitwasyong ibibigay ay nasa karanasan ng mga batang nasa ikaapat na baitang at ang ugaling maipakikita ay pagkamapagtiis. 3. Ipalarawan ang kasagutan sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang uri ng tsart. 4. Bago ipagawa ang gawain, ipaliwanag muna kung paano susukatin ang kanilang ginawa. Ipakita at ipaliwanag sa klase ang rubrics na makikita sa Kagamitan ng Mag-aaral.Isapuso Natin 1. Ipaalala sa mga mag-aaral na may mga taong kilala nila o malapit sa kanila ang may ginagawang pagtitiis para sa kanila. Sikaping maipalahad sa kanila na dapat silang magpasalamat sa mga taong ito. 12 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 2. Sa isang bond paper, magpaguhit sa mga mag-aaral ng isang puso. Sa loob nito ay gagawa sila ng isang sulat para sa isang taong alam nilang nagtitiis para sa kanila. Ang sulat ay naglalaman ng mga bagay na maaaring gawin ng mga mag-aaral upang masuklian ang ginagawang pagtitiis ng taong kanilang susulatan. Ibig sabihin nito, ginagawa ng mag-aaral ang isang bagay na maluwag sa kaniyang kalooban bilang pagtanaw ng utang na loob at pagpapahalaga sa mga bagay na ginagawa ng kanilang mga magulang o taong alam nilang nagtitiis para sa kanila 3. Ipabasa ang ilang isinulat ng mga mag-aaral at talakayin. 4. Hikayatin ang mga mag-aaral na ipadala ang kanilang isinulat sa kinauukulan. 5. Basahin at talakayin ang Tandaan Natin. Sa pagtalakay nito, bigyang- diin at pahalagahan ang ugaling pagkamatiisin. Itimo sa kalooban ng mga mag-aaral na may mga pagkakataon na kailangang magtiis upang makamit ang mga pangarap. Isabuhay Natin 1. Sabihin sa mga mag-aaral na mag-isip sila ng isang bagay o pangyayari na hindi nila tiniis ngunit kaya naman sanang tiisin. Batay sa bagay o pangyayaring ito, susulat sila sa kanilang sagutang papel ng isang pangako na pipilitin nila itong tiisin para sa kanilang ikabubuti. 2. Maaari itong gawin sa malikhaing paraan tulad ng pagkakaroon ng seremonya upang maging makabuluhan at madamdamin ang bahaging ito ng aralin. Subukin Natin Ipasagot sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang mga tanong sa Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Pasagutan din ang tseklis na makikita dito. 13 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Aralin 4 Magiging Mapanuri Ako!Layunin: Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa mga balitang napakinggan at palatastas na nabasa o narinig.Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)Mga Kagamitan: sagutang papel/malinis na papel, kuwaderno,Integrasyon: larawan ng dart board, ginupit na hugis puso Media LiteracyDEPED COPYPamamaraan:Alamin Natin 1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang kuwento na pinamagatang “Ang Balita ni Tatay Nato”. Ihanda ang mag-aaral sa pamantayan sa pagbabasa. 2. Pagsumikapang maipadama sa mga mag-aaral ang kanilang mga naisin sa buhay na kaya nilang gawin sa kanilang edad. Gamitin ang konsepto ng konstruktibismo kung saan gagamitin ng mga mag-aaral ang kanilang mga karanasan para masagot ang iyong tanong. 3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na tanong: a. Ano ang natutuhan mo sa kuwentong iyong nabasa? b. May pagkakataon bang hindi ka naniwala sa balitang iyong narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan? Ipaliwanag ang dahilan. c. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang naririnig mo sa radyo o nababasa sa pahayagan? Ipaliwanag. d. Naranasan mo na ba na mali ang iyong pagkakaintindi sa balitang iyong narinig o nabasa? Magbigay ng halimbawa. e. Kung ikaw ang bata sa kuwento, susunod ka ba sa paalala ng iyong tatay ukol sa balita niyang napakinggan? Ipaliwanag. 14 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 4. Pag-usapan ang kanilang mga kasagutan. Sa bahaging ito ng pagtalakay, maging sensitibo sa kanilang mga kasagutan. 5. Maaari din na magdagdag ang guro ng kaniyang karanasan tungkol sa kuwento. Isagawa Natin Makatutulong sa pagkilala ng mapanuring pag-iisip ang mga gawain sa Isagawa Natin. 1. Ipagawa sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipasulat sa loob ng kahon ang mga balitang kanilang napakinggan o nabasa. Isulat ito sa kahon ng Magandang Balita at Mapanghamong Balita. Pag-usapan ang mga sagot. Upang matukoy ng mga mag-aaral kung ano ang kaibahan ng mga balita, ipaliwanag muna sa kanila ang kahulugan ng magandang balita at mapanghamong balita Ang magandang balita ay ulat ng mga positibong pangyayari tungkol sa ginagawa ng tao na inaakalang pananabikan o mabatid at mapaglilibangan ng mambabasa, nakikinig o nanonood. Samantalang ang mapanghamong balita naman ay tungkol sa mga pangyayaring may karahasan, droga, seksuwal na hindi angkop sa batang nanonood o nakikinig. 2. Itanong sa mga mga-aaral kung ano ang mga balitang tumatak sa kanilang isipan noong nagdaang araw na masasabi nilang Magandang Balita o Mapanghamong Balita. 3. Upang mabuo ang pangungusap na nasa loob ng kahon, ang mga patlang na bahagi ay pupunan ng mga salitang nais sabihin ng mag- aaral. Kung ang mga balita ay tungkol sa mga negatibong bagay, ang gagawin ko ay __________________________ dahil naniniwala ako na ___________________________________. 15 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY4. Patnubayan ang mga mag-aaral na maisagawa ang Gawain 2 na Mini Presscon. Ang Mini Presscon ay pagpupulong na dinadaluhan ng mga sumusulat ng balita, nagbabalita at manonood na magtatanong sa nagbabalita sa magiging epekto ng balita. 5. Pangkatin ang mag-aaral sa tatlo. 6. Bawat pangkat ay may pagtatanghal o palabas na gagawin batay sa sumusunod: • Unang pangkat - mga tagapagbalita -- lahat ng mahuhusay sa pagsasalita ay magsasama-sama at pipili kung sino ang magiging anchor o tagapagbalita. • Ikalawang pangkat - mga tagagawa ng script -- ang magagaling sa pagsulat ay susulat ng simpleng balita. • Ikatlong pangkat - tagasuri ng balita -- ang mga manonood na magsusuri ng balita at magtatanong sa magiging epekto nito. 7. Gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang gawain. 8. Maglaan ng isang araw para sa Gawain 3. Matapos ang pagtatanghal ay alamin ang mga kasagutan sa mga katanungang nakapaloob sa Gawain 3 sa Kagamitan ng Mag-aaral. Sa bahaging ito, kailangang magamit ang teoryang social-interactive learning. Iparamdam sa mga mag-aaral na sila ay matututo sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan sa kanilang kapuwa mag- aaral. Hayaan silang magbalitaktakan. Huwag kalimutang bigyan sila ng mga pamamaraan kung papaano nila gagawin ang talakayan na hindi makaiistorbo sa ibang pangkat. 16 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYIsapuso Natin Sa pagkilala sa mga kayang magawa, mapapansin na madaling maisusulat ng mga mag-aaral ang kaya nilang gawin. 1. Ipagawa ang Isapuso Natin. 2. Gagawa ang guro ng dart board. Dito ay ilalagay ng mag-aaral ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng puso sa numero ng pagiging mapanuri. May mga numero na katumbas ng antas ng pagiging mapanuri niya bilang mag-aaral sa mga balitang naririnig sa radyo o nababasa sa pahayagan. 3. Ipaskil ang dart board ng mapanuring mag-aaral sa isang bahagi ng dingding bilang lunsaran, pamantayan, o paalaalang kaisipan sa klase. Sa mga gawaing ito, gabayan ang mga mag-aaral sa mga ipinaskil na gawain sa pader ng silid-paaralan. Nilalayon nito na magkaroon ng pagbibigay-papuri at bukas na talakayan hinggil sa kanilang mga reaksiyon sa mga bagay na sinusuri. Magkaroon ng talakayan sa mga sagot ng mga mag-aaral. 4. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng mga mag-aaral. Isabuhay Natin Ipagawa ang Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang bahaging ito ng talakayan ay dapat na pagpapalalim ng tinalakay na paksa. Ipabigkas sa mag-aaral nang may lakas, sigla at may damdamin ang tulang pinamagatang “Mapanuri Ako”. 17 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYHuwag itong hayaang matapos sa pamamagitan ng pagbigkas ngtula ng mga mag-aaral. Isakatuparan ang proseso upang maintindihan atmaikintal sa kaisipan ng mga mag-aaral ang paksang tinalakay sa aralin. Bubuo ng sariling pangako ang mga mag-aaral tungkol sa pagigingmapanuri sa narinig na balita sa radyo o nabasa sa pahayagan. Ipasulat itosa kuwaderno ng mag-aaral. Palabasin ang kahalagahan ng pagtitiwala sasarili at kakayahan. Magdagdag ng mga likhang-kuwento tungkol dito kung kinakailangan.Subukin Natin 1. Ipahanda sa mga mag-aaral ang kanilang sagutang papel at ipasagot ang Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Pagkatapos masagutan ng mag-aaral ang gawain, muli itong iproseso. Mahalaga na maipakita ang kanilang pagninilay sa kanilang mga sagot. Sagutin ang mga sumusunod: • Ano ang iyong masasabi sa iyong mga sagot? • Naniniwala ka ba sa iyong mga sagot? • Pinaninindigan mo ba ang iyong mga sagot? Sabihing muli itong pagnilayan ng mga mag-aaral. Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at ihanda silasa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kungkinakailangan, para magsilbi itong motibasyon sa susunod na pag-aaralan. 18 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Aralin 5 Sa Maayos na Kaisipan, May Tamang PagninilayLayunin: Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa mga napanood na programang pantelebisyonPaksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)Mga Kagamitan: sulatang papel, bond paper, kuwadernoIntegrasyon: Media Literacy Filipino – Sining ng PakikipagtalastasanDEPED COPYPamamaraan:Alamin Natin 1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang usapan ng dalawang mag-aaral. Ihanda ang mag-aaral sa pamantayan sa pagbabasa. 2. Pagsumikapang maipalabas sa mga mag-aaral ang kanilang mga naisin sa buhay na kaya nilang gawin sa kanilang edad. Gamitin ang konsepto ng konstruktibismo kung saan gagamitin ng mga mag-aaral ang kanilang mga karanasan para masagot ang tanong ng guro. 3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong: a. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng dalawang bata sa larawan? b. Nakatulong ba kay Bong ang kaniyang napanood sa telebisyon? Ipaliwanag. c. Paano ito nakaapekto sa kanilang kaisipan at damdamin? d. Kung ikaw si Bong, gagawin mo ba ang sinabi ni Jessa? Pangatwiranan. 19 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY4. Ipatala sa mga mag-aaral ang huli nilang napanood sa telebisyon at hayaan silang ipaliwanag kung ano ang naging epekto nito sa kanilang damdamin at kaisipan. 5. Talakayin ang mga kasagutan ng mga mag-aaral. Sa bahaging ito ng pagtalakay, maging sensitibo sa kanilang mga kasagutan. 6. Maaari din na magdagdag ang guro ng kaniyang karanasan tungkol sa kuwento.Isagawa Natin Makatutulong sa pagkilala ng tamang pagninilay ang mga gawain saIsagawa Natin. 1. Ipagawa sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Pupunan ng mga mag-aaral ng kaniyang mga napanood sa telebisyon ang loob ng hugis na tulad ng nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Itanong kung paano nakaapekto ang mga ito sa kanilang kaisipan at damdamin. Talakayin ang kanilang mga kasagutan. 2. Patnubayan ang mga mag-aaral sa Gawain 2. Bubuo sila ng limang pangkat. Magpatala ng mga impormasyon na napanood ng mga mag-aaral sa telebisyon gamit ang template na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Sa unang kolum, itatala ng mga mag-aaral ang mga programang kanilang napanood. Ipoproseso ito kung ang kanilang napanood ay may positibo at negatibong aspekto. Sa ikalawang kolum ay ilalagay ang aral ng programang napanood at ang hamon ay ilalagay sa ikatlong kolum. 3. Masusing pag-aaralan ng mga mag-aaral ang kanilang itinala. Mula rito, ang bawat pangkat ay pipili ng kanilang gagawing dula-dulaan. 4. Bigyan ang bawat pangkat ng tatlong minuto para sa presentasyon. Gawing magaan sa mag-aaral ang pag-uulat sa unahan. Maaari 20 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY itong maging interactive o sa pamamagitan ng isang paggabay at pagkatuto. Sa bahaging ito, kailangang magamit ang teoryang social-interactive learning. Iparamdam sa mga mag-aaral na sila ay matututo sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan sa kanilang kapuwa mag-aaral. Huwag kalimutang bigyan sila ng mga pamamaraan kung papaano nila gagawin ang talakayan na hindi makaiistorbo sa ibang pangkat. Isapuso Natin Sa pagkilala ng kanilang magagawa, mapapansin ninyo na madaling maisusulat ng mga mag-aaral ang kaya nilang gawin. Ito ay nagpapatunay na alam nila ang kanilang napanood sa telebisyon. 1. Ipagawa ang Isapuso Natin tulad ng nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Ang larawan ng ulo ay iginuhit upang maging sentro ng pagproseso ng napanood ng mga mag-aaral. Sa kahon A, B at C ay ipatatala ang mga nasa isip ng mga mag-aaral nang matapos nilang mapanood ang mga anunsiyo o programa sa telebisyon. Maaaring ang sagot ng mga mag-aaral ay tumutukoy sa kanilang damdamin, reaksiyon o puna sa napanood. Muli, ipaunawa sa mga mag-aaral ang kanilang isinulat sa kahon. Ipasulat naman sa loob ng puso na may kahon ang konkretong natutuhan o aral na naidulot ng anunsiyo o programa sa telebisyon. 3. Ipaskil ang mga gawain sa isang bahagi ng dingding bilang lunsaran, pamantayan, o paalaalang kaisipan sa klase. Sa mga gawaing ito, gabayan ang mga mag-aaral sa mga ipinaskil na gawain sa pader ng silid-paaralan. Nilalayon nito na magkaroon ng pagbibigay ng papuri at bukas na talakayan hinggil sa kanilang mga reaksiyon sa mga bagay na sinusuri. 4. Maaari ding magbigay ang guro ng kaniyang sariling kuro-kuro tungkol sa bukas na pag-iisip at tamang pagninilay sa napanood 21 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
sa telebisyon. Halimbawa: Ang ating mga napanood ay maaaring makaapekto sa atin, maaari din itong gabay para sa ating pag- unlad. Ang patnubay ng mga magulang o nakatatanda sa atin ay makatutulong upang hindi maabuso ang pag-iisip.5. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos itong maisapuso ng mga mag-aaral. Ayon sa MTRCB may anim na baitang sa pag-uuri-uri ng mga pelikulang ipinapakita sa Pilipinas:DEPED COPYG o GP - Para sa lahat ng manonood (mula sa Ingles na General Patronage)PG-13 - Patnubay at Gabay. Mga batang labintatlong (13) taong gulang pababa ay nangangailangan ng pagbabantay ng nakatatanda (mula sa Ingles na Parental Guidance)R-13 - Para lamang sa mga taong labintatlong (13) taong gulang pataas (mula sa Ingles na Restricted)R-16 - Para lamang sa mga taong labing-anim (16) na taong gulang pataasR-18 - Para lamang sa mga taong labingwalong (18) taong gulang pataas.X - Bawal ipalabas sa publikoMay tatlong baitang ng pag-uuri ang kasalukuyang ginagamit ngMTRCB sa pag-uuri ng mga programa sa telebisyon:G - Para sa lahat ng manonood o General PatronagePG - Patnubay at gabay ng magulang ang kailangan oSPG Parental Guidance - Mahigpit na patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.Sa mga palabas ng MTRCB na nagpapahayag ng baitang ng isang programa, ito ay tinatawag na “Striktong Patnubay at Gabay” o Strong Parental Guidance. 22 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYIsabuhay Natin 1. Ipagawa ang Isabuhay Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang bahaging ito ng talakayan ay dapat na pagpapalalim sa tinalakay na paksa. 2. Pag-iisipan ng mga mag-aaral ang tanong na ito: “Nakatutulong ba ang mga programang napanood mo sa iyong pagpapasiya pagkatapos mo itong suriin? Pangatwiranan.” 3. Isakatuparan ang proseso upang maintindihan at maikintal sa kanilang kaisipan ang paksang tinalakay sa aralin. 4. Magpagawa ng tatlong simpleng poster sa temang “Kaya Kong Maging Mapanuring Manonood, Bukas ang Isip sa Tamang Gawi at Asal”. 5. Ipaskil ang gawa ng mga mag-aaral sa Bulletin Board upang makahikayat ng mga mag-aaral na magkaroon ng mapanuring pag-iisip at tamang pagninilay tungkol sa balita at programang napapanood. Bigyan ng pagkilala ang mga mag-aaral na nagpakita ng maayos at magandang poster. Ito ay makatutulong upang makagawa ang mga mag-aaral ng makabuluhang obra. Maaari ding magdagdag ng mga likhang-kuwento tungkol dito kung kinakailangan. Subukin Natin 1. Ipasagot sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Pagkatapos masagutan ng mag-aaral ang gawain, muli itong iproseso. Mahalaga na maipakita ang kanilang pagninilay sa kanilang mga sagot. 23 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY3. Sagutin ang sumusunod: • Ano ang masasabi mo sa iyong mga sagot? • Mapangangatwiranan mo ba ang iyong mga sagot? • Nasagutan mo ba nang buong puso ang mga tanong? • Pinaninindigan mo ba ang iyong mga sagot? 4. Muli itong pagnilayan ng mga mag-aaral. Sabihin sa mga mag-aaral, “Pumalakpak nang limang beses na maytatlong padyak at isigaw ang, ‘galing-galing’!” Mahusay mong natapos angaralin. Ngayon handa ka na sa susunod na aralin.” Magbigay ng takdang-aralin kung kinakailangan para magsilbi itongmotibasyon sa susunod na pag-aaralan. 24 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Aralin 6 Impormasyon: Bahagi at Instrumento sa Aking PagkakatutoLayunin: Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa mga nababasa sa internet at mga social networking sites.Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamahal sa katotohanan (Love of Truth)Mga Kagamitan: sulatang papel, bond paper, laptop, kuwadernoIntegrasyon:DEPED COPYMedia Literacy, ICTPamamaraan:Alamin Natin1. Gabayan ang mga mag-aaral sa larong halo-letra na may pamagat na Internet: For Better or For Worse. Ipaayos ang mga letra sa loob ng kahon upang makabuo ng salita. May mga clue na gagabay sa pagsagot ng mga mag-aaral. Ipasulat sa kuwaderno ng mga mag- aaral ang kanilang sagot.Gabay na sagot para sa guro:1. webpage 5. google2. blogsite 6. youtube3. e-mail 7. facebok4. twitter 8. internet2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.3. Pagsumikapang maipalabas sa mga mag-aaral ang kanilang mga sagot. Gamitin ang konsepto ng konstruktibismo kung saan gagamitin ng mga mag-aaral ang kanilang mga karanasan para masagot ang mga tanong. 25 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Magsasaliksik din ang guro tungkol sa mga sagot upang mas mapalawak pa ang talakayan sa loob ng silid-aralan.5. Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral. Iproseso ito nang maayos sa pamamagitan ng pagkukuwento ng karanasan niya sa mundo ng internet.6. Maaari din na magdagdag ang mag-aaral at guro ng kaniyang karanasan tungkol sa kuwento. Pagsama-samahin ito at iproseso.DEPED COPYIsagawa Natin Makatutulong sa pagkilala ang mapanuring pag-iisip at pagmamahalsa katotohanan ang mga gawain sa Isagawa Natin.1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1. Pupunan ang mga bilog ng mga maidudulot ng internet sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ipasulat sa isang malinis na papel ang sagot ng mga mag-aaral. Talakayin ang kanilang mga kasagutan.Halimbawa ng mga kasagutan ng mag-aaral:Isports - dahil sa internet ay nalalaman ko kung nanalo ba o nataloang paborito kong koponan sa basketball.2. Patnubayan ang mga mag-aaral sa Gawain 2. Pangkatin sa lima ang klase. Pumili ang mag-aaral ng lider at tagaulat. Pagsasama- samahin ng lider ang mga ideya at opinyon ng mag-aaral tungkol sa epekto ng internet.Mga Posibleng Sagot:*Agham *Kasaysayan *Entertainment *Politika *Isports*Medisina *Ekonomiya *Balita *Relihiyon3. Magpaguhit ng dalawang malaking computer. Ipatala sa unang computer ang positibong epekto ng internet at sa ikalawang computer ang negatibong epekto nito. 26 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Ipaulat ang sagot ng bawat pangkat sa harap ng klase. Bigyan ng tatlong minuto ang bawat grupo para sa presentasyon. Gawing magaan sa mag-aaral ang pag-uulat sa unahan. Maaari itong maging interactive na gagabayan ng guro para maproseso. Sa bahaging ito, kailangang magamit ang teoryang social-interactive learning. Iparamdam sa mga mag-aaral na sila ay matututo sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan sa kanilang kapuwa mag-aaral. Huwag kalimutang bigyan ang mga mag-aaral ng mga pamantayan kung papaano nila gagawin ang talakayan na hindi makaiistorbo sa ibang pangkat. Upang muli itong maproseso, itanong sa mga mag-aaral, “Paano nakakaapekto ang internet sa iyong buhay bilang mag-aaral? Ipaliwanag”.DEPED COPYIsapuso Natin Sa pagkilala ng kanilang nagawa, mapapansin na madaling maisusulatng mga mag-aaral ang kaya nilang gawin. Ito ay nagpapahiwatig na alamnila kung ang kanilang napanood/nabasa sa internet ay positibo o negatibo.1. Ipagawa ang Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.2. Itanong sa mga mag-aaral, “Sa paggamit ng internet, nasa anong lebel mo maikakategorya ang iyong sarili sa pagtuklas ng katotohan?”Kategorya:1 - 2 Hindi Mahusay sa paggamit ng internet3-4 Medyo Mahusay sa paggamit ng internet - nagagamit5-6 ngunit walang pakialam sa mga binubuksang sites7-8 Mahusay sa paggamit ng internet - pinapasok ang mga sites pero alam ang limitasyon ng pagpasok Mahusay na Mahusay sa paggamit ng internet - nakapagpapasiya sa pupuntahang sites, blogsites o paggamit ng social media na walang halong kalokohan kung hindi ay pang-edukasyon at pagpapaunlad ng kaisipan. 27 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot. Sabihin sa mag-aaral na “Honesty is the Best Policy”, lalo na sa pagbibigay ng hatol sa kanilang lebel sa paggamit ng internet. 4. Ipaskil ang ginawa ng mga mag-aaral sa pisara bilang lunsaran, pamantayan, o paalaalang kaisipan sa klase. Sa mga gawaing ito, gabayan ang mga mag-aaral sa mga ipinaskil na gawain sa pisara ng silid-paaralan. Nilalayon nito na magkaroon ng pagbibigay ng papuri at bukas na talakayan hinggil sa kanilang mga reaksiyon sa mga bagay na sinusuri. Kailangan ng mga mag-aaral ang kanilang lebel ng kahusayan sa paggamit ng internet at ipaunawa muli ang epekto nito. Maaari ding imodelo ang sarili bilang guro na ang pinupuntahang sites, blogsites at social networking sites ay maayos, tama at makatutulong sa pag- aaral. Ipaunawa rin sa mag-aaral na may mabuting epekto at di- mabuting epekto ang internet. 5. Ngayon ihanda ang mga mag-aaral sa pagsagot sa mga tanong: a. Masasabi mo bang hindi ka umaabuso sa paggamit ng internet? b. May mga site sa internet na malalaswa at mapangahas. Paano mo magagawa bilang mag-aaral na kahit walang nakatingin sa iyo ay kaya mo itong mapaglabanan at iwasan? 6. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos itong maisapuso at maisabuhay ng mag-aaral.Isabuhay Natin Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panalangin ng Isang Netizen nanasa Kagamitan ng Mag-aaral. Talakayin ang nilalaman ng panalangin at gabayan ang mga mag-aaral sa pagproseso nito upang ito ay kanilang maintindihan at maisabuhay. 28 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 453
- 454
- 455
- 456
- 457
- 458
- 459
- 460
- 461
- 462
- 463
- 464
- 465
- 466
- 467
- 468
- 469
- 470
- 471
- 472
- 473
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 473
Pages: